(Sam’s POV)
After that song Shinix came, singing her favorite kpop song na favorite ko rin. Nakakainis talaga sila. Moment ko to eh, pero bakit parang sila ang may birthday? Matapos niyang kumanta ay bigla namang pumasok si Cha, habang tulak-tulak ng butler nila ang piano saka niya iyon inilagay sa gitna. She also sat there and play my favorite foreign song from my favorite foreign band.
Mayamaya lang din naman matapos ni Cha ay pumasok na si Gail, cosplaying her favorite anime character while singing her favorite anime song. Pagpasok naman ni Erin matapos ni Gail, ay kumanta rin siya ng favorite niyang kpop song. After her, Nerix followed singing her own favorite kpop song.
Wala na akong magawa kung hindi ang mapangiti at mapasigaw na lang dahil sa kanila, tuwang-tuwa ang puso ko dahil ito ang pinapangarap ko noon pa man, na hindi ko alam na matutupad ngayon mismo. Mayamaya lang din naman ay si Rox na ang pumasok matapos mag-perform ni Nerix. She’s cosplaying her favorite anime character and sining her favorite anime opening song.
After her akala ko ay tapos na ang solo performances nila but then Xion came cosplaying one of her favorite anime character tapos kinakanta nya ang opening song noon. Ang cute ni Cha, another side of her had shown today. Iyong parang normal lang na siya, walang bahid ng dugo sa kamay at hindi sandata ang hawak. Akala ko ay doon na nagtatapos dahil nag-perform sila ng sabay-sabay matapos mag-perform ni Cha, parang flash mob ang ginawa nila. Grabe nakakatuwa talaga, pakiramdam ko ito na ang pinaka the best birthday of mine ever.
Matapos ang flash mob na iyon ay sabay-sabay rin silang umalis sa stage pero mayamaya lang din naman ay pumasok ulit si Cha, hindi na rin siya naka-costume. She dance again with the famous dance song nowadays, hanggang sa naging flash mob ulit ang performance nila.
Napatayo akong muli sa kinauupuan ko habang pumalakpak ng matapos sila. This is very awesome. Pakiramdam ko ay nasa live show ako ng mga oras na ito. After that ay bumaba din agad ako at niyakap sila, pero biglang nagpatugtog ng ibang kanta ang mga nasa sound system kaya napatigil din kaagad ako. Hinila na rin ako ni Ully sa gitna ng stage at nagsayaw kami gaya noong debut ni Cha.
"Happy birthday, Sam!" he said habang nagsasayaw kami.
Ngumiti na lang din ako sa kanya saka ko siya niyakap. Ang iba naman naming kasama ay bumaba na sa stage at kami lang ang naiwan.
"Thank you!" I said at hindi ko na rin napigilang mapaluha sa surprises nila.
Matapos naming magsayaw ay si Ouji ang pumalit sa kanya, eighteen man for the eighteen roses. At si Keijin ang last dance ko.
“Are you happy?” he ask dahilan para mapangiti akong muli.
“The word happy is not enough to express what I am feeling right now, Keijin. I am beyond happy I guess,” agad kong sagot sa kanya.
Mayamaya lang din naman ay naipon na ang bawat pares ng mananayaw sa palibot namin gaya ng ginawa namin noon kay Cha saka sila sumayaw katulad namin. Pagkatapos naman noon ay eighteen girls for the eighteen wishes ang pumalit. Nakakapagod ang araw na ito, pero napakasaya ko.
Masaya ako na nagkaroon ako ng kaibigan na higit sa pa doon ang turing sa akin. We are sisters by heart at alam kong kahit magisa na lang ako ay hindi nila ako iiwanan. I am really beyond the word happy, swerte ako na meron akong katulad nila na ipagdidiwang ang kapanganakan ko ng higit pa sa kaya kong gawin.
"Salamat sa inyong lahat. I don't know how to express this sincerest gratitude of mine actually. Wala naman kasi sa utak ko ang ganito, para kasi sa akin batiin lang ako ng goddesses ay okay na ako. Kumpleto na ang araw ko gaya ng palagi naming ginagawa noon, tapos kakain lang kami o kaya naman mamimitas ng strawberries pero masaya na ako noon. Hindi ko naman alam na may mag isasaya pa pala ang araw na ito. Hindi ko alam na bibigyan niyo ako ng napaka-gandang pa-birthday na hindi ko inaasahan. Kaya, thank you talaga. Salamat sa inyong lahat. Napasaya niyo ako ng sobra. Kung sino man ang pasimuno nito mahal na mahal kita, salamat. Kayong lahat mahal ko kayo!" I said on my speech.
Pumalakpak lang din naman sila matapos akong magsalita. Bumaba na lang din agad ako sa stage at niyakap ko si Cha. Hindi ko na rin mapigilang maiyak na para akong bata dahil sa sobrang kasiyahan.
“Tahan na, birthday mo to hindi burol,” saway sa akin ni Dane dahilan para matawa na lang din ako.
"Kasalanan niyo to! Akala ko talaga nakalimutan niyo na ako," iyak kong muli.
Natawa lang din naman sila muli sa akin saka nila ako niyakap.
"Sammy dear? Basta para sa’yo. Lahat gagawin ko," Xion said to me habang hinahaplos niya ang buhok ko.
"Lahat kami Sam," Dane said also.
Napangiti na lang din akong muli at ilang minuto pa kaming magkakayakap bago kami magbitaw sa isat-isa.
"Oh? Tama na yang iyakan, magsaya muna tayo," Shin also said.
Nagtawanan na lang din kami dahil doon saka kami humarap muli sa kanila.
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!"
They all sang habang buhat-buhat naman ng papalapit na si Keijin sa amin ang cake na hinipan ko na lang din matapos kong mag-wish. Nagpalakpakan namang muli sila bago nila ako lapitan at batiin. Matapos noon ay nagisupo narin sila sa kani-kanilang table para kumain kaya inikot ko na lang din silang lahat at pinasalamatan habang nagsasaya din sila. Napakasaya talaga ng araw na ‘to.
"Masaya ka ba?" Dane ask me ng bumalik ako sa upuan namin.
Napangiti na lang din agad ako sa kanya saka ko siya muling niyakap.
"Sobra, salamat Dane. Salamat sa inyong lahat," I answered.
"Dapat lang naman na masaya ka ano, inaway pa kami ni Cha dahil lang dito. Pero sa totoo lang muntik talaga naming makalimutan ang araw na to e, so don't thank us its Cha. Siya lang ang nagpa-alala sa amin ng birthday mo. Alam mo naman kasi ’yon pagdating sa’yo," Dane said again.
Nagtawanan na lang din kami dahil doon saka kami nagsimulang kumain. Ang swerte ko talaga kay Cha. Pakiramdam ko nga ay itinuring niya akong kakambal niya noong mga panahon na wala si Keijin. Kakaiba talaga siya.
"Oo nga, alam niyo ngayon ko lang talaga napatunayan na siya si super Xion na nagagawang posible, ang lahat ng imposible," I said again.
Nagtawanan lang din naman kami pare-pareho dahil sa sinabi ko. Napakasaya talaga ng araw na to, swerte ko na lang din talaga na naranasan ko kung paano gawing posible ni Cha ang lahat ng mga bagay na imposible sa paningin ko noon.
(Shin's POV)
Magdamag ang party dahil nagkakasiyahan talaga ang lahat. Hindi ko na nga rin alam kung anong oras na rin umuwi ‘yong mga bisita namin. But the hardwork was already paid off, lahat ng away, pagod at puyat ay napawing lahat dahil halatang-halata naman na sobrang saya ni Sam. Sobrang kulit niya rin kagabi pati na rin iyong ibang goddesses indikasyon na masayang-masaya sila. Well dapat lang naman ‘yon ano, Xion work hard for that party at saka wala naman siyang planong hindi maganda ang resulta.
Iyon nga lang kung anong sigla noong siyam ay siya namang tamlay niya, napagod siguro siya sa preparation niya saka sa mga surprises niya. Nahirapan din marahil siya sa pagkilos dahil nga may fracture pa ang paa niya. Hinayaan na nga lang din namin siyang magpahinga agad.
"Hanggang ngayon sobrang saya mo ano?" Dane said to Sam na agad din naman naming ikinatawa.
Tama si Dane, hanggang ngayon Sam is smiling from ear to ear na parang nasa ibabaw siya ng mga ulap.
"Once in a blue moon lang ’to ano saka, masaya ako e bakit ba?" Sam answered.
Nagkatawanan na lang din kaming lahat dahil doon, nandito na rin kasi kaming lahat sa kusina at nagaalmusal. Kumpleto kami dito, lahat kami ay sabay-sabay na kumakain maliban kay Xion, tulog pa siguro siya.
"The best iyong kagabi," Erin also said.
"Oo nga, pero alam mo Keijin muka ka talagang bakla doon sa ipinasuot sa’yo, bagay talaga sa’yo," pang-aasar ni Chase kay Keijin.
Agad din siyang tumawa pero nakatingin lang naman kaming lahat sa kanya.
"Kaya pala selos na selos ka kay Ulysses ano?" Keijin just said.
Dahil doon kaya kami nagtawanan maliban kay Chase mismo na agad ding natigil sa mga kalokohan niya.
"Oo nga, iyong muka niya ang priceless. Parang baliw," gatong din ni Shinix.
Lalong ikinatawa ng lahat ang sinabi niya at lalo namang natahimik si Chase.
“Alam niyo, kumain na lang tayo. Lahat kayo mukang ewan kagabi," sabad ni Ouji sa usapan.
Dahil doon ay natahimik lang din sila kaagad na ikinatawa ko na lang din.
"Kj talaga aba. Kumain na nga tayo," Gail just said.
Dahil doon ay nagtawanan ulit kami saka kami nagsimulang mag-almusal.
"Guys? May sasabihin nga pala kami sa inyo," Danielle suddenly said out of nowhere.
Napalingon naman ang lahat sa kanya habang kumain pa rin kami, pakiramdam ko nga rin ay natahimik bigla ang lahat.
"Ano na naman yan this time? Baka ngayon totoo ko namang kapatid ang mga goddesses ha? Tumahik ka, " Dane ask saka siya nagbanta sa Kuya niya.
Seryoso lang din naman na nakatingin si Danielle sa kanya dahilan para lalong matahimik ang lahat.
"Tama ka," mayamaya ay muling sabi ni Danielle.
"Kuya!" saway naman agad ni Alexis sa kanya.
Dahil doon ay agad din kaming nagkatawanan, puro talaga kalokohan ang magkakapatid na ito.
"Of course it's a joke. But anyway, we just wanted you to know that we decided to have our own houses," Danielle said again.
What? Why? Nagkatinginan na lang din kami ng sabihin niya iyon at bigla ring muling natahimik ang lahat, seryoso ba yan?
"He’s right, gusto naming bumukod nila Danielle. But don't worry we were living in the same house pero nakabukod sa inyo," Shawn also said.
Alam na ba to ni Xion? Saan naman sila titira? Anong dahilan?
"Stay on our residence, mas safe doon kaysa sa kung saan. Let’s exchange residence for a while. We’re here, and you're there," mayamaya ay sabi rin ni Kei.
"Yeah, he's right. Muka namang hindi na namin kayo mapipigilan," Gray also said.
"They say live in one house," sabad naman ni Ouji.
"We already ask for their permission, at ang sabi lang din naman nila ay bahala na raw kami," Shawn answered.
Ilang minutong katahimikan din ang namalagi sa amin bago maki-sabat sa usapan si Shinix.
"Pwede naman palang hindi tumira sa iisang bahay e, tara bumalik na lang tayo sa hacienda?" Shinix said.
"Shinix? Iba pa rin kapag magkakasama tayo, nakakasiguro tayo sa ginagawa natin kapag ganoon at mas magkakaintindihan tayo. Mas makakagawa rin tayo ng matinong hakbang kapag ganoon," sabad ko rin sa kanila.
"Alam na ba ni Xion to?" Keijin also ask.
"Hindi pa, magpapaalam pa kami sa kanya,” Alexis answered.
"Good luck na lang din sa inyo," Keijin said again.
"Is your decision final?" Selene also asks.
"Don't worry Selene, were still here in the Philippines. Wala pa naman kami sa kabilang ibayo ng bansa,” Alexis just answered.
Nagtawanan lang din naman muli ang lahat dahil doon, talagang hindi na mawawala ang kalokohan sa kanila seryoso man o hindi ang usapan.
“Hindi ko gusto ang idea niyo, I mean kapag nalaman ni Xion yan hindi natin siya mapipigilan kung gustuhin man niyang umalis dito at gumaya sa inyo. Sa amin kahit saan kami makarating ay okay lang, hindi naman kasi kami maghihiwa-hiwalay,” sabad din ni Dane sa usapan.
Natahimik lang din namang muli ang lahat dahil sa sinabi niya at napabuntunghininga na lang din ako. Tama si Dane, nasisiguro ko rin talaga na aalis siya at bubukod gaya nila.
"Aila? Magpapakabait ka doon ha?" paalala ko sa anak ni Shawn na agad din namang ngumiti sa akin.
"Opo naman, tita ganda. Ako pa ba?" Aila said to me dahilan para matawa na lang din ako, very cute.
"Kumain na nga lang tayo," Ouji also said.
Paano na to ngayon? Anong gagawin namin? Siguradong kapag nalaman ni Xion ang balak nila ay aalis din siya, dapat siguro ay maghanda na lang din kami sa posibleng mangyari.