Xion's POV)
Dumiretso na lang din ako sa residence namin pagkagising na pagkagising ko matapos kong malaman ang ginawa nina kuya Danielle. At talagang hindi man lang nila hinintay na magising ako, umalis na lang din sila basta-basta sa mansion ng hindi man lang nagpapaalam. Sa maid ko lang din nalaman ang mga nangyari kaya wala ring may alam sa bahay na umalis ako dahil wala namang tao doon pagka-gising ko.
"Tita Xion? You’re here!" agad na pagsalubong ni Aila sa akin ng makita niya akong pumasok sa mansion namin.
Naglalaro kasi siya sa hall kasama ang maid namin.
"Sinong kasama mo dito?" I hurriedly ask her dahil hindi ko rin nakikita ang mga mokong na ‘yon.
"Tito Alexis, tito Danielle, and Dad leave kaya I'm with my mom and my two Tita's now,"Aila answered.
Saktong-sakto rin naman na bumaba si ate Dolly mula sa second floor ng mansion kaya hindi na ako nag-abalang ipatawag sila.
"Xion you’re here," agad na bati sa akin ni ate Dolly.
"Why are you here? Anong klaseng kalokohan to?” agad kong tanong sa kanya.
Hinayaan ko na lang din na hilahin niya ako papunta sa sala para makalayo kami kay Aila na bumalik na muli sa paglalaro.
"We have decided na kasi na bumukod ng bahay sa inyo and Kei suggested your residence," ate Dolly said na parang hindi big deal ang ginawa nila, "Mahirap din kasing gumalaw doon, mga bata pa kayo at mahirap sa aming may mga asawa na ang mamuhay kasama ang mga katulad niyo,” dugtong niya.
Napakunot namang lalo ang noo ko sa sinabi niya, saktong-saktong dating din nina ate Claire at ate Kath.
"Ano namang mahirap doon? Wala namang kaso sa amin kung may mga asawa na kayo," I just ask.
Tinawanan lang din naman ako ni ate Dolly at kahit ang dalawang kararating lang ay nakitawa na lang din na parang naiintindihan nila ang pinaguusapan namin.
"Are you sick? Napagod ka siguro kahapon," mayamaya ay tanong ni ate Dolly sa akin.
Napakunot na lang ding muli ang noo ko dahil sa sinabi niya saka niya hinawakan ang noo ko. Sick? Ako? I don’t feel hot but my head feels heavy and my body feels sore. Sabagay nurse nga pala siya, kaya niyang sabihin kapag may mali sa isang tao kahit sa tingin pa lang.
"I'm not Ate. Anyway, ano namang rason at all of a sudden e lumipat kayo? Hindi niyo man lang ako hinintay na magising. Saka bakit biglaan? Sa mga maid ko lang din nalaman na umalis na kayo," I ask again.
Natawa na lang din muli sila habang magkakatabi silang nakaupo sa couch na katapat ko at magisa akong nakaupo sa mahabang couch na katapat ng kinauupuan nila.
"Keixin? We already told you the reason," ate Kath answered.
"Iyon lang? Iyon na ‘yon? Sigurado na ba kayo dyan? I'm not convince," I answered.
"Maybe, you should ask your brothers na lang okay?" ate Claire also said.
Lalo naman akong napabuntunghininga sa sinabi niya. I also cross my arms saka ako sumandal sa couch.
"Ate? Kelan pa magsasalita ang mga bakulaw na ‘yon” agad kong reklamo sa kanya.
Lalo lang din naman silang nagtawanan dahil doon, saktong-sakto rin naman na biglang dumating iyong tatlo na nagulat pa yatang nandito ako.
"Talagang nagulat pa kayo na nandito ako ano? I want a valid reason and convincing explanation, now!" agad kong singhal sa kanila.
Natawa lang din naman sila sa inasal ko saka sila naupo katabi ng mga asawa nila.
"Keixin alam mo kasi bunso, bata ka pa. soon kapag naikasal na kayo ni Ouji marahil ay maiintindihan mo na rin kami. Alam mo kasi ang mag-asawa kaylangan ng privacy niyan, Paano naman kami gagawa ng junior nyan ---”
"Alexis!" sigaw nilang lahat ng sabay-sabay cutting whatever kuya Alexis is saying.
Lalo lang din namang napakunot ang noo ko dahil doon habang nakatitig lang din ako sa kanila.
"Basta Keixin, all we need is privacy, okay? Don't listen to him, saka bumukod din kami para maka-kilos ng maayos," kuya Shawn then said.
"What do you mean?" I ask still confused.
"Kaylangan ka naming tulungan na hanapin ’yong mga libro kaya namin ginawa to, hindi kasi kami makakakilos sa loob kapag sama-sama tayong lahat doon,” kuya Danielle also said.
Natahimik na lang din ako sa sinabi niya. Kaya naman pala, now I know. Oo nga naman, mahirap kumilos doon. Hindi ko naisip agad ang mga bagay na ito, sabagay kahit maisip ko ito ay hindi rin naman sila papayag na umalis ako. Tama ngang sila na lang ang umalis at si Sebastian para may mata pa rin ako sa labas kahit na nakakulong ako sa mansion.
"Don't you dare think of leaving also, doon ka lang dapat para may mata tayo doon. I know, Shin and Ouji, o maging iyong mga kapatid mo ay kumikilos na para hanapin na rin ang libro. Bakit ba kasi nakatunganga ka pa dyan? Sabi mo may gagawin ka, Bakit hindi mo ginagawa?!" kuya Danielle said again.
Tiningnan ko na lang din naman siya ng masama dahil sa sinabi niya, ano pa nga ba? May choice ba ako? Naunahan na nila akong umalis kaya no choice na talaga ako kung hindi ang maiwan doon.
"Makakakilos ba ako sa mansion na ‘yon? Lahat ng mata nila nakatutok sa akin, wala akong kakampi doon, bakit ba kasi iniwan niyo pa ako? Kayo lang ang kakampi ko doon," singhal ko sa kanya na ikinatigil din nila.
Lalong umiinit ang ulo ko sa kanila. Hindi na nga ako maka-bwelo noon lalo pa kaya ngayon na wala na akong magiging galamay.
"Hon? Gusto ko ng fries," mayamaya ay sabad ni ate Kath na tumapos ng bumalot na katahimikan sa amin.
"Mamaya na yan hon, okay? naguusap pa kami," tanging sagot sa kanya ni kuya Danielle.
Napailing na lang din ako at natahimik na lang din naman si ate Kath dahil doon.
"San nga pala kayo galing?" I ask again.
"May pinuntahan lang kami, nagbakasakali na naroroon ang blue book," kuya Shawn answered.
"Mahirap talagang hanapin ang bagay na hindi man lang natin alam ang hitsura o kung nage-exist pa ba talaga,” kuya Alexis also said.
Sabay-sabay rin silang napabuntunghininga dahil doon. Tama nga siya, kahit nga ako na sinasabi nilang keeper ng libro ay walang alam sa totoong hitsura at nilalaman ng libro na iyon. Natahimik na lang din naman kaming muli dahil doon. Napabuntunghininga na lang din ako saka ako agad na tumayo, nakuha ko na rin naman ang sagot na kaylangan ko dito kaya siguro ay uuwi na lang din ako.
"Ate Kath, you want fries? Let’s go and buy it, I want fries also. Kaylangan ko naring sulitin ang huling pagkakataon kong makalaabs ng bahay," yaya ko kay Ate.
Bigla rin naman siyang ngumiti dahil doon at natawa lang din naman ang iba sa akin.
"I want fried chicken also, let's go?" sabad din ni ate Claire.
Natawa na lang din naman ako sa kanila, para kasi silang mga bata at talagang hila-hila pa nila ako.
“Sasama rin kami ni Aila,” ate Dolly also said, "Ngayon, kayo naman ang maiwan dyan at kami naman ang aalis," she said again.
Dahil doon ay nagkatawanan na lang din kami at kahit sina kuya ay wala naring nagawa. Aila was very excited also.
"Take care girls, okay? call us if you need help," kuya Shawn said.
Tumango na lang din kami sa kanila bago kami tuluyang magpaalam. Isang kotse na lang din ang ginamit namin dahil sandali lang din naman kami. Kakain lang kami saka ko sila muling ihahatid sa mansion bago ako umuwi. Dumiretso na lang din kami sa malapit na McDonald's kung saan ako niyaya nina Ate. Umorder na lang din agad ako, habang naghanap naman sina Ate ng upuan.
"Ano ba? Ang bagal bagal niyo naman!" mayamaya ay hiyaw ni ate Kath sa mga crew sa counter na ikinagulat ko rin kaagad.
Agad ko rin siyang hinila palayo doon habang kunot na kunot ang noo niya.
"Pakibilis po, pasensya na naglilihi kasi siya," agad kong sabi sa babae sa counter na ikinangiti niya lang din naman.
Binigyan na lang din nila ako ng number para sa pagserve ng pagkain namin sa table namin kaya bumalik na lang din kami sa table na napili nila.
"Ate? Relax okay? naglilihi ka ba? Makakakain ka rin," I said to ate Kath.
Natahimik lang din naman sila sa sinabi ko dahilan para mapakunot ang noo ko.
"Ilang araw ka ng ganyan o linggo?" agad namang tanong ni ate Dolly.
"I'm 1 week pregnant," agad na sagot sa amin ni ate Kath.
"Ako, 1 month na," ate Claire also said.
"Bakit ngayon niyo lang sinabi?" sabay naming hiyaw ni ate Dolly sa kanila.
Agad din akong napanganga at nanlaki na lang din ang mga mata ko sa gulat. What the hell?
"Hindi pa ito ang tamang panahon, I think," ate Kath answered.
"No, you should tell this to us kaagad, pregnancy is always delicate. Its between the life of a mother and her child, kaylangan niyo na ngayon ng dobleng pagaalaga. ate Claire? 1 month na yan, papaano kung may nangyari sa inyong masama? Gad! You’re insane! Pakiramdam ko ay mababaliw na rin ako sa inyo," paghi-hysterical ko.
This is bullshit, paano nila nagagawang itago sa mga asawa nila ang pagbubuntis nila? Lalo na ang mga signs ng pregnancy nila? Ang manhid naman ng mga asawa nila kung hindi nila nahalata ang mga pagbabago sa mga asawa nila.
"Hindi rin ako makahanap ng tamang timing, they are always busy," ate Claire also said.
"Ate Dolly, sermonan mo nga sila, hindi ko alam ang sasabihin," I said.
Napalingon din agad ako sa kanya ng hindi siya magsalita, tahimik lang din siya habang tahimik lang din na kumakain si Aila.
"Don't tell me buntis ka rin?" I ask.
Lalo akong napanganga ng tumungo lang siya saka ako tuluyang natahimik. What the hell? This is insane.
"Natatakot ako, ayaw pa kasing sundan ni Shawn si Aila. Saka busy nga silang palagi, hindi ko na rin alam ang gagawin," ate Dolly said also.
Nag-iyakan na rin agad sila dahilan para agad akong mataranta. Mommy help! Anong gagawin ko? What the hell?
"Stop crying Ano ba? huwag kayong ganyan, hindi ko rin alam ang gagawin, kalma lang ang baby ha? Ang baby, baka gumaya rin si Aila, oh my gad,” agad kong pagpapakalma sa kanila.
Inalo rin naman agad ni Aila ang Mommy niya at inalo ko na lang din naman iyong dalawa. Kaya pala parang nag-mature bigla si Aila at paarang ang weird nina Ate, iyon pala ay may mga baby na sila.
"Ako na ang bahala sa inyo, ako ang magsasabi sa mga lokong ‘yon," I said.
Dahil doon ay tuluyan na rin silang tumahan kaya inayos ko na lang ding muli ang pagkain namin. Nakakaloka naman ang mga ito, anong gagawin ko?
"Kumain na tayo, kaylangan ng mga baby niyo ito, sige na. Ano may gusto pa ba kayong kainin?" I said again.
Ipinagpatuloy na lang din naman nila ang pagkain nila saka ako muling umorder para sa take out daw nila. Matagal din kaming namalagi doon at nagkwentuhan bago namin napagpasyahang umuwi na. Ako muli ang driver nila and this time ay mas maingat na ako dahil tatlong buntis at isang bata ang mga kasama ko. Noon kinuwento rin sa akin ni Mom na noong kapanahunan daw nila ay ganito rin daw siya kina Tita. Lahat daw kasi ng kasama niya noon ay mga buntis, late na rin daw kasi siyang nagbuntis kay kuya Kei noon kaya ganoon ang nangyari.
"Ate Xion on the left!" Aila shouted.
Agad akong napalingon sa itinuro niya sa akin saka ko lang nakita ang rumaragasang truck na palapit sa amin. Agad din na nanlaki ang mata ko dahil doon, saktong pagtigil namin bago lumiko sa intersection ay malakas na lagabog na lang ang narinig ko, kasabay ng pagiwas ko ng kotse at ng pagyakap ko kay Aila.