(Xion’s POV)
After that whole day nang pagaayos ng mga section namin at pagpapaliwanag ng lahat ay sabay-sabay rin kaming umuwi at pagdating namin ay nasa bahay na rin ang iba pa.
"So, Hows the first day?!" agad na bungad ni ate Selene sa amin.
"Ayos naman, mas masaya ngayon for sure,” agad na sagot agad ni Chase sa kanya.
"Hindi ako masaya, dahil iyong mga estudyante ko ay kilala si Xion, they are calling her Empress all the time and they keep on asking about her with so much adoration and respect. Madaya, baka ipatalo pa nila ang section namin," agad na angal ng sabay nina Xian at Rubix na ikinagulat din nila kaya natawa na lang din kaming lahat sa dalawa.
"Kilala ka at tinatawag kang Empress? Sino ang mga ‘yon?" agad na reak ni Dane dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Yung hawak ni Xian, sina Abby ’yon at yung hawak ni Rubix sina Jeremiah, at Hawak ko sina Ethan," tanging sagot ko sa kanya na ikinagulat din nila.
"Talaga? Naks talagang napakahaba ng hair ng Empress namin, pero teka lang paano sila nakapasok doon?" agad na sabi ni Gail dahilan para mapakunot ang noo ko.
“You mean its not you?” agad kong tanong sa kanila pero tahimik lang silang nagkatinginan saka umiling.
“Kung kami ‘yon baka sumama pa kami sayo with matching banner pa kami doon,” agad na sagot ni Dane sa akin dahilan para mapailing na lang din ako sa kalokohan niya.
"Iyon na nga ang ipinagtataka ko, may nag-imbita daw sa kanila at sinabing naroroon ako kaya pumasok sila doon. Ang weird, sino naman kaya ‘yon?" I just said dahilan para matahimik din ang lahat.
"Nakakapagtaka nga yan kung ganon,” sabay-sabay ding sabi ng goddesses.
"Wag niyo na munang isipin ‘yon ang importante at least alam natin na hindi tayo mahihirapan sa kanila,” sabad sa akin ni Shin dahilan para mapaisip din ako.
Sabagay may punto siya doon, alam ko naman na kahit anong mangyari nasa akin ang katapatan nila.
"May pagkain na ba tayo? Gutom na ako,” agad kong reklamo na agad din namang tinawanan ng mga kasama ko.
"Opo boss, tara na doon sa kusina,” agad na sabi ni ate Selene at nauna na din naman agad sila sa kusina.
"Sebastian? Nasaan sila Kuya?" I ask, ng mapansin kong hindi niya kasama ang apat pero seryoso lang din siyang nakatingin sa akin.
He then pulled out something from his pocket and showed it to me.
"Nakita ko yan kanina, its a letter from Danielle at nanghihingi sila ng tulong," agad na sabi ni Sebastian dahilan para agad akong magulat.
"Alam mo ba kung sinong gagawa nito? Alam mo na ba kung nasan sila? Alam na ba ng mga kasama natin?" I hurriedly ask at umiling lang naman agad siya bilang tugon, "We need to find them now," I said again at lalabas na sana ako pero pinigilan nya agad ako sa pagalis.
"Cha? Basahin mo iyong nasa likod," muling sabi ni Sebastian kaya agad kong binaligtad ang papel and it showed me another note.
'Find them and you will get the blue book. Iyonay kung maaabutan mo pa silang buhay -Leon'
Leon? Who is he at anong alam niya sa blue book? I look at Sebastian at nakita ko rin agad ang pagaalala sa kanya. Kaylangan namin silang iligtas ng kami lang at ng tahimik. Wala pang nakakaalam ng tungkol sa libro maliban sa amin, ito marahil ang dahilan kaya hindi niya sinabi sa iba ang tungkol dito. Naloko na, anong gagawin ko? Ngayon lang yata ako na-blangko ng ganito. Hindi ko alam ang gagawin, totoo nga bang na-kidnap sila?
"Saan natin sila hahanapin?" I ask at napailing lang din si Sebastian.
This is so sudden.
"Hindi ko rin alam, Cha,” tanging sagot niya sa akin saka siya napabuntunghininga.
"Kumain muna tayo," yaya ko sa kanya saka kami sumunod sa kanila sa kusina.
"Cha? Sila Kuya ba nakita mo? Sebastian?" agad na tanong ni Dane sa amin pagpasok namin sa kusina.
Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Lagot na! Tsk.
"May business trip daw sila, Hindi na sila nakapag-paalam sa inyo kasi nagmamadali sila," tanging sagot ni Sebastian sa kanya.
"Kumain na kayo, baka naman talagang busy lang sila,” agad na sabad ni kuya Shawn na ginawa naman agad nila.
What the hell? Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako ngayon. Hindi ako pwedeng magpahalata sa kanila. Pagkatapos kumain ay nauna na agad ako sa kanilang umakyat sa kwarto ko, iniisip ko kung saan ko sila hahanapin at sino ang Leon na ‘yon.
"Cha? Are you there?" dinig kong tawag ni ate Selene sa pinto kaya agad ko iyong binuksan, "Nakita mo ba si Sebastian?" tanong niya kaya agad na napakunot ang noo ko.
"Nasa kwarto niya," tanging sagot ko dahil sabay kaming umakyat kaya alam kong nasa kwarto siya.
Ngunit agad din siyang umiling sa akin kaya napakunot din agad ang noo ko.
"Wala siya doon, may itatanong sana ako sa kanya," she said kaya lalong napakunot ang noo ko.
Lumabas na lang din ako kaagad sa kwarto ko at saka ako naglakad papunta sa kwarto ni Sebastian. Agad din akong pumasok doon para tingnan kung nasaan siya pero agad lang din akong nagulat sa nakita ko. Napatingin lang din ako kay ate Selene na gulat na gulat din when we saw bloods on the floor of his veranda, may nakasulat din sa wall doon na puntahan namin si Sebastian sa lugar na nakasulat roon. Agad kong binura ang address na inilagay sa wall saka ko tiningnan si ate Selene.
“What are you doing?” agad niyang tanong sa akin kaya agad din akong napatingin sa kanya.
“Ate? I need you to go with them, find him at pupunta naman ako dito sa lugar na sinabi dito. I’m sure kasama siya ngayon nina kuya Dan and Alex, kinidnap sila ng nagpakilalang Leon at hindi nila pwedeng malaman to dahil involved ang books of death dito. Saka ko na ipapaliwanag ang lahat, kaylangan muna natin itong unahin,” I said to her.
Napatango na lang siya sa sinabi ko at saka siya naunang lumabas sa akin.
"Guys? We need to find the Lee!" agad na hiyaw ni ate Selene kaya nagtingin-tingin na lang din ako sa buong kwarto bago ako lumabas.
“Anong nangyayari?!” agad na tanong ng mga kasama namin na halatang natataranta narin dahil sa pagsigaw ni Ate.
“Nawawala si Sebastian, maraming dugo sa kwarto niya. Kitang kita namin ni Xion,” sagot sa kanila ni ate Selene.
"Saan natin siya hahanapin?” agad ding tanong ni Dane sa kanya.
“Hindi ko alam, pero kaylangan natin silang sundan baka hindi pa sila nakakalayo,” tanging sagot ni ate Selene kaya nagkatinginan sila agad.
“Let’s go?” agad na sabi ni kuya Shawn sa kanila.
"Stay here, Xion. Samahan mo sila ate Dolly at Aila," agad na sabi ni Ouji dahilan para agad akong mainis.
“Wait? Why? No, hahanapin ko siya whether you like it or not!” agad kong hiyaw sa kanya saka ako naunang sumakay sa kotse ko at saka ako agad na umalis.
Hindi ako papayag na maunahan nila akong mahanap si Sebastian.
"Sebastian Lee? Nasaan ka!" agad kong sigaw kay Sebastian pagsagot nya ng tawag ko.
Tinawagan ko ang extra phone niya na ako lang sa amin ang nakakaalam.
"Gumawa lang ako ng palabas, I’ll text you the address pumunta ka na dito ngayon din," he said to me kaya agad ko ng pinatay ang tawag.
Sinikap ko rin agad na na mauna sa mga kasama ko saka ko siya pinuntahan sa address na tinext niya, hindi naman nagtagal ay nakarating na rin ako.
"Hayop ka!" agad kong sigaw sa kanya pagpasok na pagpasok ko sa mansion na itinuro ng address saka ko siya binato ng vase na nahawakan ko sa may main door.
Nakita kong nandito rin sina kuya Dan at Alex na agad din namang nagulat sa ginawa ko.
"Sorry na, sumusunod lang ako!" agad niyang hiyaw habang umiiwas siya sa mga suntok ko ng sugudin ko siya.
"Wala na tayong oras, magsimula na tayo," agad na saway sa amin ni kuya Dan at Alex kaya agad akong lumapit sa kanila saka ko sila agad na sinapak na tinawanan lang din naman agad ng mga asawa nila.
"Aray! para saan naman ’yon?" sabay nilang reklamo kaya tiningnan ko na lang sila ng masama.
"Para yan sa mga kagaguhan nyo!" sigaw kong muli sa kanila na ikinatahimik din naman nila kaagad
"Hindi kasi dapat marinig ng kahit sino ang bagay na to, kaya kinailangan namin itong gawin bunso. Ang hirap din namang pumuslit sa mansion dahil lahat ng mata nila ay nakatutok sa iyo," agad na sabi ni kuya Danielle sa akin kaya napabuntunghininga na lang din ako saka ako naupo sa couch dahil hinila na rin ako ni Sebastian paupo doon.
"May nahanap ka na bang impormasyon tungkol sa blue book?" agad na tanong sa akin ni kuya Alex kaya tiningnan ko na lang siya ng masama.
"Muka bang may nakuha na ako? Alam niyo naman na hindi ako umaalis sa mansion hindi ba? Kayo dapat ang kumilos," balik tanong ko sa kanila at napakamot lang din naman sila ng ulo dahil doon.
"That Bluebook was one of the books of death and there are 3 of them na kaylangan nating hanapin. The blue book, white book, and black book. Bluebook was consist of the 10 persons who serves as the hindrances among the persons included on the white book and black book, the white book was consist of the most powerful persons in the underworld, and the black book was consist of the persons that the keeper of the books needed to kill," mahabang salaysay ni kuya Danielle pagkatapos kaya napakunot din ang noo ko.
"Then? Why are you saying all of this to me?" I ask at napabuntunghininga lang din naman siya.
Alam ko naman na iyon since iyon ang isang bagay na sinabi rin sa akin nina Mama noong nasa kanila pa ako.
“Hindi mo man lang ba naisip ang importansya ng libro? Base sa silbi ng mga libro hindi mo man lang ba naisip kung sino ang pwedeng humahawak doon sa ngayon?” tanong muli ni kuya Dan sa akin dahilan para mapakunot din ang noo ko.
Tama siya, may punto ang mga sinabi niya.
"Noong panahon nina lolo lahat ay malalakas, lahat daw ay may kapangyarihan pero ng gawin ang books of death ay nagbago ang lahat sa underworld. May apat na kilalang pamilya ang gumawa ng books of death at ito ay pinangangalagaan ng isang angkan na pinagbotohan ng lahat at dahil doon ay sila ang itinuring na pinaka-malalakas na tao sa underworld dahil kalakip ng pangangalaga nila sa libro ay maaari rin nilang manipulahin ang mga nakasulat dito. Ngunit sa kabila ng lahat ay may sumira ng kasunduan sa paghahangad niya ng mas mataas na kapangyarihan at dahil doon nawala ang tatlong libro, kung kani-kanino ito napunta dahil lahat ay hinahangad na maging tanyag at malalakas at hanggang ngayon ay nawawala pa rin ang tatlong libro at kaylangan na itong ibalik sa keeper nito para maibalik din sa tamang balanse ang lahat," mahabang salaysay ni kuya Alexis na lalong nagpakunot ng noo ko.
"Anong kinalaman natin dyan?" I ask them na dahilan para magkatinginan lang sila.
Sa totoo lang ay alam ko na may libro pero hindi ko alam ang iba pang detalye tungkol doon maging ang sinasabi ni kuya Dan ngayon.
"Malaki Xion, dahil ang tatlong pamilya na tinutukoy ko ay ang mga Steinckert, Henson, Perez at Lee at ang mga Lee ang tinutukoy kong sumira sa kasunduan na iyon. Isa iyon sa dahilan ng paglalaban ng ng mga Steinckert at ng mga Lee," agad na sagot sa akin ni kuya Alexis dahilan para matigilan din ako.
Kinukutuban ako ng masama sa bagay na to.
"Ang apat na pamilya na gumawa ng tatlong libro ay nagkasundo na ipahawak ang libro sa keeper na dapat ay Perez, Henson at guardian ng god. Iyon ang dahilan kaya magkakilala ang mga pamilya natin, dahil ang Daddy mo na dating keeper ng libro ay lumaki rin sa amin noon para ganap siyang maging keeper. At sa henerasyon ngayon ikaw ang sumunod Xion, ikaw ang sumunod sa tatay mo dahil nasa iyo rin ang curse of death na katulad ng Daddy mo noon. Maayos ang lahat noong una, pero sa kasakiman ni Raven Lee ay binali niya ang kasunduan, hindi niya matanggap na sa apat na pamilya ay siya lang ang hindi nakakahawak ng libro. Dahil doon ay nabuo ang isang pasya, dahil doon ay ipinadala si Dane sa mga Kagami at ikaw na may katangian na maging keeper ay ipinadala sa mga Perez, dahil doon naging ganap ka na ngang keeper. At itinago rin si Selene noon at eksakto rin naman na noong sumabog ang mansion ay sa amin ka napunta. Binabalak na talaga noon pa man ng lahat na dalhin ka na sa amin, pero nangyari bigla ang pagsabog," mahabang salaysay muli ni kuya Danielle dahilan para lalo akong hindi mapalagay.
Dahil nga guardian ako ni Ouji at isa akong Henson, ako ang ipinadala sa mga Perez para maging keeper. Isa pang nagpatibay ng pagiging guardian ko ang curse na dala-dala ko rin.
"Pero bakit ako lang bakit hindi kasama si Xian? I mean we are life and death,” I ask them again dahilan para magkatinginan sila.
"Alam mo namang hindi maaari ang babae sa pamilya niyo na maging guardian ng god hindi ba? Kaya ikaw na ang ipinadala ay para rin mailigtas ka doon at isa pa ay ikaw ang may dala ng curse, bukod pa doon ay nakasalalay kay Xian ang buhay mo kaya pinangalagaan nila siyang mabuti to keep you alive and imortal," sagot sa akin ni kuya Alexis, pero naguguluhan pa rin ako.
Bakit hindi sinabi sa akin nina Mama ang mga ito?