(Xion’s POV)
"Wala kaming karapatan na hawakan ang libro kaya sinasabi namin ito sayo para kumilos ka na, habang may oras pa tayo dapat na nating mahanap iyon dahil alam kong kumikilos na sila, uubusin nila tayo, hindi tayo maaaring makampante dahil baka mamaya ay sila na may hawak ng mga libro," muling sabi ni kuya Danielle dahilan para mapaisip din ako.
Tama siya, kaylangan na naming kumilos at maghanda. Ngunit lalong nablangko ang isip ko sa mga sinabi niya. Iniisip kong mabuti ang mga iyon, bukod pala sa dahilang babae ako ay may iba pang dahilan. Napakaraming dahilan pala kung bakit ako napalayo sa kanila, dahilan na hindi ko akalaing maaari pala.
Napuno ako ng galit dahil doon, sobra akong naghinanakit. Napaka-mapaglaro talaga ng tadhana, tila isinumpa nya na ako sa bagay na ito. All my life I live miserably, I live seeing people passed and go. I hated everything at ngayon ay napupuno na naman ng hinanakit ang puso ko, dahil lang sa kagustuhan nilang maging makapangyarihan ay ganito ang nangyari sa akin, naging miserable ako.
"Huwag kang mag-alala naririto kami, hindi ka namin pababayaan. Sa ngayon ay ang blue book muna ang uunahin nating hanapin," kuya Danielle said and hug me.
Ilang sandali pa kaming nanatili doon at matapos ang palabas ay umalis agad kami roon, babalik na kami ngayon sa mansion. Kunwari paring dinukot si Sebastian at agad na tumulong sila kuya sa paghahanap sa kanya.
--------------------------------------
"What the hell Xion? Saan ka ba galing?!" hiyaw nilang lahat sa akin pagdating ko sa mansion habang dire-diretso lang ako sa couch.
Naupo lang ako na parang pagod na pagod pero ang totoo ay naguguluhan ako. Hindi ako nagsalita habang si Sebastian ay umaarte na akala mo ay bugbog sarado talaga pero sina Ate lang naman talaga ang may gawa noon sa kanya para daw effective ang palabas.
“Bakit hindi ka namin matawagan?” muling tanong sa akin ni Ouji dahilan para marahas akong mapatingin sa kanya.
“Pwede ba tigilan mo nga ako nyang kagaganyan mo! Hindi mo ako preso dito, pupunta ako sa kung saan ko gustong pumunta kung gugustuhin ko! Alam mong hinanap ko si Sebastian, magkakasama tayo hindi ba? I have my own life, huwag mo kong sakalin! Sawang-sawa na ko sa pagbabawal niyong lahat, alam niyo mas maganda pa siguro na hindi na lang ako umuwi!” hiyaw ko sa kanya na agad din niyang ikinagulat.
Ikinatahimik din iyon ng iba pa habang bakas na bakas ang pagkabigla at ang sakit na gumuhit sa muka ni Ouji.
"Tama na yan Xion, pagod ka lang at nag-alala lang sila," agad na pagpapakalma sa akin ni kuya Dan.
“Gamutin na lang natin ang mga sugat ni Sebastian para makapagpahinga na sila,” sabad din naman ni ate Dolly sa amin saka siya kumilos.
Habang nananatili akong walang pakialam sa kanila.
"Akala namin ay nasa business trip kayo?" mayamaya ay tanong naman ni Dane sa mga kapatid niya
"Hindi kami natuloy pero may pinuntahan din kaming meeting kaya kami wala," agad na sagot sa kanya ni kuya Alexis.
"Pano nyo nalaman na kinidnap si Sebastian?" mayamaya ay tanong naman ni Shin at alam kong nagdududa rin sya.
"Tinawagan kami ni Xion, huwag kayong magalala, iilang pipitsuging grupo lang sila at naisahan lang nila itong si Sebastian. They are just mad dahil sa pagkuha nila ng properties ninyong goddesses," muling pagpapalusot ni kuya Alexis at natahimik naman na sila dahil doon.
"Let them rest," mayamaya ay sabi ni Shin sa kanila kaya napatingin na lang ako kay Sebastian.
“Do you wanna eat?” tanong sa akin ni Ouji kaya muli akong napatingin sa kanya ng masama.
“Huwag niyo kong kausapin, hindi ako natutuwa sa inyo!” hiyaw ko sa kanya.
Iniwanan ko na lang din sila doon at nagkulong na lang din ako sa kwarto ko pagpasok na pagpasok ko doon. Ano na lang ang gagawin ko ngayon? Panibagong bangungot na naman ba to?
(Shin's POV)
Ako lang ba ang iba ng tingin o talagang kakaiba sa Xion ngayon? Her silence na animoy nahulog sya sa napakalalim na pagiisip, her moves, her looks, kakaiba talaga. Nagkaganyan lang siya after that incident of k********g, kakaiba iyong galit niya kay Ouji. Its like may nalaman siyang hindi niya nagustuhan kaya siya iritado.
Hindi rin ako naniniwalang sa simpleng pagbabawal lang ni Ouji kaya siya nagagalit. I knew her, walang makakapagbawal sa kanya na kahit na sino. Kaya bakit siya nagagalit? Kung tutuusin ay siya ang hindi lumalabas ng mansion. May nangyari nga kaya na bukod pa sa k********g na ‘yon?
"Yes? I'm on my way!" sagot ni Kei sa kausap nya pagbaba nya ng hagdan dahilan para mapatingin din ako sa kanya.
Ito pa, isa pa itong mukang malaki ang problema, magkapatid nga sila ni Xion. Mayamaya lang din naman ay sumunod na rin na bumaba si Shawn na hindi rin maipinta ang muka katulad ni Kei.
"Ano bang mga problema nyo? Bakit ganyan ang mga muka niyo?" I ask.
Agad lang din silang napatingin sa akin, saka sila naupo kasama namin dito sa living room.
"Our company lost almost 500 million dollars in just one night," sabay na sagot ng dalawa na ikinakunot agad ng noo ko.
Sus! iyon lang naman pala.
"Wait? 500 million dollars?" gulat na gulat kong tanong sa kanila at nagkatinginan pa sila.
Maging ang mga kasama namin ay hindi rin agad nakapag-salita sa gulat.
"Ganoon din sa inyo? Kung sino man ang gumawa nito, napakagaling niya at talagang sabay pa nangyari sa atin ang ganito," Shawn said.
Dahil doon ay agad kong ipinatawag si Ouji sa maid namin at sumunod na rin naman sa kanya ang iba pa kahit si Xion na bihis na bihis na ay kasunod na rin nila.
"Anong nangyayari?" agad nilang tanong maliban kay Xion na naupo lang sa sala para ayusin ang bag niya.
"Ninakawan ang kompanya namin at ng mga Henson ng tag-500 million dollars kagabi lang at kaylangan nating mahanap kung saan napunta ang pera na ‘yon,” I said at natahimik lang naman agad sila dahil doon.
"Is it online?" agad na tanong ni Rox sa dalawa at agad naman silang napatango doon.
"Kami na ang bahala dito, magsipasok na kayo," mayamaya ay sabi sa amin ni Kei kaya napabuntunghininga na lang ako.
“Xion can trace that, we always stole money online before. Kayang-kaya nya yan sa kahit paanong paraan pa,” muling sabi ni Rox sa amin dahilan para mapalingon kami sa wala paring pakialam sa si Xion.
"Hindi ko gagawin, wala akong pakialam sa inyo," tanging sagot niya saka niya itinuloy ang pagse-cellphone niya kahit na hindi siya nakatingin sa amin.
Marahil ay hindi lang siya nakatingin pero nakikinig siya sa amin. Magsasalita na sana ako para sawayin siya pero agad na tumunog ang cellphone niya na agad din naman niyang sinagot.
“Nicco?” tanging sagot niya sa kausap na ikinatitig lang din namin sa kanya.
Iyon ang pangalan na binanggit niya noong inihanda niya ang isla 13 para sa pag-alis ng mga elders. May nangyari kaya?
“What the fvcking hell? Sinong nagbigay ng permiso sa kanila na ipa-renovate ang isla ko? Give them the fvcking phone, now!” hiyaw ni Xion sa kausap niya.
Agad din siyang napatayo saka siya nagpabalik-balik ng lakad habang hinihintay niya marahil na kunin nila ang cellphone.
"Touch my island and you’ll be dead!" muling hiyaw ni Xion.
Kitang-kita mong galit na galit siya na ikinagulat din namin, naglabasan ang mga litid niya at namumula ang mga mata niya, what the hell?
“I can kill you, kahit pa nandito ako at nandyan kayo!” mayamaya ay sabi niyang muli sa tonong tila hindi naman sa kanya galing.
Nanayo ang balahibo ko dahil doon, is it Xion? For real? Ganyan ba siya kagalit sa kanila? Mayamaya lang din ay ibinaba niya na ang cellphone, kitang-kita ko rin na agad na nagngalit ang mga bagang niya.
"I needed to know what happened now!" muling hiyaw ni Xion.
Agad din siyang naunang lumabas sa amin habang nagkatinginan na lang kaming lahat. Saka agad na sumunod sin Shawn at Kei sa kanya. Ano kayang nangyari?
"Bantayan nyo si Xion, huwag nyong aalisin ang tingin nyo sa kanya,” mayamaya ay sabi ni Ouji sa kausap niya habang hawak niya rin ang cellphone niya.
Isa pa rin to, nagagalit na nga si Xion hindi pa magtanda tsk.
“Kumilos na tayo,” agad kong sabi sa kanila saka kami nagkanya-kanya ng lakad.
(Xion's POV)
This is bullshit. Nagnakaw lang sila ng pera para pakialaman ang pinaka-paborito kong isla? What the hell? Talagang muntik ko na silang maipa-patay sa galit ko. Napabuntunghininga na lang ulit ako saka ako mabilis na nagmaneho, kaylangan ko lang alamin kung paano nila nanakaw ang tag-500 million dollars na ‘yon at titigilan na nila ang isla ko.
Napabuntunghininga akong muli habang nagmamaneho, talagang inis na inis ako ngayon. Hindi mawala ang inis ko matapos kong malaman lahat ng iyon mula kina kuya Dan at Alex. And I knew the way Shin look at me, alam kong nakakahalata na siya na something was troubling me. Sino ba naman kasing hindi maguguluhan doon. My life was too complicated samantalang tahimik at simpleng buhay lang naman ang gusto ko.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na ako sa sarili naming company. Sa ngayon since wala sina Mom and Dad ay sina kuya Kei and kuya Lei muna ang namamahala dito. I knew they can handle this very well, they are trained to do so. Pwedeng-pwede na talaga nilang palitan sina Mom and Dad in the future. Pagdating namin sa company ay pumasok lang kami agad at kinausap lang namin ang general fund manager ng company saka ko tiningnan ang sinasabi nilang nag-malfunction na system.
"Kagabi ko lang po nalaman ang lahat at kagabi lang din nawala ang pera,” agad niyang sagot sa akin.
"May napansin ka ba bago mangyari ‘yon?" I ask her again.
"Sandaling nag-corrupt ang system noong mga oras na nagta-tally ako ng pera, but after that ay naging okay rin naman agad ang system at nalaman ko lang na may nawala after ko nang i-tally ang lahat,” sagot niyang muli sa tanong ko.
"Okay then, go back to your work," tanging sagot ko at umalis din naman agad siya.
This must be interesting, dahil hindi nila kayang magnakaw personally dahil malayo sila kaya via computer na lang nila ginawa ang lahat, what an old trick.
"Kaya mo? You can ask for Rox's help for this, she has knowledge about computers hindi ba?" mayamaya ay sabi sa akin ni kuya Kei dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"I can manage, no need for help. I'm going," tanging sagot ko sa kanya saka ako nagpaalaam at nagmamadaling umalis doon.
Wala ba silang tiwala sa akin? Ano ba ako sa pamilya na to? Robot lang ba ako na kaylangang kontrolin? Aso ba ako na kaylangang ikulong? Ipinagsawalang kibo ko na lang muna ang lahat dahil alam kong maiinis na naman ako, kakausapin ko pa rin kasi ang fund manager nila kuya Shawn. Hindi naman nagtagal ay agad din akong nakarating sa company nila at dire-diretso lang din akong pumasok doon since may VVIP passes naman ako dito.
"I already talk about them, at mukang sa fund manager nga lang tayo makakakuha ng impormasyon,” salubong sa akin ni kuya Shawn pagpasok na pagpasok ko sa office nya.
"I’ll talk to your fund manager,” tanging sagot ko at agad din naman niyang ipinatawag ang fund manager nila.
"Ano pong maitutulong ko?" agad na tanong ng lalaking fund manager ng makaharap na namin siya.
"Itatanong ko lang kung paano mo nalaman na nawalan kayo ng pera at kaylan ito nangyari?!" I ask at mabilis lang din naman niyang inilapag ang laptop niya sa mesa.
"Kagabi po ito nangyari at nalaman ko na lang kaninang umaga, nakita ko na lang sa record na nawala na lang bigla ang 500 million dollars. Imposible rin namang error ‘yon dahil kagabi pa lang na-tally na ang lahat ng pera," agad na sagot ng fund manager saka niya ipinakita ang record kagabi at ang screen recording ng pagta-tally nila.
"Mga anong oras nangyari to?" I ask at agad naman siyang sumagot.
"10:00 pm po nakuha ang pera, at 4:00 am ko nakita,” sagot niya kaya pinagmasdan ko na lang muli ang recording.
"Salamat,” I said at umalis na rin naman siya kaagad.
"Suspect pa rin ba natin sya?" agad na tanong ni kuya Shawn kaya napatingin lang din ako sa kanya.
"Aalamin ko pa, anyway sabi ni kuya Kei 11:00 pm naman nangyari ang pagnanakaw sa amin, iisang araw magkasunod na oras,” I said at agad naman siyang napaisip dahil doon.
"Iisang tao lang kaya ang gumawa nito?" kuya Shawn ask kaya bahagya lang akong natawa.
"The elders did it, nakausap ko sila kanina hindi ba? Gusto nilang ipa-renovate ang isla ko kaya nagnakaw sila ng pera. At para hindi nila ituloy ‘yon ay kaylangan kong I-solve kung paano sila nagnakaw. Kaya mauuna na ako, kaylangan kong bilisan kung hindi ay pakikialaman nila ang isla ko. Ako na lang din ang magbabalik ng pera niyo, nanakawin ko din ‘yon sa kanila. Sermonan mo na rin ang mga matatandang ‘yon na feeling mga bagets, okay?" I said na ikinagulat naman niya at ikinatawa rin niya sa huli saka ako tuluyang nag-paalam at agad na umalis doon.
Dumiretso na lang din ako sa bahay namin, doon kasi may mga gamit na kakaylanganin ko sa pagnanakaw sa mga matatandang iyon. Pagdating ko ay agad lang akong binati ng mga butler at maid pero hindi na sila nagtanong pa sa akin, na-miss ko dito mas tahimik kaya dito kaysa sa mansion ng mga Steinckert.
Pagapasok ko ay dumiretso lang din ako sa kwarto nina Mom saka ko binuksan ang secret passage na nasa likod ng computer set niya sa kwarto saka ako agad na bumaba ng hagdan dahil ang daan na iyon ay konektado sa ground ng bahay. May mga computer kasi dito sa ground, gamit ito ni Mom at ito ang kaylangan ko dahil kaylangan kong gawin ng mabilis ang pagnanakaw.
Pagpasok ko sa room ay agad ko ring binuksan ang mga monitor saka ako nagsimulang magtrabaho. Una kong inaalam ang pagkatao ng dalawang fund manager, saka ko rin pinasok ang system nila. Saka ko agad na inimbestigahan ang mga possible accounts na pinaglayan nila ng perang iyon. Matapos kong mahanap ang mga accounts nila ay saka ko sinimulang pasukin ang system nila para nakawin ang pera nila at inalam ko na rin ang ginawa nila dahil ganoon din ang gagawin kong pagnanakaw sa mga pera na ‘yon.