Chapter 13: Indirect kiss

1984 Words
Yeon-min's POV Naglalakad-lakad lang ako nang natigilan ako dahil sa announcement na narinig ko. "Hello, I'm Kyung-so mula engineering department. Inaannounce ko rito ngayon na makikipaghiwalay na ako kay Seol-hee," gulat ako sa announcement niya. Oo gusto ko siyang makipaghiwalay kay Seol-hee pero in private kasi masakit naman talaga kapag in public ka nakipaghiwalay. Ano bang iniisip ni Kyung-so! Kaya nagmadali na rin ako kung nasaan ang recording studio. At nang makarating ako roon ay kita kong magkaharap na sila. Pero nang makita ako ni Kyung-so ay nilagpasan niya si Seol-hee saka niya tinangay ang kamay ko. Nagpatangay lang din naman ako sa kanya hanggang sa tumigil na siya sa paglalakad nang tuluyan na kaming makalayo sa lugar na iyon. Hindi siya umimik kaya ako nalang ang nagsalita. "Ang sabi ko makipaghiwalay ka lang sa kanya pero hindi mo kailangang iannounce sa buong campus," sabi ko. "Yeon-min, para na rin walang ibang kwento na sinasabi nila." "Alam mo ba kung anong kahihiyan sa kanya nun?" Umiwas siya ng tingin sa 'kin. "Siguro hindi mo alam kasi hindi ka pa naman napapahiya ng ganun," sabi ko pa. Hindi muli siya nagsalita. "Alam kong slave mo ako ngayon pero nakakasakit ka na, sinaktan mo ang best friend ko at hindi kita mapapatawad dahil dun," sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi na rin naman niya ako sinundan, baka hinayaan nalang din muna niya ako. At ilang minuto nalang din naman ay magstart na ang klase namin kaya nagpunta na ako sa classroom kung saan ang next subject namin. Nang nakarating na ako ay nakaupo pa rin sa kabilang side ng classroom si Seol-hee. At naupo nalang din ako sa dati kong upuan. Nang ilang sandali pa ay nakita kong napalibutan na siya ng mga mean girls. Dati naman ay hindi talaga siya tinatarget dahil mga nerds lang ang target ng mga mean girls para ibully. "Look who's here girls, the first ever girl who broke the 1 week rule record, cuz it just lasted 4 days pft," natawa nga sila dahil dun pero hindi nagsalita si Seol-hee at kinuha lang ang earphones sa bag niya at isasalpak sana niya sa tenga niya nang ihagis ng leader nila palayo dahilan para maihagis masira ito. At dun na ako tumayo mula sa upuan ko. "Ano bang problema niyo ha? Ano lang kung brineak siya, big deal yun sa inyo? Sa tingin niyo naman magugustuhan kayo ni Kyung-so," namangha naman ang tatlo dahil sa pagstep up ko para kay Seol-hee. "Bakit mo siya pinagtatanggol eh 'di ba ikaw ang dahilan kung bakit sila naghiwalay? Nakikabet ka kasi-" Tumayo si Seol-hee mula sa kanyang upuan at sinamaan niya kaming lahat ng tingin bago lumabas ng classroom. Sinundan ko rin naman siya. "Seol-hee!" sigaw ko habang hinahabol siya. Tumigil naman siya para harapin ako. "Hindi ko kailangan ng pagtatanggol mo, kaya ko ang sarili ko," sabi niya at naglakad na muli. "Seol-hee!" sabi ko pa pero hindi na siya tumigil at patuloy nalang siya sa paglalakad palayo. Kaya bumalik nalang din naman ako sa klase namin. Umupo na rin muli ako sa upuan ko hanggang sa dumating na ang prof namin. Nagroll call nalang din muna siya. "Choi Yeon-min?" "Present," sagot ko. "Shin Seol-hee?" Nang napatingin siya sa klase nang wala nanamang sumagot. "Wala ba si Seol-hee?" tanong niya. "Baka umiiyak na yun ngayon sir," sabi naman ng isa sa mga mean girls at natawa pa sila. "Dahil ba dun sa break up?" tanong niya. "Alam niyo, huwag niyo 'yang dinadamdam kasi kung may aalis at mawawala sa inyo, meron namang mas better na darating," pag-aadvice naman ng prof namin. Naks, love expert 'yan si prof? "Saka hayaan niyo sila, malay niyo may iba pala talagang para sa kanila kaya hindi kayo nagwork out sa bandang huli," hiyawan naman ang mga classmates ko. Yung iba nag-aapprove sa sinabi ni prof, yung iba naman nagdidisapprove. "Okay tama na yung topic about love, dako na tayo sa topic natin ngayong araw," sabi naman niya at nagdiscuss na nga din si prof hanggang sa matapos na ang oras namin sa kanya. Hinanap ko na nga rin muna si Seol-hee pagkatapos na pagkatapos ng klase. Pero tinignan ko na ang gym, open field, swimming pool, music room pero wala talaga siya. Nagpunta na rin ako ng rooftop pero hindi ko pa rin siya mahanapan hanggang sa nagdesisyon na nga akong magpunta sa hide out ng F3. Alam ko naman ding bawal pumunta dun at wala silang sinasabing instruction sa 'kin pero wala na rin akong ibang mapuntahan eh. Pagbukas ko ng pinto ay kita ko silang tatlo kasama si Stacy na kumakain na ng lunch. Natigilan pa sila nang makita nila ako. "Yeon-min kain," sabi naman ni Dan-oh pero nang maisara ko ang pinto ng hide out nila ay nagtungo lang ako sa bed nila rito. Sana lahat kasi may bed sa school. "Baka inaantok," rinig ko namang sabi ni Kai. Nang ilang sandali pa ay may naramdaman akong papalapit sa 'kin. Nakatalikod kasi ako sa direction nila kaya hindi ko rin nakikita. May nilagay siyang plate sa harap ko. "Kain ka muna bago matulog, bawal magpalipas ng gutom ang alalay ko," sabi ni Kyung-so kaya napatayo na rin ako. Sinamaan ko pa ng tingin si Kyung-so saka kinuha ang plate at nagsimula na nga ring kumain. Binilisan ko ng kumain para na rin hindi na nila ako kausapin pa. "Dahan-dahan lang Yeon-min, mabilaukan ka diyan," sabi naman ni Dan-oh sa 'kin. "Baka gutom," sabi naman din ni Kai pero hindi ko sila inalala basta binilisan ko lang ng binilisan ang pagkain hanggang sa umubo na nga ako dahil nabilaukan ako. Self naman! Agad din akong dinalhan ni Dan-oh ng tubig. Saka siya nagwink. Ano yun!? Uminom naman na rin ako sa tubig. "Bakit mo binigay sa kanya yung tubig ko?" sabi naman din ni Kyung-so. "Wait tubig niya 'to?" tanong ko naman kay Dan-oh. Tumawa lang siya. "Para parang indirect kiss," sabi pa niya habang tumatawa pa rin. "Hays," sabi ko nalang at binato sa kanya ang bote ng tubig. "Akin na nauuhaw ako," sabi naman ni Kyung-so at ininuman niya rin yung ininuman ko. Napalaki ang mata ko dahil dun. Nagpatuloy nalang din naman sa pagkain si Kyung-so at ganun din ako. At nang matapos na nga akong kumain ay nagdesisyon ako na umidlip na rin muna sa bed nila rito. Eh sa ang lambot eh, magandang higaan. "'Di ba bawal matulog kapag kakatapos lang kumain kasi mababangungot ka?" rinig ko pang sabi ni Dan-oh habang nakapikit na ang mga mata ko. "Lalo na kung madami kang nakain," sagot lang din naman ni Kai. Pero hindi ko sila inintindi. Pinilit ko nalang din ang sarili ko na matulog. At unti-unti na ring bumibigat ang mata ko. "Tayo'y pupunta na mahal na prinsesa," nakita ko ang sarili ko na nakadamit prinsesa at papunta na sa kung saan. Tumigil kami sa isang gilid kung saan papanoorin namin ang mga kalalakihan na magshoot ng arrow papunta sa target. Napatango-tango naman ako nang halos lahat sila ay nakakashoot sa gitna pero may isang lalaking kumuha ng atensyon ko. Ngumiti pa muna siya sa 'kin bago niya pinakawalan ang arrow at tumama nga ito sa gitna. Hindi ko maintindihan pero nagflying kiss ako sa direction niya at nagfinger heart din naman siya sa 'kin hanggang sa masyado ng magulo ang mga sumunod na pangyayare. Hindi ko kasi maaninag masyado ang mukha niya dahil may nakatakip sa kabilang mata niya. "Siya ang gumiho!" May mga tao na nagpunta roon at tumatakbo papunta sa lalaki. Sa mga panahong iyon hindi ko makontrol ang sarili kong paa, tumakbo nalang din ako papalapit sa lalaki at ang patama sana sa kanya na palaso ay tumama sa 'kin dahil sinangga ko ito. Naramdaman ko pa kung gaano kasakit iyon. Dumadaloy na ang maraming dugo mula sa natamaan ng palaso. At hanggang sa nahiga nalang ako sa braso niya. "Y-Yeon-min!" sigaw niya nang papikit na ako ng mata. "Huwag mo akong iwan nanaman," naguluhan ako sa 'nanaman' niya so iniwan ko na siya dati? Sa anong paraan? Hinawakan ko ang pisngi niya at sabing, "Kahit na anong mangyari, kahit na maulit pa man ang senaryo na ito ng maraming beses proprotektahan at proprotektahan pa rin kita," sabi ko at naluha nalang siya. "Huwag mong sabihin 'yan Yeon-min," sabi niya at nang nalipad ang tela na tumatakip sa kabila niyang mata ay dun ko lang siya nakilala. "Kyung-so!" Napabangon ako mula sa hinihigaan ko dahil sa panaginip na iyon. Anong bang ibig sabihin nun? Nang napatingin ako sa paligid. Teka, yung last na pagkakaalala ko nasa hide out pa ako pero bakit nasa bahay na ako ngayon at pasikat na rin ang araw sa labas. Wait, so buong araw ako natulog? Binuksan ko nalang din muna ang cellphone ko para tignan kung sino ang mga nagmemessage and mga notifications ko na rin. Pagbukas ko palang ay bumungad na agad ang message sa 'kin ni Kyung-so. 'Magbihis ka ng maaga may pupuntahan tayo,' saan kami pupunta? Tinignan ko ang orasan at 5 palang naman ng umaga kaya nagbasa nalang din muna ako ng mga notes ko kahit na sabado ngayon at wala kaming klase. Nang hindi ko na nga namalayan ang oras at tinawag na ako para kumain. Habang kumakain ay nagbabasa pa rin ako ng notes ko hanggang sa may bumubusina nalang sa labas ng bahay namin. Si mama na ang sumilip sa bintana at nagulat ako sa sinabi niya. "Yung boyfriend mo anak," sabi niya. "Ma naman, wala akong boyfriend," sagot ko pero nang marealize ko na may pupuntahan nga pala kami ay nagtungo na ako sa kwarto ko at nagbihis na. Naglagay na rin naman ako ng maliit na make up at nagsuot na ako ng sapatos. Pagbaba ko ay nasa couch na siya ng living room namin. "Saan ba tayo pupunta?" nagtataka lang na tanong ko pero hinila niya na ang kamay ko. "Hiramin ko muna ang anak niyo tita," sabi lang niya bago kami tuluyang lumabas. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya kaya sumakay nalang din ako. "Saan ba tayo pupunta?" nagtataka kong tanong. "You'll see," sabi lang niya at nagpatuloy na sa pagdridrive. Tahimik nalang din kami sa byahe hanggang sa tumigil na siya. At kita kong nandito kami ngayon sa mall. "Anong ginagawa natin dito?" tanong ko naman. "Treat kita," sabi lang niya. "Alam kong hindi ka nakakain ng maayos kanina kaya libre kita ng breakfast, hindi pa rin naman ako nakakain eh," sabi pa niya at tumango nalang ako. Naglakad pa nga kami papunta sa food court nitong mall at binilhan niya ako ng maraming pagkain, as in marami talaga. "Kainin natin 'to lahat?" nagtataka kong tanong. "Oo," sagot lang din naman niya. Hesitate pa ako nung una dahil sobrang dami talaga nito, pano namin makakain lahat? Pero kumuha na lang din ako ng makakain at kumain na. "Pakabusog ka lang kasi madami tayong pupuntahan mamaya," sabi naman ni Kyung-so at ngumiti nalang ako ng pilit sa kanya. Kahit na madami pa din akong projects, assignments at pag-aaral na gagawin, pero slave niya ako eh kailangan ko pa rin sundin ang sasabihin niya. "Masarap 'di ba?" tanong niya sa 'kin. "Ahh oo masarap nga," sabi ko nalang at nagfake laugh saka subo lang ng subo ng burger na inorder niya at hayun nga nabilaukan na ulit ako. "Oh tubig," pag-alok niya ng tubig pero natigilan ako nang maalala ko nanaman yung sa indirect kiss. Arghhh! "Anong problema?" tanong niya ng napansin niya siguro na nakatitig lang ako sa tubig na inaalok niya. "Ahh huwag kang mag-alala bago na 'to, hindi ko na 'yan ininuman," sabi naman niya na ikinapanatag ko. Kaya kinuha ko na rin yun agad at uminom doon. "Okay ka na?" tanong pa niya nang makainom na ako ng tubig. "Ah oo," sagot ko lang din naman. Pero umubo-ubo pa rin naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD