Noong nakaraang araw pa ako kinakabahan sa tuwing umuuwi. Ayaw na sana si Paul na pabalikin ako dito sa condo unit ni Vin pero kailangan ko muna tapusin ang kasunduan namin at tsaka ako aalis dito. Sa nakalipas na tatlong araw, simula noong makita ko mismo harap ko si Vin at Lia ay pinilit kong maging okay. Sa katunayan niyan ay masaya ako dahil kahapon lang ay nagpa check up ako kasama si Paul at ang sabi ng doctor ay 3 weeks pregnant ako. Sa ngayon ay naghahanap ako ng tyempo para putulin ang ugnayan namin ni Vin at hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Vin na buntis ako. Dapat ko bang sbaihin o hindi? Iyon palagi ang nagtatalo sa utak ko. Alam ko naman na kapag nalaman niya iyon ay magkakagulo lalo ang mundo namin. Bagay na iniiwasan at ayaw kong mangyari dahil mahal ko siya. Bu

