CHAPTER 24: SIGN

1204 Words
Balik na ulit ako sa normal na araw-araw ko. Mag-aaral at paguwian ay diretso trabaho. Kasalukuyan akong naglilinis habang wala pang customer. "Naguusap pa ba kayo ni Lia?" biglang tanong ni Jeric kaya napahinto ako sa ginagawa. "Hindi na masyado, text and call na lang pero nagkikita kami sa campus. Busy kasi kami pareho lalo na't graduating. Bakit?" "I like her." nahihiyang pagamin ni Jeric sabay yuko. "Don't tell me, may nangyari na sa inyo?" tanong ko at dahan dahan siyang tumango. "Binabalaan kita Jeric, hindi nakikipagrelasyon si Lia. Hanggang one night stand lang ang isang iyon. May nangyari na sa inyo kaya wag kang umasa na makikita mo pa siya. Iiwas at iiwas iyon sa iyon." paliwanag ko sa kanya. Hindi iyon ang unang beses na may na encouter akong ganito lalo na kapag tungkol kay Lia. Ayaw nun ni Lia ng relasyon dahil masyado daw komplikado. "Delikado ka. Itigil mo yang nararamdaman mo sa kanya, ikaw lang ang masasaktan." dugtong ko pa. Matapos nun ay hiningi ni Jeric ang number ni Lia sa akin. Binigay ko na lang din dahil kaawa-awa, mukhang totoong gusto niya talaga si Lia. Natapos ang pras ng trabaho ko ay nagpaalam na ako sa mga kasamahan at katrabaho ko. Paglabas ko ng coffee shop ay nabigla ako nang makita si Vin na nakasandal sa sasakyan niya. Nakasuot ito ng face mask tulad ng nakasanayan niya. Napakunot ang noo ko dahil ang alam ko ay busy siya dahil ngayon ang release ng kanta niya. "Hindi ba't ngayon ang release ng kanta mo?" Bago siya sumagot sa akin ay binaba niya ang face mask at sinalubong ako ng halik sa noo. "Yeah." "Bakit mo ako sinundo?" tanong ko. "Ayaw mo ba?" nahimigan ko ang lungkot sa boses niya. "Hindi naman sa ganun, baka kasi napababayaan mo na yung career mo." paliwanag ko. "Hindi mawawala ang career ko sa pasundo sundo sa iyo." Nagkibit balikat na lamang ako sa sinabi niya at pumasok na sa loob ng sasakyan na kung saan ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Pagdating namin sa condo unit ay dumiretso ako sa kwarto para magsimula nang magreview habang si Vin naman ay nagluto ng kakainin namin ng gabihan. "Kakain na." rinig kong sabi ni Vin habang nasa may hambana siya ng pintuan at nakatingin sa akin. "Sunod ako." sabi ko pero hindi siya unalis at naglakad papalapit sa akin. "Hindi dapat nalilipasan ng pagkain ang baby ko. Come on Yara. Let's eat and after that I will help you to review." malambing na sabi ni Vin habang nakayakap sa likod ko at nakahawak sa kamay ko. "Okie." pabebe kong sabi. ... Tulad ng pinangako ni Vin ay tinulungan niya talaga akong magreview. Sobrang talino niya, kaya naman minsan curious ako kung nakapagtapos na ba siya ng college o di kaya anong kurso niya kung nakagraduate na siya. Sa sobrang talino at galing ni Vin magturo ay mataas ang nakuha kong score sa mga exam. May isang subject pa nga na ako ang highest. Oh di ba, ang taray ng boobsicles ko. Ganito siguro kapag inlove, ang sarap mag-aral. Ang sarap sa pakiramdam at higit sa lahat masarap ako charot! Kasalukuyan akong naglalakad papuntang cafeteria dahil magkikita kami nina Paul at Lia. Ilang araw na rin kaming hindi mga nagkikita. Namiss ko sila. Natigilan naman ako sa paglalakad nang makita ko ang mga lalaki na nagkukumpulan at may pinalilibutan. Tiningnan ko kung anong ginagawa nila at agad kumulo ang dugo ko nang makita ang ginagawa nila sa babaeng pinalilibutan nila. Binilang ko sila at apat na lalaki sila na wlanag maggawa sa buhay. Ang dalawang lalaki ay hawak hawak ang tigkabilang kamay ng babae. Ang isang lalaki naman ay pilit na hinahalikan ang babae at ang isa ay nagvivideo. Kumuha ako ng apat na malalaking bato at binato iyon sakto sa mga ulo nila kaya agad silang napahawak sa mga ulo nilang walang utak. Iyon ang naging tyempo ko na hilahin ang babaeng pinagtitripan nila. "Gago ka!" rinig kong sigaw nila. Hinawakan ko ang kamay ng babae at hinila siya para tumakbo kami papalayo sa mga hinayupak na mga iyon. Nang masigurong wlaa na sila ay huminto kami at sa lugar na walang tao at inayos ko ang damit ng babae. Bukas ang damit niya at gulo gulo ang mukha. Habang inaayos ko siya ay nakatingin lang siya sa akin. Kitang kita ko pa sa mga mata niya na nagiyak siya dahil maga ito. "Salamat." sabi niya. "Wala iyon, sa susunod magdala ka palagi ng bato para pag may lalaking nambastos sa iyo ay batuhin mo lang." sabi ko at ngumiti siya sabay tango. "By the way, I'm Yara Guzman." pakilala ko. Kinuha ko ang suklay sa loob ng bag ko at sinuklayan siya. "Ako si Patricia, Pat na lang ang itawag mo sa akin." "Nice to meet you Pat." at tinanggap ko ang kamay niya. ... Isinama ko si Pat sa pagpunta ko sa cafeteria at pinakilala kila Paul at Lia. Nakita ko naman ang kakaibang tingin ni Paul kay Pat pero agad kong binalaan si Paul na wag landiin si Pat dahil papatayin ko siya. Ilang minuto lang ang nakalipas ay naging komportable si Pat na kasama kami. Noong una kasi ay may bakas pa ng takot at kaba siya dahil sa nangyari sa kanya. "Bye Yara, Bye Pat." paalam ni Lia sa amin at hinalikan niya ako sa ilong habang nakipagbeso naman siya kay Pat. "Alis na rin ako, may pasok pa ako." paalam din ni Paul at hinalikan niya ako sa pisngi. Hahalikan niya sana si Pat pero mabilis ang kamay ko at sinabunutan siya palayo. "Tounge-ina mo Paul." sabi ko at napakamot siya sa ulo habang naglalakad paalis. Napatingin naman ako kay Pat na abalang nakatingin sa cellphone niya. "Sino siya?" tukoy ko sa batang lalaki na kasama niya sa picture. "Anak ko." "Nasaan siya? Sinong nagaalaga sa kanya ngayong nagaaral ka?" paguusisa ko. "Ilang taon na siyang nawawala at hanggang ngayon hinahanap ko siya." malungkot niya sabi. "Napadpad ako dito sa Manila para hanapin siya pero hanggang ngayon ay ni anino o boses niya ay hindi ko makita o marinig man lang." pagkwekwento niya pa. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya pero niyakap ko na lang siya ng mahigpit at inalo dahil bigla siyang umiyak. "Mahahanap mo siya. Naniniwala ako." Pinapasa ko ang picture ng anak niya sa akin dahil sinabi kong ipopost ko sa social media para makatulong ako sa paghahanap. Nagpalitan din kami ng cellphone number para macontact ko siya. Matapos nun ay hinatid ko siya sa next class at ako naman pumasok na rin sa next subject ko. Nalate na nga ako pero wala akong pakialam. Atleast nakatulong ako sa kapwa ko. Masasabi kong maswerte ako sa buhay ko. Pariwara nga lang minsan. Naalala ko tumoy sina Mom and Dad. Sobrang lungkot ni Pat habang nagkwekwento siya tungkol sa anak niyang nawalay sa kanya. Ganun din kaya sina Mom and Dad? Kamusta na kaya sila? Namiss ba nila ako? Hinahanap ba nila ako? Pero sa huli, ani man ang mangyari ay magilang ko pa rin sila at anak nila ako. Wala doong magbabago. Sign na ba ito para bumalik na sa bahay? Bumalik kina Mom and Dad?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD