CHAPTER 10: THE DINNER

1572 Words
"Yan okay na to, pagluluto ko na lang sya" sabi nya, kaya napakunot ako ng noo "Bakit? Hindi ba marunong mag luto yun si Bryce at ikaw pa magluluto?" tanong ko "Hindi, baka pag yun nagluto, sunog bahay nila" sabi nya sabay tawa, tapos dinala na namin sa counter yung pinamili nya "Ako na mag babayad" sabi ko "Naku hindi na, ako na,nakakahiya naman sayo saka sisingilin ko to mamaya kay Bryce kaya ako na" sabi nya kaya napangiti ako, ang ganda ng relationship nila ni Bryce. Swerte din ni Bryce kasi meron syang Kira na nag aalala para sa kanya, pero sana naman sagutin ako ni Kira. Pakiramdam ko tagilid na panliligaw ko sa kanya. "Okay na, tara na" masaya nyang sabi, parang sayang saya pa sya at uuwi na kela Bryce. *BRYCE POV* "Bryce, sure ka ba talaga na okay lang sayo ligawan ko si Kira?" tanong sakin ni Kevin, hampas ko sayo tong gitara ko eh nakita mo "Oo, wala naman ako pake dun" sagot ko sa kanya "Wala? Eh pakiramdam ko sayo parang ayaw mo na magkalapit kami" sagot nya sakin, ayaw ko talaga, kaya subukan mo pang lumapit sa kanya uubusin ko lahi mo "Hindi ah, kala ko kasi talaga hahalikan mo sya, lagot ka sa kuya nun" sagot ko ulit "Well, malaki na naman si Kira, hindi na naman sya 17 para hingin pa consent ng kuya nya kung pwede ba sya halikan o hindi" sagot nya, eh kung tapyasin ko kaya yang nguso mo "Gaya ng bilin sakin ng kuya nya, alagaan ko daw bunso nyang kapatid" sagot ko "Parang mas overprotective ka pa sa kuya nya eh" sagot nya sakin, talaga lang, hinding hindi ko hahayaan na sayo sya mafall. "Mag practice na lang tayo" sabi ko sa kanya. Pagkatapos namin mag practice ng halos ilang oras.. "Bryce!" tawag sakin ni ate "Punta ka nga sa office, kunin mo yung mga papel na iuuwi ko sa bahay, iuwi mo na, may importante lang ako aasikasuhin, mauna na kayo ni Kira umuwi, malalate ako" dagdag nya "Ba naman yan! Kanina pa sigurado nag aantay yun si Kira sa opera club eh" asae kong sabi "Bukas na lang ulit" sabi ko naman kay Kevin, tumango naman sya sakin at umalis, pagkadating ko sa office. "Sir, yung mga papel daw po na iuuwi ni ate" "Ah andun, tiponin mo na lang tapos ito tali, itali mo" sabi sakin ni Sir sabay abot ng tali, papadyak padyak naman ako ng paa nung nakita ko yung mga papel na hindi nakaayos ng mabuti, tatagalin ako nito eh, maiinip si Kira kakahintay sakin, well kung iintayin nga ba naman nya talaga ako? Tuwing umaga lagi na lang nya ako iniiwan, dati sabay pa kami pumasok, pagkatapos ko itali yung mga papel, binitbit ko naman agad at nagtatakbo papunta sa opera club, pagdating ko dun wala ng katao-tao, ako lang pala nag aassume na iintayin nya ako, pagkauwi ko naman sa bahay, ipinatong ko sa sofa yung mga papel na sinasabi ni ate. "Kira!!!!" tawag ko agad, pero walang sumagot, kaya dali dali ako umakyat ng kwarto, wala pa din sya, napatingin naman ako sa orasan ko alasais na. San naman kaya pumunta yun? Baka kasama ni Cyrus? Baka gumimik, kinuha ko naman phone ko at tumawag kay Cyrus. "Hello!" asar nyang sagot sakin "To naman, kala mo namang may kasalanan ako sayo" sagot ko din sa kanya "May ginagawa kasi ako, ano ba kasi yun?" tanong nya "Magkasama ba kayo ni Kira? Asan kayo?" tanong ko "Bakit? Wala pa din ba sya dyan sa inyo? Iniwan ko sya sa drama club kanina" sagot nya "Ha? Eh wala na sya dun nung pumunta ako eh" "Oh eh baka may pinuntahan lang, antayin mo kaya umuwi, o kaya sya tawagan mo hindi ako" asar nyang sabi sabay baba ng phone. Agad ko naman dinial number ni kira kaso- "The number you have dial is eith--" di pa naman makatapos magsalita, pinatay ko na. Nakakaasar, asan na naman kaya yung babaeng yun. Agad naman ako nagpalit ng damit tapos, pumunta ako sa may 7/11 minsan natambay sya dun eh nakain ng ice cream, pero pagkadating ko sa 7/11 wala sya, bumili naman ako ng 1 galloon na ice cream, paborito nya to eh, papakain ko sa kanya lahat para sumakit tyan nya haha, lactose intolerant kasi yun, pero ang motto nya kain now, tiis later. Di nya maresist temptation ng ice cream, dumaan din naman ako sa may park kaso wala din sya, dumaan din ako sa may 555 wala din, san na kaya nag susuot taong yun, pagkauwi ko naman sa bahay, nilagay ko muna sa freezer yung binili kong ice cream para sa kanya, natunaw na kasi kakahanap ko sa kanya, umupo naman muna ako dito sa may sofa, nakakapagod maglakad, makalipas ang ilang minuto, napatingin ako sa relo ko, mag aalas-otso na wala pa din sya. "Sige, bukas na lang" kinig kong imik ni Kira, kaya tumayo ako at sumilip agad sa bintana, kumulo naman dugo ko nung nakita kong si Kevin kasama nya, a-huh! Kaya pala di agad sya nakauwi ng maaga ha,nagdate pa pala sila ni Kevin, samantalang mamatay na ako kakahanap sa kanya. "Sige, last day na bukas goodluck satin" cheer ni Kevin, tapos tumitig si Kevin sa kanya, agad naman tumalikod si Kira, very good babe, kaso hinagip ni Kevin yung kamay nya tapos iniharap nya si Kira sabay kiss sa cheeks, padyak naman ako ng padyak ng paa dito sa may likod ng kurtina, nakakaasar gungggong na yun ah! Tapyas sakin nguso nun bukas, pero ahhhh! Nakakainis talaga!!! Kelangan mapasuko ko na si Kira para makaamin na akong mahal ko na sya, pagkasilip ko ulit nakangiti si Kevin kay Kira, tapos nag babye na sya sabay talikod at alis, kita ko napahawak si Kira sa cheeks nya,mamaya ka sakin, tapos kita ko din na pumasok na sya ng gate, kaya nagtatakbo na ako papunta sa kwarto namin at humiga, maya maya pa, kinig kong pumasok na din si Kira dito sa kwarto namin, tapos kinig ko ding bumukas yung cabinet nya, for sure magpapalit na sya ng damit, makalipas ang ilang segundo, ramdam ko na umupo sya dito sa kama ko at humawak sa balikat ko. "Bryce?! Tulog ka na ba?" tanong nya sakin, nagtulog tulogan naman ako. "Bryce?" tanong nya sakin habang tinatapik balikat ko "Kumain na kaya to? For sure hindi, Bryce gising! Kain tayo may binili ako para sayo" sabi nya, kaya di ko mapigilan ngumiti kahit nakapikit. "Bryce!!!" sabi nya sabay sampal sa mukha ko, kaya napaigtad ako, agad naman ako bumangon habang nakahawak sa pisngi ko "Aray ko ha!!! Putolin ko yang kamay mo eh!!" reklamo ko sa kanya "Alam kong gising ka pa damuho ka, ngingiti ngiti ka pa eh" asar nyang sabi sakin. "San kayo galing ni Kevin!!" asar ko ding tanong sa kanya "Pano mo nalaman? Ah tek--" hindi ko na sya pinatapos at nag smack kiss na agad ako sa lips nya, macocorner ako eh, kasi naman Bryce! Wag pairalin selos. Agad naman ako tumayo at lumabas ng kwarto sabay punta sa kusina para tignan yung pinamili nya, napangiti na lang ako nung nakita ko lahat ng paborito ko. "Umupo ka na dyan, pagluluto kita" sabi nya kaya napangiti ako, swerte ko talaga, pag sya naging girlfriend o kaya asawa ko, all in one na, habang nagpreprepare sya ng gimbap, nakatitig naman ako sa kanya. "Bakit ngiting ngiti ka dyan?" tanong nya sakin, ay luh? Di ko alam sa sarili ko na nakangiti ako "Swerte ko kasi may taga luto ako" sagot ko na lang sa kanya "Pasalamat ka at dito ako tumira sa inyo kundi, mukha ka ng tyanak" pang aasar nya sakin, tapos naalala ko kiniss ngapala sya ni Kevin sa pisngi, tumayo naman ako at kinuha yung ice cream sa freezer, tapos binuksan ko at nagkudlit ako sabay pahid sa mukha nya. "Ay hutek to? Ano yun!! Ang lamig" reklamo nya sakin "Ice cream" nakangisi kong sagot sa kanya, napaharap naman sya sakin "Wow! Binili mo?" tuwa nyang tanong, sabi ko na eh mag twitwinkle na naman mata nya. "Oo" nakangiting sagot ko ulit sa kanya. Pinatong ko naman yung ice cream sa lamesa tapos kumuha ako ng panyo. "Punasin natin" sabi ko sabay punas dun sa ice cream na pinahid ko sa mukha nya, dito din sya hinalikan ni Kevin eh, bwesit yun sige punasin natin para mawala nguso nya dito sa pisngi ni Kira. "Aray ko naman, parang galit na galit ka dyan sa pagpupunas ah" reklamo nya sakin. "Ay hehe, oh yan wala na" sabi ko sa kanya. Tapos, kumudlit din sya dun sa ice cream sabay pahid sa pisngi ko kaya napangiti ako, tapos bumalik na ulit sya sa pagluluto, pagkatapos nya magluto, hinainan pa ako, oh diba, swerte ko naman talaga, habang nakain "Bakit puro ice cream ka dyan? Kumain ka na muna" sabi ko sa kanya "Okay lang, nag dinner na naman kami ni Kevin bago umuwi" sabi nya, kaya medyo nabadtrip na naman ako, habang ako balisang balisa kakahanap sa kanya tapos sya naman masaya pang nakipag dinner date kay Kevin, tinuloy tuloy ko na lang pagkain ko, pagkatapos ko kainin yung prinepare nya kumuha ako ng baso at umupo sa katabi nya saka nakikain ng ice cream. "Mamaya sakit ng tyan mo" sabi ko sa kanya "Okay lang may gamot naman" tuwa pa nyang sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD