(Xion's POV)
“Oh bakit parang byernes santo yang muka mo?” someone said dahilan para agad akong mapalingon sa kanan ko.
Agad ko din namang nakita doon si Gray habang pinagmamasdan ko ang fountain sa front lawn ng mansion nina Ouji. Sa ngayon ay nandito na kami sa mansion nila, nakapag-ayos narin kami ng mga gamit at nagkasya naman kaming lahat dito dahil talagang parang palasyo ang mansion nila sa laki.
Ipinasadya daw kasi talaga ng pamilya nila na palakihin ang mansion para sa mga ganitong gatherings. Madalas din kasi talagang magkakasama ang lahat mula pa noon.
“Sino ba namang matutuwa? Buong buhay ko sa hacienda ako nakatira kasama ang goddesses, sa tingin mo ba masasanay ako sa ganitong buhay?” reklamo ko kay Gray na tinawanan niya lang naman kaagad.
Hindi talaga ako sanay sa ganito, sa goddesses pa nga lang ay sumasakit na ang ulo ko, iyon pa kayang mas madami pa?
“This is too much, goddesses knew how to be distant with me kapag alam nila na gusto ko ng tahimik na mundo. Ngayon kaya mangyayari yun?” lalo lang namang natawa si Gray sa angal ko sa kanya.
I am the type na madalas ay gusto kong magisa pero minsan ay gusto ko din naman ng kasama, ayoko din ng masyadong clingy na mga kasama simula pa noon.
“I guess, hindi mangyayari yang me time mo dito.” natatawang pangaasar sa akin ni Gray kaya napairap na lang din ako.
“By the way, let's have lunch first,” yaya niya sa akin.
Sumunod na lang ako sa kanya papasok sa bahay at dumiretso na lang din kami sa dining area ng mansion pero hindi pa man ako tuluyang nakakalapit doon ay nasusuka na ako sa hilo sa dami nila.
“You okay?” bulong sa akin ni Gray marahil ng napansin niya na napangiwi ako.
Tumango lang naman ako sa kanya saka ako agad na lumiko pero agad niya rin akong hinila pabalik.
“Kakain na tayo, Xion.” muling sabi ni Gray sa akin pero hindi ko siya tiningnan.
“I-I’ll eat later.” tanging sagot ko pero hindi niya ako binitawan.
“Let go of me!” hiyaw ko sa kanya pero hindi niya din iyon ginawa.
“What’s happening?” dinig kong tanong din ng mga kasama namin doon.
“Let go of me! I don’t wanna eat, you’re too many for me I can’t take it!”
Hiyaw kong muli sa kanya pagharap ko saka ko agad na hinila ang kamay ko dahilan para mabitawan niya ako at agad akong bumagsak sa sahig.
“Xion?” sabay-sabay nilang tawag sa akin.
“Don’t surround her!” agad na hiyaw ni Dane sa kanila saka niya ako agad na dinaluhan.
“It’s okay, Xion. It’s fine, you are okay. It’s safe with us, they are our friends. Now breathe.” pagpapakalma sa akin ni Dane matapos niya akong yakapin habang habol-habol ko ang sarili kong paghinga.
“Breathe! Don’t be scared, if you don’t like them here you can tell it to us, okay?” pagpapatuloy ni Dane kaya agad akong napakapit sa kanya.
“Do you want to eat later? I can join you,” she ask at napatango lang din naman ako habang unti-unti akong kumakalma.
“Dapat ay masanay ka na Cha. Sa ngayon ya hindi na lang kami ang makakasama mo, I’ll help you okay? We will help you step by step,” she said again.
Agad akong napatingin sa nagabot ng tubig sa akin habang pareho pa rin kaming nakasalampak ni Dane sa sahig, hindi ko na rin alam ang nangyayari sa paligid dahil ayaw ko silang tingnan. Hindi ko gusto na maraming mata ang nakatingin sa akin.
“Calm down. Drink this,” nakangiting sabi sa akin ni Ouji.
Sinubukan ko namang abutin ang basong ibinibigay niya pero nanginginig ang kamay ko kaya hindi ko na iyon kinuha.
“Here,” Ouji said to me saka niya ako tinulungang uminom.
“Are you okay now? Do you want me to help you go to your room?” tanong ni Dane sa akin kaya tumango na lang ako.
She stood up first and help me also but my feet failed ngunit nasalo din naman nila ako kaagad ni Ouji. Hanggang ngayon ay nanginginig ang katawan ko, tila hindi pa talaga ako kumakalma kahit pa paulit-ulit kong sabihin sa sarili ko na kumalma.
Napatingin na lang ako kay Ouji ng kargahin niya ako, hindi siya nagsalita pero ngumiti siya sa akin.
“I don’t want my room.” agad kong sabi sa kanya habang naglalakad na siya.
Isinandal ko lang din naman ang ulo ko sa dibdib niya matapos kong sabihin yun.
“Can I stay on the couch? Just hold me till I fall asleep,” I requested.
Hindi siya sumagot ng sabihin ko iyon pero agad din siyang nagiba ng direksyon, agad siyang nagtungo sa sala saka siya naupo sa mahabang couch saka niya ako kinalong na para akong bata. Ibinaon ko na lang din ang muka ko sa dibdib niya saka ako pumikit. Its okay Xion, its okay masasanay ka rin.
(Dane’s POV)
“Nangangalay ka na ba? Pwede mo na siyang ibaba.” agad kong sabi kay Ouji ng madatnan namin siya sa sal.
Kalong niya pa rin si Xion hanggang ngayon kahit na tapos na kaming kumain. Tulog na si Xion pero parang wala pa rin naman siyang balak na ibaba ito.
“Its okay, hindi naman siya mabigat.” tanging sagot ni Ouji saka niya muling hinaplos ang buhok ni Xion na mahimbing na natutulog sa bisig niya.
“Did she ask you to do that? She often request things kapag inaatake siya ng anxieties niya kaya siguro dapat ay masanay ka na. Dapat ay masanay na din kayong lahat para alam niyo na ang gagawin sa susunod, dapat din natin siyang sanayin na kasama kayo.” muling sabi ko sa kanya saka ko binalingan ang mga kasama namin.
“Sa totoo lang minsan ayaw ni Xion yung maraming tao kahit pa sino ang mga yun, kaya kapag umaalis siya o nagkukulong siya sa kwarto niya ay hinahayaan na lang namin siya. Minsan ayaw niya din ng masyado siyang kinukulit o kaya yung palagi siyang binabantayan, ayaw niya din sa masisikip na lugar.” pagke-kwento ko sa kanila para malaman na nila ang mga bagay na ayaw niya at kinatatakutan niya.
“She’s claustrophobic and nyctophobic by the way. So maybe if you have bigger rooms that can help her a lot, para masanay na rin siya sa dito sa mansion niyo. Ngayon sa tao naman since marami tayo at hindi na tayo mababawasan, siguro ang mga maid and butlers ang gawan natin ng paraan? Maybe pwede natin silang bawasan?” nagkatinginan lang sila sa mga sinabi ko at tila napaisip din sila dahil doon.
“Tama si Dane, bawasan na lang natin ang mga maids and butlers natin dito tutal naman ay magsisimula narin tayong magtrabaho kaya hindi na tayo masyadong mananatili dito sa bahay.” pagsang-ayon sa akin ni Shin.
“Don’t worry about her room, I’ll exchange room with her,” agad din namang sabi ni Ouji na ikinangiti ko na lang.
“Pasensya na kayo sa kanya, alam kong nagulat kayo pero ako na ang nagsasabi sa inyo na hindi niyo lang ngayon yan makikita.” nginitian lang din naman nila ako matapos kong sabihin iyon.
“It’s okay Dane. At least we have you guys, kung wala kayo ay hindi namin alam ang gagawin sa kanya at baka lalo pa siyang mapahamak. Besides, hindi naman nakakaabala sa amin kung ganyan siya, its okay with us,” tanging sabi sa akin ni Shin.
“Bawasan niyo na rin ang pagiging matarantahin niyo towards her, kanina akala mo may zombie apocalypse dahil sa inyo eh. Yun pa naman ang pinaka-ayaw niya,” Shinix just said saka siya natawa at natawa na lang din kami dahil doon.
“Tama si Shinix, kapag inaatake siya ng anxieties niya ayaw niya ng palilibutan siya pero clingy siya sa taong unang lalapit sa kanya. Saka minsan kahit hindi niya ipinapakita na natatakot siya or what, ang katawan naman niya ang sumusuko kaya minsan nawawalan siya ng malay o kaya katulad kanina nanginginig siya. Minsan yung request niya that is to help herself kasi minsan aware siya na inaatake siya minsan naman dahil takot siya kaya ganon,” I said bilang pagsang-ayon.
Pagkasabi ko din noon ay isa-isa narin naman silang nagtanong at talagang nakikinig sila sa anumang sasabihin namin. Mahabang usapan din ang ginugol namin para lang malaman nila ang lahat ng dapat nilang malaman kay Xion.
Sa totoo lang ay hanga ako sa kanila, nakikita ko na hindi nagbago ang pagmamahal nila kay Xion mula noon hanggang ngayon. Napaka-swerte talaga niya kahit na ang damot ng mundo sa kanya.
(Xion’s POV)
Maraming pagbabago ang napansin ko sa mansion magmula noong araw na atakihin ako ng anxieties ko. The first is my room, Ouji exchange room with me na hindi ko na namalayan kung paano dahil paggising ko ay nasa dating kwarto niya na ako na mas malaki ng triple kaysa sa kwartong inokupa ko dito sa mansion nila.
Napapansin ko din na madalas ay wala na masyaong butler or maids na pagala-gala sa mansion lalo na kapag nasa labas ako. They are also extra careful with me now, sometimes clingy, sometimes not and I think that helps me a lot also. Lalo na ngayong madalas din silang wala sa bahay dahil nagsimula na sila sa kani-kanilang trabaho at kami lang ni Sam ang madalas na naiiwan dito.
So far mukhang hindi pa din naman kumikilos sina Ouji, wala pa naman silang ginagawang hakbang laban sa mga natitira pa naming kalaban. Sabagay, tulad niya ay wala pa rin naman akong plano since kakatapos lang din ng birthday namin ni Keijin. Saka, pakiramdam ko ay napapagod pa rin ako at ngayon pa lang din napapahinga ang utak ko. Hindi naman ako napahinga kahit sandali dahil maraming bumabagabag sa utak ko.
Sa ngayon ay busy din sila Kuya sa mga businesses namin, ganoon din si Dane at Ate Selene sa businesses ng mga Kagami at kasama na doon ang pagba-bonding nila. Sina Kuya Danielle at Kuya Alexis naman ang namamahala sa businesses ng mga perez sa ngayon. Si Ouji at Kuya Shawn ang magkatuwang sa businesses nila habang katuwang ni Shin si Gray sa Academy. Yung ibang Elites naman ay busy din sa kani-kanilang pamamahala sa kani-kanilang ari-arian.
Ang ibang goddesses naman ay busy din sa kani-kanilang businesses, busy din sila sa buhay nila hindi bilang assassin o gangster, busy sila bilang ordinaryong mamamayan. Si Sam naman ay may mga tauhan na maasahan kaya kahit maghapon tong nandito ay okay lang at ganoon din naman ako.
"Sammy? Napapansin mo ba? Alam mo, pakiramdam ko mukang gusto ka ni kambal," I said to Sam.
Agad siyang napatingin sa akin habang pareho kaming nakadapa sa kama ko habang nagbabasa ng libro, dahil naalala ko ang pagtitig ni Kambal sa kanya, katulad iyon ng description sa binabasa kong libro. Natawa na lang din ako ng mapansin kong namutla siyang bigla at nagulat.
"Kakaibang reaksyon naman yata yan?" I said and just raise my left eyebrow to her dahil sa kakaibang reaksyon na ipinakita niya sa akin.
"Kasi, a-alam ko namang ayaw mo ng g-ganon eh! Seryoso ka ba dyan? Baka naman nagkakamali ka lang," she said and I just smirk sabay tawa na dahilan para agad siyang mapaiwas ng tingin.
"Kaya ba ang cold ng trato mo sa kanya ay dahil ganyan ang iniisip mo? You keep on avoiding him after our birthday. Saka sigurado ako na gusto ka non, hindi naman yun tumititig sa kahit na sinong babae ano. Now tell me, kaya ka ba ganyan ay dahil mutual ang feelings?" I said na dahilan para mapatingin na naman siya sa akin.
"Cha? Isnt it awkward? Kapatid mo siya at kapatid kita, saka Mas mabuti narin namang umiwas ako hindi ba?" natawa na naman ako sa sinabi niya at napabuntunghininga lang naman siya dahil doon.
"Sammy, I cant push and pull you to someone that likes you, still the decision is all yours in the end come on? And if that's my twin, hindi ba dapat mas nakakatuwa yon? At least alam ko na safe kayo pareho dahil alam kong pareho kayong hindi masasaktan at magkakasakitan. Hindi porke sinabi kong ayoko ng ganyang kaartehan ay aayaw ka na, hindi ko naman hawak ang buhay niyong dalawa, think first baka naman hinahayaan mong mawala yung taong dapat naman talagang sayo,” I just said again.
Bigla syang ngumiti sa sinabi ko at bigla akong ni-rambol ng yakap sa kama kaya natawa na lang din ako sa inasal niya.
"I don't want to be assuming kahit na my heart can't refuse, Cha! Alam mo naman na hindi ako mahilig magbigay ng malisya sa kahit anong bagay hindi ba? Pero hindi ko din alam kung bakit pagdating sa kanya hindi ko maiwasan, ganito ba talaga to Cha?" nangingiti niyang sabi sa akin.
Niyakap ko na lang siya saka ako natawang muli, tinamaan nga talaga ng pana ng kupido na yan ang kakambal ko at ang Sammy ko.
"So, mutual nga? Alam mo Sam, If it's always right and true a heart can't refuse, but the mind just depends. So? If those two can't refuse and keep telling you something that they both want, grab it. Saka huwag mo akong tanungin ng ganyan kasi hindi ko din alam yan," I ask her.
Bigla syang bumangon matapos kong sabihin yun saka siya agad na ngumiti kaya napabangon na lang din ako.
"I think I needed to prepare a lunch for them,” she said and run away leaving me here pagkasabi niya non.
Kaya napailing na lang din ako saka ako agad na tumayo, okay, its my turn now since wala na silang lahat. Ayaw pa naman nila akong palabasin o kaya ay paalisin ng magisa lalo na si Ouji, kaya din nandito si Sam ay para hindi talaga ako makaalis.
Nagbihis na lang agad ako saka ko hinintay na umalis si Sam saka ako agad na lumakad. I have something to deal with for now at kaylangan ko na itong madaliin. May kinalaman din kasi ito sa mga properties ng mga Perez na inaayos ko saka sa mga properties ng mga goddesses na nawala din.
"Nasaan na sila?" I ask Sebastian pagsagot niya ng tawag ko habang nasa byahe na ako.
Pinauna ko na kasi sya sa venue ng meeting nila. If you are wondering why we suddenly became close, nangyari ang lahat ng yun ng sagipin siya nina Ate Selene at nina Papa bago ako mapunta sa kanila. I was deeply mad at him by that time dahil namatay sina Roberto at Arturo dahil sa kanya, pero kaya pala siya biglang nawala ay dahil din sa pagkamatay ng dalawa, sabi niya ay inalam niya ang totoo gaya ng sinasabi ng mga yun kaya din siya napunta sa kamay nina Ate Selene.
Sa ngayon ay Sebastian na din ang nagiisang tagapagmana ng mga Lee dahil siya na lang din naman ang natitira sa kanila. At may mission kami na hindi pwedeng malaman ng iba pa. Isa ding tukmol ang mokong na yun dahil palagi siyang nakabuntot kay Ate Selene kahit na palagi siyang bugbog sarado sa babaeng yun.
"I'm here already, ang tagal mo,” he answered, kaya napairap na lang ako kahit na hindi naman niya nakikita.
"I'm referring to them, not to you. Answer me, nasaan na sila?" I said again at natawa lang naman siya dahil doon.
"Nandito na rin sila, bilisan mo na. The meeting will start any minute by now and I miss you already!" He said again kaya napairap muli ako.
Ang landi talaga ng mokong na ito.
"I'm on my way!" I just said then roll my eyes again.
Hindi ko narin pinansin ang sinabi niya dahil alam ko namang he’s a total jerk. Wala pang isang oras narating ko na agad ang hotel kung saan ginaganao ang meeting at dire-diretso na lang din akong pumasok doon at agad din akong sinamahan ng mga tauhan ni Sebastian na nagaabang sa akin.
Its Sebastian's property now at mayroon akong karapatan sa lahat ng mga ari-arian nya dahil yun ang gusto niya, maging si Ate Selene at ang mga Perez kaya madali lang din kaming nakakapasok dito.
"What took you so long?” pagsalubong sa akin ni Sebastian pagapasok na pagpasok ko sa meeting room.
Dumiretso lang naman ako sa upuan na inilaan nila para sa akin habang ang lahat ng mga kasama nya ay napatayo pa sa gulat ng makita ako.
"H-Henson? Bakit may Henson dito?" tanong agad ng isa sa kanila, na dahilan para mabaling ang atensyon naming lahat sa kanya.
Kilala ako bilang Perez at hindi bilang Henson, how did he knew me? Iilang tao lang ang nakakaalam na Henson ako.
"You knew something about me that I didn’t even know also, interesting,” I said saka ko siya nginisian saka ako naupo at ganoon din naman si Sebastian.
"She's the successor of family Perez, Mr. Alberts." agad namang sabi nung isa sa kanya dahilan para lalo siyang mamutla.
"Anyway, what is she doing here?" tanong naman nung isa dahilan para mabaling muli kay Sebastian ang atensyon nila.
"Sit down, never make a move and just listen.” panimula ni Sebastian na ginawa naman agad ng mga iyon.
Silang lahat ang pinagbentahan ni Raven Lee ng mga ari-arian ng mga goddesses. Kaya pinaghandaan din namin ang araw na ito, kung hindi sila makukuha sa pakiusapan ay gagamit na lang kami ng dahas ora mismo.
"I want you to sign these papers,” Sebastian said again.
Ibinigay narin ng sekretarya niya ang lahat ng mga papeles na tinutukoy niya na tiningnan naman nila kaagad.
"No! I cant sign this, akin na ang ari-arian ng mga Seijuro. Lahat iyon ay ibinahagi na sa akin ni Raven!" agad na reklamo ni Mr. Alberts.
"Kahit kailan ay hindi magiging sayo yan Alberts, at kung ako sa inyo ay pipirmahan ko na yan kung ayaw niyong lahat ng ari-arian niyo maging ang buhay niyo at ng mga mahal niyo sa buhay ay mawala ng parang bula ngayon din." banta naman ni Sebastian sa kanila kaya hindi na ako nagabalang magsalita pa.
Ilan lang sila sa mga pinagbentahan ni Lee ng mga ari-arian na kinukuha nya sa kung sino mang target niya. They are also part of his mafia. Agad silang nagkatingin dahil sa banta ni Sebastian at lahat sila ay lalong natahimik ng maglabas si Sebastian ng b***l.
"Baka nakakalimutan nyo lang na Lee pa rin ang kausap nyo dito. May karapatan akong ipamigay ang gusto kong ipamigay at bawiin ang gusto kong bawiin,” Sebastian said again.
Dali-dali din naman silang pumirma sa mga papeles na agad din namang kinolekta ng sekretarya niya at agad din niya iyong ibinigay sa akin.
“From now on, ang sino mang lalabag sa kahit anong salitang sasabihin niya ay pupulbusin ko. Kaya kung ako sa inyo, kung gusto niyo pang mabuhay at kung gusto niyo ng tahimik na buhay ay sumunod na lang kayo.” pagbabanta ko sa kanila saka ako ngumisi.
Agad din naman silang nag-alisan ng paalisin na sila ni Sebastian kaya naiwan kami ditong dalawa.
"Kayang kaya naman nating kunin lahat sa kanila yan ng wala ng maraming sinasabi, bakit kaylangan pa nito?" Sebastian ask me kaya tiningnan ko na lang din siya.
"Kanya kanyang trip yan, and besides wala naman talaga akong balak na kunin ang lahat sa kanila ito lang ang kaylangan ko kaya ito lang ang kukunin ko. Hindi ako magiging ganid na katulad nila ‘no,” I just said to him.
Inayos ko na lang ding muli ang case na pinaglalagyan ng mga papeles at nginitian nya lang din naman ako.
"Naks naman talaga, yan ang gusto ko sayo eh!" Sebastian said to me dahilan para mapatingin ako ng masama sa kanya.
Agad naman siyang sumenyas na parang sini-zipper ang bibig niya kaya hindi ko narin siya pinansin at umalis na lang din kami kaagad doon. Aayusin ko pa ang pagta-transfer ng mga ito sa pangalan ng totoong may-ari, tamang tama naman at maaga pa.