Chapter 14

2011 Words
(Xion's POV) "Anyway Mom? How are you and my baby brother?" Aila ask her mom dahilan para mapalingon akong muli sa kanila. "I'm fine honey, and how did you know that our baby was a boy?" ate Dolly ask. "As I told you, I can feel it, Mom. And it's good to know that you’re both safe, baby boy Aero, be good okay?" Aila said saka siya lumapit sa Mommy niya at kinausap ang tyan nito. Hindi na rin naman namin sila pinansin at muli na lang din akong napatingin kay Ouji ng ayusin niya ang kumot ko. “Sleep, its okay,” Ouji said to me. Hindi ko naman siya pinakinggan at tumingin na lang din ako sa TV na nasa tapat ko, nanood lang ako hanggang sa tumahimik na sila. Nakatulog na rin si Aila habang nanonood kasama ko ang iba pa. "Binangga tayo, hindi ba? Alam kong binangga tayo at hindi tayo naaksidente," ate Kath suddenly said. Pakiramdam ko rin ay paulit-ulit niyang sinabi iyon dahil paulit-ulit ko rin iyong narinig hanggang sa maalala ko na ang mga nangyari. "Nakita niyo rin ba iyong bumangga sa atin?" I ask habang diretso lang ang panonood ko. "A maroon 10 wheeler truck. Narinig ko sa mga pulis na ang plate number nito ay XXX999," agad na sagot ni ate Dolly. “May nakakita ba ng muka niya sa inyo?” I ask again. “Hindi ko nakita,” sabay-sabay na sabi ng tatlo. Napatingin lang din naman ako sa katabi kong bed kung nasaan si Aila. Kung ganoon, may posibilidad na kami lang ni Aila ang nakakita sa muka niya. I even heard he died with the truck, siguro nga ay isa itong misyon para sa kanya kaya rin siya nagpakamatay. "Why?" mayamaya ay tanong ni Ouji sa akin kaya napatingin agad ako sa kanya. “Aila and I saw him, I knew it. But I knew also that its a suicide mission, kasama siyang nalaglag sa fly over ng truck na sinasakyan niya,” I answered. “Tama ka, Xion,” pagsang-ayon ng tatlong buntis sa akin. “Siguradong binabantayan na rin nila tayo the moment na lumabas tayo ng mansion hanggang sa pauwi na tayo, pero sa palagay ko rin ay ako ang binabantayan nila, sasakyan ko ang ginamit natin hindi ba?” I said again saka ako lumingon kila ate. Hindi na sila sumagot pero alam kong na-gets din nila ang ibig kong sabihin. Sigurado ako na binabantayan ako ng kung sino mang nag-utos sa lalaking iyon na patayin kami. They maybe want it also to look like an accident para hindi kapani-paniwala. (Nerix's POV) Bakit kaya ganoon? nakalabas na lang at lahat ng hospital ang mga buntis, si Aila at si Xion pero wala pa rin sa sarili ang babaeng ‘yon. Hindi na naman namin tuloy malaman kung ano ang problema niya. Ang iniisip ko ay baka iyong aksidente pa rin ang dahilan, malamang ‘yon ang iniisip niya lalo na at hindi naman aksidente talaga ang nangyari, sinadya ang aksidenteng ‘yon. "Nakakaloka pala kapag tatlong buntis ang kasama," Gail suddenly said dahilan para mapatingin din ako sa kanila. "Dadami na ang mga bata sa atin, nakakatuwa naman, " Erin also said. "Tama, hindi nga rin ako mapakapaniwala na tita na ako at dalawa agad," Dane also said. Halatang excited na ang gaga. Kauuwi lang namin ngayon sa bahay galing sa pagsundo sa mga pasyente namin. Ang mga buntis at si Aila ay sa mansion ng mga Henson muling dumiretso, inihatid lang din namin sila doon bago kami umuwi dito sa mansion nina Ouji. Sina kuya Danielle naman at kuya Alexis ay magiging hands on husband and dad na lang din daw muna, sigurado ako na excited din sila at alam kong sobra nilang aalagaan ang mga asawa nila. Dapat lang din naman ‘yon ano, kung ayaw nilang matikman na naman ang galit ni Xion ay dapat silang umayos, lalo na si kuya Shawn, inaway pa siya ni Xion saka ni Shin kaya ayon natauhan talaga siya ng matindi. "Ang hinihintay ko talaga ay iyong baby nitong soon to be husband and wife daw kuno sa atin," sabad ko sa usapan nila. Nagtawanan naman agad sila dahil doon. "Nagiisip na nga ako ng pangalan ng baby nila e," Sam also said. Lalo naman kaming natawa dahil sa sinabi niya. Hindi nga halata na excited sila. "Blacky saka chichi na lang," Shinix said dahilan para lalo kaming magtawanan. What the hell? Parang aso naman ang mga pangalan na ‘yon. "Bakit masama ba ‘yon? Iyong Tatay naman nila gray ‘di ba? so ’yong anak dapat blacky. Tapos iyong Nanay nila Shin kaya dapat chichi iyong anak para rhyme," Shinix said again. Lalo kaming nagtawanan at halos hindi na kami makahinga sa katatawa sa kalokohan ng mga kasama ko. "Para namang aso ‘yon," agad na sabi ni Unix sa kanya. Dahil doon ay agad din siyang napaisip saka siya muling tumawa. "Oo nga, huwag na lang pala ‘yon" Shinix said again. Nagtawanan na lang ulit kami at kahit si Shin ay natatawa na lang din sa amin. Ang iba naman naming kasama na hindi nagsasalita ay pa-tawa tawa na lang din. "Saan ka pupunta?" Napalingon agad kami sa kung saan nakatingin si Ouji para makita kung sino ang kausap niya saka lang namin nakita si Xion na nakabihis at mukang may lakad. "P-pupunta ako doon sa mga buntis," Xion just answered. Agad din siyang umiwas ng tingin dahil titig na titig sa kanya si Ouji at nakatingin lang din naman kami sa kanya saka sa mga kasama namin. "Umalis sila, nagpunta sila sa hospital para sa follow-up check-up nila," Ouji answered. Napatingin lang din naman siya kay Ouji dahil doon. This time she doesnt look like annoyed, para ngang nahihiya siya, malumanay rin ang boses niya at para siyang batang bagong gising na ang sweet tingnan. Iyong parang nanghihingi ng lambing. "Talaga? But ate Dolly texted me saying she wants to see me, weird," Xion said again. Matapos niyang sabihin iyon ay humakbang na muli siya paakyat sa hagdan but Ouji talk again. "Kumain ka na, aalis na kami," he said again. Dahil doon ay muling lumingon sa amin si Xion dito sa sala. "Saan kayo pupunta?” she ask. "Sa kanya-kanya naming trabaho, ikaw lang naman hindi nagtatrabaho dito e," sabad ko sa usapan nila. “Gayahin niyo kasi ako, dapat maging matalino rin kayp. Iyong kahit wala pa akong ginagawa kumikita na ako ng milyon milyon, dapat ganoon din kayo,” agad niyang sagot sa akin. Napangisi na lang din ako sa kanya dahil sa sinabi niya, ayos naman talaga. Tumayo na lang din naman ang mga kasama namin saka sila nagsi-kilos, bumalik lang din naman si Xion palapit sa amin. "Don’t leave okay? Rest," kuya Kei also said to her. Tiningnan lang din naman siya ni Xion saka napakunot ang noo niya. "Kung aalis man ako sa bahay na to ay sa mga buntis lang ako pupunta," tanging sagot niya sa Kuya niya. “Take care,” Keijin also said. Humalik sila sa noo ni Xion bago sila naunang umalis sa amin kaya kinawayan na lang din naman namin siya. Sumunod na lang din kami sa kanila at nauna na rin ang iba pa habang nananatili dito sina Ouji at nagmamasid sa kanya kung aalis ba siya. “Kakain na po ba kayo lady Xion?” dinig naming tanong ng mga maid sa kanya. Ibig sabihin ay nandito pa siya sa baba. "No manang, I’m not in the mood, aakyat na ako," tanging sagot ni Xion sa kanya. Hindi na lang din namin hinintay si Ouji at sumakay na lang din kami sa kanya-kanya naming sasakyan para umalis. Bahala na silang magbantay kay Xion, basta kilala namin siya, hindi naman aalis basta-basta ‘yon kapag wala siyang gagawing mahalaga. Lalo lang ding magagalit si Xion sa kahigpitan nila, hindi ko nga rin alam kung bakit ganyan sila kay Xion. I mean sobrang higpit nila, tama siya. She’s Xion, bago pa man maramdaman ng lahat na may panganib ay siya muna ang makakaramdam noon. Ang weird talaga nila, bahala na nga sila. (Xion's POV) Napatanaw na lang ako sa kalsadang dinaanan nila Ouji pagkaalis nila matapos kong sumilip sa veranda ng kwarto ko. Talagang iniisip nila na ikulong lang ako dito sa bahay, ang weird talaga nila. Hindi nila ginagawa sa akin ito noon, pero kakaiba sila ngayon, ano kayang dahilan? Napailing na lang ako sa iniisip ko at napatingin sa bulsa ko ng maramdaman kong may-vibrate doon, agad ko ring kinuha ang cellphone ko na naroon saka ko nakita na tumatawag si Sebastian sa akin. "Sebastian kamusta? Nagawa mo na ba ang ipinagagawa ko? " I immediately ask. "Oo Xion, nagawa ko na. I will email you the informations immediately, mukang mage-enjoy ka rin dito kasi marami sila," Sebastian answered. "Buti naman, bagot na bagot na kasi ako sa buhay ko," I said again. Natawa lang din naman kaagad ang mokong na nasa kabilang linya. "Kumilos ka na kasi, ano pa bang pumipigil sa’yo ngayon?" Sebastian ask. Natahimik naman kaagad ako dahil doon at natahimik din siya, sa totoo lang ay maraming pumipigil sa akin at isa na sina Ouji doon. "Sebastian? Ikaw lang at sila kuya Danile ang nakakaintindi sa akin at sila hindi sila ganoon sa akin. Hindi nila ako naiintindihan, all they think that I am a weapon na kaylangan nilang itago at ikulong. A weapon na kaylangan nilang putulan ng pakpak para hindi makapaminsala, without thinking that I am just a mere human like them. Tao lang din ako, Sebastian gusto ko lang na maging malaya at maging masaya, gusto ko lang na mag-enjoy sa buhay na hindi ko nagagawa noon,” I said. Napabuntunghininga muli ako at narinig kong ganoon din naman siya. “Sebastian, wala silang pinagkaiba sa mga elders. Pakiramdam ko ay nasasakal ako, they never even consider me na isama sa lahat ng pakikipaglaban nila at mas gusto pa nilang lumakad ng sila-sila na lang. Iyon ang pumipigil sa akin, I always doubt them also. Iniisip ko rin palagi na kapag sinabi kong sasali ako o hiningi ko ang tulong nila they would resist and do what they want without considering me. That’s the thought, pinipigilan ako ng bagay na ‘yon," I said again. Muli akong bumuntunghininga saka ko agad na pinatay ang tawag. Pinigil ko ring pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Kung anumang dahilan nila para gawin sa akin ito sana masaya sila, makukuntento na lang din ako sa ganito basta masaya sila. Kinondisyon ko na lang muna ang sarili ko bago ko i-check ang email ko. At agad din akong ginanahan sa mga nakita kong sinend sa akin ni Sebastian. Tama nga siya madami-dami na nga akong kaylangang linisin. Agad akong napatayo saka ko kinuha ang cellphone ko. I then dial the number ng kaylangan kong makausap at agad din naman siyang sumagot. "May ipagagawa ako sa inyo," bungad ko sa kanya. Agad din namang natawa ang kausap ko, marahil ay nagulat siya dahil ngayon ko lang din naman siya muling tinawagan. "Empress? What was that this time? It's been a long time," Rain said. Natawa na lang din naman ako sa sinabi niya. "Oo nga, matagal na simula ng huli kitang tawagan. Anyway, I will email you the informations ng mga kaylangan niyong linisin, at kayo ng bahalang gumawa ng plano kung paano niyo sila itutumba. Basta itumba niyo lahat sila at huwag kayong magtira, at gaya dati, walang pagsasabihan ng misyon na ito kahit kanino," I said again. "It's a pleasure Empress," Rain said again. “Text me kapag tapos na kayo,” I said again. I then also ended the call and send her the information's immediately. Pwede rin naman akong kumilos habang relax na relax lang ako, matagal na rin namang nananahimik ang mga mokong na iyon doon sa mga selda nila. Ganito na lang din ang gagawin ko kapag may kaylangan akong gawin gaya noong nasa hacienda pa kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD