Matapos kong isilang ang dalawa kong anghel ay siniguro kong mabibigyan ko sila ng oras at atensyon. Nagsabi si Mom at Dad na kukuha sila ng yaya para tulungan ako pero sabi ko ay kaya ko naman. Tsaka katulong ko naman si Paul at Vance. Isang taon akong natutok sa kambal pero matapos nun ay bumalik ako sa pag-aaral. Nakatapos na ako ng isang kurso at ngayon ay nagaaral ako para mahing isang doctor. Kung dati ay marami akong kabulastugan sa buhay ngayon ay diretso ako sa bahay para alagaan ang mga anak ko. Nahihiya rin kasi ako lalo na kay Vance na halos siya ang nagaasikaso mg lahat. Tumutulong rin naman si Paul pero bihira lang dahil OJT niya. Pagdating ko sa bahay at naabutan kong tulog ang kambal at ganun rin si Vance. Marahil ay napagod sa kakulitan ng mga anak ko. Mabuti na nga lan

