Chapter 14: First date

2131 Words
Kyung-so's POV "Nakatulog na nga siya," sabi ni Dan-oh nang tignan niya si Yeon-min habang nakahiga sa kama. "Hayaan niyo," sabi ko lang kaya hinayaan nalang din nila. Bumalik na kami sa kanya-kanya naming klase nang matapos na kaming kumain lahat. Si Dan-oh naman dala-dala niya lang si Stacy eh kahit saan siya magpunta, depende nalang kung may klase sila. First subject lang din yata sila magkaklase eh. Nang makarating ako sa klase ko ay pinagtitinginan ako ng iba, hindi ko rin naman inaalala yun. Yung mga iba pa ay nagbubulong-bulungan habang nakatingin sa 'kin. Pero sinalpak ko lang ang earphones ko sa tenga ko saka pumikit at naghalukipkip sa upuan ko. Nang meron muling sumigaw na meron na kaming prof kaya binalik ko nalang din muli ang cellphone at earphones ko sa bag ko para makinig. Nagdiscuss lang din muna siya at nagbigay lang ng konting activity saka niya kami dinismiss. Hindi ko na rin mabisita si Yeon-min sa hide out namin dahil dire-diretso na ang klase ko hanggang sa last period. Pero sinabihan ko naman ang dalawa kung sino ang available sa kanila na magbisita kay Yeon-min paminsan-minsan at pareho lang din ang sagot nila, na tulog pa rin siya. Ayos na rin kami ni Kai, ang alam ko talaga may gusto siya dun kay Seol-hee eh hindi lang niya sinasabi. Nang matapos na nga ang last subject ko ay pinuntahan ko na siya agad sa hide out namin at nakita ko siyang mahimbing pa rin na natutulog. Pansin ko pa nga ang pagkaamo ng mukha niya kapag natutulog siya. "Yeon-min gising na," pagyugyog ko ng hindi naman malakas sa kanya. "Huwag, huwag," sabi niya sa maliit lang na boses. Hindi kaya nabangungot na rin siya dahil sa kakatapos lang niyang kumain ay natulog na siya agad? Umiling lang ako sa kaisipang iyon, hindi naman din totoo yung mga sabi-sabing iyon. At napagdesisyonan ko na dalhin nalang siya sa bahay nila. Kaya binuhat ko na siya at ginamit ang powers ko para makalipad at maidala siya sa kwarto niya. Kapag kasi idadaan ko pa sa parents niya ay hindi ko alam kung anong idadahilan ko sa kanila. At nang maihiga ko na siya ay bumalik na rin agad ako sa school para kuhanin ang kotse ko. Pagkarating ko naman ng bahay ay nandun na rin ang dalawa. "Saan ka nagpunta?" tanong nila. "Dun lang," sagot ko naman. "Dun lang daw," sabi naman ni Dan-oh sa 'kin. "Oo nga," sabi ko nalang at nagtungo na sa kwarto ko. "Psh," rinig ko pa na sabi nila. Pero hinayaan ko nalang. Nag-iiscroll-scroll lang ako sa socials ko hanggang sa tawagin na nila akong kumain. "Kain na," sabi nila kaya bumaba na rin ako mula sa kwarto ko para kumain. "Wow bagong recipe Kai?" tanong ni Dan-oh kay Kai nang ihain na niya ang niluto niya. "Ah oo," sagot naman niya. "Parang maganda ang mood mo ngayon ahh," tanong ni Dan-oh at ngumiti lang siya rito. Ako naman ay nakatutok lang sa cellphone ko habang kumakain. At nagpapakita lang sa newsfeed ko ay ang romantic date ng magpartner. "Aish," napalakas na sabi ko. "Malalim yata iniisip mo Kyung-so," sabi naman ni Dan-oh sa 'kin. "Ah wala 'to," sagot ko at nagscroll nalang muli sa phone ko. "Alam mo bawal ang magphone sa harap ng pagkain," sabi pa niya. "Saglit nalang 'to," sabi ko naman at kumain na nga muli. Ilang sandali pa ay binaba ko na nga ang phone ko nung malapit na akong matapos. "May plans kayo bukas?" tanong ni Dan-oh. "Ah wala naman," sagot ni Kai at napatingin naman sila sa 'kin. "May lakad ako," sabi ko lang. "Baka date?" natawang sabi ni Dan-oh. "Aish, tahimik!" sabi ko lang at pagkatapos ko ngang kumain ay hinugasan ko na ang sarili kong plato saka pumasok muli sa kwarto ko. Ganun yung mga 'yan hinuhugasan lang sarili nilang plato, wala silang awa. At dumako na nga ako sa notes ng phone ko para maglista ng mga bagay na kailangang gawin para mapalapit pa lalo si Yeon-min sa 'kin. Kaya dahil dun ay tinext ko siya. 'Magbihis ka ng maaga bukas may pupuntahan tayo,' text ko sa kanya. Saturday naman din bukas kaya walang pasok. At ilang saglit pa ay wala nga akong natatanggap na reply, baka tulog pa din 'to. Natulog na nga din ako para maaga din ako makapaghanda para bukas. Kinaumagahan maaga nga akong naghanda para sa date namin ngayon pero hindi ko alam kung tatawagin ba itong date? Nang lumabas ako mula sa kwarto ko at nagtungo sa kwarto ni Dan-oh. Niyugyog ko siya kasi tulog pa rin eh sikat na sikat na yung araw. Tinignan niya naman ako nung nagising na siya. "Ano?" tanong niya na halatang naistorbo ko siya sa pagtulog. "Ano mas bagay ito o ito?" Pinakita ko naman ang dalawang choices ng polo na pinagpipilian ko ngayon. "'Yan," sabi niya at binaon na muli sa unan ang ulo niya. "Alin nga?" tanong ko muli kasi naman hindi niya naman sinabi kung alin. "Yung blue," sagot niya lang muli na nakabaon pa din ang ulo niya sa unan. "Pareho namang blue," sagot ko. "Yung stripe," sagot niya kaya napatingin nalang din ako sa blue na stripe. Ayos din naman. Pero nagpunta pa ako sa kwarto ni Kai para kunin din ang opinion niya. At nadatnan ko siyang nagphophone. "Ano mas bagay ito o ito?" tanong ko. "Yung plain na blue," sagot lang din naman niya kaya bumalik na ako sa kwarto ko at humarap sa salamin. "Alin ang mas gusto mo Kyung-so ito o ito?" tanong ko naman sa sarili ko na abot tenga nga ngiti. "Nababaliw ka na nga," nang lumingon ako sa pinto ng kwarto ko at nakadungaw na ang dalawa roon. "Hays, ganyan talaga siguro pag in love," sagot naman ni Dan-oh saka na sila nagtungo sa kusina. "Huwag niyo akong pakealaman!" sigaw ko lang sa kanila and at the end mas pinili ko rin ang plain para naman mas presentable sa first na date namin ni Yeon-min. Pagkatapos kong magpalit ay nagsuklay na rin ako ng buhok ko at nag breath spray na rin. "Punta na ako," sabi ko naman. "Hindi ka ba kakain?" tanong ni Dan-oh. "Dun na kami kakain," sabi ko naman kaya sumakay na rin ako sa kotse ko at nagdrive na papunta sa bahay nila Yeon-min. Bumusina na rin muna ako para ipaalam na meron na ako. Saka sa ilang sandali pa ay lumabas na ang mama ni Yeon-min. "Tara pasok ka muna," sabi niya kaya nagpatuloy nalang din muna ako sa bahay nila. "Alam mo bang wala pang naging jowa ang anak ko dahil na rin sa sobrang lulong niya sa pag-aaral niya," sabi niya. "Ahh," sagot ko lang din naman. Nang ang sandali pa nga ay bumaba na rin si Yeon-min. Nakasuot lang siya ng blouse at jeans saka nakalugay ang buhok niya at nakasuot din ng sneakers. Ang simple lang ng pagdadala niya pero I found it elegant. "Saan ba tayo pupunta?" nagtataka lang niyang tanong nang tuluyan na siyang nakababa ng hagdan. Pero hindi ko siya sinagot at hinila na lang ang kamay niya palabas ng bahay nila. "Hiramin ko muna ang anak niyo tita," sabi ko naman bago kami tuluyang lumabas. Pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse ko kaya sumakay nalang din siya. "Saan ba tayo pupunta?" nagtataka niyang tanong. "You'll see," sabi ko lang at nagpatuloy na sa pagdridrive. Tahimik nalang din kami sa byahe hanggang sa tinigil ko na ang kotse nang makarating na kami. "Anong ginagawa natin dito?" tanong niya naman. "Treat kita," sabi ko lang. "Alam kong hindi ka nakakain ng maayos kanina kaya libre kita ng breakfast, hindi pa rin naman ako nakakain eh," sabi ko pa at tumango nalang din siya. Naglakad pa nga kami papunta sa food court nitong mall at binilhan ko siya ng maraming pagkain. Para naman mabusog siya. "Kainin natin 'to lahat?" nagtatakang tanong niya. "Oo," sagot ko lang din naman. Kita kong hesitate pa siya nung una pero nagsubo nalang din siya ng burger na binili ko. "Pakabusog ka lang kasi madami tayong pupuntahan mamaya," sabi ko naman at ngumiti nalang din siya sa 'kin. "Masarap 'di ba?" tanong ko sa kanya. "Ahh oo masarap nga," sabi niya at alam ko namang nagfake laugh lang siya saka subo lang ng subo ng burger at ilang sandali pa nga ay nakita ko siyang umuubo-ubo na. "Oh tubig," pag-alok ko ng tubig pero nakita ko siyang natigilan. "Anong problema?" tanong ko nang nakatitig lang siya sa tubig na inaalok ko. Nang naalala ko rin naman ang indirect kiss na pinaggagawa ni Dan-oh. "Ahh huwag kang mag-alala bago na 'to, hindi ko na 'yan ininuman," sabi ko naman na ikinapanatag ng loob niya. Kaya kinuha niya na rin yun agad at uminom doon. "Okay ka na?" tanong ko pa nang makainom na siya ng tubig. "Ah oo," sagot niya lang din naman. Pero umubo-ubo pa rin naman siya. "Bakit kasi binilisan ang pagkain eh," sabi ko sa kanya. Pero hindi rin naman siya sumagot sa 'kin. "O-okay lang ako," sabi naman niya. "Sigurado ka?" tanong ko lang din naman. "O-oo okay na ako," pagsisigurado niya. "Kain ka pa," sabi ko naman at binigyan pa siya ng pagkain. Kinuha naman niya at kumain muli. "Pero huwag mo naman bilisan," payo ko para hindi nanaman siya mabilaukan. Kaya kumain nalang din naman siya ng maliliit. Nang nakakain na nga kami ng marami ay tumigil na siya. "Busog na ako, hindi ko na kaya," sabi naman niya at tumigil na sa pagkain. Pati naman din ako ay busog na. Kaya binalik ko nalang din lahat sa plastic ang naiwan naming pagkain. "Halika," sabi ko at kinuha ang kamay niya. "San tayo?" tanong pa niya. "Basta," sabi ko naman at hindi na nga siya nagtanong pa. Dinala ko siya sa sinehan. Bumili na nga rin ako ng ticket sa papanoorin naming movie. Kinuha ko na rin agad ang kamay niya at tinangay muli sa uupuan namin. Ngumiti ako sa kanya saka lumingon sa screen. Pero hindi ko maintindihan kung bakit mukhang malungkot pa rin siya eh trinatry ko na nga rin na icheer up siya sa pamamagitan ng pagdala ko sa kanya sa mall eh. Ilang sandali pa nga ay nagsimula na ang movie. Nanood lang din ako, hindi ko na siya kinausap dahil hindi naman din siya nagsasalita. Ilang oras na nga ay natapos na rin ang pinapanood naming movie. Tahimik lang naman na nanood si Yeon-min. "Nakakatawa yung movie 'di ba?" tanong ko. "Ahh oo," sagot niya pero pansin ko naman na malungkot pa rin siya. "Bakit? May problema ba?" nagtatakang tanong ko. "Ah wala naman," sagot niya pero kahit ganun ang sagot niya ay alam ko pa ring malungkot siya. Ayaw ba niya akong kasama? "Dito tayo, alam kong sasaya ka," sabi ko at hinila na siya papunta sa arcade. Bumili na ako ng tokens at nagpunta sa mga games doon. Nakasunod lang din naman si Yeon-min sa 'kin. "Heto try mo," sabi ko at pinatry sa kanya. Naglaro-laro lang din naman kami hanggang lumipas ang ilang oras at ang dami na nga namin nakuhang ticket. Pinalit naman namin ito ng teddy bear na maliit lang at binigay ko sa kanya. "Thank you dito," sabi ni Yeon-min nang papalabas na kami ng arcade. Ngumiti lang naman ako sa kanya. Nang hindi ko namalayan na nahawakan ko ang kamay niya. Gulat siyang tumingin sa 'kin at dun ko lang din naman tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak ng kamay niya. "Ahh sorry," sabi ko at nahiya naman siyang umiwas ng tingin. Bumili-bili lang din kami ng mga gamit na gusto niya. Bumili na rin siya ng earphones para kay Seol-hee dahil gustong-gusto raw niya ang earphones at nasira lang ang earphones niya dahil sa mga nambully sa kanya. Hanggang sa naglalakad-lakad nalang din kami at tumigil naman ako ng lakad. At kita kong nalito siya habang nakatingin sa 'kin. "Bakit?" tanong niya. "Gusto ko lang sabihin na ang ganda mo ngayon," sabi ko at nagblush naman din siya. Hindi siya nakasagot. May napansin ako sa isang gilid, may cap tapos nakahoodie pa saka pansin ko rin na may nilalabas siya sa bulsa niya habang nakatingin sa 'min. At bago pa may mangyaring masama kay Yeon-min ay sumangga na ako sa harap niya kaya ako ang nabaril nung lalaki. Kita ko ang gulat sa mukha ni Yeon-min dahil sa nangyari. "K-Kyung-so," nanginginig niyang sabi. At napahiga nalang ako sa braso niya dahil sa kahinaan. Pero sinapo ko lang ang mukha niya habang pinipilit pang magising. "Maraming beses ka ng nagsacrifice sa 'tin, this time ako naman proprotekta sa 'yo. Hindi ko na hahayaan na mapahamak ka pa muli ng dahil sa 'kin," sabi ko and everything went black.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD