Yeon-min's POV
Hays nakakainis, nagugustuhan ko na ang college nung umpisa pero ganun pa ang nangyari.
"Nakakainis, nakakainis, nakakinis," pinagsisipa ko ang unahang upuan ng bus na sinakyan ko ngayon pauwi.
At buti nalang at walang nakaupo rito. Kung meron, malalagot talaga ako.
Wala rin namang may pake sa 'kin dito dahil may kanya-kanya silang pinagkakabusyhan. At mula sa bus stop ay naglakad na ako papunta sa bahay namin. Malapit na rin naman. Hanggang sa tuluyan na nga akong nakauwi ng bahay. Pagkarating ko ay dumeretso na rin agad ako sa kwarto ko para magpalit ng damit at para gawin ang ilan sa mga assignments at projects ko. Hanggang sa tinawag na nila ako para kumain.
Bumaba na rin ako agad para makakain na rin. Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay nagsalita si mama.
"Bakit nga pala hindi na namin kayo nakikita ni Seol-hee na magkasama Amaya?" tanong niya.
"Ah nagkatampuhan lang po," sagot ko naman.
"Ayusin niyo 'yan Amaya ha, madami na kayong napagdaanang dalawa, walang makakatibag ng friendship niyo," sabi pa ni mama.
Natahimik nalang din ako dahil sa sinabi ni mama. At nagpatuloy na muli kaming kumain. Nang matapos na kami ay naghugas na rin muna ako ng mga pinagkainan namin bago umakyat ng kwarto ko pero hindi ko alam kung bakit may something sa 'kin na sinasabing lumabas ako, pero gabi na. Bili nalang ako snacks para makapagpatuloy na ako sa ginagawa kong project.
Nagsuot na ako ng jacket bago lumabas.
"Saan ka pupunta?" tanong ni mama nang nakita niya akong papalabas ng pinto.
"Ahh may bibilhin lang saglit ma," sagot ko naman.
"Mag-iingat ka ha, at balik ka rin agad," sabi rin naman ni mama kaya tuluyan na rin akong lumabas ng bahay.
Nagtungo na nga ako sa pinakamalapit na convenient store sa 'min at napatalikod ako dahil sa nasaksihan ko. Nakaupo roon sina Seol-hee at Kyung-so habang magkahalikan sila. Hindi ko maintindihan kung bakit may kirot na naramdaman ako sa puso ko dahil dun.
Pero nang humakbang na ako para sana makaalis sa lugar na iyon ay may humarang sa daan ko.
"Kyung-so?" gulat na sabi ko at tinignan ko sa table na inupuan nila kanina ay wala na si Seol-hee doon.
"Bakit lumalabas ka ng ganitong oras ng gabi?"
"B-bakit mo ginagawa 'to," kita kong nalito siya dahil sa sinabi ko. "Bakit si Seol-hee pa!"
Sumeryoso ang ekspresyon ng mukha niya. "Look Yeon-min-" sinubukan niyang kuhanin ang kamay ko pero nilayo ko lang ito.
"G-gagawin ko lahat huwag mo lang ipagpatuloy 'to," nalito muli siya sa sinabi ko. "Gagawin ko lahat ng ipapagawa mo itigil mo lang 'to. Hindi mo naman mahal si Seol-hee eh, ginagamit mo lang siya. Ginagamit mo lang lahat ng babae sa campus para mas lalo ka pang sumikat hindi ba?" Natahimik siya kaya ako na ang kumuha ng kamay niya. "P-please kahit na maging alalay mo man ako o kahit ano basta huwag lang si Seol-hee. Mahal na mahal ko yun eh, ayoko siyang masaktan," sabi ko na naluluha na rin.
"Hmm, pag-iisipan ko," sabi niya at tumalikod na.
Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko nang nakailang hakbang na siya ay tumalikod muli siya para lingunin ako.
"Hindi ka pa ba sasama?" tanong niya dahilan para maiangat ko ang akin ulo at tignan siya.
"Huh?" nagtataka ko rin namang tanong pabalik.
"Ihahatid na kita pauwi," sabi niya at hinawakan ang palapulsuhan ko saka ako hinila.
Naglalakad nalang din kami ng tahimik. Hindi pa nga ako nakabili ng dapat kong bilhin eh. Nang nakarating ako ng bahay ay nagpaalam na lang ako sa kanya saka pumasok na agad sa loob ng bahay. Umakyat na rin agad ako sa kwarto ko. I hope na maging maayos na ang lahat bukas.
Kinaumagahan nagising ako dahil sa alarm clock ko. Nakatulog pala ako habang ginagawa ang mga projects namin.
"Amaya gising ka na diyan, may naghihintay nanaman sa 'yo sa labas," sigaw ni mama at gaya nga ng ineexpect ko ay si Kyung-so nanaman. Kaya dinalian ko na ring magbihis at nagtungo na sa baba.
"Kain muna kayo, tawagin mo siya rito," sabi ni mama.
"Ah huwag na ma, sa school nalang kami kakain," sabi ko naman kaya hinayaan niya nalang ako.
Pinagbuksan muli ako ni Kyung-so ng pinto ng kotse niya nang tuluyan na nga akong makalabas ng bahay.
"Alam mo hindi talaga kita maintindihan kung bakit umaakto kang ganyan-" hindi pa nga ako tapos magsalita pero may nilagay siya sa lap ko na mga documents na hindi ko naman alam kung ano mga yun. "Ano 'to?" tanong ko pa.
"That is our contract," sabi niya.
"Huh?"
"Nakaindicate diyan ang rules and conditions ng pagiging personal slave mo sa 'kin," sabi niya na ikinalaki ng mata ko.
"P-personal slave?" Pag-uulit ko naman sa sinabi niya.
"Yeah," sagot niya at kumuha ng ballpen sa dashboard ng kotse niya at binigay sa 'kin. "You can sign it na," sabi pa niya.
Pero syempre binasa ko muna at baka may nilagay siyang kalokohan dito. Maayos na yung malinaw para sa 'min.
'1. Dapat lagi kang nakastick sa tabi ko.' Napatingin naman ako sa kanya dahil dun. Ano ako glue para magstick sa kanya lagi? Psh! '2. I don't take no for an answer.' Napatango naman ako dahil dun. '3. Bawal magjowa habang hindi pa expired ang kontrata.' Tumingin muli ako sa kanya.
"Bakit, pirmahan mo na," sabi naman niya na parang naiinip.
"Psh," sabi ko lang at nagpatuloy sa pagbabasa.
Hanggang tatlo lang din naman. At nakasulat din sa kabilang papel ang name ko at para saan ang kontrata saka kung kelan mag-eexpired.
"1 year?!" gulat na tanong ko.
"Yeah anong problema dun?" tanong naman niya.
Hays baka papahirapan niya ako sa isang taon na pagiging slave ko sa kanya.
"What's with the face?" tanong muli niya.
"Wala," sagot ko nalang at pinirmahan na nga ang kontrata.
Para kay Seol-hee 'tong gagawin ko! Binalik ko na rin muli ang kontrata sa kanya at nilagay naman niya sa may storage sa dashboard niya.
Tahimik nalang muli kami hanggang sa makarating kami sa school. Bumaba na kami sa sasakyan nang pinark na niya ito. Inalis niya ang backpack na nakasuot sa kanya at binato sa 'kin, yung pagbato na sakto naman para masalo ko.
"Hays," reklamo ko.
Nang napatigil ako sa paglalakad dahil lumingon siya sa 'kin.
"May reklamo ka?" tanong niya nang narinig yata niya ako.
"Ahh wala po," sagot ko nalang. Kaya nagpatuloy nalang siya sa paglalakad at nakasunod lang din naman ako sa kanya.
"Ah sir pano kung may klase ako," tanong ko naman habang sinusundan pa rin siya.
"Eh 'di punta ka sa klase mo," sagot naman niya.
"Eh 'di ba sabi mo nakastick lang ako sa 'yo?"
"Ilagay mo nalang sa hide out yung bag ko," sabi niya na nakulitan na yata.
"Ah pero sir hindi ko alam kung nasaan-"
"Hanapin mo si Dan-oh at tanungin mo sa kanya kung nasaan huwag ng madaming tanong tsk," sabi naman niya at nagpatuloy na sa paglakad papasok sa isang classroom.
"Psh," sabi ko nalang at ngumuso pa. "Ang rude," bulong ko nalang sa sarili ko kaya hinanap ko na rin kung nasan si Dan-oh.
Hays, ang bigat pa naman ng bag niya. Nilibot ko na nga halos buong campus hanggang sa mahanap ko na siya sa may locker. Late na nga rin ako sa klase ko.
"K-kanina pa kita hinahanap," sabi ko na naghahabol pa ng hininga.
"Oh, Yeon-min anong kailangan mo?" tanong naman niya.
"K-kailangan daw mailagay 'tong bag ni Kyung-so sa h-hide out niyo," sabi ko.
"Ah ako na maglalagay," hablutin niya sana ang bag mula sa kamay ko ng pinigilan ko siya.
"Ako na, baka kung anong mangyari sa bag eh ako pa sisihin," sagot ko naman.
"Pero bawal magpapasok ng tao dun," sabi niya na nalilito.
"Okay lang daw kapag ako," sabi ko.
"P-pero-" lumapit ako sa tenga niya para bumulong.
"Personal slave niya ako," bulong ko para walang nino man ang makarinig.
"A-ano?" 'Di naman niya makapaniwalang saad.
"Oo nga kaya ituro mo na sa 'kin ang daan papunta dun," sabi ko kaya nagsimula na kaming maglakad papunta dun.
Medyo liblib nga yung hide out nila ha kaya pala walang masyadong nakakaalam. Pinagbuksan na ako ng pinto ni Dan-oh.
"Tada," sabi pa niya at bumungad sa 'kin ang malawak at magarbong silid.
"Wow," saad ko habang naglilibot ng tingin sa paligid.
Binaba ko na rin muna ang bag ni Kyung-so na dala ko at nagsimulang libutin ang buong kwarto.
"Ang laki pala talaga ng hide out niyo 'no," banggit ko.
"Oo naman, oh ano iwan na kita hinihintay pa kasi ako ni Stacy eh," sabi niya.
"Sabay na tayo, may klase rin kasi ako," sabi ko naman at sabay na rin kaming lumabas ng kwartong iyon.
Naglakad na rin kami papunta sa hallway, kasi mula sa hide out nila ay maglalakad ka pa ng ilang hakbang para makarating sa mismong hallway ng school. Nagpaalam na si Dan-oh nang makarating na siya sa classroom nila. Mas una rin kasi namin nadaanan classroom nila at nagpatuloy nalang din ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa first class ko ngayong araw.
Pagkarating ko ay nandun na agad ang prof namin.
"Sorry miss I'm late," sabi ko at tutungo na sana sa upuan ko nang tinawag pa ako.
"Miss Choi why are you late?" tanong niya kaya napalingon ako sa kanya.
"Ahh may inasikaso lang po kasi ako," sagot ko naman.
"Mas importante pa yun kaysa ang klase mo?" Hindi ako nakaimik dahil dun. "At dahil diyan ikaw ang maglilinis ng black board sa isang linggo," sabi niya at inabot sa 'kin ang black board eraser.
Okay na rin 'to kaysa naman yung malalang punishment pa ang ibigay. Pinunas ko na nga rin muna ang mga sulat sa black board at nagpunta na rin sa upuan ko. Pero napatingin ako sa kabilang side ng classroom nang nandun na si Seol-hee. Lumipat na pala siya ng upuan.
Binuksan ko na nga rin muna ang libro ko para mag-advance reading nang magsalita pa ang prof namin.
"May oral recitation tayo ngayon," sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Nakapag-advance reading na rin naman ako kaya ayos lang. "Close your books," utos niya kaya yun ang ginawa namin.
"First question," nakatingin na kaming lahat sa kanya para makapagready sa kung anong itatanong niya. "Pahirap ng paghirap 'to ha, at kung sino unang magtataas ng kamay yun ang makakasagot," sabi pa niya.
"Ito na unang question..." halos lahat kami ay nagtaas ng kamay pero hindi naman din kasi ako ganun kacompetitive kaya late din ako nagtatas ng kamay compared sa iba.
Hanggang sa naka 7th question na. "Yes miss Choi?" Finally natawag din ang pangalan ko, kanina pa ako taas ng taas ng kamay.
Sinagot ko rin naman ang tanong ni ma'am.
"Very impressive," saka sabi niya sa 'kin.
Hanggang sa paunti na ng paunti ang nagtataas ng kamay dahil nga sa sinabi ng prof namin na pahirap ng pahirap ang question.
"Question number 9..." Nagtanong na nga rin siya ng question number 9.
Napatingin ako kay Seol-hee nang dalawa nalang kaming nagtaas ng kamay at siya nga ang natawag para sagutin ang number 9. Gulat lang akong nakatingin sa kanya.
Pero hindi naman siya ganun nag-aaral eh. Don't get me wrong, matalino naman si Seol-hee pero nagrereview lang siya kapag inaannounce na ang test saka hindi niya ugaling mag-advance reading at hindi niya masyadong inaalala ang pag-aaral.
Sinagot na rin naman niya ang question ni ma'am saka siya naupo sa kinauupuan niya.
"Hmm nakapagreview ka miss Shin ha," komento ng prof sa kanya.
"And the final question is..." tanong pa niya sa final question.
Nakalingon lang ako kay Seol-hee nang tinaas ko ang kamay ko. Nakatingin lang din naman siya sa harap at gaya sa question number 9 ay dalawa nalang kaming nagtaas ng kamay pero mas nauna ako this time kaya ako ang tinawag ng prof
"Miss Choi?" pagtawag niya sa 'kin.
At gaya rin kanina ay sinagot ko lang ng tama ang tanong ni ma'am sa question number 10.
"Well nakareview naman kayong lahat so ready na ba kayo sa test niyo?"
Madaming sumisigaw na hindi pa raw, meron naman yung sumisigaw ng oo. Pero ako ay nakatingin lang kay Seol-hee, nag-iba na nga siya. Naging cold siya lalo at nawala na ang jolly side niya. Bakit ganun Seol-hee?