Chapter 13

2356 Words
(Xion's POV) Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko ng maramdaman ko ang kakaibang sakit ng katawan na bumalot sa akin, agad ko ring isinandal ang sarili ko sa kung anumang bagay na naramdaman ko sa likod ko saka lang ako napatingin sa paligid. Saka ko lang din napagtanto na nasa loob ako ng sasakyan at nakita kong may mga taong nakapalibot sa akin. s**t! Agad akong napalingon sa katabi kong bata ng ma-realize ko ang mga nangyayari, agad ko ring pinwersa na buksan ang pinto sa tabi ko saka ako agad na lumabas, umikot din agad ako sa kabila at binuksan ko agad ang pinto para ilabas si Aila. Sinalubong din naman agad ako ng mga rescuer ng makuha ko na siya saka siya isinakay agad sa ambulance. "Mam? Kami na po ang bahala dito," agad na sabi sa akin noong rescuer. Sinubukan din nila akong pigilan sa ginagawa ko pero agad din akong pumalag. "Hindi! Kaylangan ko silang iligtas! tatlong buntis ang kasama ko, kaya tumahimik ka at tumawag ng ambulansya!" agad kong hiyaw sa rescuer saka ko binuksan ang pinto sa backseat. Nataranta din naman agad iyong ibang rescuer na nakarinig sa sinabi ko kaya dali-dali rin nila akong tinulungan na ilabas iyong tatlong buntis. Agad din silang isinakay sa stretcher saka sila isinakay sa tatlong ambulansya na mabilis na dumating. Nauna na rin naman ang ambulansya ni Aila kaya sa ambulansya ni ate Dolly ako sumakay. They tried to also help me clean my wound but I refuse. "Iligtas niyo sila bilisan niyo!" sigaw ko na ikinataranta lalo nilang lahat. Kinakabahan ako sa mga oras na ito at wala akong nararamdamang kahit na anong sakit, mas malinaw sa akin ang kaba sa mga nangyayari. Wala akong ibang sisisihin kung hindi ang sarili ko lang. Hindi ako nag-ingat, kulang pa ang effort ko sa pag-iingat. Dapat ay umorder na lang din ako at hindi ko na sila niyayang lumabas. Kasalanan ko ang lahat ako ang dapat sisihin. I tried dialling kuya Shawn's number habang nasa ambulance kami pero cannot be reach, pati iyong dalawa ay ganoon din kaya lalo akong kinabahan. What the hell? Ano bang nangyayari sa mga iyon? Itinigil ko na lang din ang pagtawag dahil nakarating na kami sa hospital, sunod-sunod na ipinasok ang stretcher ng tatlong kasama ko sa emergency room habang nauuna na si Aila sa kanila. Naiwan naman ako sa labas na nagbabantay at tumanggi pa rin ako ng kausapin ako ng nurse na gamutin ang mga sugat ko. Tinawagan ko na lang ding muli sina Kuya pero hindi ko pa rin sila ma-contact kaya si Shin na lang ang tinawagan ko. "Shin? Puntahan mo ako dito sa hospital, naaksidente kami nila ate Dolly. I don't know what to do, please! Bilisan mo, tulungan mo ako," umiiyak kong sabi sa kanya pagkasagot niya ng tawag ko. Hindi ko na rin mapigilang mapaupo sa waiting area na nasa labas ng emergency room sa sobrang panghihina. "What the f*ck? Okay! Were coming, relax, Xion. Papunta na kami, just text me the address," Shin said again and then she drop the call. I then hurriedly texted her the address and then I tried dialling kuya Daniel’s number again pero cannot be reach pa rin talaga. Muli na lang akong napaupo at agad akong huminga ng malalim, kaya ko to, kaylangan kong lakasan ang loob ko. Hindi naman nagtagal ay nakita ko na rin si Shin na humahangos na naglalakad palapit sa kinaroroonan ko, nandito pa rin kasi ako sa may emergency room dahil hanggang ngayon ay nasa loob pa rin sila. Napatayo lang din naman agad ako ng makita ko na kasunod niya na ang mga asawa nina Ate. "I've been calling and texting you! Saan bang lupalop kayo nandoon at hindi kayo makontak?! Ang sabi niyo tawagan ko kayo kapag may problema, pero bakit hindi kayo makontak?" hiyaw ko agad sa tatlo. Pinaghahampas ko rin silang tatlo pero hindi sila gumanti sa akin. Hindi ko na rin napigilan ang mapaiyak at mayamaya lang din naman ay pinigilan na ako ni kuya Shawn. "Relax Xion, magkakasama kaming lahat at hindi namin napansin iyong phone namin pasensya ka na," kuya Shawn said. Agad akong napatitig sa kanya at hindi ko na rin napigilan na sapakin siya dahilan para agad siyang tumumba, ikinagulat din naman agad nila iyon. "Relax? How can I f*cking relax? I'm with Aila, anak mo ‘yon Kuya nahihibang ka na ba? Dalawang anak mo ang kasama ko sa sasakyan, I'm with three pregnants on that f*cking car! Tell me? How do I? They are all bleeding, its all about a child and a mother. Tell me? Hindi ko alam ang gagawin! Sabihin mo!" sigaw ko sa kanya na ikinagulat din agad nilang lahat. Napahilamos ako ng kamay sa muka ko dahil hindi ko na napigilang muling umiyak. Agad din akong muling napaupo sa kanina ko pang kinauupuan. "Kayo dapat ang nagaalaga at nagaalala sa kanila, hindi ako! Kayo dapat ang unang nakaalam," muli kong hiyaw sa kanila. Ouji tried to hold me also pero umiwas lang agad ako sa kanya. "Kasalanan ko to, kung alam ko lang sana umorder na lang ako. Hindi na dapat kami pumunta doon, nag-ingat dapat ako," hiyaw ko habang tuloy-tuloy na tumutulo ang mga luha ko. "Xion? Stop crying," Ouji said again. Naramdaman ko na lang din na niyakap niya ako at mas lalong hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Ilang minuto rin kaming ganoon ng biglang may nagbukas ng pinto sa loob ng ER kaya napabitaw rin ako sa pagyakap kay Ouji saka ako agad na napatayo. “K-kamusta sila Doc?” agad kong tanong sa kanya. “The kid was fine, may mga galos at pasa lang siya but she’s actually fine. Ipalilipat ko na siya sa recovery room, pwede niyo na ring ayusin kung saan sila dadalhin, so far the 3 pregnants are bleeding, two of them already stop bleeding and their baby is also safe, and the other pregnant is still in the critical condition, we’re doing our best but I want you to be ready, she might lose her child,” agad na sabi noong doctor sa akin. Agad ding pumasok ang doctor sa loob kasama ang nurse na dumating kaya agad din akong napaisip sa sinabi niya kung sinong buntis ang tinutukoy niya. Sa kanan namin bumangga ang truck and it was on my side, nasa likod ko si ate Dolly, nasa gitna si ate Kath at nasa kaliwa si ate Claire. “I’ll process their room, sa isang kwarto na lang natin sila ilagay,” Shin said. Agad din siyang umalis kaya napatingin ako kay kuya Shawn na agad ding napatingin sa akin. “It’s ate Dolly, si ate Dolly ang tinutukoy niya. S-she’s in my back, binangga kami noong truck sa kanang side kung saan kami naroon ni ate Dolly, katabi ko noon si Aila and the 3 was on the back. Kuya Shawn do something, no! Huwag kang pumayag Kuya!” hiyaw ko at hindi ko na napiligilang muling mapaiyak habang umiiyak din si kuya Shawn. Naramdaman ko na lang din naman na may humila sa akin palayo sa kanya before everything went black. ------------------------------ Marahan kong iminulat ang mga mata ko saka ako napapikit muli ng mariin ng maramdaman ko ang pagsakit ng katawan ko, pinakiramdaman ko lang din naman ang sarili ko bago ako muling nagmulat. Pagmulat ko ay muka naman ni Ouji ang bumungad sa akin dahilan para lalong mapakunot ang noo ko. “Okay ka lang ba ha?” he ask. Hindi ako sumagot at inilibot ko lang ng tingin ang paligid. Hindi ko alam kung nasaan ako, pero dahil sa nakikita kong aparato na nakakabit sa kamay ko ngayon alam ko na kung nasaan ako. Agad akong napabangon ng muli kong maalala ang mga nangyari, dahil doon ay agad din akong inalalayan ni Ouji. Saka ko lang nakita ang paligid ng mas maayos. limang bed ang nakahilera sa malaking kwarto na kinaroroonan namin at isa doon ang kinahihigaan ko. Ang apat na bed naman ay kinaroroonan nila Aila at ng tatlong buntis na kasama ko lang kanina, napatitig lang din ako sa kanila saka ko tuluyang naalala ang mga nangyari na muling nagpabalik ng kaba ko. “Magpahinga ka pa, Xion,” saway sa akin ni Ouji. “I wanna know kung okay lang sila, si ate Dolly ligtas ang baby niya hindi ba? Okay sila hindi ba? Tell me! She’s excited for him kahit hindi niya masabi kay Kuya ang totoo, Ouji. Aila is happy too at iniisip niya na agad na lalaki ang kapatid niya and she wanted to name him Aero, tell me. Okay ba sila?” I ask at hindi ko na naman mapigilang muling mapaiyak. Hindi ko alam ang gagawin kapag nawala ang baby nila, pakiramdam ko ay habang buhay ko ng sisisihin ang sarili ko sa nangyari at alam kong hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko. “Huwag ka ng mag-alala, huwag mo na silang isipin. Okay sila, magpahinga ka Xion. Napuruhan ka rin, you almost die also, magpagaling ka,” Ouji answered dahilan para mapatitig ako sa kanya. Napatingin na lang din ako kay kuya Shawn at lalo akong napaiyak dahil doon. “Kasalanan niyo ang lahat, nalagasan na nga ako ng pera dahil sa mga buntis na yan ganito pa ang inabot ko,” iyak ko sa kanila na ikinatawa lang din naman nila. Agad din naman akong niyakap ni kuya Shawn at napayakap na lang din ako sa kanya dahil doon, napabitaw lang din naman ako sa kanya ng makita kong gumalaw si Aila kaya agad din akong nataranta. Pinilit ko ring tumayo at lumapit sa kanya kasama ni kuya Shawn at inalalayan lang din naman ako ni Ouji. Aila then look at us ng tuluyan na siyang magising kaya nginitian ko agad siya. “Baby? Are you okay? May masakit ba anak? Ha? Sorry wala si daddy,” kuya Shawn hurriedly ask her but Aila was just looking at me. Agad din siyang ngumiti sa akin kaya nginitian ko na lang din siya lalo. "Okay ka na ba? Sorry ha? Hindi nag-ingat si Ate, huwag kang magalala, magiging okay ka rin," I said saka ko agad na hinimas ang ulo nya. "Ate alam mo para kang superhero, ang astig mo. Salamat Ate, siguro kung hindi ka namin kasama baka kung ano ng nangyari sa kapatid ko," Aila said again. Pilit ko namang pinigil ang mga luha kong nagbabadya na namang tumulo saka ako ngumiti sa kanya. "Magpagaling ka na, para naman maalagaan mo na iyong Mommy mo at ang baby niyo, okay?" I said to her. Tumango lang din naman siya sa akin kaya hinayaan na lang din naman namin siyang matulog muli, saktong dating naman ng doctor para I-check muli sila. Pagkaalis naman ng doctor ay sabay-sabay ring nagising sina Ate kaya lalo akong kinabahan. Agad din akong lumapit sa kanila habang inaasikaso sila ng mga asawa nila. Hindi na lang din ako tuluyang lumapit at hinayaan ko na lang din muna silang makausap ang mga asawa nila. Bumalik ako sa higaan ko at tinulungan lang din naman ako ni Ouji na muling humiga, nginitian niya na lang din ako na parang sinasabing okay lang ang lahat. Hindi ko na lang din naman namalayan na nakatulog na pala ako at ng magising ako ay hapon na, kami na lang ang nandito kasama sina Ouji, Shin, Gray, kuya Shawn, kuya Danielle at kuya Alexis. Gising na rin sina Ate at maging si Aila na kasalukuyang naghahapunan. “Hi?” bati sa akin ni Ouji. Agad niya rin akong tinulungang itaas ang uluhan ko para makaupo ako ng maayos sa kama, napatingin lang din naman agad ako sa katabi ng kama ko na si Aila na pinapakain din ng Daddy niya. “Hi Tita,” bati niya sa akin saka siya ngumiti. Agad din naman akong natawa dahil doon, ate kasi ang tawag niya sa akin at ngayon ay naging tita na. “Okay ka lang ba? I heard you’ve been crying really hard awhile ago, we’re okay now bunso. Hindi mo kasalanan ang nangyari okay,” ate Kath said to me. Nasa gitna kasi nila ang kama ko, bale kapag nagmula sa pinto ay kama nina ate Kath at ate Claire ang bubungad sa gitna ang kama ko kasunod ng kama ni Aila at sa dulo ang kama ni ate Dolly. “Now you’re talking like you’re really fine,” agad kong sagot sa kanya. “We’re fine Xion. Its because of you, hindi mo ba natatandaan?” ate Claire also said. Napakunot lang din naman ang noo ko sa sinabi niya saka ako napalingon kay ate Dolly na ngumiti lang din naman sa akin. “Patay na sana tayong lahat kung hindi mo iniabante ang sasakyan, kasama sana tayong nahulog ng truck na ‘yon mula sa fly over kung hindi dahil sa’yo. Hindi ang truck ang nakabangga sa atin kaya konti lang ang damage natin, nabangga tayo ng sasakyan na hindi nakaiwas sa atin, mabuti na lang nakapag-preno rin agad siya kaya hindi ganoon kalakas ang impact,” ate Dolly explained. “B-bakit hindi ko maalala,” natataranta kong tanong sa kanila. Hindi ko na rin alam ang nangyari basta ang alam ko lang ay may bumangga sa amin, wala rin ang truck noon. “You’re just shock okay? Relax,” ate Dolly said again. "Relax? Ate pinag-alala niyo ako, paano ako magre-relax?" singhal ko sa kanya. Tinawanan lang din naman nila ako kaya hindi na lang ako nagsalita. “Parang kanina lang magkakasama tayo sa Mcdo, ngayon magkakasama pa rin tayo pero sa ibang lugar na,” ate Dolly said again. "Nakakapagbiro ka pang talaga habang halos mabaliw na ko sa pagaalala sa inyo ha?" hiyaw ko sa kanya. Lalo lang din naman nila akong tinawanan dahil doon, mayamaya lang din naman ay inasikaso na ni Ouji ang pagkain ko. Pagkatapos naming magsikain ay nag-kwentuhan lang sila na parang walang nangyari ang I’m just listening to them. Pagitnaan ka ba naman ng maiingay, ewan ko na lang talaga kung makatulog ka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD