Tama ang kalkulado ko na saktong paggraduate ko ay malaki na ang tiyan ko. Marami mang mga matang nakatingin o kilay na nakataas pero wala akong pakialam. Baka naiinggit sila sa akin, duh. Sina Mom at Dad ang nagsabit sa akin ng medal kaya sobrang saya ko. Ramdam na ramdam ko na proud talaga sila sa akin na sa wakas ay nakagraduate na ako. Hinalikan ako ni Mom sa pisngi sabay haplos sa buhok. "Proud ako sa iyo anak." sabi niya. Ngumiti ako at niyakap silang dalawa ni Dad. Naputol ang pagyayakapan namin nang tawagin ako ni Lia na ngayon ay malaki na rin ang tiyan. Tumatakbo ang buntis at si Paul naman ay halatang nahahagas sa kanya sa kakaalalay. "Congrats!" sigaw niya. Akmang magyayakapan kami pero naalala namin na parehas pala kami bunti at magsasalpukan ang tiyan namin. "Hello po Ti

