(Xion’s POV)
~ Flashback ~
Agad kong iminulat ang mga mata ko ng maramdaman ko ang sakit ng katawan ko na mas matindi pa kaysa noon. Tila ngayon na lang uli ako nakaramdam ng ganitong sakit ng katawan.
“Chardice?” tawag sa akin ng kung sino.
Agad akong napalingon para hanapin iyon at agad din akong napabalikwas ng bangon ng makita ko ang hindi ko inaasahang makita, nakaupo siya ngayon sa isang upuan katabi ng kama na hinihigaan ko.
“Anak?” muling tawag niya sa akin.
Ngumiti din siya pagkatapos na lalong nagpakabog ng malakas sa dibdib ko. Nananaginip ba ako? Panaginip lang ba ito?
“Chardice anak? Si Mama to anak, si Mama Candice to. Totoo to anak.” muli niyang sabi saka niya ako agad na niyakap.
Natulala na lang ako at hindi na nakagalaw, napatingin na lang din ako sa mga pumasok sa kinaroroonan kong kwarto at agad ding tumulo ang luha ko ng makita ko si Papa Chardon at ang mga kapatid ko.
“Kung buhay kayo bakit ngayon lang kayo nagpakita? Bakit ngayon lang? Bakit pa?” hiyaw ko sa kanila ngunit mas lalo lang akong niyakap ni Mama.
Wala na din akong nagawa kundi ang yakapin din siya habang hilam ng mga luha ang mga mata ko.
“Huwag niyo na akong gisingin, pakiusap. I wanna stay here with you, I miss you so bad!” I said and I just cried so loud.
Mas lalo ko namang niyakap ng mahigpit si Mama, mayamaya lang din naman ay niyakap na kami ni Papa at ng dalawa kong Kuya.
“Miss na miss ka na namin bunso,” mayamaya ay sabi din ni Papa.
Dahilan para lalong tumulo ng luha ko habang hawak ko ang kamay niya.
“Papa bakit hindi kayo bumalik? Bakit hindi niyo ako binalikan?” muli kong pagiyak ngunit hinalikan lang ni Papa ang noo ko saka niya ako nginitian.
“Akala ko kasi shooting lang yun anak, totoo na pala.” banat niya sa akin saka siya tumawa dahilan para matawa din ako.
“Papa? Ano ka ba naman!” sabay-sabay namang saway sa kanya nina Mama at ng dalawa kong kuya.
That day was so memorable to me, pakiramdam ko ay nabuhay din ako sa kamatayan katulad nila ng makita ko sila. Ang sabi nila sa akin ay sinusubaybayan nila akong palagi kaya noong mawalan ako ng malay sa pagtakas ko sa hospital ay agad din nila akong kinuha.
Sa kanila na ako tuluyang gumaling, dito ay kami lang ang magkakasama pero bukod sa akin ay kasama din nila ang nagligtas sa kanila na pamangkin ni Mama, siya si Ate Selene, siya din daw ang madalas na sumusunod sa akin kaya kilalang kilala niya na ako at ang goddesses.
Sa pananatili ko sa kanila doon ko nalaman na nasa kanila din pala si Sebastian Lee na bigla na lang ding nawala bago pa ang war. Ngunit dito ay iba siya, dito ay nagbabagong buhay na siya.
Magkakakilala din naman sila dahil si Sebastian na isang Lee ay nakakasalamuha din ang mga Perez noon, isa namang Kagami si Ate Selene na parte din siya ng Lee Mafia.
Doon din ipinaliwanag nina Papa at Mama sa akin ang lahat. Doon nila kinumpirma na totoo ang sinabi nina Arturo at Roberto sa akin.
Doon din nila kinumpirma ang ilang bagay kabilang na ang pagiging mag-pinsan ni Dane at Ate Selene at ang pagiging tunay na Perez ni Dane.
~ End of Flashback ~
Agad akong napabalikwas ng bangon sa higaan ko ng magising ako sa pamilyar na panaginip. Agad din akong napabuntunghininga saka ako muling nahiga habang inaalala ko ang lahat.
Halos isang buwan na rin ang nakalilipas matapos ang paguwi ko at ang pag-alis nina Mama kasama si Dane. Siguro talagang nag-e-enjoy sila. Sa totoo lang ay naninibago din talaga ako na wala si Dane dito, ewan ko ba kahit nandito naman sila Mom at ang iba ay naninibago pa rin ako. Marahil ay dahil sina Dane naman talaga ang kasama ko palagi sa loob ng ilang taon.
Muli akong napabangon at agad na napalingon sa pinto ng kwarto ko ng marinig ko na may pumipihit noon? Wait? Is it Dane? Siya lang naman ang ganyan sa amin.
"Dane?" tawag ko sa kanya.
Agad din akong tumayo sa kama ko para sana salubungin siya, pero napatigil din ako ng tuluyang bumukas ang pinto ng kwarto ko at ng makita kong si Gail ang bumungad doon. Agad naman siyang napangiti sa akin kaya natawa na lang din ako.
"Naninibago ka rin ba?" Gail ask kaya napakamot na lang ako sa ulo ko.
"Sanay lang ako an kapag nandyan ang isa ay nandyan ang lahat, nakasanayan ko na rin na siya ang unang mambubulabog sa akin at nakasanayan ko na na kasama ulit sila mama," I just said na ikinatawa niya lang din naman.
“Hindi mo naman kailangang magpaliwanag Xion, alam naman namin yun. Alam ko yun.” Nginitian ko na lang siya at ngumiti na lang din naman siya sa akin.
"Tara na sa baba, handa na ang almusal sumunod ka na kaagad ha?" Gail said to me kaya tumango na lang ako sa kanya bago siya tuluyang umalis.
Pagkaalis niya ay kumuha na lang din ako ng susuutin ko saka ako naligo. Matapos maligo ay agad din naman akong bumaba, at agad ding napakunot ang noo ko ng matanaw ko ang mahabang mesa sa garden mula sa glass wall ng sala.
Nilapitan ko na lang din naman sina Gail na nasa sala na tahimik habang nanonood sa ginagawa ng mga maids namin. Tahimik din sila, tila nagtataka din sa nangyayari.
“May fiesta ba? Hindi naman naniniwala ang pamilya na to sa ganoon di ba?” agad kong tanong kay Keijin.
Nakaupo lang din siya sa single couch at nagkakape na ikinatawa niya lang din naman.
“Puro ka talaga kalokohan,” agad na sabi ni Keijin na ikinatawa lang din naman namin ng mga kasama ko.
"May bisita tayo," mom said.
Dahilan para mapalingon ako sa kanya at saka ko lang nakita ang mga kasama nya kaya agad din akong mapatayo sa kinauupuan ko.
"What the hell? Kasama ko lang kayo sa panaginip ko kanina ah!" hiyaw ko sa kanila.
Agad ko din naman silang sinalubong ng yakap pero tinawanan lang din naman nila ako.
“Ikaw talagang bata ka, manang mana ka sa Papa mo,” sermon sa akin ni Mama saka niya ako muling niyakap.
"Bakit nga pala kayo nandito, anong meron? Babawiin nyo na ba kaagad si Ate Selene?" sunod-sunod kong tanong sa kanila.
Napatingin na lang din ako kay Ate Selene habang nagyayakapan sila doon nina Dane.
"Paupuin mo muna sila anak, aayusin ko na muna ang mesa." mayamaya ay sabi sa akin ni Mommy ng makita niya kami na galing naman sa kusina.
“Tutulungan na kita.” pagpiprisinta ni Mama at agad din namang sumama sa kanila si Ate Selene, naiwan naman kasama namin sina Papa.
“Tatawagin ko na sila Dad, Keixin? Paupuin mo na sila tama na yang pagyakap mo dyan,” agad ding sabi ni Keijin sa akin na may kasama pang sermon.
Tinawanan lang din naman ako ni Papa habang nakayakap ako sa kanya.
“Umupo na nga kayo,” I said kaya nagsiupo na lang din silang lahat.
"Naks! Dane, new life na ba yan? Baka naman kalimutan mo na kami nyan." mayamaya ay pangaasar ni Gail kay Dane na agad namang ikinatawa nito.
Siguro ay naipaliwanag na rin nina Mama at Papa sa kanya ang lahat.
"Alam mo naman na ang akin ay sa inyo din hindi ba? Mga kapatid ko kayo ano, ang para sa akin ay para sa inyo din kaya ang pamilya ko ay pamilya niyo rin," Dane just said saka niya nginitian ang mga kapatid namin.
"Magandang umaga sa inyo," agad namang bati ni Dad sa amin kaya napalingon agad kami sa kanila.
Tumayo na lang din ako kaagad para yumakap sa kanya at sa mga Kuya ko bago ko hayaan na bumati ang goddesses sa kanila.
“Anak? Sa garden ang breakfast natin isama mo na sila doon baka dumating na ang iba pang bisita.” mayamaya ay sabi ni Dad na ikinakunot lang din ng noo ko.
May iba pa bang bisita? Mayroon na naman bang birthday? Hindi na lang din ako nagtanong at niyaya ko na lang din sila sa garden, at nagsiupo na lang din naman sila kaagad. Kaya naman pala dito sa garden ang breakfat dahil maraming bisita.
"Nandito na sila, sige na magsiupo na kayo." mayamaya ay sabi din ni mom said at nakita ko ding kasunod na nga nya ang mga bisitang sinasabi nila.
"May paguusapan lang tayong lahat, but before that let's have a breakfast first," Dad then said dahilan para mapatingin lang ako kay Dane at kina Ouji.
Hindi na lang din ako nagtanong, nanahimik na lang din ako habang masayang kumakain ang lahat. May alam kaya doon si Dane? Kaya ba hindi maipinta ang muka niya? Kinakabahan ako sa usapang gusto nilang mangyari, what the hell?
Hindi naman nagtagal, matapos ang almusal ay inilabas na ng mga maids ang desserts at malinis na rin ang mesa at lalo din akong kinabahan dahil doon dahil pakiramdam ko ay magsisimula na ang sinasabi nilang meeting.
"Mga anak, makinig kayong mabuti. Inipon namin kayo dito dahil gusto lang naming malaman niyo na magbabakasyon kaming lahat at iiwan namin kayo," Dad said dahilan para mapakunit ang noo ko.
Iiwan kaming mga anak? Ibig sabihin ba noon ay hindi kami kasama? Ang daya naman.
"Sa totoo lang ay matagal na namin itong pinlano kaya lang ay hindi matuloy-tuloy. And we think this was the right time to do that." dagdag naman ni Mr. Steinckert.
"Kadarating ko lang, what if iwan natin sila tapos sumama ako? Kahit 1 week lang," I said na dahilan para mapatingin lang sila sa akin.
Agad lang naman akong hinila ni Keijin paupo ng hindi nagsasalita. Hindi ba pwede yun?
"Mananatili kami sa hacienda Perez habang wala kami at kayo ay mananatili sa Steinckert mansion. Titira kayo sa iisang bubong tulad namin, bilang pagsasanay narin," muling sabi ni Dad na lalong nagpatindi ng inis ko.
Kakabalik ko lang tapos aalis na agad sila at iiwan kami? Hindi ko pa nga lubos na nararamdaman na may magulang ako, buong buhay ko I was training to kill and survive. Hanggang dito ba naman ay ganon pa rin? Hanggang dito ba naman ay may pagsubok pa rin? Matagal kaming magkakahiwalay, akala ko ay magbabago na sila, hindi pa rin naman pala.
"Habang nasa bakasyon kayo at nasa gitna ng pagsasanay ay hindi kayo hihingi ng kahit na anong tulong mula sa amin ni kahit magtanong, bilang parte ng mission niyo. Ngayon niyo kinakailangang mas galingan dahil nakasalalay sa inyo ang lahat, nakasalalay sa inyo ang buong organization. Nagawa namin yan noon kaya alam ko na kaya niyo rin yan, huwag niyo kaming bibiguin." muling sabi ni Mr Steinckert sa amin habang nakikinig lang din kami sa kanila.
"Ngayon na po talaga agad? As in now na? Hindi pwedeng bukas na or the next day?" Erin ask also, at umiling lang din naman agad silang lahat sa kanya.
“We can do that.” natatawa kong sagot sa kanila saka ko sila tiningnan ng blangkong tingin.
“I have raised my empire, and Ouji was also raised to build and run his own, sa tingin niyo ba ay hindi namin kayang gawin ang ipinagagawa niyo? And who told you that you can stay on my hacienda? I Chardice Perez, the youngest daughter and the sole owner of that property don’t allow any of you to enter my mansion,” sabad ko sa kanila.
Agad din naman akong mahinang hinampas ni Dane marahil ay para patahimikin.
“Wala talaga kayong pagbabago,” napapailing na lang na sabi ko sa kanila.
Kinuha ko na lang din agad ang cellphone ko at dinial ang number na nais kong tawagan.
“I want you to prepare island 13, also prepare some of our people and a yacht.” pagkasabi ko noon ay ibinaba ko na agad ang tawag.
“Hindi masaya ang laro kapag sa Hacienda Perez lang kayo mananatili. Nag-desisyon na lang din naman kayo ng pag-alis bakit hindi pa dun sa ultimo bakas niyo ay mawawala? Sagarin na rin natin ang pagkakataon, Island 13 is whats best for you. Prepare for your departure.” nginisian ko lang sila matapos kong sabihin iyon, ang mga tauhan ko na ang bahala sa kanila.
“What the fvck, kahit ako ay hindi pa nakakarating sa island 13, gusto kong sumama.” agad na sabi ni Shinix na tinawanan lang din naman ng iba sa mga goddesses habang tahimik lang ang iba pa.
“And one more thing, hindi ako papayag na mananatili lang ako sa mansiyon niyo. They have their duty and I have my empire, pagalingan na lang kami,” I said saka ako agad na umalis sa mesa at agad naman akong sinundan ng Goddesses.
“Talagang segurista ka ha?” bulong sa akin ni Dane saka kami naupo sa sala.
“This is what I hate about this family, they never care about what we want and what we feel. Ito talaga ang dahilan kaya parang ayaw ko silang balikan,” sagot ko naman sa kanya.
“Hayaan mo na sila, malay mo naman hindi para sayo tong pagsubok na ito. Baka naman para talaga sa Elites ang mga ito,” tanging sagot ni Shinix sa akin.
“I don’t think so, alam kong ikukulong nila ako dito. Alam kong susubukin din nila ang team work natin lahat,” sagot ko and this time ay natahimik lang naman sila.
“Pero baka blessing in disguise na rin ito para maituloy na natin ang mga unfinished business natin, what do you think?" I said na agad namang ikinangiti ng goddesses.
Baka ito na rin ang tamang oras para bumalik na din kami sa dati naming buhay. May mga kaylangan pa akong gawin at kaylangan ko na rin iyong simulan.
"Aalis na sila," mayamaya ay sabi sa amin ni Kuya Kei kaya sumunod na lang din kami sa kanya.
"Magiingat kayo, malayo kami but that doesnt mean na hindi namin kayo babantayan," Dad said at niyakap niya kaming lahat.
Ganoon din naman ang ginawa ng iba pa. Talagang tuloy na tuloy na ang alis nila.
"Naniniwala kaming kaya niyo na ang kahit na anong dadating kahit magisa lang kayo," Mr. Steinckert also said.
"Maniniwala rin akong, magkikita-kita pa tayo. See you soon," I said saka ko siya nginisin and he just smirk at me also.
"Sige na lumakad na kayo," Ouji said.
Dahil doon ay tuluyan narin silang sumakay sa helicopter na maghahatid sa kanila papunta sa yate na papunta sa island 13.
"Alam kong nababagot na kayo, nandyan na sila abangan nyo na. Alagaan niyo sila kung paano niyo ako alagaan maliwanag?" I said ng sagutin ni Nicco ang tawag ko saka ko muling pinatay ang tawag.
"Ang bilis mo," Chase said to me kaya napalingon lang din ako sa kanya.
"I am not Xion if I'm not one," I just said saka kami sabay-sabay na bumalik sa bahay at naupo lang din kaming lahat sa couch sa sala.
Tila nangangapa din sila dahil sa biglaang pangyayari, naiwan kaming lahat dito at lahat ng parents namin ay umalis sinong hindi mabibigla sa ganitong pangyayari.
"Akala ko ba okay lang sayo to? Bakit ang tahimik mo dyan?" mayamaya ay tanong sa akin ni Ouji dahilan para mapatingin lang din ako sa kanya.
"Excited na kasi akong tapusin ang mga bagay na dapat ko ng tapusin. Sa sobrang excited ko nga ay hindi ko alam kung anong uunahin ko," I just said and he just chuckles at me.
"Tatapusin ko narin ang lahat ng tatapusin ko para mayaya na rin kitang magpakasal," He said dahilan para magtawanan ang lahat.
“The moves din ang mokong na to eh, walang binanggit ang mga magulang natin tungkol sa kasal ah. Tigilan mo nga yang kapatid ko.” pambabara sa kanya ng kakambal ko na tinawanan ko lang naman lalo.
"Seryoso ako ah, gusto kong makasal sayo. Wala akong pakialam kay Keijin, sanay na yan," He said again na hindi man lang pinansin ang sinabi ng kakambal ko.
"Manahimik ka na lang muna kaya, ano? Pwede ba?” I just said na tinawanan lang din naman ng mga kasama namin.
"Tama na yan, sa ngayon ay kumilos na muna tayo, the show must go on. Magsiuwi na kayo para makapagsimula na kayo ng paglilipat para sa pananatili natin sa mansion nina Ouji. Walang hindi pupunta doon, maliwanag?" sabad ni Kuya Kei sa usapan namin.
Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam ang gagawin, ayokong manatili sa mansion nila pero may mission din akong dapat na tapusin.
"He's right, kumilos na tayong lahat," pagsangayon din ni Kuya Shawn kay Kuya Kei kaya nagsikilos na rin sila kaagad.
Paano kaya ang buhay namin nito? Malamang disaster to. Bahala na nga, siguro dapat ay sumama na lang din muna ako sa kanila.
“Anong balak mo sa ngayon, Cha?” mayamaya ay tanong sa akin ni Gail.
Kasama niya ang iba pang goddesses pagpasok nila sa kwarto ko, at maging si Selene at Sebastian.
“Kayo anong plano niyo? Siguro susubukan ko na lang din munang makasama sila habang nagpapahinga ako.” tanging sagot ko dahil sa totoo lang ay hindi ko din alam ang gagawin.
“Sasama ako sayo, wala naman akong ibang pupuntahan. Saka itong si Sebastian hindi naman to hihiwalay sa atin kaya mauuna na kami sa inyo para makakuha na kami ng gamit namin,” ate Selene said.
Natawa na lang din ako sa sinabi niya saka ako tumango sa kanya kaya umalis na naman sila ni Sebastian kaagad.
“Sasama kami sayo, syempre kung nasaan ka dapat ay nandon din kami.” sabay-sabay na sagot ng mga kasama ko dahilan para matawa na naman ako saka ako napatingin sa tahimik na si Dane.
“What? Hindi ka sasama?” tanong ko sa kanya at ngumiti lang din naman siya sa akin.
"Sobrang hirap siguro ng lahat para sayo Cha. Siguro sobrang nasaktan ka nung nalaman mo ang lahat. Your pain was all because you are a human weapon of this organization. Paano mo nakaya yun? Ako kasi nasaktan ako kasi ipinamigay nila ako pero naintindihan ko naman sila dahil ginusto nila akong iligtas, pero nakaka-guilty pa rin kapag naaalala ko na para maisalba ako ay kaylangan pa ni Ate Selene na lumayo sa sarili niyang pamilya. Namatay din sila dahil sa akin,” Dane said kaya agad namin siyang niyakap para pawiin ang guilt niya.
"Na-guilty din naman ako dahil kaylangan pa nating magkagulong lahat just to save the three of us. Pero tapos na yun Dane, naiintindihan ko na," I said saka ko siya nginitian.
"Ngayon anong plano mo? Sasama ka ba?" I ask her again at agad naman siyang ngumiti.
“Okay lang yan Dane, nakakainggit nga kayo ni Cha eh, related na kayo ngayon kahit sa papeles lang yun,” sabad naman ni Nerix na ikinatawa lang namin.
Tama siya, Perez ako sa papeles kaya sa papel ay ako ang bunso nilang anak.
"Tama na yan, magsikilos na tayo. Sa ngayon magpapahinga muna tayo at saka tayo babalik sa dati kapag gusto na natin," I said again.
Tumango lang naman sila kaaagad sa akin saka sila agad na nagayos ng mga gamit nila. Magsisimula ulit kami ng panibago, yung tipong parang kagaya nung Hindi pa namin sila kilala. Babalikan namin lahat, tapos na kami sa sumpa ng kamatayan at ngayon ay ang sumpa ng tadhana naman ang dapat naming harapin.
"Sila Ouji? Pano sila?" Dane ask me habang ibinababa na namin ang mga gamit namin.
I just chuckle at her saka ko siya nginisian.
"May sarili silang plano kaya all girls lang ulit tayo, kagaya ng dati," I said at napangisi lang din siya dahil doon.
Sigurado akong nagustuhan nya rin ang ibig kong sabihin.
"Na-miss ko yun, ang mabuhay kung paano talaga dapat tayo," Dane said at napangiti na lang din ako.
Excited narin ako, at excited narin ako na makaharap sila. Lahat sila iisa-isahin ko, uubusin ko sila at wala akong ititira. Ibabalik ko sa balanse ang lahat para manatili kaming ligtas.