Chapter 15: Taking care

2198 Words
Yeon-min's POV "Maraming beses ka ng nagsacrifice sa 'tin, this time ako naman proprotekta sa 'yo. Hindi ko na hahayaan na mapahamak ka pa muli ng dahil sa 'kin," paulit-ulit na nagflaflashback sa isip ko ang sinabi niya nang nasa labas na ako ng operating room. Dinala na siya agad sa ospital nang nakatawag na kami ng ambulansiya. Pero parang may iba siyang pinapahiwatig sa sinabi niyang yun. Umiiyak na ako sa labas ng operating room nang lumabas ang doctor mula rito. Napatayo naman ako at hinarap siya. "Musta siya doc?" tanong ko na kinakabahan pa kung ano ang maaaring mangyari sa kanya. "Miraculously yung sugat niya completely healed na pero yung bala nandun pa rin sa loob ng katawan niya," nagulat ako sa sinabi ng doctor. "P-pano nangyari yun," nalilito kong tanong. "Yun din ang pinagtataka namin miss," sagot ng doctor. "Kaya kailangan naming kunin ang consent niyo para isagawa ang operasyon," sabi pa nga niya. Nagbigay naman siya ng papel para dun pumirma. Luha-luha pa akong pumirma sa papel. "Please iligtas niyo siya," sabi ko at hinawakan naman ng doctor ang balikat ko. "Gagawin namin ang lahat para iligtas siya," sabi naman din niya at bumalik na siya sa loob. Nanginginig ang kamay ko habang tinatawagan sina Dan-oh at Kai sa cellphone ni Kyung-so. Nagring pa ng ilang beses hanggang sa sinagot na nga nila ang tawag. "Nasan ka na bro kanina pa kami tawag ng tawag at text ng text sa 'yo-" "N-nandito siya ngayon sa ospital," sabi ko. "Yeon-min?" "Nabaril siya ng dahil sa 'kin," sabi ko at nagsimula nanamang umiyak. "Kasalanan ko 'to," pag-iyak ko. "Papunta na kami diyan," sabi naman nila kaya pinatay ko nalang din ang tawag. Saka umupo nalang din ako. Ilang sandali pa nga ay nakita ko ng paparating sila sa direksyon ko. "Kumusta siya?" tanong ni Kai. "Tinatanggal ang bala sa likod niya," sabi ko na naiiyak muli. "Tahan na magiging maayos din lagay niya," sabi naman ni Dan-oh at niyakap ako konti para icomfort ako. "Kasalanan ko 'to, ako sana ang mababaril kung hindi niya ako hinarangan," pag-iyak ko lang muli. "Hindi mo kasalanan Yeon-min," sabi naman din ni Dan-oh. "And besides, Kyung-so is strong I'm sure he will surpass through that," sabi naman din ni Kai. Kaya tumahan na rin ako at naupo na kami saglit sa mga upuan dito sa labas ng operating room. Ilang sandali pa nga ay lumabas na ang doctor, lahat kami napatayo para dinggin ang sasabihin niya kung magiging maayos na ba ang lagay ni Kyung-so. "Successful ang operation," sabi niya na ikinapanatag ng loob naming lahat. "Ililipat na siya ng room habang hindi pa siya nagigising," sabi pa ng doctor kaya nung nalipat na si Kyung-so ng room ay dun lang ako sa tabi niya. Tawag ng tawag na nga rin sila sa bahay pero hindi ko pinapansin, hindi ko rin naman chinecheck ang mga tumawag or nagtetext. Basta gusto ko nalang nasa tabi niya ngayon. "Hindi ka pa ba uuwi Yeon-min? Kami na ang magbabantay sa kanya," sabi ni Dan-oh nang nakabalik na sila galing sa labas. Kita kong bumili sila ng dinner. "Dito lang ako," sagot ko naman. "Hindi nakakabuti 'yan, kung gising si Kyung-so ayaw ka rin naman niyang ganyan eh," sabi pa ni Dan-oh. "You should go home first Yeon-min," sabi naman ni Kai pero wala akong pinakinggan sa kanila ni isa. Nang hindi ko pa rin sila sinusunod ay nagbuntong hininga na nga sila saka binuksan ang binili nilang pagkain sa labas at binigay sa 'kin ang isa. "Mas okay na rin yung may laman ang tiyan," sabi ni Dan-oh kaya tinanggap ko na rin ito. Binuksan ko na nga ang ramen saka nilagyan ng mainit na tubig. May electric heater din naman sila dito sa ospital. Nang sumubo na nga ako ay napaiyak nalang din muli ako. "Waaahhhhh!" pag-iyak ko. Napatingin din naman agad sa 'kin ang dalawa. "Nagulat pa 'ko sa 'yo," sabi ni Dan-oh. "Wala sana siya dito kung hindi dahil sa 'kin," sabi ko at umiyak lang muli. "Stop blaming yourself, it won't help," sabi naman ni Kai. Kaya pasinghot-singhot nalang din akong kumain ng ramen. Wala na ngang umiimik hanggang sa naubos na namin ang kinakain namin. Nakaupo lang din naman ako sa tabi ni Kyung-so na nakatulala sa kanya. Nang narinig kong meron nanamang tumatawag sa phone ko na nakapatong sa side table ng ospital pero hindi ko lang pinansin ulit pero nakita kong lumapit si Dan-oh dun at kinuha niya ito saka niya sinagot. "Bakit mo sinagot," reklamo ko naman. "Hello tita?" Nagpause pa siya para pakinggan sa kabilang linya. "Kaibigan ako ni Yeon-min tita," sagot naman niya. "Nabaril kasi si Kyung-so tita kaya ayaw umuwi ni Yeon-min. Gusto niya bantayan lang si Kyung-so sa ospital," sagot pa niya pero hindi ko nalang inaalala. Nakatingin nalang muli ako sa mahimbing na natutulog na si Kyung-so. "Sinisisi niya kasi sarili niya tita sa pagkabaril ni Kyung-so," sabi pa niya habang kausap si mama. "Kung pwede tita magdala ka nalang ng pampalitan niya kasi ayaw talaga niyang umuwi kahit gaano namin pilitin," saad pa niya at nagpause nalang muli para pakinggan si mama sa kabilang linya. "Sige po tita thank you po," sabi niya bago pinatay ang tawag at binalik sa kung nasaan iyon kanina. "Hays, dapat sinabi mo pa rin anong nangyayari, nag-aalala rin sila sa 'yo eh," sabi ni Dan-oh pero hindi ko siya inimik at nakatingin lang kay Kyung-so. Saka ko naalala ang panaginip ko. Connected ba yung panaginip ko sa nangyari ngayon? Ilang oras din kaming walang imik hanggang sa bumukas na nga ang pinto ng room. "Anak," sabi ni mama at nagtungo sa 'kin. "Ayos ka lang?" nag-aalala niyang tanong at chineck pa ang katawan ko. Hindi ko siya sinagot kaya binigay nalang niya ang damit ko na nakalagay pa sa paper bag. "Basta tawagan mo lang kami kapag may kailangan ka pa ha?" tanong ni mama pero gaya kanina ay hindi ko siya sinagot. Hinalikan nalang din niya ako sa noo at umalis na rin sa kwarto. At muli ay katahimikan ang bumalot sa 'min. Pati ang dalawa ay hindi na rin nagsasalita, nakikiramdam nalang din sa paligid. "Yeon-min ikaw nalang din bahala sa kanya ha, uwi na kami," sabi nila at umalis na nga. Ngayon ako nanaman mag-isa nakatingin kay Kyung-so. Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya. "B-bakit mo naman kasi ginawa yun," sabi ko na naiiyak na muli. Nang masyado na ngang malalim ang gabi nagdesisyon akong magpalit na sa pantulog saka matulog sa tabi niya. Nagising ako nang may naramdaman akong humahaplos sa ulo ko. Pagtingin ko ay gising na si Kyung-so. Kaya tumawag na ako ng doctor para sabihing gising na siya. Chineck pa nila muna si Kyung-so at sabing, "Pwede na siyang umuwi." Pagkatapos nun ay lumabas nalang din muli ang doctor. "Kumusta pakiramdam mo?" nagtataka kong tanong. "Ayos na ako, nakita na kita eh," pinalo ko naman siya konti sa braso dahil dun. "Puro ka biro," sabi ko pero kita kong nasaktan siya sa pagkapalo ko. "Ayos ka lang?" tanong ko naman ulit pero ngumiti lang siya sa 'kin. "Ayos na ako," sabay sabi nito. Napangiti naman din ako at nalungkot din. "Sorry," sabi ko at napatingin sa ibaba. "Ano ka ba, hindi mo kasalanan," sabi naman niya pero nakatingin pa rin ako sa ibaba. Nagiguilty ako sa nangyari. Nang haplusin niya ulit ulo ko. "Huwag na malungkot okay? Wala naman ding nangyaring masama sa 'kin eh," sabi niya at tumawa pa. "Pano ka nakakatawa eh naospital ka na nga," sabi ko naman at nagsimula na muling umiyak. "Tahan na, okay naman na rin ako. Sabi nga ng doctor makakalabas na ako 'di ba," sabi niya dahilan para tumahan na ako. Nagpalit na nga si Kyung-so ng damit niya na dinala ng dalawa para sa kanya kagabi. At medyo nahirapan pa siyang maglakad palabas kaya inalalayan ko nalang muna. Nang nakapunta na kami sa reception ay tinanong agad namin kung magkano ang hospital fees niya pero gulat kami nang nabayaran na ito. "Baka binayaran na ng dalawa, may puso din pala sila," sabi pa niya nang palabas na nga kami ng tuluyan sa ospital. Inalalayan ko pa siya hanggang sa makapara kami ng taxi. Sinabi naman namin ang address ng bahay nila Kyung-so at ilang sandali pa nga ay nakarating na rin kami. "Kyung-so!" pagbati naman nila nang nakarating na siya sa loob ng bahay. Sinalubong nila ito ng yakap. "Ang sweet," sabi ko naman at napatingin sila sa 'kin. Saka sila nagpupunas ng luha. "Oh nandito ka pala Yeon-min," sabi ni Dan-oh. "Oh, umiiyak ba kayo?" tanong ko. "Ah hindi ah napuwing lang," pagdahilan naman nila. "Halina kayo, I cook something," sabi naman ni Kai kaya pumasok nalang din ako sa bahay nila. "Magkakabahay pala kayo," banggit ko naman. "Ahh oo," sagot lang nila. "Eh nasan mga parents niyo?" nagtataka kong tanong pero sila ay nag-iiwasan lang ng tingin na para bang hindi nila alam kung anong isasagot sa 'kin. "Magkakamag-anak ba kayo?" pag-iba ko ng tanong dahilan para mapanatag sila. "Ahh oo magkakapatid kami," sagot naman ni Dan-oh at yumakap kay Kai. "Ano ba," sabi naman nito at tinaboy siya. "Ito naman ang arte," komento lang sa kanya nito. "Pero seryoso magkakapatid kayo?" tanong ko pa nang makarating na kami sa dinning table nila at naghain naman na rin si Kai ng niluto niya. "Ahh kapatid lang turing namin sa isa't-isa," sagot lang naman ni Kyung-so. Hanggang sa naupo na nga si Kai nang nakahain na siya. "Kain na," sabi niya kaya kumuha nalang din kami ng pagkain mula sa hinain niya. "Mukhang masarap ah," sabi ko naman. "Ahh oo, si Kai talaga ang chef namin dito," sagot lang ni Dan-oh kaya tumango nalang din ako. "Pwede na ngang mag-asawa eh 'di ba Kai?" Ngumiti lang siya nung sabihin ni Dan-oh sa kanya iyon. "Hintayin mo nalang si Seol-hee hanggang makaget over siya kay Kyung-so ano?" Pareho kami ni Kyung-so ay nagulat dahil sa sunod na sabi niya. "Ano?" tanong ko. "Dan-oh shut up," sabi ni Kai. "May gusto kasi si Kai kay Seol-hee pero-hmm," linagyan ni Kai ng tinapay ang bibig ni Dan-oh habang nagsasalita ito para mapigilan siya sa susunod niyang sasabihin. "Alam ko na eh," sabi naman ni Kyung-so. "So may gusto ka nga kay Seol-hee?" tanong ko pa kay Kai. "Ahm yeah?" hesitate naman niyang sagot. "Ship!" malakas kong sabi at natawa lang din sila at nang natapos na kaming kumain ay nagpaalam na rin akong uuwi na. Hinatid naman din ako ni Kai sa bahay kasi inutos din ni Kyung-so. Siya na rin sana magvolunteer na maghatid sa 'kin pero 'di ko pinayagan, dahil na rin sa kundisyon niya, kakagaling lang niya sa ospital. "Thanks," banggit ko naman kay Kai nang makababa na ako ng sasakyan niya. Ngumiti lang siya sa 'kin bago nagdrive pabalik. "Amaya! Musta na si Kyung-so ayos lang ba siya?" salubong na tanong sa 'kin ni mama. "Oo ma, ayos na siya," sabi ko naman. Sunday naman din ngayon kaya wala ding klase. At naisipan ko nalang magbasa-basa sa mga notes ko saka gumawa ng school works. Nang may natanggap akong text mula sa phone ko at mula ito kay Kyung-so. Napangiti naman din ako dahil dun. "Anong ginagawa mo?" tanong niya. "Gumagawa ng projects," sagot ko naman. "Ang sipag ahh," sabi pa niya. Magrereply pa sana ako nang tumawag na siya. Sinagot ko naman din ito agad. "Oh?" tanong ko. "Gusto ko lang siguraduhin na nakauwi ka ng ligtas," sabi niya. "Ayos naman ako ahh," sabi ko naman. "Mabuti," sagot niya. "'Yan lang ba dahilan bakit ka napatawag?" tanong ko sa kanya. "Ahh oo, sige na rin kung busy ka. See you tomorrow," sabi naman niya at hindi pa nga ako nakasagot nang pinatayan na niya ako ng tawag. "Ang weird," sabi ko nalang saka pinagpatuloy ang ginagawa ko. Nang sumapit ang gabi ay nag-uunpack lang ako sa mga pinamili namin sa mall kahapon nang makita ko ang binili ko para kay Seol-hee. Violet ang favorite color niya eh, at favorite thing din niya ang earphones kaya sigurado akong magugustuhan niya 'to. Pero kinamumuhian pa din niya ako ngayon, hays bahala na. Lumabas na lang muna ako para ibigay ang earphones kay Seol-hee. Ilang kanto lang din naman para makarating sa bahay nila kaya nagdoor bell na muna ako rito. Ilang sandali pa nga ay bumukas na ang pinto at bumungad sa 'kin ang mama niya. "Oh Amaya ba't ka naparito? Tulog na si Seol-hee eh, nag-away ba kayo? Hindi ka na masyadong nagpupunta rito," hiningal naman ako sa mga tanong ni tita sobrang dami eh. "Ahm nandito po ako para ibigay 'to kay Seol-hee tita," sabi ko at binigay kay tita ang earphones. "At siguro may konting tampuhan lang po kami," sagot ko pa. "'Yan din ang sabi niya, sana magkaayos na kayo anak. Sayang ang friendship niyo. Madami na kayong napagdaanan ng magkasama huwag niyong hayaang maliit na bagay lang sisira sa pagkakaibigan niyo," napaisip naman ako sa sinabi ni tita. Oo nga naman kaya aayusin ko na bukas na bukas din. Importante sa 'kin si Seol-hee eh. Parang kapatid na siya sa 'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD