Chapter 15

2228 Words
(Dane's POV) "Dane? Where's bunso?" kuya Danielle ask pagkasagot ko ng tawag niya. Agad din namang napakunot ang noo ko sa tanong niya at naitigil ko rin agad ang mga ginagawa ko. "Nasa mansion siya Kuya, alam mo naman sina Ouji, hindi siya pinapayagang lumabas," I answered immediately. "Hindi sumasagot sa mga tawag ko, nandito rin ako sa mansion pero wala rin siya dito. Ang sabi ng maid nasa kwarto daw at hindi lumalabas pero wala rin naman siya doon," kuya Danielle said again. "Kuya ipahalughog mo na lang ang buong mansion, hindi yan aalis diyan, malaki ang mansion baka kung nasaan lang yan," I said again. Napatingin lang din ako kay ate Selene na kasama ko sa office ng mapatingin din siya sa akin. "I already did Dane, kaso wala talaga siya. Sigurado akong natakasan niya itong mga bantay dito. Nasaan na naman kaya iyong kapatid natin na iyon," kuya Danielle said again. What the fvck? Baka nga tumakas na naman ang isang ‘yon kung ganoon. "Kuya, pauwi na kami magkita na lang tayo diyan, ipahanap mo na lang din siya sa buong mansion, okay?" I said then I ended the call. Napatayo na lang din ako at ganoon din si ate Selene na nakatingin lang din sa akin. "Ate, nawawala na naman si Xion I need to go. Are you coming with me?" I ask her immediately. "Sige, mauna ka na. Bibilinan ko lang din muna ‘yong secretary and I’ll follow," agad na sagot sa akin ni Ate. Tumango na lang din ako sa kanya saka ko kinuha ang mga gamit ko at nauna na akong lumabas sa kanya. Pakiramdam ko rin ay natataranta na naman ako, kapag kasi may nawawalang kahit isa sa amin lalo na kapag si Xion ay talagang matindi ang kaba ko. Siya lang din naman kasi ang madalas mawala sa amin. Lagi na lang siyang ganyan. Mabilis lang din naman akong nakarating sa carpark at agad din akong sumakay sa kotse ko, bago ako umalis ay nagpadala na lang din muna ako ng message sa iba pa para tulungan din nila kaming maghanap kay Xion bago ako tuluyang umalis sa company namin. (Xion's POV) Humawak muli ako ng palaso at saka ko iyon inilagay sa busog saka ako muling tumira sa target. Ayos talaga ang isang ‘to, ngayon ko lang nalaman na may ganito pala rito sa mansion na ito, kapag wala sila ay dito na lang din ako palaging magpapalipas ng oras. Noon pa man kasi ay archery na ang forte ko. Simula pa lang noong mga bata pa kami, kapag pakiramdam ko ay sobra na naman akong nagagalit ay humahawak palagi ako ng palaso para maibsan ang lahat ng galit na iyon. Noon kasi, b***l means war for me and arrow means a relief, ginagawa ko ito para mabawasan ang bigat at the same time ay para makapag-isip ako ng mas maayos tungkol sa mga bagay-bagay. "Lady Xion, naririto na po ang mga ipinapaayos ninyo,” bungad sa akin ng isang butler ng mga Steinckert paglapit niya sa akin. "Maraming salamat," I just said to him. Agad ko ring isinukbit ang lalagyan ng mga arrow na kasama ng iniabot niya sa akin saka ako lumakad papunta sa kabayo na di kalayuan sa akin. Ibang klase talaga ang lugar na ito, tinatawag nila itong dark camp, hindi ko rin alam kung bakit basta nasa likuran ito ng mansion ng mga Steickert. Kalapit ang field na ito ng rancho nila, ang weird talaga ng mga ‘yon, pero ang cool din naman dito. "Lady Xion, mawalang galang na ho ngunit kanina pa ho nila kayong hinahanap," mayamaya ay sabi sa akin ng butler na kasama ko pagbalik ko sa kanila. Napatingin lang din naman ako sa kanila saka ako muling kumuha ng mga palaso. "Ako na ang bahala sa kanila," I just answered. Maaga pa naman hindi ba? At ang usapan ay bawal lang akong lumabas ng mansion, don’t tell me ayaw rin nila akong palabasin sa mismong bakuran ng mansion. Paalis na sana akong muli ngunit napatigil ako dahil nag-vibrate muli ang cellphone ko na nasa bulsa ko, kinuha ko naman agad iyon at nakita ko rin kaagad ang message na galing sa isang unknown number but I knew kung kanino galing ito. ‘Nagawa na namin Empress, malinis at walang bakas, wala rin kaming iniwan gaya ng napagusapan.’ Rain texted. ‘Good. Sige na, maghanda kayo sa aking sorpresa sa mga susunod na araw.’ I replied. Matapos ko siyang replayan ay bumaba na lang din agad ako sa kabayo at hindi na muling tumuloy sa ginagawa ko. Ibinalik ko na rin kaagad ang bow and arrows na hawak ko saka ako lumakad. Sumunod din naman agad ang mga butler na kasama ko kanina pa hanggang sa makabalik na kami sa mismong mansion. "Xion?" bungad nilang lahat sa akin dahilan para agad ding mapakunot ang noo ko. Akala ko naman ay ang mayordoma lang ang naghahanap sa akin, sila pala ang tinutukoy ng butler. "Paumanhin young master Ouji, hindi namin naipaalam agad na kasama namin si lady Xion sa dark camp," agad na sabi noong isang butler pero pinigilan ko na siya. Yumukod lang din naman siyang muli kaya nauna na lang din akong pumasok sa mansion sa kanila. Nasaan na kaya iyong iniutos ko sa ibang butler? Nandito na sila baka makita nila iyon. Nagpatay-malisya na lang din ako saka ako naupo sa sala, pag-upo ko ay saktong sakto naman na nakita ko iyong inutusan kong butler pero agad din siyang tumungo sa akin. Umalis din siya kaagad na walang ibinibigay sa akin kaya naisip ko ng nakita na nila ang bagay na iyon. Kuya Kei then throw an envelop sa kaharap kong table na agad ko lang ding tiningnan, binuklat ko lang din iyon saka ko nakitang ginawa nga niya ang ini-utos ko. "Pupunta ka sa Japan? Bakit Xion? Hindi ba kabilin-bilinan ng mga elders na walang aalis?" kuya Kei hurriedly ask. Agad din naman akong natawa sa sinabi niya saka ko siya tiningnan ng casual lang. “May pakialam ba ako sa sasabihin ng kahit na sino? Wala rin akong dapat ipaliwanag sa inyo,” agad kong sagot. Ininom ko lang din kaagad ang tubig na iniabot sa akin ng maid habang tahimik lang ang iba naming kasama. “Xion? Delikado ang ginagawa mo,” kuya Lei also said. "Japan is my safest place, wala kayong alam kaya manahimik kayo. At isa pa ayoko ng makasama kayo, gusto ko na lang mamuhay ng mag-isa. Gusto kong mamuhay ng normal at hindi nakakulong, iyon ang gusto kong buhay," sagot kong muli saka ko siya tinitigan, "Nababagot na rin ako. Gusto ko ng magbagong buhay, ayaw niyo noon? You can do whatever you want and I’ll do what I want gaya nga ng sabi ko noong una pa lang," I said again. “Xion?” sabay-sabay nilang tawag sa akin. "You can't change my mind, whether you like it or not I will leave," I said again. "Can we come?" Sam ask. Napatingin lang din naman ako sa kanya saka ko inilapag ang hawak kong envelope sa harap niya. Dali-dali naman niya iyong binuksan kasama si Unix and she smile then look at me ng makita niya ang mga ticket nila. "Lahat kayo aalis?" Shin also ask. "I’ll stay there, kayo bahala na kayo kung uuwi kayo agad o hindi," I said again. "Keixin?" Ouji called me. This time sinalubong ko ang mga titig niya, gusto ko ring ipakita sa kanya na kahit anong sabihin niya ay hindi ako matitinag. "Alam mo? Sa dinami-dami natin dito? Hindi ko alam na ikaw pa ang puputol sa pakpak ko, hindi ko alam na ikaw rin ang magbabalik sa akin sa hawla na pinilit kong wasakin sa loob ng mahabang panahon para makalaya. The elders did that to me, pinutulan nila ako ng pakpak, they make my life miserable para lang matupad ko ang mga bagay na dapat kong gawin, they put me in hell, Ouji, sila ang naglagay sa akin sa ganoong sitwasyon. Ayoko ng makulong, ayoko na ng ganoong buhay at kahit mahal kita ay kayang-kaya kong kalimutan iyon para lang makalaya,” I said to him. Tumayo na lang din ako kaagad saka ako agad na umakyat at pumasok sa kwarto ko. Pagpasok ko ay hindi ko na rin napigilan ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. Hinayaan ko lang din ang sarili ko na umiyak bago ako maghanda ng mga gamit ko, hindi na ako papayag na muling makulong para lang matupad ang dapat matupad. Ikinondisyon ko lang din agad ang sarili ko bago ako muling bumaba ng magtawag na sila para sa hapunan, sabay-sabay kaming kumain at tahimik ang lahat maliban sa goddesses. “Cha, aalis talaga tayo? Excited na ako, hindi ako makapaniwala ang tagal na nating hindi nakakauwi,” Sam said again. Napatingin na lang din ako sa kanya habang kitang-kita ko na talagang excited sila. "Tuloy tayo kahit na anong mangyari, did you pack your things? Konti lang ang dalhin niyo may mga gamit naman kayo doon. Bukas ng umaga ang alis natin," I answered. “Talaga? Bukas na ba ‘yon? Bakit hindi ko napansin?” Erin also said. Lalo silang na-excite dahil doon kaya hindi ko na lang din sila pinansin at kumain na lang muli ako. "Don't worry about us guys. Gaya ng sabi ni Xion, Japan is our safest place right girls? Hindi kami mapapahamak doon. Oh my gad! Excited na rin akong bisitahin sina Shonen," Dane also said. Mayamaya ay nagdaldalan na naman sila habang kumakain, nauna na lang din naman akong tumayo sa kanila saka ako pumunta sa sala, nanood lang din agad ako ng movie habang kumakain ng ice cream. "Kambal? Tuloy na ba talaga yan?" mayamaya ay dinig kong tanong ni Xian. Naupo rin siya kaagad sa tabi ko pero hindi na ako nagabalang lumingon sa kanya. "Kahit paulit-ulit kayong mangulit hindi na magbabago ang isip ko at hindi rin kayo pwedeng sumama," I answered. Napakamot na lang din siya sa ulo niya dahil sa sinabi ko. Mayamaya naman ay nagsipag-upuan na rin silang lahat kasama ko, while the girls go to their rooms magiimpake na raw kasi sila. "Ate Selene why are you here? Pack your things, hindi mo ba nakita ang ticket mo doon, I know you miss Japan too, you should come," I said ng mapansin kong naupo siya kasama nila. "O-okay lang ba? Talaga? May ticket ako doon?" ate Selene ask. Napatango na lang din agad ako sa kanya at agad din naman siyang tumakbo paakyat sa hagdan na parang bata. Naiwan naman ako dito kasama ng iba pa, sina kuya Danielle daw ay bukas na uuwi pagkaalis namin. "Hindi na ba magbabago ang isip mo, Xion? Gaano ka katagal doon, kung iniisip mong binabalewala ka namin o kinukulong, hindi ‘yon totoo. Makinig ka sa akin," kuya Kei suddenly said. "Tama na Kuya, huwag mo ng hintayin na pati sa iyo ay mawalan ako ng galang, huwag niyo ng bilugin ang ulo ko. Hindi mahina ang utak ko, alam ko kung bakit niyo ginagawa ang mga bagay na ito, and this is my way of helping you and saving myself also," I answered. "Xion?" tawag din sa akin ni kuya Lei. “Kahit kaylan hindi niyo ako maiintindihan, because you are pampered inside the house while I was gave away. You will never know my pain while I’m growing up because you are love and I am not.” Dahil sa muli kong sinabi ay muli din silang natahimik, pinanatili ko naman ang mga mata ko sa pagtingin sa TV. "I promise the goddesses also na bibisita kami sa Japan kapag okay na ang tungkol kay Lee, kaya hindi niyo pa rin ako mapipigilan," I said again. "Paano naman kami dito? Dapat isinama mo na lang din ako," Sebastian ask. Dahil naman doon ay napalingon ako sa kanya ng masama ang tingin. "Nabuhay ka ng wala kami okay? Kaya mo na yan, saka hindi ka sasama sa amin kahit na anong sabihin mo," I answered. Agad din naman siyang napakamot ng ulo dahil sa sinabi ko. Tumayo na lang din ako saka ako nagsimulang maglakad palapit sa hagdan pero sinulyapan ko lang din silang muli. "Magagawa niyo na ang gusto niyo habang wala ako, kaya lubos-lubusin niyo na. Hindi na kayo magaalala, hanggang sa muli na lang nating pagkikita," I said saka ako tumuloy sa paglalakad. Pumasok din kaagad ako sa kwarto ko at agad na tumanaw sa veranda pagpasok ko doon. This will be my last night here, kaylangan kong iwan ang lahat ng anumang iniisip ko rito. Pinili kong umalis kaya kahit ang tungkol sa books of death ay dapat ko naring iwan. Sa totoo lang ay ayaw kong umalis, gusto kong manatili dito at tulungan silang lumaban gusto ko silang tulungan na lutasin ang lahat ng problema. Because this is my life also, parte rin ako ng mga pangyayaring ito. Gusto ko sanang humakbang kasama nila at lumakad kasama nila pero ayaw nila akong kasama. Palagi na lang nilang iniisip ang kaligtasan ko kaysa sa mararamdaman ko. Hindi rin nila magawang tanungin ako kung ano ba talagang gusto kong gawin sa buhay ko. Palagi na lang ding sila ang nagde-desisyon ng lahat para sa akin. Walang kalayaan, gaya noon, bagay na ayaw ko ng maranasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD