CHAPTER 25: NATATAKOT

1200 Words
Dalawang linggo na ang nakalipas sinula ng makilala ko si Pat. Kung minsan ay nagkikita kami o nagkakasabay kumain pero kasalasan ay si Lia ang kasama ko tulad ngayon. "Grabe yung comeback ni Vincent noh. Crush na crush ko talaga siya, to the point na makikipagrelasyon talaga ako kapag siya ang nanligaw." kwento ni Lia at napairap lang ako. "Sorry na, mataas ang pangarap ko eh." natatawang sabi ni Lia pero hindi ko sineryoso iyon kahit naiinis na ako sa kanya ng konti. Sa akin lang kasi si Vin. "Tapos sobrang swerte pa nung babaeng kadate niya noong Awarding Ceremony." kwento niya pa at napangiti ako. "Sobrang swerte nga." wala sa sarili kong sabi habang nagde daydream. Nabalik na lamang ako sa reyalid ng sinapuyong ako ni Lia. "Akala ko ba hindi ka fan ni Vin at wala kang pakialam pero makasabi ito na sobrang swerte akala mo ikaw ang ka-date." "Ang ibig kong sabihin ay sobrang swerte mo na may kaibigan kang maganda na tulad ko." palusot ko at nagpaypay siya gamit ang kamay. "Sobrang hangin." Napatingin ako kay Lia na ngayon ay abala sa pagkakain ng french fries. Hanggang ngayon ay naghihintay ako sa kanya na magkwento tungkol kay Jeric pero walasiyang nababanggit na kahit ano. Nitong nakaraan ay unti unti kong napapansin na masyado kaming malihik ni Lia sa isa't-isa. Siguro dahilan na lang din na mas gusto muna naming sarilihin yung mga bagay bagay. "Milk Tea, para sa dalawang magandang kaibigan ko." sulpot ni Paul at hinalikan ako sa pisngi. "Salamat." sabay namin sabi ni Lia. "May sakit ka?" nagalalang tanong ni Paul nang bigla akong nagpangalumbaba. Inilagay pa niya ang kamay sa noo at leeg ko para icheck kung mainit pero wala siyang napala. "Inaantok lang ako." sabi ko at nahikab ako. Maaga naman akong natutulog pero ewan ko ba, napansin ko nitong mga nakaraan na palagi akong inaantok. Umayos ako ng upo para hindi magalala si Paul. Nakatingin lang kasi siya sa akin at mukhang nagaalala talaga. Kinuha ko ang milk tea na nilibre niya sa amin ni Lia at itinusok ang straw. "Ok lang ako." paniniguro ko sa dalawa dahil parehas na nila akong inoobserbahan. Tiningnan ko ang milk tea bago uminom pero hindi ko tuluyang nalulunok ang hinigop ay agad ko itong idinura. "Expired na ata ito eh." naiinis kong sabi kay Paul. "Hala siya! Hindi yan expired noh. Sabay sabay akong nagorder ng milk tea natin pero hindi naman masama ang lasa nung akin." sagot ni Paul sabay higop sa milk tea niya. Nakita ko si Lia na kinuha ang milk tea niya at tinikman din pero nagkibit balikat siya na nangangahulugan na hindi naman masama yung lasa nung milk tea. Kinuha ko ulit yung milk tea at humigop pero tulad kanina ay iniluwa ko rin iyon dahil ang sama talaga. Inagaw sa akin ni Paul ang milk tea ko at tinikman iyon pero wala siyang reaksyon o kahit reklamo. "Punta tayong clinic. Baka may sakit ka." sabi ni Paul at hinihila na ako patayo pero umiling ako. "Ayoko, may pasok ako." sabi ko at inayos na ang gamit. Walang naggawa silang dalawa kundi ang tumahimik na lang at ihatid ako sa sunod na klase ko. Bago sila umalis ay binigyan ako ng gamot ni Lia para sa sakit sa ulo. "Tawagan mo kami kapag hindi mo kaya." sabi ni Lia at tumango ako. "Dumiretso ka sa clinic kapag iba na yung pakiramdam mo." sabi naman ni Paul at tumango rin ako. Matapos nun ay pumasok na ako sa room. Wala namang masakit sa akin pero inaantok lang talaga ako. Habang hinihintay ang Prof namin ay ipinatong ko muna ang ulo sa desk at ginamit na unan ang dalawang braso. Natapos ang klase ay hindi ko namalayan na nakatulog ako. Pangatlong beses na akong nakatulog sa klase at nakakaalarma na talaga ito. Ginising na lamang ako ng katabi ko ng uwian at binigyan ako ng notes na ikinapasalamat ko. Matamlay akong lumabas ng room at wala sa sarili. Binuksan ko ang cellphone ko at nakatanggap ako ng message kina Lia at Paul. Kinakamusta ang pakiramdam ko. Isinilid ko sa bag ang cellphone ko nang hindi sila nirereplyan. Wala ako sa sarili na magtype. Mabagal akong naglakad habang palabas ng campus. Napatingin ako sa paligid at tila ang naghahalo sila sa mga mata ko at ang bilis ng mga kilos. Napahawak ako sa ulo ko at ilang saglit pa ay may nakita akong isang pamilyar na bulto ng tao na papalapit. Kumaway ito sa akin at patakbong ngumiti pero hindi pa siya tuluyang nakakalapit sa akin ay biglang nagdilim ang buong paligid ko. ... "She's okay but she need to rest." nagising ako sa boses na iyon. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata at inalala ang huling nangyari. "May masakit sa iyo?" iyon ang unang naging tanong sa akin ni Pat at ramdam ko ang pagaalala niya. Umiling ako at inilibot ang tingin sa paligid. Napagtanto ko na nasa clinic ako ng campus. Napatingin naman ako sa katabi ni Pat, isang nurse. "Ok na ba ang pakiramdam mo?" tanong nung babaeng nurse at tumango ako. "Ok na po ako, sobrang pagod lang ito kaya nahimatay ako kanina." sabi ko ay bumangon. "Ms. Guzman, hindi lang iyan dahil sa pagod." napaupo ako sa kama na kinahihigaan ko kanina at tumingin sa nurse. "Ahh sa puyat ata." sabi ko pa at umiling siya. "If you don't mind? Hindi na bago ang kaso mo. Nasa tamang pagiisip ka na. Pero gusto ko lang alamin kung kailan ka huling nakapag s*x?" kalmadong tanong niya at napatingin ako kay Pat. Sinenyasan naman niya ako na sagutin na lang ang tanong ng nurse. "3 weeks ago ahh-ehh 2 weeks ago ata. Hindi ko matandaan." "I guess you didn't know that you are pregnant." Agad akong napahawak sa ulo ko at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Jusko! Hindi ito pwede. "I suggest you that consult to a doctor." huling sabi ng nurse at umalis na habang naiwan naman kami ni Pat. Nakatulala lang ako sa kung saan pero ramdam ko ang pagpatak ng mga luha ko sa pisngi. Niyakap ako ni Pat at pinapakalma. "Nandito ako at yung iba mong kaibigan, si Lia at si Paul." sabi ni Pat. Ang mga sumunod na oras ay nanatili lang si Pat sa tabi ko. Kinakausap ako at pinapaggaan ang loob. Nang sinabi kong ayos na ako ay hindi pa rin niya ako iniwan. "Promise, okay na ako. Baka pati ako nakakaabala na sa iyo. Didiretso na ako sa trabaho ko." sabi ko kay Pat. "Ayaw kong umalis, nagaalala ako sa iyo." "Tatawagan na lang kita kapag kailangan." Napabuntong hininga si Pat at walang naggawa kundi ang sumangayon sa akin. At para masigurong okay ako ay hinatid pa niya ako sa Coffee Shop. Buong oras ng trabaho ko ay hindi ako mapakali. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Tulad nang, anong gagawin ko? Sasabihin ko ba kay Vin? Napahawak ako sa puson ko at tinatanong ang sarili na kung kaya ko ba. Buntis ako at ang tanging nararamdaman ko lang ay takot. Hindi ko alam kung handa ba ako o tatanggapin ko ba ito? Magiging mabuting nanay ba ako? Natatakot ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD