Chapter 10

2126 Words
(Xion's POV) "Okay ka lang?" nakangiting tanong ni Ulysses sa akin kaya agad akong tumango, “I think we should check the foods now?” he said again kaya napatango na lang ako. Agad din naman niyang itinulak ang wheelchair ko papunta sa kusina. Pagpasok namin ay nakita naming niluluto na nga ang mga pagkain at nakita rin namin na naroon din sa loob sina Oxy at Dice na nagulat pa pagpasok namin pero agad din silang ngumiti. "Cha? Kumain ka na ba? Try this, free taste to!" agad na sabi sa akin ni Oxy. "I’ll leave that to you, alam kong kaya mo na yan. Hindi rin ako gutom,” agad ko namang sagot sa kanya saka ako tumingin kay Ullysses. Ngumiti lang naman siya at itinulak niya na muli ang wheelchair. "Empress? Okay ka lang? Don't worry about this, kaya na namin to!" agad na sabi sa akin ni Abby saka siya ngumiti ng madaanan namin sila kaya tumango na lang ako sa kanya, saka kami dumiretso ni Ully. Nagikot-ikot na lang din kami at masasabi kong talagang malaki na ang pinagbago ng lugar kaysa sa hitsura nito kanina na isang malawak lang itong damuhan. "Keijin?" tawag ko kay Keijin ng mapadaan ako sa gawi nila na nagpa-practice. Agad naman siyang napatingin sa akin saka siya nagmamadaling lumapit. "Bawal akong lumabas, kaya hihingi ako ng pabor sa’yo," I said again. Iniabot ko rin agad sa kanya ang kanina ko pang hawak na paperbag, naglalaman ito ng damit ni Sam, ibinigay ito ng stylist kanina. "What was that? Tell me, it's okay Xion,” he said smiling at me and he even pats my head. "Paki-dala ’to kay Sam, and make sure na hindi siya aalis ng opisina hanggang mamaya. Ipasuot mo yan sa kanya bago kayo umuwi, ikaw na ang bahalang gumawa ng palusot ha? Can you?" I said at agad naman siyang ngumiti sa akin. "Oo naman ano ka ba? walang problema basta para sa’yo. Huwag ka ng magalit, okay? Smile ka na. Pagpasensyahan mo na lang sila, okay? Anong gusto mong pasalubong mamaya?" Keijin said to me kaya napaiwas na lang ako ng tingin ng mahina akong matawa. Nakakahiya siya, pang-bata na lang ang pasalubong. "Huwag na, lumakad ka na." tanging sagot ko sa kanya at natawa lang din naman siya bigla dahil doon. Niyakap niya na lang din ako bago siya tuluyang magpaalam saka siya agad na umalis. "Oy? Ngumingiti na siya,” panunukso nina Ethan doon saka sila nagtawanan, kaya napaiwas na naman ako ng tingin. "Magtrabaho na kayo!" natatawa kong hiyaw sa kanila saka ako napatingin kay Ullysses na natawa na lang din sa akin saka niya itinulak ang wheelchair ko sa may garden. “Do you want to take a rest first?” tanong niya at agad lang naman akong umiling. “You can go, I’ll stay here,” I said. Ngumiti na lang siya saka niya pinat ang ulo ko saka siya umalis at pinagmasdan ko lang naman siya saka ako napabuntunghininga. Nagalit na naman ako, hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. Out of frustration ay sa kanila ko naibunton ang inis ko, sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito. Magmula noong huling beses na mapagusapan namin nina kuya Dan ang tungkol sa mga libro ay hindi ko na naman ma-kontrol ang sarili ko. Agad na napakunot ang noo ko saka ako napatunghay ng may bumungad na bulaklak sa akin at agad ko ding nakita na si Ouji ang may hawak noon. Seryosong-seryoso siyang nakatingin sa akin habang hawak ng dalawang kamay niya ang bulaklak na dala niya. “I’m sorry,” he said as he stares at me showing his eyes who’s also pleading. Napabuntunghininga muli ako saka ko kinuha ang bulaklak sa kanya. “Ayokong pagusapan ‘to, makakaalis ka na.” Agad siyang lumuhod sa harapan ko taliwas sa sinabi ko sa kanya na agad ko rin namang ikinagulat. “Nababaliw ka na ba?” hiyaw ko sa kanya dahil hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Hindi siya sumagot bagkus ay nanatili lang din siyang nakaluhod sa harapan ko ng tahimik, kaya agad akong napatingin sa paligid kung may nakatingin ba sa amin. “Huwag mo akong lalong inisin,” banta ko sa kanya na agad din naman niyang ikinatayo ng tuwid sa harapan ko. “I’m sorry!” muli niyang sabi dahilan para muli akong mapatingin sa kanya. “We have different lives Ouji, don’t cut my wings because I never cut yours. Hindi mo rin trabahong pakialaman ako sa lahat ng dapat kong gawin dahil hindi rin kita pinakikialaman. May mga dapat pa tayong gawin bago ang lahat,” I said again at muli lang naman siyang napabuntunghininga saka siya tumungo. “I almost got crazy when you got shot and that I almost lost you, Xion. What do you want me to do? I can't even think straight whenever you’re not --” Agad ko siyang hinila palapit sa akin dahilan para matahimik siya, agad ko ding inilapat ang mga labi ko sa mga labi niya dahilan para matulala siya. “Enough. Okay? Hindi na ‘yon mangyayari,” tanging sagot ko sa kanya saka ko itinulak ang wheelchair ko palayo sa kanya. Nanatili na lang din ako sa may fountain habang busy ang lahat sa paghahanda. “Okay ka lang ba?” agad akong napalingon sa nagtanong sa akin saka ako napangisi. “What do you think?” balik tanong ko kay Dane na tinawanan niya lang naman. “Kami na ang bahala sa lahat, magpahinga ka na para makasayaw ka mamaya,” tanging sagot ni Dane kaya tumango na lang ako at agad din naman siyang umalis. "Love?” Agad na napakunot ang noo ko sa narinig kong pamilyar na boses kaya agad din akong napatingin sa nagsalita and I saw Ouji there walking fast towards me. “Palit na lang kami ni Ullysses sa sayaw, pwede ba?" agad na sabi sa akin ni Ouji na agad ding ikinakunot ng noo ko pagkalapit na pagkalapit niya sa akin. “Xion? Don’t!” agad ding hiyaw ni Ullysses na kadarating lang din naman. “Sa akin lang siya makikinig,” agad na sabi ni Ouji dahilan para matawa na lang ako. “Sige na Ully, huwag mong hayaang matapakan ang dangal ng boyfriend ko,” tanging sabi ko na tinawanan lang din naman nilang dalawa. Agad din namang umalis si Ully dahil sa sinabi ko na parang nalugi siya ng milyong milyong halaga. “Salamat, Xion,” agad niyang sabi saka siya umupo sa may fountain na nakaharap sa akin, “Galit ka pa ba?” mayamaya ay tanong niyang muli dahilan para mapakunot na naman ang noo ko. "Sinabi ko lang ang gusto kong sabihin, hindi ako galit. Frustrated ako, saka I am Xion at wala akong pakialam sa rules,” tanging sagot ko sa kanya at natawa lang din naman siya dahil doon. "Kaya mahal na mahal kita eh, you are born to be stubborn pft!" Ouji said saka siya malakas na tumawa habang naka-poker face lang akong nakatingin sa kanya, "Ang cute mo talaga,” he then said again dahilan para mapaiwas ako ng tingin sa kanya. Tsk! Puro talaga siya kalokohan. (Sam's POV) "Saan ba talaga tayo pupunta?" muli kong tanong kay Xian dahil kinakabahan talaga ako sa inaasal niya. Bigla na lang kasi niya akong pinuntahan sa trabaho para samahan at ngayon ay niyaya niya naman akong lumabas. “Basta!” tanging sagot niya saka siya muling ngumiti. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa kanya, kanina lang ay galing kami sa parlor sa mall na sa tingin ko ay kakilala niya. Doon ay inayusan nila ako at pinag-soot ng damit na tamang-tama naman na gusto ko dahil isinuot iyon ng isa sa mga favorite kpop star ko. Nagpaayos na rin doon si Xian at nagbihis na rin siya saka kami agad na umalis doon. Kanina rin ay tumigil siya habang nasa gitna kami ng byahe para lagyan ako ng blindfold na lalong ikinatibok ng puso ko ng malakas. "Kaylangan pa ba talaga to?" muli kong tanong sa kanya referring to the blindfold. "Yes! So just sit back and relax,” muli niya namang sagot habang tahimik ang byahe namin. Sa totoo lang din ay ayokong mag-assume na may surprise siya sa akin, pero sa ginagawa niya ay naiisip ko na talagang ganoon nga ang nangyayari. Medyo mahabang byahe rin ang tinahak namin bago ko maramdaman na tumigil na ang kotse mayamaya at agad din niya akong inakay pababa ng sasakyan. “Careful!” paalala niya sa akin habang naglalakad kami hanggang sa tumigil na lang din kami bigla, "Open the door and I’ll remove your blind fold, okay?" muling sabi ni Xian na tinanguan ko lang din naman. He also help me hold the door knob at naramdaman ko rin namang hinawakan niya na ang blindfold ko. “Open the door in 3, 2, 1!” Kahit kinakabahan ako ay pinihit ko pa rin ang doorknob matapos niyang magbilang at pagpihit ko noon ay sakto rin namang natanggal ang blindfold ko. “Happy Birthday, Sam!” sabay-sabay nilang hiyaw na ikinagulat ko rin saka ko lang napansin ang gayak na nagpanganga sa akin ng todo. Agad ding nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala. Akala ko talaga ay walang nakaalala. Pakiramdam ko rin ay nasa korea ako at nasa isang concert ng paborito kong kpop group dahil sa theme ng lugar. "Oh? Mamaya ka na umiyak,” agad na paalala sa akin ni Xian dahilan para matawa ako saka ko siya mahinang hinampas na tinawanan niya lang din naman. Hindi ako makapaniwala na nandito sina Abby at Ethan, pati iyong mga taga racing ground. They are all well dressed at aakalain mo talagang mga koreano at koreana talaga sila sa mga hitsura nila. "Maupo ka dito," muling sabi ni Xian sa sa akin matapos niya akong alalayan na maka-akyat sa mini stage saka niya ako hinayaang makaupo sa isang magarang upuan sa gitna ng mini stage kaharap ng hall. Pagkaupong-pagkaupo ko rin ay bigla namang nagpuntahan sa gitna ang grupo nila Ethan at sumayaw sa saliw ng kanta ng paborito kong kpop boy group, dahilan para mapatili ako ng wala sa oras. Agad naman akong tinawanan ng iba pa naming mga kasama dahilan para mapatigil ako sa kahihiyan. --------------------------------- Matapos nilang sumayaw ay agad din naman sumunod ang mga taga racing ground na parang nasa korean dance battle ang lahat. Sinayaw naman nila ang favorite kong sayaw ng another kpop group. Hindi naman nagtagal ay sumunod na sina Abby, isa rin sa mga paborito kong group ang ginaya nila ang isang kpop girl group na gustong gusto ko rin. Grabe, nakakaiyak! Sobrang nakakatuwa ang surpresa nila at kahit nahihiya ako ay hindi ko maiwasang hindi makisayaw at makihiyaw sa kanila. Mayamaya lang din naman ay may mga naka-silver mask na lumabas at labindalawa sila, ginawa rin nila ang famous sign ng isa sa pinakamatagal ko ng gustong kpop group, dahilan para lalo akong mapatili. Agad din silang nagsayaw sabay tanggal ng mga mask dahilan para lalo akong magulat dahil ang mga Elites iyon at kasama nila si Ullysses. Lahat din sila ay inabutan ako ng bulaklak matapos nilang sumayaw. "Teka Teka, kami naman!" Dane yelled. Kanina ko pa sila hinahanap. Agad silang nag-formation sa gitna pagpasok nila dahilan para mapatayo na ako parang alam ko na yan. Oh my gad. Napanganga na lang din ako sa kanila. Shinix really looks like her favorite kpop star, si Nerix naman ay para talagang kamukang kamuka rin ng favorite niyang kpop star talagang kinarir nila ang lahat, ang gagaling nila. Napatayo na lang ako ng mapansin ko si Cha na nagsasayaw kasama nila, kahit na may pilay siya ay parang wala siyang pilay na nagsasayaw at nakangiti sa akin. Dahil doon ay napaiyak na lang ako, alam na alam ko kung gaano kaayaw ni Cha ang ganitong sayaw pero ito siya ngayon at nagsasayaw kasama nila, sigurado ako she planned everything. "Thank you!" sigaw ko sa kanila habang umiiyak, nakakainis talaga sila. "Mamaya ka na umiyak, kulang pa yan!" agad na sabi ni Cha sa akin. Pinunasan ko naman agad ang luha ko dahil doon. After that dance, pumasok bigla si Xian at agad ding napakunot ang noo ko dahil doon, anong kinakanta nya? He's holding a bouquet of red roses also, at kinakanta niya ‘yong favorite tagalog song ko na agad kong ikinangiti. 'Sa hindi inaasahang, pagtatagpo ng mga mundo' He stand in front of me, singing that song still wearing those clothes na akala mo ay isa talaga siyang kpop star. He then held me to dance while he's singing and this was very memorable.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD