Chapter 6

2109 Words
(Kei's POV) We have decided na umuwi na lang ng maaga at dumiretso na lang din kami sa bahay namin, dahil napagalaman namin na dito dumeretso si Xion matapos niyang manggaling sa company ng mga Steinckerts. Akala ko pa naman ay iimbestigahan niya na ang nangyaring nakawan, iyon pala ay tatambay lang siya dito. "Kung ang mga elders naman pala ang nagnakaw ng pera baka nga nagpapahinga na lang siya dito," Vanes said matapos na ikwento sa amin ni Shawn ang kinuwento ni Xion. “Ang sabi niya nagnakaw daw sila ng pera pampa-renovate ng isla thirteen, at ang mission niya ay alamin kung paano nila nanakaw ang pera para hindi na nila ituloy ang pagpapa-renovate,” agad na sagot sa kanya ni Shawn. “Isip bata talaga ang mga matatandang ‘yon,” Inis na sabi ni Shin na ikinatawa na lang din ng iba pa. "Kung ganoon ay kaylangan niya ng computers na gagamitin para doon, meron bang extra-ordinary computers dito sa inyo?" mayamaya ay tanong ni Rox sa amin kaya napaisip din ako. "Meron, actually thats Mom’s property siya kasi ang computer genius ng mga matatandang ‘yon," tanging sagot ko and Rox just smile at me. "Hindi na ako magtataka na halimaw sa computer si Cha, may pagmamanahan naman pala. Can we go there?” Rox said saka siya humingi ng permiso. Sinamahan ko na lang din sila na pumunta doon at dumiretso lang din kami sa room kung nasaan ang mga computers na sinasabi kong pangmamayari ni Mom. Nadatnan lang din naman namin siyang minamanipula ang sampung monitors na pinagagana niyang lahat. Nakatayo lang din naman siya at nakatitig sa mga iyon, habang ang nasa mismong harapan niya ay naglo-loading, para ma-complete ang process ng kung ano mang ginagawa niya. "I told you,” Rox just whispered to us habang bakas na bakas ang tuwa sa muka niya. I then suddenly felt bad, minaliit ko sya, kanina ay sinabihan ko pa siya na magpatulong kay Rox para sa gagawin niya. Nakalimutan ko na siya nga pala si Xion, nakalimutan kong kapatid ko siya na pwede niyang mamana ang kakayahan ni Mom. "How did you know that I'm here?" agad na tanong nya sa amin kahit hindi siya nakatingin kaya lumapit na agad kami sa kanya. "Syempre, kapag usapang computer matalas ang pang-amoy ni Rox kaya alam niya na nandito ka,” tanging sagot ni Dane sa kanya kahit pa hindi siya nakatingin sa amin. "Anong ginagawa mo dito? Dumali ka na naman sa pagka-alien mo. Magsama nga kayo ni Rox," pangaasar naman ni Gail sa kanya pero parang wala lang naman sa kanya iyon. Hanggang sa mag-transaction complete ang ginagawa niya saka niya agad na kinuha ang cellphone niya at nag-dial ng number. “Did you see what I have done? Tumupad kayo sa usapan and leave my island alone, or I will make sure that you will be bankcrupt kahit ngayon pa mismo, I have 1 million ways to do that,” agad niyang sabi sa kausap niya marahil ay sahil sa sumagot na ito. “Good!” agad niyang sagot saka niya tinapos ang ginagawa niya. Sakto rin namang may pumasok na text sa akin and thats our fund manager saying na naibalik na ang nawawalang 500 million dollars. “Nice, talagang tinupad mo ang pangako mo na ibabalik mo ang ninakaw nila,” mayamaya ay sabi ni Shawn kay Xion habang hawak niya ang cellphone niya. “Hindi na sila magnanakaw, huwag na kayong magalala,” muli niyang sagot saka niya pinatay ang mga monitors. "Case solved, magsibalik na kayo,”muling sabi ni Xion sa amin pero agad ko lang din siyang nilapitan habang naglalakad na kami pabalik sa bahay. "Baby? Sorry for underestimating you. Siguro pakiramdam mo kanina ay minamaliit kita, I swear I didn’t know," agad kong sabi sa kanya pero wala pa rin naman siyang reaksyon. "Sanay na ako, people who never know me always think that I'm weak. Hindi ko naman sila masisisi hindi naman nila ako kilala. Wala rin naman akong pakialam doon at wala rin akong balak na magpaliwanag sa kanila, wala akong kaylangang patunayan sa kahit na sino," tanging sagot niya saka niya ako tuluyang iniwan kasama nila. (Dane's POV) Nakakahalata ako kay Xion, ano kayang ginagawa niya? Para kasing sobrang busy niya at palagi na lang siyang wala. Kapag uuwi nga siya ay matutulog na lang siya. Minsan ang weird niya rin, hindi lang minsan madalas pa nga. Grabe, almost 1 week na siyang ganyan. Hindi niya kami kinakausap o kahit sino sa amin, nakakainis rin ‘yon ano. Ano kaya talagang problema niya? Dahil pa rin ba ito sa paghihigpit sa kanya ni Ouji? "Kumain ka na ba?” agad na bungad na tanong ni Kei sa kanya pagpasok na pagpasok nya pa lang ng mansion. Sa ngayon ay gabi na naman syang umuwi. Ganyan siya palagi, pinagsabihan ko na lang din si Ouji na huwag siyang pagbawalan dahil baka hindi na siya umuwi. Hindi man lang din naman sumagot sa tanong ng Kuya niya, agad lang din siyang umakyat sa hagdan kaya nagkatiningnan na lang kami. Ganyan siya pag-uwi at hindi na kami nagtatangkang magtanong dahil alam na alam namin na sobrang pagod siya at halata naman iyon sa kanya. "Ano kayang problema niya?” I ask at agad namang nagkibit-balikat lang ang mga kasama ko. Sabagay, ano pa nga bang aasahan namin sa isat-isa? Pare-pareho naman kaming walang alam. "Para saan naman ang pagbuntunghininga mo?” agad kong tanong kay Sam ng malakas siyang bumuntunghininga habang katabi ko siya sa upuan. "Wala,” tanging sagot niya saka siya agad na tumayo at umakyat na rin sa hagdan. Agad lang din akong napatingin sa mga kasama ko dahil sa inasal niya at nakita ko rin naman agad na tiningnan ako ng masama ng goddesses. May nasabi ba kong mali? “Wala naman akong ginawa ah!” agad kong reklamo sa kanila. "Isa pa yan si Sam, kahapon pa yan ganyan. Magkaaway kaya sila? Hindi pa naman nagaaway yang dalawang yan hindi ba?" Nerix said. Nagkatinginan na lang din kami dahil sa sinabi niya dahil hindi naman namin alam kung anong nangyayari. Ano nga kaya talagang problema nila? "Matulog na tayo. Wala tayong mapapala kung magtatanungan lang tayo dito," mayamaya ay sabi sa amin ni Kei. Dahil doon ay nagkanya-kanya na lang din kaming lakad papunta sa mga kwarto namin para magpahinga na. ---------------- "Maagang umalis si Sam, kumain na kayo maguusap-usap tayo,” seryosong-seryosong bungad ni Xion sa amin pagpasok namin ng kusina. Nagkatinginan lang din naman kaming lahat dahil doon bago kami naupo. Himala ang aga niyang nagising, importante ba ang paguusapan namin? Bakit kaylangan na wala si Sam? Walang nagsasalita sa amin habang breakfast at wala ring nagtatanong, tahimik ang lahat at after breakfast ay naipon lang din kami sa living room para sa paguusap na sinasabi ni Xion. "I am currently on process of doing my surprise for her birthday, you should do your own. Here, I have a plan,” mayamaya ay sabi sa amin ni Xion saka niya iniabot sa amin ang mga papel na agad naman naming tiningnan kasabay ng pagsinghap at panlalaki ng mga mata namin. "Oo nga pala, magkasunod kayo ng birthday ni Sam!" sabay-sabay naming hiyaw na goddesses na agad niyang ikinatingin ng masama sa amin. "Nakalimutan nyo? Sinasabi ko na nga ba. Kaya pala kung makatingin kayo sa akin kapag uuwi ako akala mo may ginawa akong masama. What the fvck! Yan ang dahilan kaya wala akong paborito sa inyo,” agad niyang sermon sa amin na tinawanan lang din naman namin. "Hindi mo na lang kasi agad ipinaalala. Alam mo naman na makakalimutin kami, birthday mo lang ang kabisado namin,” tanging sagot sa kanya ni Shinix na dahilan ng pagsama lalo ng tingin niya. “Buti hindi niyo nakakalimutang huminga ano?” pambabara ni Xion sa amin dahilan para magtawanan na naman kami. Wala na ang intense na aura kanina dahil sa nangyari ngayon. "So? Kaya ka ba laging wala at palaging pagod ay dahil sa surpresa mo? Naks, paborito mo talaga si Sam ah! Kaya siguro malungkot ‘yon kasi hindi mo siya pinapansin," I just said at agad lang naman siyang umiwas ng tingin. “Magsikilos na nga kayo,” tanging sagot niya kaya tiningnan ko na lang din kaagad ang papel na binigay nya. Sam’s Birthday Surprise. - Gail will cosplay her favorite character and sing her favorite song - Erin will sing her favorite song - Oxy will sing her favorite song also -Rox will also cosplay her favorite anime characrer ang will sing her favorite song - Xian will dress like a kpop star and sing Sam's favorite local song - Xian, Ouji, Vanes, Axel, Chase, Vin, Rubix, Dice Gray, Sebastian will dress like a kpop boy group and will perform one of their songs. -Dane, Shinix, Nerix, Gail, Erin, Rox, Oxy, Unix, Selene, and I will dress like a kpop girl group and will perform one of their songs. Lahat kami ay napatingin sa kanya ng mabasa ko ang nasa huli ng plano like seriously? Seryoso ba sya? Sasayaw talaga sya ng ganoon? Napatili kami sabay talon, saka namin siya agad na nilapitan. “Oh my gad! Magiging masaya to for sure, siguradong-sigurado ako na magugustuhan niya ito. Oh my gad. I want the same birthday theme, sana all Sam!” I just said at tinawanan lang din naman agad nila ako. "Ikaw, anong surprise mo? Bakit wala dito?" mayamaya ay tanong ni Gail sa kanya. "Secret, participate okay?! Huwag sa hindi dahil ako mismo ang sasapak sa inyo,” pagbabanta ni Xion sa amin dahilan para magtawanan kami. "Hindi ako makapaniwala na sasayaw ka Xion, oh my gad. Dream come true!” I yelled again at agad niya lang din naman kaming nilayasan kaya nagtawanan na lang din kami. Struggle talaga para sa kanya ang hilig namin, nina Shinix, Nerix, Erin, Oxy, Unix, at Sam. Kami lang ba? Kami lang ba ang may lahing Japanese pero mas mahilig sa Korean? Ganoon na kami at iyon ang pinagkakasunduan namin bilang mga normal na kabataan. Hindi mahilig sa ganoon si Xion, but she always support us pero never niyang nakasundo kami sa bagay na ‘yon, ang kasundo niya kasi ay si Gail at Rox na parehong pinanindigan ang pagiging Japanese nila. "Favorite niya talaga si Sam, napaka-swerte talaga ni Sam. Sasayaw si Xion para sa kanya, pero nakakatuwa lang talagang isipin ano? she made a twist out of this amazing surprise na alam niyang magugustuhan talaga ni Sam. Xion, performing Kpop dance and song is very impossible. Dapat ay I-video natin ‘yon," I said at sinang-ayunan lang naman ako ng goddesses habang natatawa lang din naman sa amin ang iba. "Magsimula na kayo!" mayamaya ay dinig naming hiyaw ni Xion kaya agad kaming napatayo saka kami nagsimulang kumilos. Dumiretso na lang din kami sa ground kung saan kami niyaya ni Ouji para daw may malawak na space at tago. Matapos naming makahanap ng pwesto ay agad din kaming nagsimula, Si kuya Shawn ang nagtuturo kila Xian ng steps ng sasayawin nila habang si ate Dolly ang nagsu-supervise sa amin dahil alam na din naman namin ang sasayawin namin. Habang si Shin naman ang kumukuha ang behind the scenes. "Xion? May problema ba?" agad na tanong ni ate Dolly kay Xion dahilan para mapatingin kaming lahat sa kanya. "Sorry, This was very hard for me. Lets have a break first, practice your own performances! Pasensya na hindi talaga ako pinanganak na babae, lalaki talaga ako noong mga kapanahunan ko,” agad na sabi ni Xion sa amin saka siya agad na naupo sa sulok at nagtawanan lang din naman kami dahil doon. "Kung hindi mo kaya huwag mo ng pilitin. Simpleng tao lang naman si Sam, kilala mo naman siya. Masaya na siya sa simpleng bagay lang,” agad kong sabi sa kanya matapos namin siyang lapitan at abutan ng tubig. Naupo rin agad ako sa tabi niya at ganoon din ang iba pa. "No! Kaya ko, nakakaya ko ngang pumatay iyon pa kayang sayaw lang? Kakayanin ko, gusto kong hindi niya makalimutan ang araw na ‘yon,” tanging sagot ni Xion sa akin kaya napabuntunghininga na lang din ako saka ko siya nginitian. Ilang minuto rin kaming hindi nagsalita bago ko napagpasyahang mag-practice na ulit, alam ko naman na hindi ko na mababago ang isip niya kaya hindi na ako nagsalita pa. Tinapik ko muna ang balikat niya bago ako tuluyang tumayo saka ako nag-practice kasama sila. Sa susunod na linggo pa naman ang birthday ni Sam, kaya namin to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD