Chapter 16: Friendship

2033 Words
Seol-hee's POV Nagising ako dahil sa alarm ko. At bumangon na rin ako para ayusin ang higaan ko nang may nakita ako sa side table ko. Earphones ito na kulay violet, ang favorite color ko. "Ma saan ito galing?!" tanong ko kay mama dahil alam ko naman na hindi sila basta-basta bibili lang ng gamit kung hindi importante. Ako nga rin bumili sarili kong earphones. "Binigay ni Amaya kagabi!" sigaw nama ni mama pabalik. Narinig ko lang ang pangalan niya, kumulo agad ang dugo ko. Traydor siya! Kaya binato ko ito sa kung saan. Hinding-hindi ko gagamitin ang galing sa ahas. Kaya bumaba na ako mula sa kwarto ko at kita ko silang kumakain na sa hapag. "Ano yung ingay?" tanong ni mama. Tinutukoy niya siguro yung pagbato ko ng earphones. "Ahh wala lang yun ma," sagot ko naman kaya hindi na rin niya ako kinulit at tahimik nalang akong kumakain. "Ate kailan bibisita rito si ate Amaya?" tanong ni Jung-ki. At nang marinig ko muli ang pangalan niya ay napapalo ako ng malakas sa lamesa. "Seol-hee!" suway naman sa 'kin ni mama dahil sa ginawa ko. Hindi nalang din ako umimik at kumain nalang. "Nak may problema ba kayo ni Amaya-" "Wala ma, kaya huwag niyo na ulit babanggitin pangalan niya sa harapan ko," sabi ko naman. "Anak, matagal na kayong magkaibigan, ngayon lang ba masisira iyon ng ganun-ganun nalang? Kung ano man 'yang tampuhan niyo, ayusin niyo 'yan," payo sa 'kin ni mama at hindi ko naman siya sinagot. "Miss ko na rin si ate Amaya," sabi ni Jung-ki at niyakap ako at syempre niyakap ko rin siya pabalik. I don't know, siya ang sumira sa friendship namin. Kumain na nga kami at nang matapos na akong kumain ay naghanda na rin ako para sa pagpunta ko ng school. Ngayon hindi na ako naeexcite na pumasok ng school. Kasi bawat matang nakatingin sa 'kin, alam kong judgement lang din naman ang iniisip nila about sa 'kin. Bakit ba kasi ako umasa kay Kyung-so alam ko naman din na ginagamit lang niya ako sa mga oras na yun. Sumakay na lang ako ng bus pero nang paandar na sana ang bus ay may humabol pa rito kaya tinigil din agad ng driver ang sasakyan. Pero nang makita ko kung sino ito ay kumulo agad dugo ko. Nagkatinginan pa kami bago ako nag-iwas ng tingin at nagform ang kamay ko ng kamao habang nakatingin nalang sa bintana. Ngayon nalang ulit kami nagkasabay sa iisang bus. Umupo naman siya sa left side ng bus habang nakatingin din sa bintana na katabi niya. Hindi na muli kami nagkakaimikan hanggang sa tumigil na ang bus dahil nakarating na nga kami sa school. Ako ang unang bumaba sunod naman siya pero habang naglalakad ako papasok na ng campus ay narinig ko pa siyang tumawag ng pangalan ko. "Seol-hee," tawag niya kaya tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Nakuha mo ba yung earphones-" "Ah yun, tinapon ko sa basurahan. Hindi ko na rin naman kailangan yun. Nag-aaral na ako ng mabuti ngayon at walang mag-didistruct sa 'kin," banggit ko at naglakad na muli. Pansin ko ang disappointment sa mukha niya nang sabihin ko yun. Pero nagpatuloy nalang din akong maglakad hanggang sa unang klase namin. Napatingin lang ako saglit sa kanya saka pumasok ang prof namin. Naglesson lang din siya as usual hanggang sa nagdismiss na nga muli siya. Nang agad namang lumabas din si Yeon-min at lalabas na rin sana ako sa room nang may narinig pa akong nagsalita. "Sobrang pabida nalang siya lagi sa mga teachers natin," sabi ng isa sa mga blockmate ko. "Sabi mo pa, siya rin ang pinalit ni Kyung-so para maging girlfriend," sabi naman ng isa. "Psh, if I know gusto lang niyang maging popular kaya siya nagpapasikat," sabi naman din ng isa at ako naman ay nakikinig lang sa usapan nila. "Ahm excuse me, kilala ko siya at hindi siya ganun," sabi ko naman. Sila ang popular kid dito sa school dahil na rin siguro sa mayaman sila. "Girl, inagaw niya si Kyung-so sa 'yo, hindi ka ba galit sa kanya?" tanong ng isang kasama nila kaya natahimik ako para pag-isipan ang sinabi niya. "Kung ako sa 'yo get back what you know is yours," sabi naman din ng parang leader nila. "Tama," sabi pa ng isa. At nakahalukipkip lang sila habang naglakad na papalayo. Inisip ko naman ang sinabi nila. Hanggang sa pumasok na nga rin kami sa second subject namin dahil ilang minuto lang naman ang break namin before mag second period. Naupo naman kami sa magkabilang side ng room as always. And as always kapag recitation siya lagi nakakasagot. Alam ko naman na rin ang sagot at nagtataas ako ng kamay pero siya ang unang natatawag dahil nakatingin ako sa kanya habang nagtataas ng kamay. At lunch time na nga. Dalawang subject lang kasi kami sa umaga tas dalawa rin sa hapon. Nagpunta na ako sa cafeteria, hindi ko pa alam ang nangyayari pero mula sa malayo ay narinig ko silang nagsasalita. "That what you get for messing up with us." "Teacher's pet psh." "Nilalandi rin si Kyung-so." Hanggang sa nakarating na nga ako roon. Hinawi ko ang mga tao at nakita ko si Amaya na nakupo na sa sahig habang puno na ang buong katawan niya ng pagkain. Na sinadya yata nilang itapon sa kanya. Nang makita nila ako na naroon ay biglang nanahimik ang paligid. Kalat na rin naman kasi ang balita na inagaw raw ni Yeon-min si Kyung-so mula sa 'kin. Napatingin naman din si Yeon-min sa 'kin na parang tingin na umaasang ipagtatanggol ko siya. Nang hinablot ko ang tray na nakita ko saka ko rin tinapon sa kanya. Kita ko ang pagkadismaya sa mga mata niya habang nakatingin sa 'kin. "Diyan ka nababagay, sa basura," sabi ko saka nagwalk out na roon. Pero bago pa ako tuluyang makaalis ay nakita ko pa si Kai na nakatingin sa 'kin ng disappointed. At umiling-iling pa siya na nakatingin sa 'kin. Ano bang pake niya! Kaya balak ko sana siyang lagpasan at maglakad nalang palayo nang hablutin niya ang kamay ko at tinangay sa kung saan. "Ano ba! Ano bang problema mo?" tanong ko nang patuloy niya pa rin akong tinatangay. "Nasasaktan ako Kai!" Tumigil siya sa isang sulok na walang masyadong tao. "I can't believe what you've just done," sabi niya at naghalukipkip habang umiiling-iling. "Ano bang pake mo ha!" sagot ko at maglalakad nalang muli sana nang i-pin niya ako sa wall kaya hindi na ako makaalis pa sa kanya. "I can't believe nagkagusto ako sa isang brat na katulad mo." Nagulat ako sa sinabi nya. "Ano?" naguluhan ko namang tanong. "Can't you see I like you from the very start. Hindi mo naman kailangang gawin kay Yeon-min iyon," saad pa nya. "Inagaw niya si Kyung-so sinong hindi magagalit dun," tanong ko naman. "Pero mag best friend kayo noon." "Who cares," matipid ko namang sagot. "Saka 'di nya naman inagaw si Kyung-so," sabi naman niya na ipinagtaka ko pa. "Ano bang sinasabi mo," naguluhan ko pang tanong. "Nag-volunteer siya na maging slave ni Kyung-so para lang 'di ka masaktan sa bandang huli. Kasi alam din ni Yeon-min na niloloko ka ni Kyung-so kaya wag ka na din maghabol sa kanya," sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "He doesn't care for your feelings." Binawi ko yung kamay ko sa kanya. "No! Hindi totoo yun." Tinulak ko sya nang konti at naglakad na muli ako palayo nang nag salita pa sya dahilan para mapatigil ako sa pag lalakad. "Believe who you want to believe basta I'm just telling the truth," huling sabi nya at tuluyan na nga ako naglakad palayo. Nagpunta ako sa gym kung saan walang tao. Dun na muna ako habang pinag-iisipan ang sinabi sa 'kin ni Kai. Totoo kaya yung sinabi niyang may gusto siya sa 'kin? Habang nasa gitna pa rin ako ng iniisip ko ay may naramdaman akong presensya kaya nilingon ko kung sino iyon at nakita ko si Dan-oh. Basketball player nga pala siya. So tumatambay siya minsan dito. Inaasahan ko na magpractice siya magbasketball pero tumabi lang siya sa 'kin. "Narinig ko yung ginawa mo kanina," sabi niya. "Lahat nalang ba kayo pagsasabihan ako! Lahat nalang ba kayo papanig kay Amaya?!" sabi ko at tumayo na muli sa inuupuan ko saka maglalakad na sana nang hinabol pa niya ang kamay ko. "Seol-hee mahirap mang paniwalaan pero may past na sila ni Kyung-so," sabi niya dahilan para matigilan ako. Too much information in just a day! "Ano?" nalilito kong tanong. "May past na sila pero hindi man lang sinasabi sa 'kin ni Yeon-min-" "Sa past life nila," sabi pa ni Dan-oh na mas ikinagulat ko. "Ano bang pinagsasabi niyo! Sa tingin niyo ba ganito lang akong kadaling lokohin sa mga sinasabi niyong nonsense sa 'kin ha!" "Hindi kami normal na tao, kaming tatlo, kaya namuhay na kami ng sobra-sobra pa sa one hundred years," napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "At si Yeon-min patuloy lang na narereincarnate and everytime na magmimeet sila ni Kyung-so sa next life niya, lagi siyang nililigtas ni Yeon-min kaya narereincarnate ulit siya-" "Wait, hindi na kita maintindihan. Bakit mo ba 'to sinasabi sa 'kin." "Para maging aware ka, at hindi lang gamit na pwedeng gamitin ni Kyung-so para mapalapit kay Yeon-min. May feelings at pag-iisip ka kaya hindi ka dapat niya gamitin ng ganun-ganun nalang," sabi niya at nagpause saglit sa sasabihin niya. Saka niya pinatong ang kamay niya sa balikat ko. "Hindi natin mapipigilan kung ano ang itinadhana," huling sabi niya bago siya naglakad palayo. Napag-isip-isip ako. Kung hindi sila tao eh ano sila? Madaming thoughts na gumugulo sa isipan ko ngayon pero nang makita ko ang oras ay nagpunta na rin agad ako sa susunod na klase namin. Hindi na rin ako naglunch, hays bahala na, konti lang din kinain ko kaninang umaga dahil nawalan ako ng gana. Nang nakarating na ako sa susunod naming subject ay hindi ko nakita si Amaya sa upuan niya. Hindi ko maintindihan pero may slight akong naramdaman na pag-alala nang makita kong wala pa siya. Usually kasi siya ang nauuna sa 'ming dalawa sa classroom eh. Makalipas pa nga ang ilang minuto at pumasok na ang prof namin. Dun na ako mas lalong nag-alala. Bakit wala pa siya eh meron na ang prof. Never pa siyang nag-absent sa isang subject, yun lang kapag importante talaga ang aasikasuhin niya. Nagklase na nga si ma'am at sa kalagitnaan na ng oras namin sa kanya ay dumating na nga ang hingal na hingal na si Amaya. Dahil siguro sa pagmamadali. Pansin ko rin na nakapalit na siya ng uniform. "Miss Choi, care to explain yourself?" "Ahm sorry ma'am I'm late," sabi niya at papasok na sana sa room nang pigilan pa siya ni prof. "Hephep, at sinong nagsabing pwede kang pumasok. Walang malalate sa klase ko naintindihan?" Nakayuko naman na si Amaya habang kausap ng prof. "This is your first warning miss Choi, sa susunod hindi na kita papapasukin. Kahit sino man sa inyo na malelate sa klase ko naintindihan niyo?" tanong pa niya at sumang-ayon lang din naman kami. Nagpatuloy lang din si prof sa pagtuturo hanggang sa natapos na ang time namin sa kanya. "Dismiss," sabi niya bago lumabas ng classroom. Pinack na nga namin ang aming mga libro at nakita kong paalis na si Amaya sa room kaya dinalian ko ng ilagay lahat ng gamit ko sa bag ko at hinabol siya. Kailangan ko siyang makausap. "Amaya!" sigaw ko nang nasa hallway na kami. Tumigil naman siya sa paglalakad at hinarap ako. Pansin ko naman sa ekspresyon niya na nagulat siya dahil bakit nga naman ako bigla-bigla nalang mamamansin out of the blue. Naglakad na nga ako papalapit sa kanya dahil medyo malayo pa siya mula sa tinigilan niya kanina pero biglang sumakit ang tiyan ko. Yung tipong mapapaupo ka sa sobrang sakit. "Ughhh!" Nakahawak na nga ako sa tiyan ko dahil sa sobrang sakit na talaga nito habang napaupo na rin ako sa sahig. Pero bago pa ako nawalan ng malay, nakita ko pang tumakbo si Amaya papunta sa 'kin na nag-aalala. "Seol-hee!" rinig ko pang sigaw niya and everything went block.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD