CHAPTER 13: DELIVERING THE PACKAGE

926 Words
"Kapal ng face mo, ikaw kaya mag impake ka na at umuwi sa inyo" sabi nya kaya sa pikon nabatukan ko sya ng isa. "Wag ka din makapal ang mukha, hinding hindi ako mahuhulog sa kagaya mong damuho" asar kong sabi sa kanya kaya napatawa sya. "Sige na Kira, sayang oras natin" sabi naman ni Cyrus. "Bye babe" pang aasar pa ni Bryce "Wag mo na lang pansinin" sabi ni Cyrus sakin "Ano pa nga ba" sagot ko. *BRYCE POV* "Oy Bryce, tawag ka ni Mam ace, punta ka daw sa office" sabi nung isa kong kaklase, ano na naman kaya yun? Wag sabihing may ipapadala na naman sya sakin., Pagkadating ko naman sa office.. "Bryce, pwede bang ibigay mo to kay Dean" sabi ni ate kaya nanlaki mata ko. "Ala, bat ako?" agad kong tanong "May pupuntahan akong importante, saka may itatanong din daw sya sayo kaya ikaw na mag bigay, sabi ko sa klutch kayo magkita mamaya" sabi nya, napakamot naman ako sa ulo ko. Hindi ko alam pero natatakot talaga ako pag nakikita ko Kuya ni Kira, akala mo tatanggalin nya lagi yung ulo ko, inabot naman sakin ni Ate yung maliit na kahon kaya inalog alog ko. "Sige, alugin mo pa, pag nabasag yan bahala ka kay Dean" pananakot ni ate. "Bakit kasi ako pa? Pwede namang idaan mo sa kanya bago ka pumunta dun sa pupuntahan mo" reklamo ko "Eh ikaw nga gusto nya magdala, may sasabihin daw" sabi ni ate, kaya bigla naman ako kinabahan. "Pumunta ka na, baka andun na yun" dagdag ni ate. Pagkadating ko naman dito sa may pintuan ng klutch, nangangatog pa tuhod ko humakbang paakyat ng hagdan para buksan yung pinto, ano kaya sasabihin sakin ng kuya ni Kira? Wala naman ako kasalanan sa kanya. "Kanina ka pa?" tanong sa may likuran ko kaya napaigtad ako sa gulat, pagharap ko si Kuya Dean. "Oh bat parang nakakita ka ng multo?" pabiro nyang tanong sakin "Pinabibigay po ni ate" sabi ko sabay abot dun sa box na agad naman nya kinuha, habang binabasa nya yung label, bahagya naman ako tumalikod hahakbang na sana ako paalis kaso-- "Halika, kumain muna tayo" sabi nya kaya napabaling ulit ako paharap sa kanya at pilit ngumiti. "Kamusta si Kira?" tanong nya sakin habang nakain kaming dalawa "Okay naman po Kuya, may play po kami bukas, kasali po sya sa play ng Drama club at Dance club" "Huh? Akala ko ba nasa sports club sya? Bat bigla napunta sa Drama club at Dance club? Ilan ba club na sinalihan nya?" takang tanong ni Kuya Dean. "Isa lang po, kaso pinakiusapan sya nung mga taga Drama Club na mag portrait sa characther ni Liqui, tapos pinakiusapan naman sya ni ate na palitan yung isang nag back-out dun sa Dance club" paliwanag ko, napangiti naman si Kuya Dean. "Mukhang nag iimprove na sya, kamusta naman grades nya?" tanong nya "Okay naman po Kuya, hindi tulad dati na mabababa" sagot ko "That's good" nakangiting sambit ni Kuya kaya napangiti din ako. Pagkatapos namin kumain.. "Oh sige, pakikamusta na lang ako kay Kira, sabihin mo manonood ako sa kanya bukas" sabi ni Kuya. "Okay po" sagot ko, tumalikod naman sya at naglakad palayo kaso--- "Kuya!!!!!!" sigaw ko, kaya napalingon ulit sya sakin "Bakit?" taka nyang tanong, agad naman ako tumakbo papalapit sa kanya sabay luhod. "Teka! Ano ginagawa mo, tumayo ka nga dyan, baka mamaya kung ano isipin ng mga tao" pakiusap nya sakin habang itinatayo ako. "Kuya, please po ibalik mo po kahit yung nintendo lang ni Kira, please po Kuya" makaawa ko. "Bat ikaw ang nag mamakaawa sakin na ibalik yun salip na si Kira, tumayo ka na dyan, bilisan mo" sabi ulit ni Kuya sakin "Kuya hindi ako tatayo dito hanggat hindi ka napayag, please po kuya, matataas na naman po grade nya kuya eh, saka nagsisikap na naman po sya, Kuya iconsider mo na lang as a treat sa kanya dahil sa pagod na dinadanas nya tuwing practice, kung alam mo lang kuya alas kwatro pa lang gising na yun, papasok ng maaga tapos pagkatapos ng practice sa Dance club, practice naman sa drama club, tapos pag dadating sya sa bahay pagod na pagod sya" makaawa ko. "Sige na sige na, ito na" sabi ni Kuya kaya napatingin ako sa kanya, pagkakuha nya nung nintendo ni Kira sa bag nya "Eto na , binabalik ko na, ibigay mo sa kanya, kaya tumayo ka na dyan" sabi nya habang inaabot sakin yung nintendo, tumayo naman ako at-- "Kuya, ikaw na lang po mismo magbalik sa kanya, saka po wag mo sabihin kuya na nag makaawa ako na ibalik mo yung nintendo nya, please po" makaawa ko ulit. "Ang gulo mo, kanina halos mag kang iiyak ka, ngayong binabalik ko na ayaw mo naman tanggapin" confuse na sabi nya sakin. "Iba po kasi yung ikaw ang nagbabalik kuya, mas matutuwa po yun, wag mo na lang po sabihin na nagmakaawa ako, sige na kuya pleaseee" sabi ko ulit. "Oh sige, bukas bibigay ko sa kanya" sabi ni Kuya, kaya napangiti ako. "Thanks ng madami Kuya" nakangiti kong sabi "Sige na, may pupuntahan pa ako" sabi nya, kaya ngumiti ako at tumango, masayang pinanonood ko na lang si Kuya Dean habang papalayo, for sure matutuwa ng husto si Kira. Pasalamat sya mahal ko sya, pero kunwari hindi pa din ako susuko, mas gusto ko na sya ang unang sumuko saming dalawa, randam ko sa kanyang nahuhulog na sya sakin, hindi nya marefuse yung mga halik na binibigay ko sa kanya, konting push pa Bryce.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD