Chapter 7

2046 Words
(Xion's POV) Alam niyo bang napakahirap magkaroon ng mga kasama na Kpop lover tapos ikaw ay hindi ganon? Napakahirap noon para sa akin lalo na kapag majority ng mga kaibigan mo ay ganoon. Nakakainis din sa totoo lang, pero sa kabila ng lahat ay tinanggap ko ‘yon dahil alam ko tinanggap na namin lahat ng pagkakaiba ng bawat isa. May pagkakapareho kami at marami ring pagkakaiba, alam namin ‘yon kaya tinanggap na namin ang mga ganoong bagay dahil hindi rin naman namin gustong maghiwa-hiwalay. At ang mas nakakatuwa doon? kahit marami kaming pagkakaiba, marunong kaming gumalang at sumabay sa hilig ng bawat isa. Ako lang yata talaga ang KJ sa kanila, pft. Sa ngayon lahat sila ay walang reklamo at lahat sila ay nagpa-practice. Habang ako ay may sariling practice kaya tumayo na lang din ako kaagad at pinraktis ang step ng una kong performance. Bukod pa kasi ito sa performance na kasama ko sila, after that pinraktis ko na rin ‘yong step noong sasayawin namin. Ganito ko pinalilipas ang maghapon ko sa Academy kasama ng mga estudyante ko, ni Xian, at ni Rubix, kaya sobrang busy ko rin. "Nagpa-praktis ba kayo?" agad kong tanong kay Ethan pagka-sagot niya ng tawag ko sa kanya. "Yes, Empress!" masigla niyang sagot sa akin. "Sige, galingan nyo at baka mapahiya ako kayo ang mananagot sa akin,” I said then ended the call. Kinuha ko kasi sila para mag-perform as kpop boy and girl group. What the hell? Nahahawa na talaga ako sa kanila. "Kinarir niya na talaga, guys? Tara huwag tayong magpatalo kay Xion praktis na!" agad namang yaya ni Dane sa mga kasama niya matapos niyang marinig marahil ang paguusap namin ni Ethan. Kung alam niya lang na sukang suka na ako sa pinaggagagawa ko. I'm not a basher or hater, ayoko lang talaga ng hilig nila. I'm not into Japanese rin like Gail and Rox kaya outcast talaga ako, pero kung papipiliin naman ako ay mas gugustuhin ko pang maging mahilig sa japanese things kaysa sa korean things. "Galingan nyo!" hiyaw ko sa kanila habang pinanonood ko lang din sila. "Bakit ba kasali pa ako dito? Si Shawn na lang dapat!" malakas na reklamo ni Ouji dahilan para magtawanan lang ang mga kasama namin. "Nagrereklamo ka ba? Mag-praktis ka dyan!" agad kong hiyaw sa kanya dahilan para lalo silang magtawanan at wala na rin naman siyang nagawa kung hindi ang magsayaw na lang. Nakikita ko rin na bubulong-bulong pa siyang nag-praktis. Kawawa naman siya, pero nagsasayaw rin naman siya. Weird. Sa totoo lang, sa kanilang lahat ay si Vanes at Xian lang ang may future na maging kpopper kaya sisiw lang sa kanila yan. Si kuya Kei naman at iyong kambal na Mckein ay dancer kaya alam kong kaya rin nila ito kaya lang iyong iba ay frustrated dancer kaya malas lang din nila. Bumalik na lang din kaming lahat sa practice saka kami nagpahinga ng sumapit na ang hapon kasi baka dumating na si Sam. Umakyat na rin kami agad sa mansion, saka sila nagluto habang ay iba ay kasama kong nakatambay sa couch. "Oh Sam? Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Dane sa kanya habang kunwari ay busy ako sa phone ko. Saktong-sakto ang pagtigil namin sa practice. Sa totoo lang ay napakahirap sa akin na iwasan at hindi kausapin si Sam, kapag nandyan si Sam pakiramdam ko ay dalawang Xian ang meron ako lalo na noong ang goddesses pa lang ang lagi kong kasama. "May problema sa company. Sige na aakyat na ako, kumain na rin ako,” sagot naman ni Sam saka siya agad na umakyat sa taas saka ko lang siya tiningnan. Napabuntunghininga na lang ako saka ako agad na naupo sa sahig kahit na nakaupo na ako sa couch. "Ano bang ginagawa mo?" mayamaya ay tanong sa akin ni Ouji pero hindi ko siya tiningnan. Humiga na lang din ako sa sahig habang nakatalikod sa kanila. “Xion, stand up,” muling sabi ni Ouji sa akin. "Pinaparusahan ko ang sarili ko sa mga ginagawa ko sa kanya. Huwag mo akong kausapin,” agad kong sagot kay Ouji habang nakahiga pa rin ako sa sahig. Natahimik lang din naman siya kaagad dahil doon. "Konting tiis na lang naman, tiisin mo muna kung hindi ay masisira ang plano mo,” sabad naman ni Dane sa akin. "Ito na nga ’di ba? nagtitiis na nga eh!" reklamo ko sa kanya na tinawanan lang naman nila. "Sus, kung hindi lang talaga niya birthday ay nag-selos na ako," agad na sabi ni Unix dahilan para matawa na lang din ako. Maging sila ay natawa na lang din dahil doon. Hay nako, Sam? Sorry. Mahirap to pero kaylangan kong magtiis. ------------------------------- Habang busy kami sa practice, ay busy rin ako sa pagmamatyag kay Sam habang dina-divert ko ang attenstion niya para hindi siya makahalata sa mga ginagawa namin. Dahil din sa ginagawa ko ay nakakatakas ako sa mga mata ng mga kasama ko na hindi sila nakakahalata na may iba kaming ginagawa ni Sam. Saktong-sakto rin ito dahil mukang kumagat nga sa plano ko ang mokong na target namin ni Sam. Sa ngayon ay ako ang back-up nya habang kunwari ay nahulog si Sam sa patibong niya. Nagpapanggap kasi si Sam na susunod sa lahat ng utos ng target namin saka namin siya huhulihin sa tamang oras. "Cha? Gusto niyang kunin ko ang lahat ng pera niyo at ibigay sa kanya,” agad na sabi ni Sam paglapit nya sa akin. Nakatayo lang din naman ako sa ‘di masyadong pansinin na pwesto. "Ibigay mo, pagkakataon na natin yan,” I just said at napaisip lang din naman siya dahil doon. "Saka, gusto ka rin daw nya,” Sam said again at napakunot na lang din ang noo ko ng biglang nanlaki ang mga mata niya. "Sa likod!" agad na hiyaw ni Sam kaya agad akong yumuko saka ko sinipa patalikod ang kalaban na nasa likod ko. Humugot din agad ako ng b***l sabay b***l sa mga kasamahan niya at ganoon din naman si Sam. Lagot na, natunugan na nila kami, sabagay okay na rin itong warm up. Nagsimula na si Sam na magpaulan ng mga bala habang tumatakas kami. Bulilyaso ang lahat kaya kaylangan namin itong ligpitin agad. "Get that two you idiots!" hiyaw noong taong balyena sa mga tauhan niya. Dahilan iyon para lalong maglapitan sa amin ang mga tauhan niya at lalo lang naman kaming ginanahan ni Sam na ubusin sila dahil doon. "Cha?!" Sam shouted calling me. Agad naman akong umiwas sabay sipa sa nasa likod niya at sinuntok naman niya ang nasa gilid ko. "Tara na!" muling hiyaw ni Sam sa akin. Mabilis ko lang din siyang nilapitan at agad ko siyang iniiwas sa syringe na dapat ay ituturok sa kanya ng kalaban, at aksidenteng naiturok iyon ng lalaking iyon sa kasamahan niya na sumugod din kay Sam. "Cha?! Seryosohin mo naman to!" muling sigaw ni Sam sa akin kaya natawa na lang din ako, "Cha? Damn, Hindi na ’to maganda ang dami nila at matatagalan pa tayo kapag inubos pa natin sila!" Sam yelled again. Nilapitan ko na lang agad ang matandang mataba na iyon saka ko siya binitbit para dalahin matapos kong patumbahin ang mga kasama niya. "Hagisan mo ng bomba!" I yelled also. Naghagis naman agad siya ng bomba sa mga tauhan ni taba, saka namin isinakay iyong matanda sa kotse ko saka kami sumakay ni Sam doon at agad na umalis. "Anong gagawin mo diyan kay tanda?" mayamaya ay tanong ni Sam sa akin habang nagmamaneho ako kaya pasimple ko lang ding sinulyapan si tanda na nasa likuran ng kotse. "Papirmahin mo sa mga papeles, kapag hindi pumirma patayin mo,” tanging sagot ko sa kanya at agad naman siyang lumipat sa likod and I can see fear and anger in his eyes at the same time. "Bakit ako? Bakit hindi iyong mas mayayaman sa akin?" mayamaya ay tanong niya na ikinakunot lang din ng noo ko dahil parang ang kalmado ng dating noon sa akin. "Simple lang, isa ka sa pinakamayayaman sa underworld at ‘yang yaman mo ay hindi naman talaga sa’yo. Kung iniisip mong kinukuha namin ang pera ng iba para sa mga sarili namin, well its a no. Binabalik namin ‘yon sa tunay na nagmamay-ari gets mo?" I just said at bigla lang din naman siyang natahimik pero mayamaya lang ay bumuntunghininga siya. "Hindi naman ako tulad ng iniisip mo, hindi rin sa akin yang yaman na yan sa pamilya ko yan. Wala rin naman akong ibang gusto sa inyo maliban sa’yo, ikaw lang ang gusto ko at bata pa lang tayo ay gusto na kita!" he said again dahilan para magkatinginan kami ni Sam sa rearview mirror, "Dad wants your money, and I only want you alam mo naman ‘yon. Anyway, Ulysses Ravenna," muli niyang sabi. Agad kong itinigil ang sasakyan ko sa tabi ng kalsada saka ako agad na humarap sa kanila na hindi makapaniwala. Pareho kami ni Sam na nanlalaki ang mata sa sinabi niya at agad lang naman siyang tumawa dahil doon. "Ang pangit mo na g*go ka, Anong nangyari sa’yo?!" agad na sigaw ni Sam sabay batok sa kanya pero muli lang siyang tumawa. Mayamaya lang din naman ay nagsimula na siyang magtanggal ng balot sa katawan niya at lalo lang akong napanganga ng unti-unti ay bumalik na siya sa dati niyang hitsura. "Buti na nga lang at tinumba niyo na iyong mga ‘yon,” mayamaya ay sabi ni Ulysses matapos niyang hubarin lahat ng disguise niya. Until now nakikita kong he's still mad to his family. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang kasama namin ngayon. "Kung hindi ka nagpakilala, malamang ay tinodas na kita. Buti na lang maagap ka," Sam said. Niyakap niya rin agad si Ully kaya umiwas na lang agad ako ng tingin at agad din akong bumalik sa pagmamaneho ko dahil wala akong masabi. Speechless na naman ako, pagdating talaga sa kanya ay nawawala ang kaingayan ko. "Oy na-speechless na ang isa diyan," Sam tease. Sinikap ko namang hindi tumingin sa kanila kahit na inaasar niya ako, dahil alam kong mapapangiti na naman ako ng lalaking yan, at malamang ay mas lalo akong tutuksuhin ni Sam. Damn, boyfriend ko na si Ouji. Hindi pwedeng kiligin pa ako sa kanya. "Hindi pa rin talaga kayo nagbabago, na-miss ko kayo,” muling sabi ni Ulysses dahilan para mapatingin ako sa kanya sa rearview mirror to find him looking at me also kaya agad akong umiwas ng tingin. Ulysses was our classmate since elementary to college. Kasama namin siya lagi noon, kaya nga lang ay madalas na patago iyon, because his parents never wanted him going with us. Ganoon sila ka-kill joy, totoong he's my first crush kaya ganyan na lang din nila kami tuksuhin. Hindi rin kasi kami mapaghiwalay niyan dati kahit na pinagbabawalan siya, ka-tandem na namin yan dati pa. Si Ulysses rin iyong tipong hindi ko kayang tanggihan, I cant even resist him, kahit pa saktan siya ay hindi ko magawa dahil he’s just perfect, he’s too kind and gentle for me. And this is s**t! Sigurado akong masasaktan siya oras na malaman niyang kami na ni Ouji. He was the living proof of my perfect man, my dream man. Great choice na siya kasi parang ang perfect niya na. Pero iba pa rin si Ouji, kasi si Ouji mahal ko siya. Kahit na hindi ko alam kung bakit ko siya minahal alam kong kayang-kaya kong piliin si Ouji over him kahit na ayaw ko siyang masaktan. "Anong gusto niyong kainin? Nasaan ang iba? We should have some fun," mayamaya ay tanong ni Ulysses sa amin. What the hell? "Pumunta na lang tayo sa bahay, sigurado akong matutuwa sila kapag nakita ka. Saka para makilala mo na rin ang pamilya ni Cha,” Sam said, dahilan para mapabuntunghininga na lang ako. Hindi ako nagsalita o tumingin sa kanila. Bakit kaylangan pa siyang isama? Loko talaga itong si Sam tsk. Hinayaan ko na lang din silang mag-usap, sa totoo lang ay kinakabahan ako ngayon, iniisip ko si Ouji. Ano kayang magiging reaksyon niya? Saka hapon na, malamang ay nasa bahay na silang lahat, malamang ay inaabangan na nila kami, anong gagawin ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD