CHAPTER 26: CONFESSION

1139 Words
"I miss you." bungad sa akin ni Vin sabay halik sa pisngi habang nagluluto ng gabihan namin. Nauna akong umuwi kaya ako ang nagluto ng kakainin namin. Ngumiti ako kay Vin at pinagpatuloy ang paghahalo ng adobong baboy. Ilang araw na ang nakalipas simula nang malaman kong buntis ako. Kinabukasan noong araw na iyon ay nagpakonsulta ako sa doktor at doon ko napagalaman na 2 weeks pregnants ako. Natatakot ako kaya mas pinili ko munang itago sa akin ang bagay na iyon. Hindi ko muna sinabi kay Vin dahil hindi pa ako ready. Nasa likuran ko si Vin at niyakap ako mula sa likod habang hinahalik halikan ang balikat ko. Iyon ang kadalasang ginagawa sa akin ni Vin na gustong gusto ko naman. Niluwagan niya ang yakap sa akin at tinulungan na aking maghanda ng pagkain namin. Nasa kalagitnaan kami ng pagkakain nang biglang tumunog ang cellphone ko at parehas kaming nahinto ni Vin. "Sagutin ko lang." paalm ko at kinuha ang cellphone. Pagtingin ko ay tumawag si Pat. "Hello." "Magandang gabi Yara, kakamustahin lang sana kita dahil nagaalala ako." panimula ni Pat. "Kumain ka na ba? Dapat hindi nagugutan si baby." sabi niya. Sandali akong natigilan sa pagngiti ng makita kong salubong ang kilay ni Vin. Nakangiti lang naman ako dahil natutuwa ako kay Pat, talagang concern siya sa akin. "Amh oo, kumakain ako ngayon." sagot ko. "Ahh ganun ba, sige ipagpatuloy mo na yung pagkakain mo. Tawagan na lang ulit kita mamaya. Patayin ko na itong tawag." Pagkamatay ng tawag ay bumalik ako sa upuan. "Who's that?" tanong ni Vin. "Ahhmm kaibigan ko." "Is it Paul?" paguusisa niya at umiling ako. "Is it a boy or a girl?" "Babae." sagot ko. Napabuntong hininga siya at pinagpatuloy na namin ang gabihan. Sa ngayon ay binabalak kong sabihin kina Lia at Paul ang kalagayan ko. Naghahanap lang ako ng tyempo kung kailan at paano ko sasabihin sa kanila. Sobrang dami ko nang inilihim sa kanila at hindi na iyon tama. Magkakaibigan kami at dapat maging open kami sa isa't isa. ... Bago matulog ay uminom muna ako ng gatas. Hindi na rin ako nagpupuyat at nagiingat ako sa mga ginagawa ko, mas mabuti ng mag-ingat. Pagpasok ko ng kwarto ay naroon si Vin na nakahiga at tila hinihintay ako. Simula noong Awarding Ceremony ay magkatabi na kaming natutulog ni Vin. Gabi-gabi kasi siyang pumupunta sa kwarto ko at nagpapaalam kung pwedeng tumabi sa akin hanggang sa nakasanayan na niyang dumiretso na lang dito sa kama ko. Nahiga ako sa tabi niya habang siya naman ay lumapit sa akin at niyakap ako. Magkaharapan kami at nakasuksok ang ulo ko sa dibdib niya habang siya naman ay sinusuklay ang buhok ko. "Vin, may sasabihin sana ako." kinakabahan kong sabi at ramdam ko ang pabilis ng pabilis na pagtibok ng puso ko. "Hhmmm ano yun?" "Kapag ba nabuntis ako, pananagutan mo ako?" Sandali siyang natigilan sa pagsuklay ng buhok. Ilang segundo ang lumipas ay tsaka niya sinagot ang tanong ko. "Of course not." halos tumigil ang paghinga ko sa narinig. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. "Of course not kais hindi ka naman mabubuntis di ba. Tsaka parehas naman tayong nagiingat." sabi niya. Kahit nasasaktan na ako sa sinasabi niya ay nagtanong muli ako na alam kong ikasasakit ko lang lalo. "Pero paano nga kung nabuntis ako?" Rinig ko ang pagbubtong hinga niya na tila ba naiinis na sa tanong ko. Mukhang ayaw niyang pagusapan ang mga ganitong topic. "Hindi ko pananagutan. Career ang uunahin ko." kalmado niyang sabi. Gusto kong maiyak pero pinigilan ko. "Ahh ok." Lumipas ang minuto ay nagusap lang kami ni Vin nang kung ano-ano. Nawala na rin sa pagitan namin ying tensyon matapos niyang baguhin yung topic na tungkol sa career at pagbubuntis. Nanggigil akong niyakap ni Vin at ganun rin ang ginawa ko. Gusto kong manatili kaming ganito, yung sweet. Sa sobrang kilig at saya ko ay hindi ko namalayan na nasabi ko ang bagay na matagal ko nang inililihim sa kanya. "I love you Vin." Naglaho agad ang ngiti ni Vin at inalis ang pagkakayakap sa akin. Imbes na magsalita siya tungkol sa sinabi ko ay inayos niya ang kumot namin. "Matulog na tayo Yara." seryoso niyang sabi at nahiga patalikod sa akin. Sa isang iglap ay biglang nag iba ang ihip ng hangin. Kung kanina ay masaya kaming naguusap ngayon ay mukhang magaaway kami. Naupo ako sa kamay at pilit na pinahaharap si Vin sa akin. "I love you Vin." paguulit ko pero matalim siyang nakatingin sa akin. "Hindi yan totoo Yara. Nagkakamali ka lang sa nararamdaman mo." Hindi ko alam kung anong gagawin ko o isasagot sa sinabi niya pero kusang tumulo ang luha ko dahil nasaktan ako sa sinabi ni Vin. Ito yung pinakakatakutan ko na malaman kong magkaiba kami ng feelings. Tumayo si Vin at kinuha ang unan niya. Nakasunod ako ng tingin sa kanya at laking gulat ko nang naglakad siya palabas ng kwarto ko. Ako na si tounge-a ay sinundan siya habang umiiyak. "Ano bang meron sa ating dalawa Vin? Yung pagiging sweet mo? Yung pagiging mabait at maalagain mo sa akin? Ano lahat ng iyon? Wala ba?" sigaw ko sa kanya habang sinusundan siya. Huminto siya sa paglalakad ng nasa pintuan na kami ng kwarto niya. "Shut the f**k up Yara." sigaw niya sa akin kaya dumistansya ako. "We have rules. No strings attached, remember?" galit niya sigaw. Umiling ako at hindi tinatanggap ang sinasabi niya. "Hindi! Alam kong meron kang nararamdaman sa akin Vin." umiiyak kong sabi at pilit siyang hinahawakan pero inaalis niya iyon. Sa huli ay wala akong naggawa nang tuluyan siyang pumasok sa kwarto at padabog niya itong sinarado. Ako naman na si tounge-a ay lumapit pa sa pintuan at pilit itong binubuksan. "I love you Vin." bulong ko sa pintuan. ... Simula ng araw na umamin ako kay Vin ay bumalik kami sa simula. Walang pansinan at palagi niya akong sinusungitan. Hindi na niya ako sinusundo o hinahatid. Hindi na niya ako pinagluluto. Hindi na niya ako inaalagaan. Hindi na siya naging sweet. Tila gumuho ang mundo ko sa isang iglap pero ganun pa man ay sinubukan kong kausapin si Vin. Pakisamahan at magusap kami tulad ng dati. Pilit kong ibinabalik ang pagsasama namin pero palagi niya akong itinurturing na parang hangin lang. "I love you Vin." bulong ko bago siya tuluyang lumabas dito sa condo unit. Napatingin ako sa tupperware na may laman na niluto ko para kanya. Maaga akong gumising para lang mapagluto siya at ibigay iyon pero nilagpasan niya lang ako. Habang lumilipas ang araw ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Minsan sinisisi ko ang sarili ko na dapat hindi ako nagpadala sa damdamin. Na dapat hindi na lang ako umamin. Heto tuloy ang nangyari, habang patagal ng patagal ay lumalaki ang pagdistansya sa akin ni Vin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD