CHAPTER 15: RETURNING NINTENDO

1254 Words
"Enjoy your meal mam sir" sabi ulit nung babae saka umalis. "Suyodin nga natin lahat ng kainan dito, baka may booth na ganito, samantalahin na natin" tuwa pa nyang sabi sakin "At talagang ginagaling ka naman ano?" sabi ko sa kanya. "Aba, free foods din" sabi nya ulit. "Alam mo bilisan mo na lang dyan, at anong oras na umuwi na tayo, maaga pa tayo ulit gigising bukas" sabi ko sa kanya, sumimangot naman sya sakin. "Ang KJ mo eh" reklamo nya "Hindi ka pa ba nabusog dito? Sa dami nito? Hindi natin mauubos to" sagot ko sa kanya "Pwede naman natin ipatake out to ah, iuwi natin kay ate" sagot nya din sakin "Sige na, bilisan mo na" sabi ko ulit sa kanya. Habang pinapatake-out ni Bryce yung mga sinerve samin na hindi namin naubos, nagpunta naman muna ako sa Cr at naghilamos, napahawak naman ako sa lips ko, ilang beses na naglalapat lips namin ni Bryce, mas lalo ako nahuhulog sa kanya tuwing magkakadikit labi naming dalawa, baka isang araw bumigay na ako. "Tagal mo naman sa CR" reklamo sakin ni Bryce pagkalabas ko ng CR. "Para 5 minutes lang, tagal na agad" reklamo ko din sa kanya. "Thank you mam and sir, come back again, Be strong!" cheer nung waitress. "We will, thank you" nakangiting sagot ni Bryce, tapos hinawakan nya yung kamay ko at pinakitang magkaholding hands kami dun sa waitress, kaya kilig na kilig yung babae. Hanggang sa makarating kami ng bahay hawak hawak nya yung kamay ko, hindi ko na nagawang tanggalin kamay nya sa kamay ko dahil sobrang sarap sa pakiramdam. *CYRUS POV* "Sige kita na lang tayo bukas, 7 dapat andun na ha" sabi sakin ni Kevin. "Ok no probs" sagot ko tapos lumabas na sya ng exit nitong mall, habang nabili kasi ako kanina ng gagamitin ko bukas para sa play, nakasalubong ko sya, bumalik naman ulit ako dito sa loob ng mall, nakalimutan ko bibili ngapala ako ng dinner sa Jaousi. "Sir ano pong order" tanong sakin dito sa counter. "Isang Large ham and cheese pizza, isang P5 and large na yung drinks" sagot ko "Okay po sir, any additional po?" tanong ulit sakin. "Lasagna and baked potatoes" sagot ko ulit "Okay po, ito po ang number sir, pakiwait na lang po" sabi ulit sakin, kaya kinuha ko yung number at umupo muna ako para antayin inorder ko. "Bakit sungay?" kinig kong imik "Boses ni Bryce yun ah" sabi ko sa sarili ko kaya lumingon ako sa may likuran ko, andun sila ni Kira sa may Kissing booth, aba't talagang? Kissing booth ha? Nakaamin na kaya si Bryce? Sila na kaya? Means panalo ako sa pustahan namin ni Kira. "Mam, sir dito po tingin" sabi nung photographer, tapos nagtabi sila ni Bryce at nag peace sign pose kaya bahagya ako napatawa, para silang mga ewan. "Ay? Couple po ba talaga kayo? Bakit peace sign? Yung ibang nagpopose dito ang sw------" di pa man nakakatapos magsalita yung photographer, hinagip agad ni Bryce mukha ni Kira sabay halik sa labi kaya napanganga ako. "Homygoosh!" bulong ko sa sarili ko, wah grabe Bryce, ikaw na talaga. Kilig na kilig naman yung mga katabi ko na nanonood din sa kanila. "Sana all" sabi nila. "Ay ang wild ni sir, yan ang gusto namin dito" tuwang sabi nung photographer, kaya napangiti ako, grabe super wild talaga, may maaasar ako bukas. Grabe, grabe hindi ko kinaya si Bryce, kahit sa public walang patawad, well kaya nga kissing booth eh, habang nakahalik si Bryce kay Kira kinukuhaan naman sila ng picture nung photographer, sayang saya naman akong nanonood dito sa may pwesto ko. "Sir ito na po yung order mo, thanks po, come again" sabi nung waitress sakin,l kaya nginitian ko, pagkatayo ko pumunta na si Kira dun sa table nila, tapos si Bryce ngiting ngiti habang nakatingin dun sa picture nilang dalawa. Kinabukasan, huta tinanghali ako ng gising, kinikilig kasi ako kay Bryce at Kira, sila na kayang dalawa? Maya maya pa, dumating na din si Bryce, Kira at Kevin magkakasabay silang pumasok dito sa music club. Ngumiting demonyito naman ako kay Bryce, pagkalapit nya sakin. "Kita ko kayo ni Kira kagabi sa Jaousi, sa kissing booth" pabulong kong biro kay Bryce, ngumiti naman si Kumag. "Kayo na?"  tanong ko ulit "Hindi pa" sagot nya "Tangna? Hindi pa pero nagkikiss?" "Sa ngalan ng pizza" sabi nya sabay ngiti at kuha dun sa gitara nya. "Kira, mamaya pagkatapos nyo mag perform para sa Drama Club, punta ka agad sa Dance Club ah" sabi ni Kevin "Okay" sabi ni Kira sabay okay sign. "Punta ka na sa Drama Club para maayusan ka na" sabi ko naman. "Sige, mamaya na lang Kevin" sabi ni Kira, kaya tumango si Kevin,   tapos pansin ko na bahagya pa napatingin si Kira kay Bryce bago pa man sya umalis. "Ano kakantahin mo  mamaya?" tanong ni Kevin kay Bryce. "Kahit ano" nakangiting sabi ni Bryce, hmm good mood na good mood eh, sino ba naman hindi magiging good mood eh nakatuka sya ng isa kay Kira kagabi. "Good mood ka yata ah" pabirong sabi ni Kevin sa kanya. "Sabihin na lang natin na maganda lang gising ko" sabi nya kaya napatawa ako "Bakit?" takang tanong ni Kevin "Wala naalala ko lang, nadulas ako kagabi" palusot ko na lang *ACE POV* Papunta na sana ako sa Dance Club nung nakita ko si Dean. "Ace!!!" kaway nya sakin "Ano ginagawa mo dito? Akala ko may trabaho ka ngayon?" tanong ko "Andito ako para panoodin si Kira, balita ko kay Bryce aacting at sasayaw nya ngayon ah" tuwa nyang sabi "Ah oo, mamayang gabi guest ka dun sa Seniors night" nakangiti kong sabi "Huh? Hindi naman ako inform" "Dapat tatawagan sana kita mamaya pagkagaling ko sa Dance club eh ito andito ka naman" sagot ko "Kira!!!" tawag ni Dean kaya nilingon ko kung nasan si Kira, "Kuya? Ginagawa mo dito?" takang tanong ni Kira sa kanya habang papalapit sa pwesto namin. "Papanoodin kita, masama ba?" tanong ni Dean "Hindi naman pero diba may trabaho ka?" tanong ni kira "Oh ngapala, regalo ko sayo, Birthday mo bukas ah" sabi ni Dean sabay abot nung box na pinadala ko kay Bryce kahapon. "Birthday mo bukas?" gulat kong tanong sa kanya "Opo ate" nakangiti nyang sagot sakin. "Sorry ah, kung hindi kita masasamahan mag celebrate bukas, may meeting kasi kami eh, importanteng andun ako, kaya nga ngayon andito ako para iadvance, kain tayo sa labas mamaya, kahit ano gusto mo bibilhin ko" nakangiting sabi ni Dean "At saka ito ngapala, dahil nag iimprove ka, ibabalik ko na tong nintendo mo" dagdag ni Dean kaya napangiti ako kay Kira. "Uwaaaw!! Thank you ng madami kuya!!!!" tuwang tuwang sabi ni Kira habang kinukuha nya yung nintendo nya sa kamay ni Dean. "Wag mo lang pababayaan grades mo ha" bilin ni Dean, tumango tango naman si Kira habang nakangiti. "Ano to?" tanong nya habang tinitignan yung box "Favorite flower mo, mamaya mo na buksan pag nakauwi na, baka mabasag pa" sabi ni Dean. Habang naglalakad lakad kaming tatlo, napadaan naman kami dito sa may venue kung san andun sila Bryce kaya napatigil si Kira sa paglalakad at nanood. "Kira, kelangan ka na sa Drama club para ayusan" sabi ko "Wait lang po ate, panoodin ko lang si Bryce" sagot nya sakin habang nakatingin kay Bryce. "It's been a month na nung huling performance namin, sana hindi ako pumiyok" pagbibiro ni Bryce, nag cheer naman yung ibang babaeng studyante sa kanya, aaminin ko pretty popular tong kapatid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD