Yeon-min's POV
Nagising ako dahil sa alarm ko. Gaya rin ng ibang mga araw ay naghanda na rin ako para sa school. Bumaba na nga rin ako mula sa kwarto ko at kumain na ng almusal.
"Hindi naman ba grabe ang nangyari kay Kyung-so?" tanong ni papa.
"Hindi naman pa, nakauwi na nga rin siya galing ospital," sagot ko naman.
Nang hinawakan ni lolo ang kamay ko.
"Lumayo ka sa kanya apo," sabi niya na ikinataka ko.
Ganito na talaga sinasabi ni lolo mula nung nakita niya na kasama ko si Kyung-so. Pero hindi ko maintindihan kung bakit.
"History will repeat itself," sabi pa niya bago ako umalis ng bahay.
Yun lang ang tanging nasa isipan ko nang naglalakad na ako papunta sa bus stop. At nang na realize ko na paalis na pala ang bus ay hinabol ko ito. Shocks, ang careless ko na ngayong araw dahil sa sinabi ni lolo.
"Manong wait lang!" sigaw ko sa driver ng bus habang hinahabol na ito.
Sumakay na nga ako nang itinigil na ito ng driver at nagkatinginan pa kami ni Seol-hee pero umiwas lang ako ng tingin saka na rin ako naupo. Pero kung minamalas ka nga naman, sa mismong tapat pa niya ang tanging vacant seat dito. Tumingin nalang ako sa bintana habang nasa byahe kami papuntang school.
Ngayon lang ulit kami nagkasabay sa iisang bus. Hindi muli kami nagkakaimikan hanggang sa tumigil na ang bus dahil nakarating na nga kami sa school. Una siyang bumaba ng bus sunod naman din ako at habang naglalakad na siya ay tinawag ko pa ang pangalan niya dahilan para tumigil siya sa paglalakad.
"Seol-hee," tawag ko. "Nakuha mo ba yung earphones-"
"Ah yun, tinapon ko na sa basurahan. Hindi ko na rin naman kailangan yun. Nag-aaral na ako ng mabuti ngayon at walang mag-didistruct sa 'kin," banggit niya at naglakad na muli.
Nalungkot naman ako dahil sa sinabi niya. At nagpatuloy nalang din siya sa paglakad, nakasunod lang din ako sa kanya dahil pareho naman kami ng subject sa lahat.
Nang nagdismiss na nga ang teacher namin ay una na akong naglakad palabas ng room. Para na rin magpunta sa susunod na subject namin. Nagparecite lang din naman ang prof namin ngayon. At dahil nga nakapagadvance reading ako ay nasagot ko lahat ng pinarecite ng prof.
Hanggang sa natapos na nga muli ang second subject namin at nagtungo na ako sa cafeteria dahil sa gutom na rin ako nang nagvibrate ang phone ko mula sa bulsa ng skirt ko na uniform namin kaya tinignan ko naman kung sino ang nagtext.
'Maglunch ka na rito sa hide out,' text ni Kyung-so. Siya talaga kung makapag-utos eh.
'Sige bili lang muna ako sa cafeteria,' reply ko naman.
Syempre nakakahiya rin naman kapag makikikain ako sa pagkain nila. Tinago ko na nga muli ang phone ko sa bulsa ko at nagpatuloy na sa pagpunta sa cafeteria. Habang naglalakad ako ay nagvibrate pa muli ito pero hindi ko na tinignan at nagpatuloy nalang muli sa paglalakad para na rin mas madali akong makarating sa hide out nila.
At nag-order na nga ng pagkain ko saka maglalakad na sana palabas ng cafeteria nang pagdaan ko sa isang table ay natisod ako dahilan ng pagkalat ng pagkain ko sa sahig. Napatingin naman ako rito habang nakaupo pa rin sa sahig.
Nang yung mga nasa table ay tumayo sila isa-isa.
"That what you get for messing up with us."
"Teacher's pet psh."
"Nilalandi rin si Kyung-so."
Hindi ko naman alam ang ginawa ko sa kanila ah. Ni hindi ko nga sila nakausap eh. Pero nakita namin na dumating na rin si Seol-hee sa kinaroroonan namin. Nang biglang tumahimik ang paligid nang makita nila siya. Pero napatingin lang ako kay Seol-hee at hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.
Nang hinablot niya ang tray na pinakamalapit sa kanya at tinapon sa 'kin ang laman nitong pagkain. Gulat ako sa ginawa niya. Akala ko ipagtatanggol din niya ako gaya ng ginawa ko sa kanya nung isang araw pero nagkamali. Iba na nga talaga siya. Hindi na siya ang Seol-hee na nakilala ko noon, hindi na siya ang best friend ko.
"Diyan ka nababagay, sa basura," sabi niya saka nagwalk out. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya nang may kamay na humigit sa kamay ko. Gulat ko naman siyang tinignan.
"Sabi ko kasi sa hide out ka nalang kumain eh," halatang galit na sabi ni Kyung-so.
Pinatayo niya naman ako saka siya lumingon sa mga nambully sa 'kin kanina.
"Land a hand on her again and ako ang makakalaban niyo," halatang natakot naman ang mga babae dahil sa sinabi ni Kyung-so.
Saka siya napatingin din sa mga tao na nasa cafeteria sa mga oras na yun.
"All of you, walang nino man ang makakapanakit kay Yeon-min ulit, naintindihan niyo?" sabi ni Kyung-so saka siya naglakad palayo habang hawak-hawak ang kamay ko.
"Kyung-so ano ba!" sabi ko naman nang nakalayo na kami sa cafeteria.
Tumigil naman siya at lumingon sa 'kin.
"Hindi mo naman kailangang gawin yun eh, kaya ko ang sarili ko-"
"Ni hindi mo nga kayang ipaglaban ang sarili mo tapos sasabihin mong kaya mo ang sarili mo!" galit pa rin niyang sabi. "Yeon-min naman, ayokong masaktan ka ulit. Ayokong nakita kang nasasaktan ng dahil sa 'kin," halata kong naiiyak na siya habang sinasabi ang mga iyon.
Nabully lang naman ako tapos ganun na siya umakto? Naguguluhan talaga ako eh.
Nang natahimik kami kaya pinunas ko ang isang luhang kumawala sa mata niya nang hawakan niya ang kamay ko na pinupunas palang ang luha niya.
"A-ako sana ang nagpupunas ng luha mo, ako sana ang nagligtas sa 'yo ng maraming beses," nalito naman ako sa mga pinagsasabi niya sa mga oras na yun.
"A-ano bang-"
"Yeon-min malaya ka na," sabi niya at napatingin mismo sa mga mata ko.
"A-ano?" nalilito pa rin ako sa mga sinasabi niya. Ni isa wala akong naintindihan.
"Pinapalaya na kita bilang slave ko, mula ngayon hindi na kita guguluhin pa. Nasisira lang buhay mo kapag napalapit ka pa sa 'kin," nang hawakan niya ang kamay ko. "Kalimutan mo nalang na nakilala mo ako, salamat kasi nakita muli kita, masaya na ako dun," sabi pa niya bago naglakad palayo.
"K-Kyung-so," tatawagin ko pa sana ang pangalan niya pero masyado akong takot kung anong possibility na mangyayari kaya napabulong nalang ako sa pangalan niya habang pinapanood ko siya na maglakad papalayo.
Hindi ko nga alam kung makakalimutan ko pa ba siya. Nakasanayan ko na kasi na lagi siyang nandiyan kapag malungkot man ako o nasasaktan. Muli akong napatingin sa huling pagkakataon sa likutan ni Kyung-so habang naglalakad ito papalayo at naglakad nalang din ako sa kabilang direksyon. Sobrang bigat ng damdamin ko ngayon habang naglalakad. Ni hindi ko nga alam kung saan ako pupunta nang habang naglalakad ako ay may narinig akong nag-uusap sa loob ng gym. Napatigil naman ako para pakinggan sila.
"Ano? May past na sila pero hindi man lang sinasabi sa 'kin ni Amaya-"
"Sa past life nila." Naaninag ko pa na boses ni Dan-oh iyon. At ang kausap niya naman ay boses ni Seol-hee. Wait, bakit nga ba sila nag-uusap sa tago?
"Ano bang pinagsasabi niyo! Sa tingin niyo ba ganito lang akong kadaling lokohin sa mga sinasabi niyong nonsense sa 'kin ha!"
"Hindi kami normal na tao, kaming tatlo, kaya namuhay na kami ng sobra-sobra pa sa one hundred years," napatakip ako ng bibig dahil sa narinig. "At si Yeon-min patuloy lang na narereincarnate and everytime na magmimeet sila ni Kyung-so sa next life niya, lagi siyang nililigtas ni Yeon-min kaya narereincarnate ulit siya-"
"Wait, hindi na kita maintindihan. Bakit mo ba 'to sinasabi sa 'kin."
"Para maging aware ka, at hindi lang gamit na pwede gamitin ni Kyung-so para mapalapit kay Yeon-min. May feelings at pag-iisip ka kaya hindi ka dapat niya gamitin ng ganun-ganun nalang," sabi niya at tumigil muna sa pagsasalita. "Hindi natin mapipigilan kung ano ang itinadhana," huling sabi niya bago siya naglakad palayo na hindi ko lubos maintindihan.
Paglabas ni Dan-oh ng gym ay gulat siya nang makita ako sa may pinto ng gym.
"Ah kanina ka pa ba diyan?" tanong niya at nagkamot ng likod ng ulo niya.
"Narinig ko lahat," sagot ko naman.
Nang tinangay niya ako sa gilid kung saan walang makakakita o makakarinig sa 'min.
"Hindi ko alam pano ipapaliwanag 'to eh-"
"Eh 'di ipaliwanag mo," sabi ko naman at naghalukipkip pa sa harapan niya.
"Ganito kasi yun ikaw ay reincarnation lang ng mga past na Yeon-min." Napakunot ang noo ko dahil dun.
"Huh?"
"And everytime na mapapalapit ka kay Kyung-so ay may masamang mangyayari-"
"Kaya ba matagal na rin kayo sa mundo?"
"Gumiho kami Yeon-min kaya matagal kaming mamumuhay pa sa mundo," sagot niya na ikinagulat ko pa.
Hindi ko inaasahan na totoo ang mga gumiho.
"Wait, hindi mo naman ako pinaglalaruan 'di ba," tanong ko pa na parang nagdadalawang isip kung papaniwalaan ko ba siya o hindi.
"Bakit naman kita paglalaruan? Hindi ko nga ugaling maging seryoso pero seryoso ako sa ganitong pagkakataon," sabi niya kaya napag-isip ko na ring paniwalaan siya.
"Y-yung mga past na Yeon-min ba eh kaugali ko rin?" Nag-alangan kong tanong.
"Parehong-pareho," sagot naman niya. "Mula sa pagsasalita, mukha, ugali, boses, as in lahat," sagot niya muli.
"P-pero gusto na akong palayuin ni Kyung-so sa kanya," banggit ko na ikinagulat niya.
"Ano?!" tanong naman niya. "Pero may point naman kasi siya kasi pareho kayong magsusuffer kapag pinagpatuloy niyo pa ang paglapit sa isa't-isa," sabi pa niya na ikinalungkot ko.
Hindi ako umimik dahil sa sinabi niya. Nang napatingin naman siya sa wrist watch na suot niya.
"Oh Yeon-min mauna na ako, may klase pa ako eh," sabi niya nang maalala ko rin na may klase rin pala ako.
"Ahy oo nga pala, may klase rin ako," gulat na sabi ko.
"Hindi na natin namalayan ang oras," sabi niya saka muling nagpaalam at malelate na siya sa klase niya. Ako naman sobrang late na late na rin sa klase ko.
Una syempre nagbihis na muna ako kasi hindi naman ako pwedeng pumasok sa klase na ganito. Kaya dinalian ko ng kunin ang extra uniform ko sa locker at nagpunta na sa cr para magpalit at hugasan konti ang buhok ko sa mga pagkain na naitapon sa 'kin kanina. At nang natapos ko na nga ay patakbo na ako sa abot ng aking makakaya para lang makaabot pero huli na dahil meron na ang prof namin sa room. Hingal na hingal pa ako nang makarating ako roon.
"Miss Choi, care to explain yourself?"
"Ahm sorry ma'am I'm late," sabi ko at papasok na sana sa room nang pigilan pa ako ni prof.
"Hephep, at sinong nagsabing pwede kang pumasok. Walang malalate sa klase ko naintindihan?"
Nakayuko naman ako habang kausap ng prof.
"This is your first warning miss Choi, sa susunod hindi na kita papapasukin. Kahit sino man sa inyo na malelate sa klase ko naintindihan niyo?" tanong pa niya at sumang-ayon lang din naman kami.
Nagpatuloy lang si prof sa pagtuturo hanggang sa natapos na ang time namin sa kanya.
"Dismiss," sabi niya bago lumabas ng classroom.
Mabilis kong binag ang libro ko dahil kailangan kong kausapin si Kyung-so. Nasa hallway na nga ako nang may tumawag sa pangalan ko dahilan ng pagtigil ko sa paglalakad.
"Amaya!" sigaw niya.
Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Gulat ako syempre kasi bakit naman siya bigla-bigla nalang namamansin?
Naglakad na nga siya papalapit sa akin nang nakita ko siya na sinasapo pa ang tiyan niya na at napaupo na rin siya dahil na rin siguro sa sobrang sakit nito. Tumakbo na ako papunta sa kanya dahil pano nalang kung may masamang nangyari sa kanya.
"Seol-hee!" sigaw ko pa.
Tumawag naman din ako ng ambulansya para madala siya sa ospital. Meron naman ding clinics dito pero wala akong tiwala. Sa tingin ko kasi hindi normal ang p*******t ng tiyan niya kanina.
Nasa tabi ako ni Seol-hee habang mahimbing pa rin siyang natutulog nang dumating na ang mama niya.
"Kumusta siya?" nag-aalalang tanong ni tita.
"May ulcer po siya tita," napaiyak din naman si tita dahil sa sinabi ko.
"Umuubra nanaman ang ulcer niya," sabi niya na napaiyak.
"May dati na po siyang ulcer?" tanong ko kay tita.
"Oo," sagot niya na nakatingin pa sa natutulog niyang anak. "Bata palang siya may ulcer na siya kaya nga dapat hindi siya nagpapalipas ng gutom eh," sabi pa nito at hinawakan ang kamay ni Seol-hee dahilan ng pagkagising niya.
"Nasan ako?" tanong niya at nagtataka naman siyang napatingin sa 'kin.
"Nasa ospital ka, nahimatay ka sa school niyo," sagot ni tita saka siya nagkalkal sa bag niya. "Heto, ito lang ang tanging bagay na nakakapagpakalma at nakakapagpasaya sa 'yo kapag malungkot ka," napatingin ako sa hawak ni tita. Hinablot naman iyon agad ni Seol-hee.
"A-akala ko-"
"Nagsinungaling ako, hindi ko talaga tinapon ito. Tinago ko lang sa drawer ko kasi naiinis pa ako sa 'yo sa mga time na yun," sagot niya. Hindi naman ako nakaimik sa sinabi niya. Hindi ko na rin alam anong isasagot ko eh. "S-sorry, narealize ko ngayon na mas mahalaga pa pala talaga ang friendship natin kaysa sa kahit ano pa man," sabi pa niya. At hindi pa rin ako makaimik. "Pwede bang bumalik nalang tayo sa dati? Kalimutan na natin kung anong nangyari sa past," sabi niya at hinawakan ang dalawa kong kamay.
Nginitian ko naman siya at sabing, "oo naman, sorry rin kung namisinterpret mo ang gusto kong iparating nun pero ayaw lang naman talaga kitang masaktan-"
"Naintindihan ko na," pagsingit niya sa 'kin sa pagsasalita.
Niyakap ko nalang si Seol-hee dahil sa galak. Yumakap din naman siya pabalik.