Chapter 19: Pag-amin

2099 Words
Kai's POV "Kai, rinig mo na ba ang balita?" tanong ni Dan-oh habang nasa hide out kami. "Na ano?" tanong ko rin naman. "Nawalan ng malay si Seol-hee, dinala siya ngayon sa ospital," sabi niya na ikinatayo ko mula sa aking pagkakaupo kanina. "Ano?!" 'di makapaniwalang tanong ko. "Hindi mo ba nabalitaan?" tanong pa niya. "Akala ko ikaw ang may gusto sa kanya pero ba't huli ka sa balita," wala na rin akong inaksayang oras at patakbo na akong pumunta sa labas ng gate. Magcocommute nalang ako. At hanggang sa nakarating na nga ako kung saang ospital nila nilagay si Seol-hee. Tinanong ko rin naman kung saang room siya nakalagay ay patakbo nalang din akong nagpunta dun nang sinabi ng nasa reception ang room number ni Seol-hee. "Seol-hee!" sabi ko at lahat sila nang nasa kwarto ay napatingin naman sa 'kin. "Sino..." tanong ng tingin ko ay mama niya. Hindi naman makasagot si Seol-hee dahil siguro gulat pa rin siya dahil sa bigla-bigla kong pagsulpot. "Ah friend po niya ako," sabi ko naman. Nirerespeto ko rin naman kung ano desisyon ni Seol-hee kung friends muna din kami. Nahiya naman siyang nag-iwas ng tingin sa 'kin. "Kumusta ka? Okay ka lang ba?" nag-aalala kong tanong at lumapit sa kanya. "Ibang friend yata ang pag-aalala mo Kai ha," natatawa namang sabi ni Yeon-min. "Amaya," suway naman sa kanya ni Seol-hee. "Okay na kayo?" tanong ko naman. "Ahh oo," sagot naman ni Yeon-min. "Wala ka bang kasama?" tanong naman ni Yeon-min. "May inaasahan ka yatang dumating bukod sa 'kin ah," sabi ko naman na ikinasama ng tingin niya. "Wala ahh," sagot lang din naman niya. "Sige maiwan muna namin kayo diyan," sabi lang ng mama ni Seol-hee at kasama niyang lumabas ang mama yata ni Yeon-min. "Sige po tita," sagot ko naman. Nang may naramdaman akong may humihila ng jacket ko. Tinignan ko naman at nakita kong maliit na batang lalaki. "Hello, anong pangalan mo lil boy," tanong ko. "Ako si Jung-ki," sagot naman niya at pinisil ko lang ng marahan ang pisngi niya. "Boyfriend ka ba ng ate ko?" tanong naman niya na ikinangiti ko lang. "Jung-ki! Ano bang sinasabi mo diyan," pagsuway naman sa kanya ni Seol-hee. "Hindi pa," sagot ko naman at napatingin kay Seol-hee at napaiwas lang din naman siya ng tingin. "Ayieh ship," sabi naman ni Yeon-min dahilan ng pagtawa ko sa kanya. "Amaya tigil nga," sabi naman ni Seol-hee. Umupo nalang din ako sa upuan dun at kinandong si Jung-ki saka binasahan siya ng mga story book na dinala niya sa ospital. "Oo nga pala Yeon-min, bakit hindi kayo nagsama ni Kyung-so buong araw?" paasar kong tanong. "Next topic," sabi naman niya na ikinatawa ko pa. "Sige na sagutin mo na Yeon-min," pangungulit ko pa. "Bakit nga ba?" tanong din naman ni Seol-hee sa kanya. "Ahh kwento ko nalang sa 'yo kapag wala ng ibang tao rito," sabi niya at tumingin pa sa akin. "Eh bakit ayaw mong sabihin sa 'kin, dali na," pangungulit ko pa nga. "Hays alam mo Kai bagay nga talaga kayo ni Seol-hee, ang kulit niyong pareho eh," sabi niya na ikinangiti ko pa. "Alam ko naman yun," nagsmirk pa ako kay Seol-hee at nagrolled eyes lang siya sa 'kin. Nang bumaba si Jung-ki sa kandong ko at nagtungo siya sa bag niya para kumuha ng kung ano. At may nilabas pa nga siyang libro doon saka rin siya bumalik sa 'kin. "Kuya basahin mo sa 'kin 'to," sabi niya at nakita ko namang picture ng gumiho ang nasa book cover nito. "Jung-ki! 'Di ba bawal ka ng magread ng ganyan kasi 'di ka nakakatulog sa gabi? Saka tinago na namin ni mama 'yan ah, san mo 'yan nakuha," sabi ni Seol-hee pero dinelatan lang siya ni Jung-ki at umakyat na muli sa lap ko. "Sige na kuya basahin mo na sa 'kin 'to," sabi pa niya. Tinignan ko muna si Seol-hee, syempre kukunin ko muna ang approval niya at napilitan nalang din siyang tumango. Saka ako nagsimulang basahan siya nung story. Ilang oras pa nga kaming nandito hanggang sa napatingin lang kami sa pinto nang bumukas ito at pumasok mula rito si Dan-oh. "Oh nasan si Kyung-so?" tanong ko. "Ayaw niyang pumunta eh. Pinapunta lang niya ako," sagot niya. "Yeon-min ayos ka lang-" binatukan ko nga ng lumapit kay Yeon-min para icheck siya. "Si Seol-hee ang may sakit tapos si Yeon-min ang tinatanong mo kung okay lang siya?" sabi ko naman. "Eh pinapatanong ni Kyung-so," sabi naman niya. Pansin kong nalungkot naman si Seol-hee dahil dun. Inakbayan ko nalang si Dan-oh dahil nararamdaman ko na iba nanaman ang atmosphere. "Talaga 'to," sabi ko nalang. "Ahh huwag nga," sabi ni Dan-oh at tinulak ako ng marahan para matanggal ang akbay ko sa kanya. "Kinumusta ako pero hindi siya pumunta," natahimik si Dan-oh dahil dun. "Oo nga," sabi ko naman. "Nasabi niya naman sa 'yo na pinatigil ka na niya sa pagiging slave mo 'di ba?" sabi ni Dan-oh na ikinagulat ko dahil hindi ko rin alam iyon. "Sinabi niya?" malungkot na sabi ni Yeon-min. "Pinatigil ka na sa pagiging slave?" tanong din naman ni Seol-hee. Natahimik sila dahil dun. At hanggang sa nagsalita na nga muli si Dan-oh. "'Di ba dapat masaya na kayo kasi hindi na slave si Yeon-min?" sabi niya na trinatry ilight up ang mood rito sa kwarto. "Ahh iwan ko na rin muna kayo," sabi ni Yeon-min at napatayo na rin saka tutungo na sana sa labas ngunit hinabol pa ni Seol-hee ang kamay nito kaya napatingin nalang din si Yeon-min rito. "S-salamat," lito lang naman siyang nakatingin kay Seol-hee dahil sa sinabi nito. "Salamat kasi kahit na pinagtatabuyan kita, hindi ka pa rin sumuko sa friendship natin," sabi nito at napagiti nalang din si Yeon-min at ginulo ng bahagya ang buhok nito. "Syempre naman, best friend kita eh," sabi pa nito. "Wait okay na kayo?" nagtataka namang tanong ni Dan-oh dahil late nga siyang dumating. "Ahh oo," sagot ni Yeon-min. "Sige punta na rin ako," sabi pa niya at nagpaalam na nga rin kami sa kanya. "Buti ayos na kayo," sabi naman ni Dan-oh. "Ahh oo nga," sagot naman ni Yeon-min at hindi maipagkakaila ang kasiyahan sa mukha niya. Napangiti na nga rin ako dahil dun. "Kuya Kai," napalingon kami kay Jung-ki nang tawagin niya ako. "Hmm?" tanong ko rin naman. "May gusto ka po ba kay ate?" nasamid pa ako sa sarili kong laway dahil sa tanong ng bata. Si Seol-hee naman ay nag-iwas lang ng tingin pero si Dan-oh ay tumawa lang. "Ang bata mo pa pero ba't alam mo na ang mga ganyang bagay ha?" sabi naman ni Dan-oh sa kanya. "Kasi po lagi siyang tumitingin kay ate tapos ngumingiti pa siya habang nakatingin sa kanya," nagfake cough nalang ako dahil sa sinabi niya. "Ahh huwag mong alalahanin yun bata, hayaan mong pag-usapan nila ang bagay na yun," sabi pa sa kanya ni Dan-oh at kinuha siya sa kandong ko at humarap sa 'kin. "Nakapag-confess ka na ba?" tanong pa niya. "Ahh," sabi ko naman na hindi alam ang isasagot sa kanya. Si Seol-hee naman din ay napaiwas ng tingin hanggang sa bumukas na ang pinto ng kwarto at kita namin ang mama ni Seol-hee na pumasok mula rito. "Jung-ki halika na, uwi na tayo," sabi naman niya kaya tumakbo ang bata papunta sa kanya. "Sabi ng doctor pwede ka na raw umuwi," sabi naman niya kay Seol-hee at mapapansin din sa mukha niya ang galak dahil makakauwi na nga siya mula sa ospital. Ilang minuto pa nga ay dumating na ang doctor para tanggalin ang dextros na nakakabit sa kanya at nagpunta na rin siya sa cr para magpalit doon mula sa hospital dress niya. Naglakad na nga kaming lahat papunta sa labas ng ospital. Inalalayan ko naman si Seol-hee kasi syempre kakagaling lang niya sa ospital hanggang sa tinaboy na niya ako nang makarating na kami ng tuluyan sa labas ng ospital. "Kaya ko na sarili ko," sabi niya kaya hinayaan ko na rin siya. Kita ko namang nag-aabang ang mama ni Seol-hee ng sasakyan. "Ahh Miss Shin, sasabay ko nalang po kayo," pag-alok ko ng kotse ko sa kanya. "Ahy talaga ba, ang bait naman pala ng boyfriend ng anak ko-" "Ma! Hindi ko siya boyfriend!" sigaw naman ni Seol-hee pero natawa lang ako konti sa sinabi ng mama niya. "Oo nalang," sabi naman ni mama niya at nagtungo na sa kotse. Pinagbuksan ko sila ng pinto sa kotse ko at nang si Seol-hee na ang sasakay ay pinagbuksan ko naman siya sa tabi ng driver. Napatingin lang siya akin na nagtataka kaya minotion ko na sakay na siya doon. Si Dan-oh naman ay dahil hindi ko siya pinagbuksan ng pinto ay nagpadabog lang siyang binuksan sa kabilang pinto ng kotse. Hanggang sa ako naman na rin ang sumakay sa driver's seat. Tahimik lang ang atmosphere habang nagdridrive ako. Hanggang sa basagin ni Dan-oh ang katahimikan. Si Dan-oh talaga ang pangligtas sa awkward moments ehh. "Ilang taon na po si baby boy?" tanong niya sa mama ni Seol-hee at pinisil naman ng bahagya ang pisngi ni Jung-ki. "Hindi na ako baby," protesta naman nito. "Ahh big boy ka na?" tanong lang din naman ni Dan-oh habang nagdridrive pa rin ako ng kotse. "Oo," sagot lang naman nito hanggang sa tumigil na ako sa pagdridrive nang nakarating na kami sa bahay nila. "Pano mo alam ang bahay namin? Hindi ko naman tinuro sa 'yo ang daan?" tanong ni Seol-hee na napalaki pa ang mga mata dahil dun. "Ahh..." nakatingin lang siya sa 'kin na para bang hinihintay kung anong susunod kong sasabihin. Napapatingin lang naman ako kay Dan-oh nagbabakasakaling tutulungan niya akong mag-isip ng ilulusot ko sa taong ni Seol-hee pero nagsmirk lang siya sa 'kin. "Baba na diyan Seol-hee, baka gumamit lang siya ng GPS o google," sabi naman ng mama niya na nakababa na mula sa kotse ko. "Mahirap hanapin bahay namin eh," rinig kong bulong niya sa sarili niya saka bumaba na sa kotse. Nang aandarin ko na rin muli ang sasakyan nang dumungaw pa ang mama ni Seol-hee sa bintana ng kotse ko. "Kain na kayo rito. Magluluto ako ng masarap," sabi niya at nagkatinginan naman kami ni Dan-oh. "Pano si Kyung-so?" tanong niya. "Kaya na rin naman na niya ang sarili niya," sabi ko at bumaba na agad mula sa sasakyan. Para lang talaga mapalapit kay Seol-hee eh. "Dalian mo na diyan," sabi ko naman kay Dan-oh nang pababa palang siya ng kotse. Parang napilitan pa siya eh, pero inakbayan ko lang siya habang sabay-sabay na kami pumasok sa loob. "Hays wala ba kayong ibang gagawin?" tanong naman ni Seol-hee nang nakapasok na kami sa loob ng bahay nila. Sinamaan pa niya ako ng tingin na para bang ayaw niya ako doon. "Wala naman," sagot ko na parang nang-aasar pa. "Upo muna kayo diyan," banggit ni tita kaya naupo na rin kami ni Dan-oh sa sofa nila sa living room. "Seol-hee, tulungan mo ako mag-ayos sa lamesa," tawag ni tita kay Seol-hee nang aakyat na sana siya sa hagdanan. "Tita ako nalang po, huwag niyo na siyang pagtrabahuhin baka mabinat po siya," pagvolunteer ko naman. "Naku huwag na, bisita ka namin," sabi naman ni tita. "Kaya ko naman," banggit lang ni Seol-hee at nagtungo na nga sa kusina. "Napaghahalataan ka ah," sabi naman ni Dan-oh sa tabi ko. "Huwag kang ano diyan," sabi ko at tinabig ko lang ang braso niya. "Yung si Stacy may gusto ka sa kanya 'no?" tanong ko at kita ko siyang nagpipigil ng ngiti na parang kinikilig. "Ahh obvious ba," tanong naman niya na halatang kinikilig pa rin, psh nagtanong pa. "Hindi naman obvious," nawala ang ngiti niya dahil sa sinabi ko. "Obvious na obvious lang," nang sinabi ko muli iyon ay bumalik ang ngiti niya na parang ewan. "Umamin ka na ba?" tanong ko. "Hindi pa nga eh, hindi ba masyadong mabilis naman kapag aamin ako agad?" tanong naman niya. "Alam mo Dan-oh mas maganda umamin kapag maaga pa at kapag naman umiwas siya eh at least nasabi mo," sabi ko at inakbayan pa siya habang nakatingin kay Seol-hee sa kusina habang nakangiti rito. "Nakapagsabi naman ang umaamin agad," sabi niya at tinaboy ako palayo. "Umamin na kaya ako," sagot ko naman. "Ahh kaya pala siya umiiwas sa 'yo kasi umamin ka na," sagot lang din naman ni Dan-oh. "Oo," sagot ko habang nakatingin pa rin sa kanya at nakangiti. "And I think it's worth it. alam kong hindi man ngayon pero someday mafafall din siya sa 'kin," sabi ko pa. Tumango-tango lang naman siya sa 'kin na parang may iniisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD