(Xion's POV)
Himala, nakatulog lang ako sandali ay close na close na sila? Hanep ah, at talagang hanggang ngayon lahat sila ay nasa sala pa rin at nagkwe-kwentuhan. Natawa na lang din ako sa kanila habang tinatanaw ko sila mula dito sa third floor ng mansion pababa. Talagang clown na ng barkada si Ulysses mula noon hanggang ngayon, he can easily blend in at alam na alam niya kung paano patatawanin ang mga kasama niya.
Natawa na lang ako saka ako nagsimulang bumaba ng hagdan para makisali na lang din sa kanila, isa pa ay nagugutom na rin ako. Pagbaba ko sa hagdan ng third floor ay naglakad lang din ako palapit sa hagdan ng second floor pababa ng ground floor, pero bago ako makarating doon ay agad din akong napalingon sa veranda ng second floor, na agad ding naging dahilan para agad na manlaki ang mga mata ko saka ako agad na napasigaw ng malakas.
Mabilis din akong tumakbo pababa ng hagdan ng lumipad palapit sa akin ang naka-maskarang lalaki na nakalutang sa ere na kamukang kamuka ni Raven Lee. Kahit madapa-dapa ay mabilis akong bumaba ng hagdan at malakas akong napahiyaw ng bigla na lang akong matapid at nagpagulong-gulong pababa ng hagdan.
"What the hell? Xion!” agad na hiyaw ng kung sino pero hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari.
--------------------------
Agad akong napahiyaw at biglang napabangon dahil sa pamilyar na panaginip na ngayon ko na lang yata napanaginipan matapos na mamatay si Raven Lee. That’s bullshit.
“What is that?" agad na tanong sa akin ni Ouji dahilan para mapatunghay ako kaya agad ko rin siyang niyakap.
Hindi ako nagsalita basta niyakap ko lang siya dahil ang bilis na naman ng t***k ng puso ko.
“Okay ka lang ba? You are shaking,” malambing niyang tanong pero hindi ko siya sinagot.
Napatingin na lang din ako sa paligid at agad namang napakunot ang noo ko saka ko siya binitawan.
“Don’t you remember? Nahulog ka sa hagdan at nawalan ka ng malay kaya nandito ka sa hospital, ano ba kasing nangyari? Look at yourself, may pilay ka na nga ay may sugat ka pa sa noo,” he said.
Sasabihin ko na sana sa kanya ang totoo kaya lang ay may biglang pumasok dahilan para mapatingin kami ni Ouji doon, saka namin nakita ang mga kasama namin at kasama pa rin nila si Ulysses. Ang iba sa kanila ay may dala pang pagkain.
“Okay ka na ba?” sabay-sabay nilang tanong kaya napatango na lang din ako.
“Nakita mo ba iyong manikin na kamuka ni Raven Lee kaya ka nagulat?” agad akong napatango sa sinabi ni kuya Kei.
Akala ko ay tao ‘yon, manikin lang naman pala. But the fact that he is really similar to Raven Lee is fvck.
"It was hanging there on the veranda, with this letter. May gusto na namang sumali sa storya," sabad din naman ni Dane saka siya nagpakita ng papel sa akin na agad ko ring tiningnan pagkabigay niya sa akin.
"Power, beauty, fame, lets have a battle again Empress. - Boa"
"Pwede ba Ulysses, babalik ka na lang nagdala ka pa ng asungot!" I just said and throw him the paper.
Kinuha niya rin naman kaagad iyon saka niya binasa. Nakibasa na lang din naman ang iba sa kanya.
"Paano nalaman ng isang ‘yon ang mansiyon at ang tungkol kay Lee?" agad na tanong ni Dane kaya napakunot din ang noo ko.
"Maaaring sinusubaybayan niya si Ully kaya nalaman niya ang mansion, ngayon lang naman siya nagparamdaman hindi ba? Kasabay ni Ully, baka nagbaka-sakali siya na mahanap tayo kapag sinubaybayan niya itong lalaking ito," I just said kaya napatingin lang din ang goddesses sa kanya.
"Ang pogi naman talaga ng Ulysses na yan, halika nga dito ako na lang ang magmamahal sayo. Gusto mo pa kasi sa mahabang pila e,” Gail said dahilan para magtawanan kami.
Gaga talaga ang isang to, agad din naman siyang binatukan ni Shinix dahil doon dahilan para mapahiyaw rin siya sa sakit na lalo naming tinawanan.
“Paano naman niya malalaman iyong tungkol kay Raven Lee?” mayamaya ay tanong ni Sam dahilan para matahimik na lang din kami at magkatinginan.
“I was always updated to you kahit na hindi ko kayo pinupuntahan, baka dahil doon kaya niya nalaman iyon,” agad sa sagot ni Ully dahilan para matahimik kami.
Iyon pala ang dahilan, pero ayos lang. Siguro ay panahon na rin para tapusin namin ang labanan sa pagitan namin.
"Okay ka lang ba? Do you wanna eat?" mayamaya ay tanong ni Ouji sa akin.
"Wag nga kayo dito hoy!" hiyaw ni Chase sa amin dahilan para mapakunot ang noo ko saka ako napatingin kay Gail at Ully na magkatabi at walang pakialam sa mga kasama.
"Gail? Ulysses? Wag daw kayo dito, nagseselos si Chase," I just said dahilan para mapatingin sa akin iyong dalawa na tinawanan ko lang din saka nagtawanan ang mga kasama ko maliban kay Chase, marahil ay na-gets na siguro nila ang sinabi ko.
"Aalis na nga ako,” Chase said again saka siya agad na umalis dahilan para lalo kaming tumawa.
"May gusto sa’yo ‘yon ano? Naks, Bagay kayo,” Ulysses teases Gail pagkaalis ni Chase.
At lalo naman kaming nagtawanan dahil doon lalo na ng nagkatuksuhan na sila, kitang-kita rin inis na inis si Gail sa kanila at kitang-kita rin sa kanya ang pandidiri sa mga sinasabi ng mga kasama namin.
"Do you wanna eat or sleep?!" mayamaya ay tanong sa akin ni Ouji dahilan para mapalingon lang ako sa kanya.
"Eat while sleeping,” tanging sagot ko ang he immediately glared at me dahilan para matawa na lang din ako, "Kakain nga! Okay?" I added.
Agad naman siyang natawa doon bago siya kumuha ng pagkain ko at saka kami sabay na kumain habang kanya-kanya pa rin ng kalokohan ang mga kasama ko. Humanda ka sa akin Boa, kung noon ay hindi kita magawang patayin ngayon ay sisiguruhin kong pupulbusin kita.
-------------------------------------
Talagang grounded pa rin ako kahit na alam naman nila ang purpose ng ginawa namin ni Sam. Nakakainis talaga, kung bakit ba naman kasi ang daldal ni Ullysses. Tsk. Ang daya talaga. Sa ngayon naman ay nauna ng umalis si Sam sa kanila, sabi ko kasi sa kanila wag na siya i-grounded para magawa rin namin ang surprise. Sa totoo lang ay nagaalala rin ako sa fracture ko, hindi ko alam kung paano ko gagawin ang lahat dahil sa pilay ko. They grounded me also dahil dito, pero gusto ko ako ang gagawa ng lahat para sa kanya.
"Oh? Anong muka yan?! nagiisip ka na naman bang umalis? Huwag ka ng makulit,” agad na tanong sa akin ni Shin na may kasama pang panenermon.
Nakaupo lang naman ako sa couch sa sala at nakataas ang paa ko sa coffee table. Agad din akong napatingin sa kanya dahil doon saka ko lang nakita na nandito na pala silang lahat.
"Wala, hindi ako aalis, can’t you see my fvcking feet? lumayas na nga kayo tsk!" tanging sagot ko sa kanya saka ako bumalik ng pagtanaw sa glass wall na tanaw ang garden.
"Babalik kami ng maaga at kapag wala ka dito ay mananagot ka sa akin. Just stay here, understand?" muling sabi sa akin ni kuya Kei kaya muli akong napatingin sa kanila.
"Syempre aakyat ako ng kwarto ko alangan namang dito lang ako. Saka pwede ba? Please lang pwede ba, tigilan niyo na ako? Okay! Please lang, rinding-rindi na ako!" hiyaw ko sa kanya saka ako agad na tumayo at iika-ikang lumakad.
Hinawi ko rin agad ang mga kamay na nagtangkang tumulong sa akin. Iniwanan ko rin ang saklay na ginagamit ko sa sala kasama nila.
"Manang paki-lock ng pinto pag-alis nila, huwag kayong magpapapasok ng kahit sino kahit pa sila mismo!" hiyaw ko habang naglalakad ako paakyat ng hagdan kahit na hirap na hirap na ako.
Bwisit kasing Boa na ‘yon. Humanda talaga siya sa akin, dahil sa kanya kaya ako nagkaganito. Dumiretso na lang din muna ako ng upo sa couch sa mini living room dito sa second floor para makapag-pahinga bago ako pumasok sa kwarto ko. Ilang minuto rin ang pinalipas ko bago ako pasimpleng tumanaw mula dito pababa sa sala. Wala na sila sa baba at narinig ko ring may mga sasakyang ng umalis kaya bumaba na lang ulit ako ng hagdan kahit pa iika-ika ako.
“Naku, Mam Xion magpahinga na po kayo!” agad na sabi sa akin ni Manang ng masalubong niya ako sa baba ng hagdan pero hindi ko siya pinansin.
Agad din naman niyang iniabot sa akin ang saklay ko na kinuha ko naman agad.
"Manang makinig ka, kaylangan ko kayo kasi birthday ni Sam ngayon. Hindi ako pwedeng lumabas kasi mata-track nila ang kotse ko, okay? Kaylangan kong dito gawin ang surprise, okay? Tulungan mo ako manang,” agad kong sabi sa kanya pero nakatingin lang din siya sa akin.
I'm losing hope, alam kong hindi siya makikinig sa akin. Hindi niya ako susunduin kasi hindi naman ako ang amo niya.
"Anong gagawin ko mam?" agad niyang tanong sa akin.
"Pwede po bang kayo na ang mamili ng mga lulutuin? Pakitawag na lang din po ng head butler. Paki-ayos na lang din po ng back lawn, magpapatawag na lang po ako ng designer, paki-usap manang,” muli kong sabi sa kanya at halos lumuhod na rin ako sa harapan niya.
"Basta huwag kang aalis ha?" agad na sabi ni manang sa akin kaya agad akong napatango ng mabilis saka namin pinag-usapan ang mga lulutuin niya at agad naman siyang umalis matapos noon.
Pagka-alis niya ay naupo na lang din ako sa couch dito sa living room at agad kong tinawagan si Ullysses.
"Ulysses? Pumunta ka dito tulungan mo ko!" agad kong hiyaw pagkasagot niya ng tawag ko at hindi ko na rin maiwasang maiyak, “Ully? Hindi pwedeng masira ang plano ko, kung kina-kailangan kong dalahin dito sa mansion ang sorpresa na ‘yon gagawin ko, matuloy lang iyon. Alam mo kung gaano ka-importante ‘yon sa akin,” Iyak ko sa kanya dahil hindi ko na mapigilan ang sari-saring emosyon na nararamdaman ko.
“Don’t cry, pupuntahan kita. Tutulungan kita, ako na ang bahalang magdala kila Ethan diyan saka sa mga designer, hintayin mo ako,” he answered.
Napa-hikbi na lang ako saka ako napahiga sa couch matapos na patayin ni Ully ang tawag. I was so frustrated at hindi ko na mapigilang maiyak, ayokong mauwi sa wala ang lahat.
"Ayaw na ayaw mo talagang hinihingi ang tulong namin,” agad akong napalingon sa nagsalita sa likuran ko at agad din akong napatigil sa pagiyak dahil nakita ko silang lahat na nakatayo doon. Akala ko ba ay nakaalis na sila?
"Tulong nyo? Ikinulong niyo nga ako dito hindi ba? Alam niyo kung anong okasyon ngayon, alam niyo kung gaano kahalaga to sa akin. Pinagkahirapan ko to, tapos sisirain niyo lang dahil lang sa gusto niyong kontrolin ako? Ano pa bang gusto niyong gawin ko? I am here, I am staying here kahit na pakiramdam ko sakal na sakal ako kahit na pakiramdam ko ang sikip-sikip. I am not doing anything, not even moving an inch, not even doing what I have planned just to obey you, magawa niyo lang lahat ng gusto niyo. Ano pa bang kulang?!" hiyaw ko sa kanila habang iyak na naman ako ng iyak, tahimik lang din naman sila.
Ouji tried approaching me pero agad lang din akong tumayo at lumayo sa kanya.
“Ngayon lang ako malaya, iyong sampung taon na hindi niyo ako kasama nagtatago lang ako. Nagtatago sa kabi-kabilang disguise. Ngayon lang ako nakalaya pero pakiramdam ko sakal na sakal pa rin ako, pakiramdam ko nandyan pa rin sina Raven, pakiramdam ko habang buhay na lang akong nakakulong. Hindi na ako makahinga, kaylan ba ako pwedeng lumaya? Hindi ko na nga naranasang maging bata eh, pwede bang paranasin niyo naman ako ng kalayaan?!” muli kong hiyaw sa kanila.
Sakto namang dating nina Ully at Ethan kaya agad akong tumingin sa kanya.
“Ully?!” tawag ko kay Ully saka ako lalong umiyak.
Agad naman siyang tumakbo palapit sa akin saka niya ako mahigpit na niyakap habang iyak lang ako ng iyak.
“Tahan na, nandito na ang lahat magsimula na tayo. Kulang na ang oras natin,” he said saka niya ako agad na binuhat.
Dinala niya rin agad ako sa garden at ibinaba niya agad ako sa upuan doon saka niya agad na pinunasan ang mga luha ko.
“Tahan na, nagaalala lang sila. Okay? You need to stop, kaylangan na nating magsimula,” muli niyang sabi sa akin.
Agad din naman akong inabutan ni Ethan ng tubig na ininom ko naman agad.
“Tahan na Empress, magsimula na tayo,” Ethan said also.
Napatango na lang ako kay Ethan, binuhat din naman akong muli ni Ully saka niya ako iniupo sa wheelchair na dala naman ni Abby.
“Ipakita na natin ang place sa organizer para makapagsimula na sila?” muling sabi ni Ully kaya tumango na lang ako saka ko tinuro sa kanila ang backlawn.
Agad din naman silang nagsimulang mag-ayos matapos noon. Tulong-tulong na lang din silang lahat habang nanonood lang din ako sa kanila. Ully was so hands-on sa mga bagay-bagay, actually ma-trabaho ito dahil gagawing kpop themed ang lugar kaya marami talagang trabaho. Buti na lang din tumulong na sina manang at ang mga butler.