"Vance, ang sakit na ng tiyan ko." sabi ko habang nahihirapan nang huminga dahil sa sakit at dali dali namang pinahanda niya ang mga dadalhin pati ang sasakyan laya naiwan kami ni Paul. Napatingin ako kay Paul na ngayon ay nakatitig lang sa akin at hindi gumagalaw. Kinuha ko ang unan sa tabi at binato sa kany. "Tounge ina Paul, manganganak na ako." galit na sabi. "Sige, umire ka na." utos niya sa akin at binatukan ko siya. "Hindi ka Mid-wife, wag ka ngang ano! Tulungan mo akong tumayo." "Baka malaglag yung baby." natatarantang sabi ni Paul at parang ayaw akong tulungan. "Papatayin talaga kita kapag hindi mo ako tinulungan." banta ko at agad siyang tumayo at tinulungan ako. Akay akay niya ako palabas ng bahay at nang makita kami ni Vance ay lumapit siya sa akin at binuhat ako ng isahan

