Chapter 3

3303 Words
(Xion’s POV)         Sa sobrang abala ko sa pagaayos ng mga papeles ay hindi ko na namalayan ang pagtakbo ng oras, sa ngayon ay gabi na pero bago pa lamang ako uuwi. Malamang ay hinahanap na nila ako, pinatay ko din kasi ang cellphone ko.   Buti na lang din at si Sebastian ay hindi namin kasama sa mansyon, madaldal pa naman yun baka masabi niya pa sa mga yun na magkasama kami kanina. Sa ngayon ay padalaw- dalaw lang muna siya sa amin pero baka makasama narin namin siya sa mansion.   Napabuntunghininga na lang din ako pagkaparada ko ng sasakyan ko sa garahe ng mansion, paniguradong sesermunan ako nito. Nakakapagod pa naman ang ginawa kong pagaayos ng mga papel, sa totoo nga lang ay gusto ko ng matulog ngayon pa lang.   Pagbaba ko ng sasakyan ay kinuha ko na agad ang case na dala ko saka ako agad na pumasok, wearind my usual blank face para hindi na nila ako kulitin pa. Pagpasok ko ay naupo lang din ako sa sala ng hindi nagbubukas ng ilaw, sumandal lang din agad ako sa couch at agad ko ding ipinikit ang mga mata ko. Nakakapagod, but at least I got everything I want.   "San ka galing? Mukang pagod na pagod ka, but the smile on your face telling me also that you enjoy whatever you did.” agad na tanong ng pamilyar na boses sa akin   Agad din akong napamulat at napatayo sa pagkakasandal ko sa gulat, agad ding nilamon ng liwanag ang buong sala saka ko lang napansin na lahat sila ay nakatayo lang sa isang sulok ng living room.   “What the fvcking hell? How many times do I have to tell you na huwag niyo akong gugulatin!” hiyaw ko sa kanila saka ako muling napaupo.   What the hell? Hindi na ako nagsalita matapos noon at napakunot na lang ang noo ko sa inis, hindi din naman sila nagsalita pero nagsiupo din sila sa couch kasama ko.   Anong oras na ba? Bakit ba gising ba sila? I look at my wristwatch saka ko lang nakita na alas dos na pala ng madaling araw. Kaya naman pala muka silang mga bangag, what the hell? Talagang hindi ko namalayan ang oras. Agad kong ipinatong ang case na dala ko sa coffe table saka ko iyon agad na binuksan, I already sorted this also kaya nakalagay na din sila sa kanya-kanyang folders.   "I’m tired and I don’t wanna talk, just look at these folders at kapag nakita niyo ang pangalan niyo kunin niyo yun saka niyo tingnan sa inyo yun." bored na bored kong sabi sa kanila saka ako muling sumandal sa couch.   Agad din naman nilang sinunod ang sinabi ko kahit na alam kong nagtataka sila, agad din nilang pinagbubuklat ang mga folders na iyon at natawa na lang din ako sa reaksyon nila kaya agad akong napaiwas ng tingin.   "Cha? Oh, my gad? H-how did you get this?" Gail ask me habang nanlalaki ang mga mata niya sa pagtingin sa hawak niyang papeles.   "Don't thank me, serve that for Sebastian. He did that, alam niyo naman na ang mga Lee ang may hawak niyan hindi ba?" I just said saka ko sila nginitian.   “Pasasalamat ko yan sa inyo kasi tinrabaho niyong mabuti ang pagkuha ng mga ari-arian ng mga Perez. Nahihiya din kasi ako sa inyo dahil inuna niyo pa yun kaysa sa sarili niyong mga ari-arian,” I said again.   Nagulat na lang ako ng agad nila akong dambahin ng yakap matapos ko iyong sabihin.   “Cha? I love you!” agad nilang hiyaw saka nila ako muling kinuyog at pinaghahalikan.   "Ano ba kayo? Bakit ba? Ang bibigat nyo kaya!" sigaw ko sa kanila at agad lang naman silang natawa dahil doon saka sila muling nagsilayo sa akin.   "Nakuha mo lahat Cha? Ang galing mo, akala namin, hindi na namin to mahahanap paano mo nahanap to?" Nerix said saka ako muling natawa.   "Pinahanap ko nga kay Sebastian, hindi ba?" I said again na tinawanan lang din naman nila.   Saka ko lang din naman napansin na natahimik si Ate Selene.   "Ate? What’s wrong? Kulang ba? May nawawala ba? I can pull my strings again kung may kulang. Damn! I’ll kill them!” agad kong tanong sa kanya saka ako napahiyaw sa huli.   Tatayo na sana ulit ako ngunit bigla niya din akong pinigilan, ngumiti lang din naman siya sa akin pagkatapos niya akong tingnan.   "Wala, ano ka ba? Okay na to. Salamat, alam mo naman na ito na lang ang meron ako hindi ba?" Ate Selene to me.   Nginitian ko na lang siya lalo na ng pumatak ang mga luha niya. Mahal na mahal nya talaga ang pamilya nya kahit nalayo sya sa mga ito. "Siguro tuwang tuwa si Sebastian kapag nakita niya yang tears of joy mo, malamang ay magyayabang na naman ang hambog na yun. Nako ate, huwag na huwag mong sasagutin ang mokong na yun.” I said na agad naman nilang tinawanan.   "Siya matulog na kayo, aayusin niyo pa yan bukas kaylangan niyo ng magpahinga. Day off ko naman bukas baka masermunan na naman ako, always naman akong nasa bahay minsan lang naman akong lumabas." paghihimutok ko saka ako naunang lumakad sa kanila habang tatawa-tawa lang naman sila doon.   “Akala mo naman talaga naghanap na ko ng iba.” pagpapatuloy ko na lalo nilang ikinatawa.   "I love you!" tanging sabi ko kay Ouji saka ko siya hinalikan sa pisngi pagdaan ko sa tabi niya.   Agad din namang ikinahiyaw ng mga kasama namin ang ginawa ko. Niyakap ko na lang din sina Kuya bago ako tuluyang umakyat sa kwarto ko para magpahinga at iniwan ko na sila doon.   Pagpasok ko ay agad din akong napabuntunghininga dahil sa pagod at pagaalala. Sa totoo lang ay malaki ang problema ko sa ari-arian ni Unix, kaya ako labis na nagaalala. Ako lang at si Sebastian ang nakaka-alam nito, pero maaari din namang alam din ito ng pamilya ni Axel. Alam marahil nila na hindi makukuha ni Unix ang lahat ng ari-arian niya kapag hindi siya ikinasal kay Axel.   Lumabas na lang ako muli sa kwarto ko makalipas ang ilang oras dahil hindi ako makatulog. Kahit na pagod ako ay okupado ang utak ko ng maraming bagay dahilan para manatili akong gising. Habang papalabas ako ay nadako ako ng tingin sa kwarto ni Unix na medyo bukas ang pinto, at sa loob at agad kong nakita si Axel na inaayos ang kumot ni Unix at may katabi syang gitara.   Nakita ko din na ngumiti pa siya bago sya tuluyang lumabas sa kwarto ni Unix at nagulat pa siya ng agad akong makita pagkalabas niya ng pinto.   "X-xion?" nauutal niyang tawag sa akin habang gulat na gulat siya.   Nginitian ko na lang siya at agad ko din siyang hinila papunta sa veranda para hindi na kami magingay sa may kwarto ni Unix.   "Axel ikaw ha, Inaagaw mo na si Unix sa akin." pangaasar ko sa kanya at napakamot lang din naman agad siya sa ulo niya saka siya natawa.   "Lagi na lang kayong magkasama, Akala ko ba ayaw mong dumidikit sya sayo?" I said again at ngumiti lang naman lalo siya.   "Kinantahan ko lang sya para makatulog na siya, masakit daw kasi ang ulo nya." nakangiti niyang sagot sa akin kaya tiningnan ko na lang siya ng seryoso.   "Axel? Gusto mo ba si Unix o dahil lang to sa kasunduan na yon?" I ask at agad naman siyang natahimik dahil doon. His smile fade also na indikasyon na talagang alam narin ang tungkol doon.   "There was no other way to stop that deal dahil ang mga magulang nya ay patay na. So whether you like it or not ay kayo ang magpapakasal,” I said again saka ako napabuntunghininga.   "Kaya nga nahihirapan ako sa pagaayos ng mga properties niya ay dahil doon, hindi ko din alam kung alam niya ba ang tungkol sa bagay na iyon dahil mukang hindi niya ito alam. Dahil kung alam niya ito, sana noon pa man nalaman ko na na may ganito." sabay kaming napabuntunghininga matapos kong sabihin iyon.   "Wag mo syang mahalin kung dahil lang sa deal, it will make a deep scar. Alam mo masyadong mabait si Unix, at alam kong ikaw din kaya ayokong magkasakitan kayo. Kung hindi mo siya mahal pwede naman natin sigurong gawan ng paraan ang deal,” I said pero agad din naman siyang ngumiti sa akin.   "I think I love her already, Xion. I felt this already even before they tell me about that deal bago sila magbakasyon. Sa totoo lang ay mas natatakot nga ako sa ngayon dahil baka, mahalin nya lang din ako dahil doon sa deal na yun. Xion? Ganito pala yung feeling ano? Ngayon alam ko na ang pakiramdam mo noon. Sa totoo lang nung una inis na inis pa ako sa kanya, ayoko kasi nang iniistorbo ako when it comes to music but she change it. Masarap palang may kasama sa pakikinig nang bawat kanta, and There was something on me na Hindi ko maintindihan. I started caring for her too much na alam ko naman na hindi naman dapat,” Axel confess to me na ikinagulat ako saka ako napangiti sa huli.   I never thought that he will confess his feelings about Unix to me.   "Alam ko namang gusto karin nya, nagtataka nga ako kung bakit ganun sya sayo eh. Pero Axel, don't hurt her okay? Unix is like a glass, fragile but is also dangerous and can leave a deep scar, I know kapag nalaman nya to magiging okay na din ang lahat, hindi na tayo magaalala pag nangyari yun,” I said at ngumiti lang din naman siya sa akin.   "I won't hurt her, Xion. Why would I do that? I've rather hurt me than hurting her.” Axel said to me.   Muli akong napangiti and then I tap her shoulder, sa ngayon ay mapapanatag na ako. Ayos to! Mayamaya lang din naman ay nag-kwentuhan pa kami ni Axel sa mga pinaggagagawa nila ni Unix dahil pareho kaming hindi pa inaantok. At masasabi kong close na close na talaga sila ngayon hindi tulad noon.       ---------------------------     Walanjo talaga, ang babagal talaga ng mga kasama kong to. Tsk. Nauna na lang akong bumaba sa kanila at sa sala na lang ako naghintay. First day of school ay ganyan sila? Ayoko talaga ng nale-late sa unang araw ng klase. Sa ngayon ay hindi na kami papasok bilang mga estudyante, sa katunayan way wala ng nagaaral sa amin. We are accelerated at matagal na kaming naka-graduate, talagang nagpanggap lang kaming estudyante para sa mission namin. Ngayon ang gagawin namin ay mag-trabaho sa Elites Academy. Elites 9 pa rin naman kami nina Ouji at hindi na yon magbabago, pero hindi na Elites 9 na mga estudyante kundi bilang mga tagapamahala ng mga special sections na binuo sa Elites Academy. Sa ngayon kami na lang din ang hindi pa nakakaalis ng bahay, umalis na kasi sina Kuya at diretso na sila sa kani-kanilang trabaho.   "Ano? Dito na lang ba tayo!" hiyaw kong muli sa mga kasama ko.   "Sobrang excited mo naman future girlfriend, ito na nga o nanginginig pa!" hiyaw ni Chase habang nagmamadali silang bumaba.   Tiningnan ko na lang din siya ng masama saka ako naunang lumabas ng mansion. Agad ding akong sumakay sa kotse ko at hindi ko na sila hinintay dahil talagang ang kukupad nila, sigurado naman ako na susunod din sila mamaya.   Sa totoo lang ay nakaka-excite talagang magpunta sa academy ngayon. Hindi ko pa kasi nakikita ang academy after ng renovation and after that incident. Saka, hindi ko pa rin nadadalaw ulit sina Roberto at Arturo. Napagpasyahan ko na lang din na bumili ng mga kandila at bulaklak sa nadaanan kong shop bago ako tumuloy sa pagpunta sa academy. Baka magtampo sila sa akin, ayoko ding isipin nila na kinalimutan ko na sila.   Sa ngayon sabi ni Shin at Gray ay maayos naman daw sa academy sa pagkakaalam ko nga those students who was part of that tragedy decided to zip their mouth para ma-protektahan ang school, ewan ko lang din kung paano sila nakumbinsi ni Haze. Sabagay, the academy serves as their own home kaya marahil ay napamahal narin sa kanila ang school kaya pinrotektahan din nila ito.   Matapos ang ilang oras na byahe papunta sa academy, ngayon ay tinatahak ko na ang daan papasok ng gate at dito pa lang ay makikita mo ng fully renovated na nga talaga ang academy. Ang dami na ring mga estudyante ang pumapasok at mapapansin mo ding marami naring babae ang nakakapasok dito ngayon.   Sabi ni Shin the academy still have the same rules, pero this time mas maaga ang curfew hour at dapat lahat ng estudyante ay sa dorm tutuloy gaya pa din ng dati pero magkabukod dahil nga mayroon ng mga babaeng estudyante dito ngayon. Sa tingin ko din ay lalong lumawak ang school.   Wala nang bakas ng trahedya dito, hinding hindi mo na makikita dito ang nangyari noon. Agad akong nagparada ng sasakyan sa parking lot na inilaan sa amin at pagbaba ko ng kotse ay may mga estudyante agad na napatingin sa akin. Sabi din ni Shin this time ay wala nang papayagang pumasok sa section namin bagkus ay bubuo sila ng panibagong section tulad ng sa amin noon pero mas marami ang kaibahan lang noon ay hindi sila allowed sa Elites Room.   Habang naglalakad ako dala ang kandila at bulaklak ay napandin ko din kaagad na may mga yumuyukod at ngumingiti sa kin, na tinatanguan ko na lang din. Marahil ay sila yung mga dati ng estudyante ng academy.   "Empress!" hiyaw ng isang babae at nagmamadaling tumakbo palapit sa akin dahilan para agad din akong mapatingin sa gawi niya.   Agad ding napakunot ang noo ko ng makita ang pamilyar na muka ng babae.   "Pumasok kami dito para makita ka, nagagalak akong makita kang muli!" agad na sabi ni Abby sa akin at agad siyang yumukod dahilan para matawa lang din ako.   Nalimutan ko bang sabihin na assassin ako sa gabi at gangster sa umaga? Iyon ay bilang Perez, pero mas gusto kong maging assassin lang ngunit may dugo ring mafia na nananalaytay sa ugat ko. At si Abby ay myembro ng ikalawang ka-grupo namin sa g**g.   "Pagbutihan nyo!" I just said and leave her saka ako dumiretso sa pakay ko.   Pagkarating ko ay inilapag ko lang din ang bulaklak at agad na nagsindi ng kandila saka ako napangiti.   “Sa susunod isasama ko na si Sebastian dito, huwag kayong magalala hindi ko kayo kinalilimutan.” I just said saka ako nanatili ng ilang sandali pa doon bago ako dumiretso sa Elites quarters.   Hindi naapektuhan ang quarters pero mababakas mo din na may mga nabago pa rin dito.   "Nagagalak kaming muli kang makita binibining Xion!" agad na pagbati ng head investigator sa akin saka siya agad na yumukod at ngumiti.   "Maging ako ay lubos din ang kasiyahan, hindi ko alam na makakabalik pa ako dito,” I said at ngumiti lang din naman siya doon.   "May kailangan ba ang binibini?" He ask kaya natawa na lang din ako sa pagiging formal niya.   "Gusto ko lang kayong bisitahin, saka may iaabot lang akong sulat para sa magandang balita. Pakiabot na lamang nito sa mga nakatataas. Mauuna na ako,” I said saka ako ngumiti sa kanya at agad din akong umalis.   Walang pagbabago dito talagang bawat araw na lumilipas ay mas lalong nagiging perpekto ang quarters.   Sa ngayon ay mabilis ko lang ding tinahak ang daan papunta sa office ni Shin para malaman na namin kung aling section ba ang hahawakan namin. Ayon kasi sa napagusapan ay hahawak kaming Elites 9 ng special section maliban kay Ouji. Tatawagin naman iyong Royal Sections. Sa ngayon din ay ipapaubaya na sa iba ang mga org na hawak namin at ang Royal sections na lang ang hahawakan namin. "Kambal? ito ang hahawakan mong section." agad na bungad sa akin ni Keijin pagpasok ko sa office ni Shin.   Agad niya din namang iniabot sa akin ang papel na naglalaman ng mga info ng mga estudyante ko at ang section nila.   Rubix for Thunder Royalties - blue Xian for Storm Royalties - white Vanes for Wizard Royalties - red Axel for Viper Royalties - yellow Dice for Air Royalties - violet Vin for Bitches and Jerks Royalties - green chase for Hurricane Royalties - gray Xion for Demonic Royalties - black       "So? May the best section win na lang?" mayamaya ay sabi ni Vin kaya napatingin na lang din ako sa kanya.   “Alam mo ang yabang mo talaga, siguro ikaw sin ang nakaisip ng mga pangalan ng section nila. Ang baduy mo.” agad kong angal na tinawanan lang din naman agad ng mga kasama namin.   Hindi ko na sila muling pinansin at pinagmasdan ko na lang ding mabuti ang informations ng mgaa estudyante ko.   Magkakahalong year levels ang naririto sa section na ito high school man o college. At bawat section ay mayroon lamang 20 na estudyante. At ngayon, napili na ang mga estudyanteng nararapat makabilang sa mga Royal sections at bawat section ay may nakalaang kulay na pinili ng bawat master tulad ng pagpili ng pangalan. In my case hindi ako ang pumili ng pangalan at kulay ng section ko, sila na ang gumawa marahil ay alam na nila na hindi ko gagawin yun.   "Mauna na ko sa section ko. Magkita-kita na lang tayo mamaya." agad na sabi ni Axel sa amin saka siya agad na umalis kaya nagkanya kanyang lakad narin ang iba pa.   At no choice din naman ako kaya pumunta na lang din ako sa sarili kong section. Kung ang hawak na section ni kambal ay mga kasamahan naming gangsters. At ang mga racer sa racing ground ang hawak ni rubix na madalas din naming kasama. At ako ay yung mga assassin na kasamahan namin, sino kaya ang sa iba? At nakakapagtaka lang na nakapasok sila rito at nalaman nilang naririto ako.   "Nandito na si Empress!” agad na hiyaw ni Ethan na dinig na dinig ko din kaya pumasok na lang din ako agad sa room namin.   "Welcome, Empress!" hiyaw nilang lahat saka sila sabaysabay na tumayo at yumukod sa akin.   Nasa west wing ng school ang room ng mga section namin nina Xian, Vanes at Axel habang nasa east wing naman ang room ng mga section nina Dice, Rubix, Chase at Vin.   "Magbait kayo kung ayaw nyong mamatay! Maliwanag?" banta ko sa kanila at nagsiupo narin naman silang lahat pagkaupo ko sa may table ko sa harapan ng room.   "How did you know that I'm here?" muli kong tanong sa kanila at nagkatinginan lang din naman sila dahil doon.   "May nagpadala ng imbitasyon sa amin na nagsasabing mag-enroll kami dito kung gusto ka naming makita. Hindi din namin sila kilala and we thought it was you dahil sabi sa invitation ay nandito ka." agad na sagot ni Rea sa akin, sino naman kaya yon? Ang goddesses kaya?   "Wala akong iniimbita, alam niyo kayo mamamatay kayo ng wala sa oras sa pinaggagagawa niyo. Hindi niyo naman pala kilala ang nagimbita at talagang pumasok pa din kayo dito ano?” sermon ko naman sa kanila na tinawanan lang din naman nila.   “Anyway, hindi nyo naman ako bibiguin hindi ba? Kaylangan kayo ang maging pinaka-magaling sa lahat, maliwanag?" I said at agad naman silang ngumiti sa akin.   "Oo naman Empress, hindi ka namin bibiguin. Hindi ba mga kasama?!" Anthony said na sinangayunan naman din ng lahat.   "Para sa kalayaan!" hiyaw nila saka sila nagtawanan kaya natawa na lang din ako.   After that ay diniscuss ko na lang din sa kanila kung para saan ang section na yon at anong purpose ng bawat section, even our house rules ay sinabi ko narin, and I think mag-eenjoy naman ako dito dahil hindi naman na sila iba sa akin. Hindi na ako mahihirapan sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD