Chapter 11: The break up

1951 Words
Kyung-so's POV 'Babe, gusto mo magdate tayo?' Pagkakabasa ko sa text ni Seol-hee. Bakit magdedate ng ganito kalate? Psh. Pero syempre gusto ko pa rin namang maging mabuting jowa kaya pumayag nalang din ako. 'Sige san mo ba gusto?' reply ko. Nang nag-ring ang cellphone ko at kita ko naman ang pangalan niya. "Hello babe?" sabi ko. "Nandito na ako sa daan papunta sa pinakamalapit na convenient store dito sa 'min," sabi niya. "Huh bakit ka lumabas ng gabi, dapat hinintay mo ako," sabi ko at matatalim na tingin nanaman ang natanggap ko kay Kai mula sa living room. "Malapit lang din naman," sagot niya kaya kinuha ko na rin ang jacket ko at lumabas na sa bahay. Sumakay na ako ng kotse ko at nagdrive papunta sa convenient store na sinasabi ni Seol-hee. At nang makarating na nga ako roon ay nakarating na si Seol-hee at nakaupo siya sa isa sa mga table doon at nasa table ay soju at shot glass. "Tara dito," sabi niya at hinila na ko paupo. "Wait, nakainom ka ba Seol-hee?" tanong ko. "Bakit nasan na yung babe mo ha, bakit moko tinatawag sa pangalan ko," sabi niya na tumungga pa ng soju. "Tama na 'yan," inagaw ko ang bote ng soju sa kanya pero nilayo lang niya sa 'kin. "Ilang oras ka na bang umiinom ha? Parang kanina lang sabi mong papunta ka palang dito eh," sabi ko pero hindi niya ako sinagot at tumungga lang muli siya. "Seol-hee!" pagalit ko ng sabi. Dahil dun ay tinignan niya ako na parang naluluha. "Nagtataas ka na ng boses sa 'kin, hindi mo na ako mahal!" pag-iyak niya. Napaface palm naman ako dahil sa pinaggagawa niya. "Sabi na nga may gusto ka kay Amaya eh, ginagamit mo lang ako para mapalapit sa kanya 'di ba?" Hindi naman ako nakasagot dahil sa sinabi niya. Nang umiyak siya ulit. "B-bakit hindi nalang kasi ako mahalin mo! Girlfriend mo nga ako pero parang hindi. Bakit hindi mo ako kayang mahalin gaya ng pagmamahal mo kay Amaya ha?" Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. "Tama na 'yan, nakainom ka na ng madami," sabi ko pero hindi siya nakikinig. Kumuha muli siya ng soju at tinungga lang niya muli. Nang hinila niya ang collar ng t-shirt ko papalapit sa kanya kaya napalapit na rin ang mga mukha namin sa isa't-isa. "Alam mo, hindi mo alam kung gaano kita kamahal pero ganyan ginagawa mo sa 'kin," sobrang bilis ng pangyayari at ang alam ko nalang ay nagkadikit na ang mga labi namin. Nang ilang segundo na nga na ganun at nakita ko sa peripheral vision ko na nakatayo roon si Yeon-min habang nakatingin sa 'min nung saktong nagkahalikan kami. Kaya nung tumalikod na siya ay binuhat ko na agad si Seol-hee at nagteleport ako papunta sa kwarto niya sa bahay nila at inihiga ko siya roon bago umalis para harapin si Yeon-min. Nakatulog naman na rin si Seol-hee dahil sa dami ng ininom niya. "Kyung-so?" gulat na sabi ni Yeon-min nang humarang ako sa daan niya at napatingin pa siya sa table na inupuan namin kanina para siguro makasigurado kung nandun pa si Seol-hee at kita kong puzzled look ang ekspresyon sa mukha niya nang makita niyang wala na si Seol-hee doon. "Bakit lumalabas ka ng ganitong oras ng gabi?" nag-aalalang tanong ko. "B-bakit mo ginagawa 'to," tanong niya at nalito pa ako kung anong ibig niyang sabihin doon. "Bakit si Seol-hee pa!" tanong pa niya na umiiyak na rin. Sumeryoso naman ang ekspresyon ng mukha ko. "Look Yeon-min-" sinubukan kong kuhanin ang kamay niya pero nilayo niya lang ito. "G-gagawin ko lahat huwag mo lang ipagpatuloy 'to," nalito muli ako sa sinasabi niya. "Gagawin ko lahat ng ipapagawa mo itigil mo lang 'to. Hindi mo naman mahal si Seol-hee eh, ginagamit mo lang siya. Ginagamit mo lang lahat ng babae sa campus para mas lalo ka pang sumikat hindi ba?" Natahimik ako at napatingin sa kamay namin nang kuhanin niya naman ang kamay ko. "P-please kahit na maging alalay mo man ako o kahit ano basta huwag lang si Seol-hee. Mahal na mahal ko yun eh," sabi niya na naluluha pa rin. "Hmm, pag-iisipan ko," sabi ko at tumalikod na. Nang nakailang hakbang na ako ay ramdam kong hindi pa rin siya sumusunod sa 'kin kaya tumalikod muli ako para lingunin siya. "Hindi ka pa ba sasama?" tanong ko. "Huh?" nagtataka niya rin namang tanong pabalik. "Ihahatid na kita pauwi," sabi ko at hinawakan ang palapulsuhan niya saka hinila. Naglalakad nalang din kami ng tahimik. Naiwan na rin ang kotse ko roon pero babalikan ko nalang din mamaya, para na rin masiguro ang kaligtasan ni Yeon-min. Nang nakarating na kami sa bahay nila ay nagpaalam na siya sa 'kin saka pumasok na agad sa loob ng bahay. Napangiti nalang ako dahil dun. At bumalik na kung nasan ang kotse ko. Nagdrive na rin ako pauwi sa bahay. "Saan ka nanaman nagpunta?" tanong sa 'kin ni Dan-oh pagkapasok ko palang ng bahay. "Nakipagdate," sasagot pa sana ako pero inunahan na ako ni Kai. Kaya hindi ko nalang sila kinausap at nagtungo na rin sa kwarto ko. Pagkarating ko ay binagsak ko na rin agad ang katawan ko sa kama. At nakatulog na rin agad ako. Kinaumagahan ay maaga akong nagising at nakapagprepare na rin para school. Pagkababa ko sa kusina ay nagluluto na si Kai roon na hindi pa nakaligo. "Ang aga mo ha," sabi rin naman ni Dan-oh na kakalabas lang sa kwarto niya na pansin ko rin namang kakagising lang. "Ah oo," sagot ko naman. "Saan ka naman pupunta?" tanong naman ni Kai sa 'kin. "Ahh may dadaanan lang ako," sagot ko. "Kunin ko nga pala yung sasakyan, magkasabay nalang kayong pumasok," sabi ko at hindi naman nila sinagot. "Kain na," sabi nalang ni Kai kaya nagpunta na rin kami sa dinning table at nagsimula ng kumain. Dinalian ko ng kumain saka nagpunta na rin kung saan nakapark ang kotse ko sa garahe. Nagstart na rin akong magdrive papunta sa bahay nila Yeon-min. Ilang saglit pa nga ng paghihintay ko ay lumabas na siya ng bahay nila. Parang nagmadali pa talaga siya ha. Bumaba na rin ako at pinagbuksan siya ng kotse. "Alam mo hindi talaga kita maintindihan kung bakit umaakto kang ganyan-" hindi pa siya tapos magsalita pero nilagay ko sa lap niya ang contract namin na pansin ko rin naman sa ekspresyon niya na wala siyang kaalam-alam kung ano yun. "Ano 'to?" tanong niya pa. "That is our contract," sagot ko. "Huh?" "Nakaindicate diyan ang rules and condition ng pagiging personal slave mo sa 'kin," sabi ko na ikinalaki ng mata niya. "P-personal slave?" Pag-uulit niya naman sa sinabi ko. "Yeah," sagot ko at kumuha ng ballpen sa dashboard ng kotse at binigay sa kanya iyon. "You can sign it na," sabi ko pa. Tinignan nga rin muna niya ang contract ng maiigi. "Bakit, pirmahan mo na," sabi ko naman na parang naiinip. "Psh," sabi niya lang at nagpatuloy sa pagbabasa nang nagsalita muli siya. "1 year?!" gulat na tanong niya. "Yeah anong problema dun?" tanong ko naman. Nang mapansin ko rin na parang nagdadalawang isip siya. "What's with the face?" tanong ko. "Wala," sagot niya nalang at pinirmahan na nga ang kontrata. Pagkatapos niyang pirmahan ang kontrata ay binalik niya na rin muli ito sa akin at nilagay naman niya sa may storage sa dashboard ko Tahimik nalang muli kami hanggang sa makarating kami sa school. Bumaba na kami sa sasakyan nang pinark ko na ito. Inalis ko ang backpack na nakasuot sa akin at binato sa kanya, yung hindi naman din malakas na pagkakabato, yung sakto lang para masalo niya. "Hays," sabi niya kaya tumigil na muli ako sa paglalakad at liningon siya. "May reklamo ka?" tanong ko pa. "Ahh wala po," sagot niya nalang. Kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at nakasunod lang din naman siya. "Ah sir pano kung may klase ako," tanong niya naman habang sinusundan pa rin ako. "Eh 'di punta ka sa klase mo," sagot ko lang. "Eh 'di ba sabi mo nakastick lang ako sa 'yo?" tanong pa niya. "Ilagay mo nalang sa hide out yung bag ko," sabi ko na nakukulitan na sa kanya. "Ah pero sir hindi ko alam kung nasaan-" "Hanapin mo si Dan-oh at tanungin mo sa kanya kung nasaan huwag ng madaming tanong tsk," sabi ko naman at nagpatuloy na sa paglakad papasok sa isang classroom. Pagpasok ko ay wala pa rin namang prof na dumarating kaya nagpamusic nalang muna ako sa cellphone ko. Ilang sandali pa ay may sumigaw na rin na meron na ang prof namin kaya tinago ko na rin ang phone ko at nagroll call lang siya para macheck ang attendance naming lahat. Mabilis lang din naman ang klase namin sa kanya. Nagdesisyon ako na pumunta na muna sa hide out dahil mga ilang oras pa naman ang susunod kong klase. At pagbukas ko ng pinto ng hide out namin ay nakita ko si Dan-oh at may kasama siyang babae. "Bakit-" sabi ko at nakaturo pa sa babae. "Kyung-so magpapaliwanag ako," nilagay ko ang kamay ko sa baywang ko na nakatingin sa kanya. "Aba dapat lang," sabi ko. "Eh 'di ba pinapunta mo rin naman si Yeon-min dito kaya pwede na rin namang pumunta si Stacy rito 'di ba?" tanong niya na parang ineencourage ako na um-oo. Napabuntong hininga nalang ako at napasapo ng ulo. "Sige basta siya lang ha," sabi ko at sumaya naman ang awra ng mukha niya. Nakatingin lang din naman sa amin si Stacy na nagtataka dahil hindi niya naman naiintindihan pinag-uusapan namin. Umupo nalang din ako at si Dan-oh naman ay bumalik lang din kay Stacy. At inexplain niya kung anong pinag-usapan namin ng english. Nag-scroll pa ako sa social media ko hanggang sa naisipan kong sabihin kay Dan-oh ang plano ko. "Ibrebreak ko na si Seol-hee," matipid kong sabi. "Talaga?" tanong niya. "Yeah," sagot ko lang din naman. "Bakit biglaan?" tanong muli lang din naman niya. "Well I don't know, nagmakaawa sa 'kin si Yeon-min at kahit anong kapalit," sagot ko. "Ahh kaya pala personal slave mo na siya," sabi naman niya. "Ahh nasabi niya na pala sa 'yo." "Oo," sabi niya at lumapit sa 'kin saka tinap ang balikat ko. "Sana mabago ka na ngayong dumating na si Yeon-min," sabi nalang muli niya. "Una na rin ako," sabi ko kaya nagpaalam na rin ako sa dalawa bago tuluyang lumabas ng hide out. Nagpunta na rin ako sa recording studio at in-on ang mic doon para na rin marinig ng buong campus. "Hello, I'm Kyung-so mula engineering department. Inaannounce ko rito ngayon na makikipaghiwalay na ako kay Seol-hee," pagkatapos kong sabihin iyon ay inoff ko na rin ang mic at palabas na sana ako sa recording studio pero nakita kong nakatayo si Seol-hee sa labas mismo ng recording studio. Mukhang nasaktan siya sa announcement ko. Sino ba naman ang hindi masasaktan 'di ba. "Seol-hee-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinampal niya ako. "Dapat pala nakinig nalang ako kay Amaya," sabi niya na naluluha na. "Mas pinili kita kaysa sa kanya, nagkaaway kami ng dahil sa 'yo tapos ito lang gagawin mo sa 'kin," sabi niya at tuluyan na ngang nahulog ang mga luhang pinipigilan niya kanina pa. Wala na rin akong masabi eh, alam ko naman din na mali ako. Hindi ko dapat siya ginamit para lang mapalapit kay Yeon-min. Nang nakita ko siya na papalapit sa 'min kaya nilagpasan ko nalang si Seol-hee at hinawakan ang kamay ni Yeon-min para mag-walk out doon. Medyo nagpupumiglas din si Yeon-min sa 'kin dahil hindi niya alam kung anong nangyayari pero hindi ko siya pinakawalan. Hindi ko nilet go ang kamay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD