Seol-hee's POV
Natapos na rin ang una naming klase. Kita kong namangha siya sa 'kin. People change. Naglakad na rin naman ako palabas ng room. Actually hindi ko nga alam kung saan ako pupunta then dinala ako ng paa ko sa gym. At dun nakita ko si Kai na mag-isa habang nakatingin sa malayo na para bang malalim talaga ang iniisip.
"Mag-isa ka yata," tanong ko.
Pero tinignan lang niya ako saka tumayo at maglalakad na sana papalayo nang pinigilan ko pa.
"Iniiwasan mo ba ako?" tanong ko.
"Bakit naman kita iiwasan?" tanong naman niya na natawa pa.
"Yun nga rin ang tanong ko sa 'yo, ba't mo ako iniiwasan?" tanong ko pa.
"Hindi ako umiiwas ah," sagot naman niya.
"Eh bakit nung lumapit lang ako umalis ka na?" tanong ko lang naman ulit.
"May pupuntahan kasi ako," sabi niya pero syempre hindi ako naniniwala.
"Ang lame," bulong ko sa sarili ko.
"Ano?" nagtataka naman niyang tanong
"Alam mo ayos lang na ibully mo nalang ako ulit eh kaysa naman iwasan mo ako," sabi ko at pansin ko ang pagkalito sa kanya.
"You don't know what your saying," sabi lang din naman niya.
"A-anong ibig mong sabihin?" nagtataka ko namang tanong.
"You don't really get it ha?" tanong niya na ikinataka ko muli.
Ano bang sinasabi niya. Nang umalis na siya ay hindi ko na rin pinigilan. At naisipan ko nalang na hanapin si Kyung-so. Nagpunta ako sa hide out nila at naabutan ko lang doon sina Dan-oh, nagpunta na rin ako sa gym at sa open field para hanapin siya hanggang sa may konting pag-asa nalang ako na mahanap ko siya nang napatigil ako mismo sa recording studio nang nandun pala siya.
"Hello, I'm Kyung-so mula engineering department." Nakatayo lang ako sa labas ng recording studio hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "Inaannounce ko rito ngayon na makikipaghiwalay na ako kay Seol-hee," napalaki ng literal ang mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko rin inexpect ganun na lang kabilis, wala pa nga kaming 1 week. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kita kong inoff niya na rin ang mic at palabas na sana ng recording studio nang nakita niya ako. Pansin kong gulat din siya nang makita ako dito.
"Seol-hee-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil sinampal ko na siya.
"Dapat pala nakinig nalang ako kay Amaya," sabi ko na naluluha na rin. "Mas pinili kita kaysa sa kanya, nagkaaway kami ng dahil sa 'yo tapos ito lang gagawin mo sa 'kin," sabi ko at tuluyan na ngang nahulog ang mga luhang pinipigilan ko kanina pa.
Akala ko totoo ang mga sinasabi niya, napakaplayboy niya pa rin pala. Marahas kong pinunasan mga luhang kumakawala sa mata ko. Nang lumagpas ang mata niya at nakatingin na siya sa may likuran ko saka siya naglakad papunta dun. Nilingon ko naman at kita kong hinawakan niya ang kamay ni Amaya.
Ah kaya pala. Kaya pala ganun nalang ako pigilan ni Amaya na maging kami ni Kyung-so, at kaya pala ginamit lang ako ni Kyung-so kasi gusto lang niyang mapalapit kay Amaya.
Nakatingin lang ako sa direksyon nila hanggang sa naglakad lang sila palayo ng palayo. Napaupo na rin naman ako habang umiiyak. Madami mang tumitingin sa 'kin sa paligid pero hindi ko na inalala iyon. Ang akin lang, sobrang bigat ng pinagdadaanan ko ngayon. Pano nagawang maglihim sa 'kin ni Amaya, magkaibigan kami eh.
Nang naramdaman kong may kamay na humawak sa palpulsuhan ko habang nakaupo pa rin ako rito at umiiyak. Lumingon lang ako sa kanya at binawi rin ang kamay ko.
"Ano ba!" sabi ko na patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Halika," sabi niya at tinangay na ako kahit na magpupumiglas pa man din ako hindi niya pinapakawalan ang kamay ko.
"Ano bang problema mo," sabi ko naman sa kanya nang idala niya ako sa gilid, malayo sa mga tao.
"Talaga bang ipapahiya mo ng ganun ang sarili mo?" galit na tanong niya.
"Ano bang pakealam mo?" tanong ko naman na umiiyak pa rin.
"'Di ba pinagsabihan na kita nung una palang? Kaya bakit ka umiiyak ha? Ginusto mo 'yan, it's your fault." Dun ako mas nasaktan sa sinabi niya. Bakit sobrang harsh niya.
"Oo na, kasalanan ko na. Masyado na akong careless, masyado na akong immature, wala na akong kwentang kaibigan," hindi siya nakasagot sa sinabi ko. Kaya naluha nalang muli ako. "Gusto ko lang naman maging masaya, mahirap bang hingin yun?" sabi ko pa muli at unti-unti rin naman siyang yumakap sa 'kin at ang kamay niya ay tinap-tap lang ang ulo ko, habang umiiyak pa rin ako.
"Just look for the people who care kasi," sabi niya habang ganun pa rin kami. Pero hindi nalang din ako nagsalita at patuloy nalang sa pag-iyak, sa balikat niya.
***
Dan-oh's POV
Nang pagkarating namin ni Kai sa school ay dahil wala pa naman akong klase ay nagpunta na muna ako sa locker ko para kunin ang mga libro para sa subject na ito.
"K-kanina pa kita hinahanap," nang napatingin ako sa hingal na hingal na si Yeon-min.
"Oh, Yeon-min anong kailangan mo?" tanong ko naman.
"K-kailangan daw mailagay 'tong bag ni Kyung-so sa h-hide out niyo," sabi niya.
Nagtaka naman ako kasi bakit parang ginagawa niyang alalay na si Yeon-min?
"Ah ako na maglalagay," hablutin ko na sana ang bag mula sa kamay niya ng pinigilan niya ako.
"Ako na, baka kung anong mangyari sa bag eh ako pa sisihin," sagot niya naman.
"Pero bawal magpapasok ng tao dun," sabi ko na nalilito.
"Okay lang daw kapag ako," sabi niya naghesitate naman ako kung sasabihin ko ba kung nasaan ang hide out namin.
"P-pero-" lumapit siya sa tenga ko, ewan ko naman kung anong gagawin niya pero bumulong lang pala siya.
"Personal slave niya ako," bulong niya.
"A-ano?" 'Di ko makapaniwalang saad.
"Oo nga kaya ituro mo na sa 'kin ang daan papunta dun," sabi niya kaya nagsimula na kaming maglakad papunta dun.
Medyo liblib yung hide out namin kaya walang masyadong nakakaalam. Pinagbuksan ko naman siya ng pinto.
"Tada," sabi ko pa.
"Wow," saad niya habang naglilibot ng tingin sa paligid.
Binaba niya na rin muna ang bag ni Kyung-so na dala niya at nagsimulang na ring libutin ang kabuuan ng kwarto.
"Ang laki pala talaga ng hide out niyo 'no," banggit niya.
"Oo naman, oh ano iwan na kita hinihintay pa kasi ako ni Stacy eh," sabi ko nang may natanggap akong message mula sa kanya.
"Sabay na tayo, may klase rin kasi ako," sabi niya naman at sabay na rin kaming lumabas ng kwarto.
Naglakad na rin kami papunta sa hallway, kasi mula sa hide out nila ay maglalakad ka pa ng ilang hakbang para makarating sa mismong hallway ng school. Nagpaalam na rin ako kay Yeon-min nang makarating na ako sa classroom namin. Mas nauna rin kasing nadadaanan room namin.
Pagpasok ko sa room ay nakita ko na rin agad si Stacy na nakaupo sa gilid, agad na akong tumabi sa kanya.
"Oh," sabi niya nung napansin na ako.
"What are you reading?" tanong ko.
"Some kind of vampire," sagot naman niya. "Do you think vampires are existing?" tanong pa niya.
"Yeah," sagot ko naman. "Gumihos are existing so maybe vampires exist too," sagot ko pa.
"Gumihos? I haven't heard of them yet," sabi niya.
"Ahh gumihos can turn human and fox if they want to," sagot ko naman.
"So they are fox."
"Fox with 9 tails and can only be a real human if they found their true love," paliwanag ko pa at napatango-tango nalang siya at nagpatuloy na nga sa pagbabasa.
Ilang saglit pa nga ay dumating na ang prof namin. Kaya nilagay na rin ni Stacy ang libro na binabasa niya sa kanyang bag para hindi maconfiscate ng prof.
"Open your book on page 162," sabi ng prof kaya yun ang ginawa namin.
"Who can read the poem?" tanong niya at medyo marami ring nagtaas ng kamay pero mas nauna nga lang si Stacy kaya siya ang tinawag para basahin ang poem.
Dinala niya ang libro sa kanya sa harapan para basahin doon ang poem.
"Poem for my love by June Jordan, How do we come to be here next to each other in the night
Where are the stars that show us to our love inevitable
Outside the leaves flame usual in darkness and the rain
Falls cool and blessed on the holy flesh the black men waiting on the corner for
A womanly mirage
I am amazed by peace
It is this possibility of you asleep and breathing in the quiet air," nang natapos na nga niyang basahin ito ay bumalik na siya sa upuan niya sa tabi ko.
"So who among you can explain what the poem is all about?" tanong ng teacher namin kaya nagtaas lang din ako ng kamay.
"Yes mister Bae?" sabi ni prof kaya tumayo na ako sa upuan ko.
"The poem is about love. The love he had for the girl," habang sinasabi ko iyon ay nakatingin lang ako kay Stacy.
"Indeed," sabi lang din naman ng prof kaya umupo na ako sa upuan ko.
Ilang sandali pa nga ay natapos na ang klase namin. Nang may naisip akong ediya.
"Stacy what about you come with me to our hide out?" tanong ko.
"Hide out where is that?" Nakalimutan ko nga palang exchange student pala siya.
"Where the F3 can hang out there but no one knows where it is," sabi ko naman.
"Ohh that's nice," sabi rin niya kaya nagpunta na kami.
Pinagbuksan ko na rin siya ng pinto ng hide out namin. At gaya rin ni Yeon-min kanina ay namangha rin si Stacy.
"Ohh, it's so big," komento niya.
"Yeah," sagot ko lang naman.
Naglibot-libot na rin siya sa paligid. Hanggang sa naupo na rin siya sa couch.
"So what are you gonna do with this place if you graduated?" tanong niya.
"We never graduated," sagot ko naman.
"What?" nagtataka niya namang tanong. Pero bago ko pa masagot ay bumukas na ang pinto ng hide out. At nakita ko na nandoon nakatayo si Kyung-so na nalilito rin kung bakit ako nagdala ng babae rito. Sila nga rin eh nagdala ng babae kaya ako na rin, bakit sila lang pwede.
"Bakit-" sabi niya at nakaturo pa kay Stacy.
"Kyung-so magpapaliwanag ako," nakapameywang na siya na nakatingin sa akin.
"Aba dapat lang," sabi niya naman.
"Eh 'di ba pinapunta mo rin naman si Yeon-min dito kaya pwede na rin namang pumunta si Stacy rito 'di ba?" tanong ko na parang kinoconvince siya.
Napabuntong hininga nalang siya at napasapo ng ulo niya.
"Sige basta siya lang ha," sabi niya at napangiti ako ng maluwag at tumingin kay Stacy.
Nakatingin lang din naman sa amin si Stacy na nagtataka dahil hindi niya naman naiintindihan pinag-uusapan namin.
At bumalik na rin ako kung saan ako naupo kanina, sa tabi ni Stacy. Si Kyung-so naman ay naupo na rin sa kabilang couch at nagcellphone nalang siya.
"What are you talking about?" tanong naman ni Stacy sa pinag-uusapan namin kanina.
"Ahh it should be no one would know this place except just the 3 of us but we brought here some of our friends so it's okay if I brought you here too," paliwanag ko kaya tumango-tango na rin naman siya.
"You must be the superior of this school ha?" tanong naman niya.
Natawa ako dahil dun. "Not really," sagot ko kahit na totoo naman.
Nagkwentuhan pa din kami ng ibang mga bagay ni Stacy nang nagulat ako sa sunod na sinabi ni Kyung-so.
"Ibrebreak ko na si Seol-hee," matipid niyang sabi.
"Talaga?" tanong ko.
"Yeah," sagot niya lang din naman.
"Bakit biglaan?" tanong ko muli na nagtataka.
"Well I don't know, nagmakaawa sa 'kin si Yeon-min at kahit anong kapalit," sagot naman niya.
"Ahh kaya pala personal slave mo na siya," sabi ko naman.
"Ahh nasabi niya na pala sa 'yo," tanong niya.
"Oo," sabi ko at lumapit sa kanya saka tinap ang balikat niya. "Sana mabago ka na ngayong dumating na si Yeon-min," sabi ko nalang muli.
"Una na rin ako," sabi niya kaya nagpaalam na rin siya sa amin bago tuluyang lumabas ng hide out.
"He's kinda cold," komento naman din ni Stacy kay Kyung-so.
"He's not that cold normally, it's just that there's come up recently," sagot ko.
"A problem?" tanong pa niya.
"Hmm kinda, but you know who's the most cold among us? It's Kai," sabi ko pa.
Natawa nalang din naman siya kasi nameet na rin niya si Kai at siguro sang-ayon siya sa sinabi ko.