(Dane's POV)
Lahat kami ay napalingon sa pinto ng bumukas iyon, matapos naming marinig ang pagdating ng sasakyan na sigurado naman kaming si Xion at Sam na. Mayamaya lang din naman ay bumukas na ang pinto at nauna ng pumasok si Cha. Sa totoo lang ay kanina pa namin sila hinihintay, at sa wakas ay nandito na sila. Sesermonan ko na sana siya kaya lang ay napatigil ako dahil hindi maganda ang hilatsa ng muka nya. Ano kayang nangyari?
"Dane may kasama kami!" dinig kong hiyaw ni Sam dahilan para magkatinginan kami ng goddesses.
Agad din kaming napatayo mula sa kinauupuan namin at ng pumasok sila ay agad din na nanlaki ang mga mata ko saka ako napanganga. Jongina ni jungkook na pogi. What the hell?
"Ulysses?!" sabay-sabay naming reak ng goddeses.
He just smile at us showing his killer dimples dahilan para agad kaming lumapit sa kanya para mayakap siya. Kaya naman pala grabe maka-kapit si Sam sa kanya at kaya naman pala may pag-sigaw pa siya.
"Nakakamiss ka papa Ully ang tagal mong nawala,” agad kong sabi sa kanya habang hindi namin siya binibitawan, talagang na-miss namin siya.
Ulysses was the only man of our lives bukod sa mga kaklase at iba pa naming kaibigan. He was the man who we always cling for, He was like a brother at mukang alam ko na kung bakit ganyan si Cha. Hindi rin maganda ‘to.
"Na-miss ko kayo, sorry kung ngayon lang ako nagpakita." Ulysses said habang magkakayakap kami.
Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin kami nakakalimutan.
"Wala ka tuloy noong debut ni Cha! Sayang naman,” mayamaya ay sabi rin ni Unix.
"Oo nga. Sayang hindi ko naisayaw ang baby ko. Come here, Cha?" Ulysses said saka niya agad na tinawag si Cha.
Napatingin kami sa kanya dahil doon habang nakatingin lang din naman si Cha sa amin. What the hell?
“Bakit ba ganyan ka ka-distant sa akin? Nagtatampo ka ba? Sorry na, come here? Na-miss kita,” muling sabi ni Ulysses sa kanya na lalong ikinakunot ng noo ni Cha.
“Mag-usap tayo,” tanging sabi ni Cha sa kanya saka siya agad na lumabas at nakangiti lang din namang sumunod si Ullysses sa kanya.
“I-im sorry. I didn’t mean it, na-miss ko lang siya at alam kong kayo rin,” mabilis na paliwanag ni Sam sa amin marahil ng ma-realize niya na ang sitwasyon at nginitian ko lang naman siya.
“Maguusap lang sila. It's okay Sam,” I said.
Agad na napatungo si Sam dahil sa sinabi ko at napatingin lang din naman ako kay Ouji na agad na nagsindi ng sigarilyo niya. What the hell?
(Xion's POV)
"Naroon ba siya sa loob? I mean Ace?" agad na tanong ni Ulysses sa akin habang naglalakad kami palabas dahilan para mapatigil kami sa tapat ng mismong fountain.
Agad ko rin siyang hinarap at agad din naman siyang ngumiti sa akin.
“I miss you, Cha. Alam ko na rin ang sasabihin mo, alam ko na yan at naiintindihan ko. Hindi ako galit, ayos lang Cha. Alam ko na kahit noon pa man wala na akong laban sa kanya, kasalanan ko na nagbakasakali ako pero alam ko na. Noon pa man alam ko ng talo ako sa kanya,” he said again.
"I’m sorry, sorry for hurting you Ully. I didn’t mean to!" I cried and he just chuckle to me saka niya ako agad na niyakap.
“It’s okay, Cha. Okay lang, naiintindihan ko.”
"You are my first crush you knew it, you are my dream perfect man. Alam mong nagka-gusto ako sa iyo. Pero iba si Ouji, hindi ko rin alam kung paano ko siya minahal but you knew that he's my first love. I felt love, Ullysses at baka nga tama ka na noon pa man kaya hindi kita magawang mahalin kasi siya ang mahal ko na kahit siya ‘yong first heartache ko, ay siya pa rin ang una at gusto kong makasama hanggang sa huli. He was my perfectly imperfect downfall, He make me feel those feelings that you never make me feel, He was the man I dreamed to be beside me every morning. I do like you, but I love him. Sorry Ulysses! I didn’t mean to hurt you, I swear and I’m sorry," I cried again saka ko siya lalong niyakap.
This was so hard for me, hindi ko akalain na ako lang din pala ang unang mananakit sa lalaking ayaw kong saktan.
"Bakit ka ba umiiyak?" he ask na dahilan para mapatingin ako sa kanya and he just smile genuinely.
"Alam mo naman kung gano ka kaimportante sa akin hindi ba? Alam mong para sa akin hindi ka dapat masaktan, pero ginawa ko. Sinaktan kita at umiiyak ako dahil ako mismo ang gumawa noon, kaya sorry hindi ko gustong saktan ka pero mahal ko siya at hindi ko rin kayang saktan siya at paasahin ka," I cried again at niyakap niya na naman ako ng mas mahigpit pa.
"Chardice? Tahan na, okay lang, okay lang ako. Magiging masaya na lang ako na masaya ka sa kanya, kaysa ipilit ko pa ang sarili ko sa iyo na alam ko namang kahit kaya kitang pasayahin, kahit kelan hinding-hindi mo naman ako matututunang mahalin. Sapat na sa akin na minahal kita at kahit papaano ay nalaman kong nagustuhan mo rin ako. Okay na ako doon, at mas masaya ako kung kayo ang magkakatuluyan dahil alam kong sa kanya ka mas sasaya,” Ulysses said to me habang nagkayakap kami at habang umiiyak pa rin ako.
"I’m sorry, sana makahanap ka rin ng babaeng mamahalin ka rin. Sana maging masaya ka na,” I said at naramdaman ko lang naman na hinaplos niya ang buhok ko saka niya ako hinalikan sa noo.
"I wish you all the happiness too, Xion. Maging masaya ka na, at nandito lang ako palagi para sa’yo,” muling sabi sa akin ni Ulysses dahilan para mapangiti ako kahit na sunod-sunod na tumutulo ang luha ko.
"Salamat!" I just said at mas lalo ko lang siyang niyakap.
"I wanna talk to him, can I?" Ulysses said to me dahilan para mapabitaw ako sa kanya, tiningnan ko rin siya agad and he just smile at me, “Kaylangan niyang malaman kung gaano kahaba ang pila na nilampasan niya dahil VVIP pala siya,” he added saka siya ngumiti dahilan para matawa na lang din ako.
"Sige, papasok na muna ako. Salamat, pagkatapos niyong mag-usap can you stay? Let’s bond and drink, can you?" I said at agad naman siyang tumango.
Ginulo niya ang buhok ko dahilan para mapangiti na lang din ako saka ako pumasok sa loob pagkatapos kong punasan ang luha ko. Pagpasok ko ay agad din naman akong napatingin sa mga nasa sala na agad din namang napatayo ng makita nila akong pumasok.
“A-Are you okay? Umiyak ka ba?” agad na tanong sa akin ni Dane.
Hindi ako sumagot pero lumapit lang ako sa kanila para makausap sila ng maayos.
“S-sorry, Hindi namin nai-kwento sa inyo si Ullysses pero kaibigan din namin siya. Kababata namin siya, mabait siya ---- ”
“So its him. The Ullysses na pangarap ng mga kaibigan mo na makatuluyan mo, the Ullysses na mister mo daw. Siya ba ‘yong gusto mong makasama at balikan?” Ouji cut me.
Napatigil ako sa pagsasalita at sunod-sunod na naman akong napahikbi. Sunod-sunod na naman ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko. I felt like his words, formed like a sword and it repeatedly stab me. Pakiramdam ko ay ang sakit-sakit ng sinabi niya, pakiramdam ko ay pinapatay ako ng mga tingin niya.
“Oo Ouji, aaminin ko na. Siya ‘yon, siya ang lalaking gusto ko, aaminin ko na nagkagusto ako sa kanya, pero mahal kita Ouji. Mahal na mahal kita and I cant even tell him na ikaw ang mahal ko dahil ang bait-bait niya. He’s there when I needed you and he puts me first before anyone else, he’s too kind to be hurt. Sorry, hindi ko alam na babalik siya. Mahal na mahal kita, pero ayoko rin siyang saktan kasi mabait siya. Sorry! Hindi ko alam ang sasabihin noon, huwag mong isipin na niloloko kita,” I answered.
Lalo naman akong napa-iyak ng maramdaman ko na lang na may agad na yumakap sa akin ng mahigpit. Yakap na punong-puno ng pagmamahal at alam kong walang galit.
“Wala akong pakialam kung gusto mo siya noon, basta mahal kita. At ang mas importante sa akin ay ako ang mahal mo, sapat na ‘yon para ipanlaban sa kahit na sino, Xion. Don’t cry, hinding-hindi ko iisipin na sasaktan mo ako Xion, alam kong hinding-hindi mo gagawin ‘yon,” Ouji said na lalong nagpalakas ng mga iyak ko.
Niyakap ko na lang din siya ng mahigpit hanggang sa kumalma na ako.
“He’s waiting for you,” agad kong sabi sa kanya saka ko siya binitawan.
I smile and he just smile too saka siya lumabas at agad naman akong napatingin sa mga nasa sala.
“Don’t be sorry, wala kang dapat ipaliwanag sa amin,” agad na sabi sa akin ni kuya Kei kaya agad ko lang din siyang niyakap.
“Sorry Cha. Hindi ko naman alam na nagustuhan mo pala siya, puro kalokohan lang naman tayo noong mga kabataan natin eh. Sino ba namang magaakala na ganoon ‘di ba? Ang alam lang namin gusto ka niya, pero alam din namin na hindi mo siya gusto. Sorry talaga, sana huwag magsapakan ‘yong dalawa sa labas,” agad na sabi ni Sam dahilan para matawa ako.
“It’s okay, kaylangan naring malaman ni Ouji kung gaano kahabang pila ang nilampasan niya gaya nga ng sabi ni Ully,” I said dahilan para magtawanan lang sila.
Agad din naman naming ikinuwento sa mga kasama namin ang mga kalokohan namin noon kasama si Ully.
(Ulysses POV)
Nilingon ko agad si Ace pag labas niya saka ko siya nginisian at wala lang namang ekspresyon ang muka niya habang nakatingin siya sa akin.
"Damn you for making my girl cry,” he then said paglapit niya sa akin kaya lalo akong napangisi.
"I feel sorry for that. Don’t be like me, don’t make her cry,” I just said but she just smirked at me too.
"I'm not sorry dahil ako ang mahal niya, but I'm sorry for stealing her to you. Mula noong mga bata pa kami hindi ko na siya ipinamimigay, kaya inaagaw ko siya sa mga nagtatangkang umaagaw sa kanya," he said dahilan para matawa ako.
"No, don't be. Hindi mo sya inagaw sa akin, walang kami dude. Sa totoo lang ay hindi ko akalain na nagustuhan niya ako, hindi naman kasi niya ‘yon pinararamdam o sinasabi noon basta ang sabi niya lang ay crush niya ako. Alam ko rin naman na wala akong laban pagdating sayo mula noon hanggang ngayon. Kaya alagaan mo siya, ayokong umiiyak siya at nalulungkot, ayokong nagugutom, nahihirapan, nasusugatan, at nasasaktan siya," I just said saka ko siya muling nginitian bago ko ipakita ang seryosong muka ko sa kanya.
"No need to mention it bro,” agad niyang sabi saka niya ako nginitian.
"Maswerte ka sa kanya, hindi mo lang alam kung gaano kahabang pila ang binalewala niya para sa VVIP na katulad mo at kahit akong VIP ay walang panama sa’yo. At alam kong ganoon din siya sa’yo kaya mahalin mo siya higit sa pagmamahal ko," muling sabi ko sa kanya at natawa lang naman siya.
"Hindi ako maghihintay ng mahabang taon para saktan lang siya, hindi ako magtitiis ng ganon katagal para lang hayaan siyang agawin ng iba at kahit hindi mo sabihin ay mamahalin ko pa rin siya higit pa sa buhay ko,” seryosong-seryosong sabi niya dahilan para mapangiti ako.
Ngayon alam ko na kung bakit mahal na mahal ka niya.
“Pumasok ka na muna, gusto ka nilang makausap, kaylangan rin nating magkakilala pa. Alam kong na-miss ka rin niya at magiging masaya siya kapag pumasok ka,” he said, pero umiling lang ako saka ako ngumiti.
“Huwag na muna. Siguro sa ibang araw na lang,” tanging sagot ko sa kanya.
"No! You cant resist her, huwag mo ng tangkain. Lahat ng importante sa isat-isa dito, ay importante na rin sa aming lahat, dapat din ay makausap mo ng personal ang mga kapatid niya," he said again at natawa na lang din naman ako dahil mukang wala na akong tanggi, "So, Friends?" he said again dahilan para magkunutan ang noo ko.
"How could you ask for friendship on your rival?!" natatawang tanong ko sa kanya.
"Alam ko namang hindi ka mananalo sa akin, pft!" he said saka siya natawa.
Natawa na lang din naman ako doon bago kami pumasok sa loob kaya lang ay wala na si Cha sa loob dahil nakatulog na daw siya kaya kami na lang ang nag-usap-usap.