Yeon-min's POV "Lola!" Hingal na hingal akong nagising at pansin ko na pawisan na rin ako na para bang nakipagkarera ako sa pagtulog ko. Napatingin naman ako sa bintana ko at mataas na ang sikat ng araw. Inaalala ko ang klase ko ngayong araw pero bumabagabag pa rin sa 'kin ang naging panaginip ko. Buhay si lola at nakatira siya sa kastilyo sa gitna ng gubat. Tinanggal ko na agad ang kumot ko saka bababa na sana nang natigilan pa ako sa narinig. "Kailangan na ba natin siyang dalhin na ospital?" rinig kong boses ni mama ito. "Hindi ko alam kung normal pa ba 'to." Nakikinig lang ako sa may pinto. Bakit naririnig ko ng klaro ang usapan nila kahit na malayo sila sa 'kin? Madami pang gumugulo sa isipan ko nang bumukas na ang pinto ko. "Amaya, kailangan mong pumunta sa doctor 'nak," hinawaka

