Chapter 18: The history will repeat itself

1822 Words
Kyung-so's POV "Nag-order ka na ba?" tanong ko kay Kai nang lunch time na. "Hindi pa. Akala ko ikaw mag-oorder?" tanong naman niya. "Nakapag-order na ako, wala ng mag-aaway," sagot naman ni Dan-oh. "Hindi naman kami nag-aaway," sagot ko na natatawa pa. Ilang sandali pa nga ay dumating na ang order namin. Tinext ko na rin si Yeon-min na kumain nalang dito. "Mukhang masarap," sabi ni Dan-oh nang kukuha na sana sa inoder namin nang paluin ko pa ang kamay niya. "Hintayin pa natin si Yeon-min," sabi ko naman. "Hays kukuha lang ng isa eh," reklamo niya. "Oo nga pala, ba't hindi mo kasama si Stacy ngayon?" nagtataka lang naman na tanong ni Kai sa kanya. Minu-minuto ba namang kasama. "Ahh busy lang, marami silang projects ngayon," sagot naman niya kaya napatango nalang si Kai sa kanya. "Pano kung tawagin ko rin si Seol-hee na kumain dito?" tanong niya na ikinapait ng ekspresyon ng mukha ko. "Para na rin mawala na ang boundary sa inyo ang besides it is all in the past now," sabi niya kaya wala na rin akong nagawa. Kinuha niya ang number ni Seol-hee sa phone ko saka niya triny na tawagin pero nang hindi ito sumasagot ay tumayo na siya mula sa inuupuan niya. "Sabihin ko nalang sa kanya in person," sabi niya at naglakad na nga papunta sa pinto. "Huwag mong kalimutang umamin ha," natatawa namang sabi ni Dan-oh at lumingon naman si Kai sa kanya. "Oo," natawa rin niyang sagot saka tuluyan na ngang lumabas ng hide out. Nang ilang minuto pa rin at wala pa si Yeon-min kaya tumayo nalang rin ako mula sa kinauupuan ko. "Kuhanin ko nalang din si Yeon-min dito," sabi ko at wala namang reklamo si Dan-oh. Siguro dahil makakakain na siya nang walang pipigil sa kanya. Malayo palang ako sa cafeteria ay rinig ko na ang ingay mula roon. Kaya hinawi ko ang mga tao na nakapalibot dun at nakita ko si Yeon-min na nakaupo lang sa sahig habang puno ng pagkain ang buong katawan niya. Hinigit ko ang kamay niya at gulat na napatingin naman siya sa 'kin. Pinatayo ko siya mula sa pagkakaupo niya. "Sabi ko kasi sa hide out ka nalang kumain eh," may halong galit na sabi ko. Saka ako humarap sa mga nambubully sa kanya. "Land a hand on her again and ako ang makakalaban niyo," halatang natakot naman ang mga babae dahil sa sinabi ko. Saka ako napatingin din sa mga tao na nasa cafeteria sa mga oras na yun. "All of you, walang nino man ang makakapanakit kay Yeon-min ulit, naintindihan niyo?" sabi ko saka ko tinangay si Yeon-min palayo sa lugar na iyon. "Kyung-so ano ba!" sabi niya naman nang nakalayo na kami sa cafeteria. Tumigil ako at lumingon sa kanya. "Hindi mo naman kailangang gawin yun eh, kaya ko ang sarili ko-" "Ni hindi mo nga kayang ipaglaban ang sarili mo tapos sasabihin mong kaya mo ang sarili mo!" galit ko pa ring sabi. "Yeon-min naman, ayokong masaktan ka ulit. Ayokong nakita kang nasasaktan ng dahil sa 'kin," sabi ko pa at hindi ko mapigilan ang sarili kong maluha. Nang natahimik kami saglit at dahan-dahan niyang inangat ang kamay niya para pinunas ang isang luhang kumawala sa mata ko nang hawakan ko ang kamay niya na pinupunas palang ang luha ko. "A-ako sana ang nagpupunas ng luha mo, ako sana ang nagligtas sa 'yo ng maraming beses," halata ko sa kanya na nalilito na rin siya kung ano bang sinasabi ko. "A-ano bang-" "Yeon-min malaya ka na," sabi ko at napatingin mismo sa mga mata niya. "A-ano?" tanong pa niya. "Pinapalaya na kita bilang slave ko, mula ngayon hindi na kita guguluhin pa. Nasisira lang buhay mo kapag napalapit ka pa sa 'kin," nang hawakan ko ang kamay niya. "Kalimutan mo nalang na nakilala mo ako, salamat kasi nakita muli kita, masaya na ako dun," sabi ko pa bago naglakad palayo. "K-Kyung-so," tawag niya sa pangalan ko. Pabulong lang iyon pero klaro kong narinig dahil na rin sa powers ko bilang gumiho. Napaluha pa ako habang naglalakad na palayo. Pero ano nga bang magagawa ko. Hindi talaga kami nakatadhanang magsama dahil mapapahamak at mapapahamak lang siya kapag nagsama kaming dalawa. Naalala ko pa ang sabi ng lolo ni Yeon-min. Merong kumatok sa pinto namin isang araw at nakita ko siya sa pinto ng bahay. Nagtaka pa ako nung una kung pano niya nalaman kung saan ako nakatira. "Anong ginagawa mo rito lo?" tanong ko. Hindi siya umimik kaya niluwagan ko nalang din ang bukas ng pinto para papasukin siya sa loob. Mukhang seryoso rin naman ang pinunta niya rito. Naupo naman na rin siya sa sofa namin saka niya ako hinarap. "Hindi niyo mababago kung anong nakatadhana," matalinhagang sabi niya. "Ano pong ibig niyong sabihin?" nagtataka ko namang tanong. "Layuan mo ang apo ko," sabi niya at napatayo na mula sa kanyang inuupuan. "Hindi ko gagawin yun lo nang wala akong natatanggap na sapat na rason para gawin ko yun," reklamo ko naman. "Eh kung sabihin kong hindi rin kami normal na tao," napalaki ng literal ang mata ko dahil sa sunod niyang sinabi. "Kagaya niyo rin kami. At nasaksihan ko ang pag-iibigan niyo ni Yeon-min mula pa simula. At hindi na sang-ayon sa inyo ang tadhana mula pa noon kaya huwag niyo ng ipilit." "Ibig sabihin ba nun..." "Mauna na 'ko apo," sabi pa niya at naglakad na nga palabas ng bahay. Wala rin naman ang dalawa dahil may binili raw saglit sa labas. Hindi ko na nga namalayan na nakarating na ako sa hide out dahil sa pag-iisip ko doon. "Oh Kyung-so," sabi naman ni Kai at napatingin ako sa kanya nang humabol siya sa paglalakad. "Saan ka pumunta?" tanong naman niya. "Ahh dun," sabi ko naman na lutang pa rin ang isip. "Okay ka lang?" tanong niya nang mahalata siguro na wala ako sa sarili ko. "Ahh oo," sagot ko lang naman. Sabay na kaming pumasok sa loob ng hide out at pansin agad namin na wala si Dan-oh sa doon. "San nanaman kaya nagpunta yun," tanong ni Kai at nagtungo na sa lamesa para kumain na rin. Pero ako ay nahiga lang sa kama doon at tumalikod sa direksyon ni Kai. "Hindi ka ba kakain?" tanong pa niya. "Ah hindi, tulog muna ako," sabi ko naman at tuluyan na ngang hinagop ng dilim. Nakita ko ang sarili ko na naka traditional dress saka lumingon-lingon ako sa paligid. Nang nakita ko si lolo na nakatingin sa 'kin kaya patakbo na akong pumunta sa kanya. "Lo," sabi ko nang tuluyan na akong makarating sa kanya, hindi naman din siya umimik. Nakatingin siya sa malayo na para bang inaasahan na rin niyang pupunta ako sa kanya. "P-panong-" "Malapit na ang panahon," sabi niya at tumalikod sa 'kin. "Lolo-" hinabol ko siya pero tumigil na rin siya at humarap sa 'kin. "Tayo nalang ang iiwas sa tadhana ha," sabi niya at hinawakan ang balikat ko. "Ano bang ibig nitong sabihin-" "The history will always repeat itself at tanging magagawa nalang natin doon ay huwag ipilit ang hindi nakatakda," sabi niya at hindi ko maintindihan kung bakit bigla nalang siyang naglaho na parang bula. "Lolo!" Dun ko naramdaman na may nagyuyugyog na sa balikat ko. "Sinong lolo ba tinatawag mo?" tanong ni Dan-oh sa 'kin. Minulat ko naman ang mata ko at dahan-dahang bumangon. Lumingon ako sa paligid at nasa hide out palang pala ako. "Nasan si Kai?" nagtataka ko namang tanong nang napansin ko na wala siya sa kwarto. "Ahh pinuntahan si Seol-hee," sagot ni Dan-oh. "Nawalan siya ng malay," sabi pa niya. "Nasan siya ngayon?" tanong ko. "Nasa ospital. Kasama rin niya si Yeon-min," sagot niya. Tuluyan na nga akong umupo sa bed namin dito. "Punta ka sa ospital," sabi ko na ikinataka niya. "Huh?" "Tignan mo si Yeon-min kung okay lang siya," pagpumilit ko lang naman at sumang-ayon na rin siya. Ngayon ay mag-isa nalang ako sa hide out namin. May isa pa naman akong subject at malapit na rin yun. Nang naalala ko bigla ang napanaginipan ko kanina. Bakit ba pati sa panaginip ko yun ang nangyayari! Hays chineck ko ang oras ng cellphone ko at nang time na para sa last subject ko ay nagpalit na rin muna ako ng uniform dahil pawisan na rin ang uniform na suot ko saka ako nagpunta sa classroom. Gaya lang din naman ng usual na klase ay binigyan kami ni prof ng project bago niya kami idismiss. Dumeretso na rin ako sa bahay nang natapos na lahat ng subject ko ngayong araw. Gusto ko mang magpunta sa ospital pero hindi ko kayang malagay muli ang buhay ni Yeon-min sa panganip. Hindi ko kayang mawala siya muli. Nang makarating ako sa bahay ay agad ko rin namang ginawa ang project ko saka nag-order na rin sa labas ng panghapunan ko dahil sigurado naman ding doon na kakain yung mga yun. Ginawa ko lang din naman ang project ko na iyon pa rin ang iniisip. Hindi tuloy ako makapagfocus. Kaya nagdecide ako na uminom nalang muna ng wine baka sakaling makapagfocus ng konti. Pero napadami yata ako ng wine at nilamon na ako ng kadiliman. "Kyung-so," may narinig akong boses na nag-eecho sa tenga ko. "S-sino..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pagtingin ko sa direksyon ng boses ay nakita ko si Yeon-min. "A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko at nakita ko siyang nakadamit ng whole white na dress at mapulang lipstick saka nakangiti ng kakaiba sa 'kin. Lumapit siya ng dahan-dahan at gamit ang hintuturo niya ay inangat niya ang baba ko para makatingin ng maayos sa kanya. "Hindi mo talaga alam," sabi niya saka naupo sa counter at kinuha ang wine na dapat ay iinumin ko. "Gaya rin ako sa inyo," sabi niya na parang nag-eecho pa rin ang boses at hindi ako makapaniwala sa sunod na nangyari. Ibinaba niya ang baso ng wine sa lamesa saka siya bumaba ng counter at nagtransform ng white na gumiho saka siya nalipad sa bintana namin na maluwag na nakabukas. At kita ko pa mula rito ang kabilugan ng buwan. "Kyung-so!" Napaigting ako nang sigawan nila ang tenga ko. "Ano ba!" sigaw ko naman at pansin kong maliwanag na sa labas. "Kanina ka pa namin ginigising. Actually kagabi pa pero hindi ka magising-gising," sabi ni Dan-oh sa 'kin. So panaginip lang pala. "Hindi totoong gumiho siya," nagagalak kong sabi. "Huh, ano bang pinagsasabi mo," tanong naman ni Dan-oh at nag-ayos na ng bag para magpunta sa school. "Ang aga pa ahh-" sabi ko saka tumingin sa wrist watch ko at shoot! Malelate na nga kami kaya patakbo na rin akong nagpunta sa kwarto para gawin ang morning routine ko. "Ba't 'di niyo 'ko ginising!" sabi ko nang nasa shower na. "Hays, una na kami Kyung-so," sabi lang din naman ni Kai at rinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pinto. Hays mga yun talaga hindi man lang ako hinintay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD