Dan-oh's POV
Binigay ko na sa prof namin ang letter na sinign ng nurse sa clinic at inexcepted naman si Stacy sa lahat ng activity na gagawin namin ngayon. Ngayon ay siguro nasa clinic pa rin siya.
"Bakit hindi mo sagutin?" tanong ni Kyung-so sa phone ko na kanina pa nagriring. Nakailang missed call na rin si Stacy sa 'kin, ayoko na rin muna siyang kausapin. Nagsinungaling siya sa 'kin eh, lahat naman siguro magagalit kapag yung taong pinagkakatiwalaan mo ay magsisinungaling sa 'yo.
"Ahh wala 'to," sabi ko at nilabas ko na mula sa bulsa ang phone ko nung tumigil na nga ito sa pagriring pero hinablot lang ni Kai ang phone ko mula sa pagkakahawak ko.
"Kai ano ba, akin na 'yan," sabi ko at pilit kinukuha sa kanya pero nilalayo lang niya ito mula sa 'kin habang tinitignan sino ang tumtawag.
"Ah so si Stacy ang tumatawag," sabi naman niya at binigay na nga muli ang cellphone ko sa 'kin. "Anong nangyari sa inyo? Akala ko ba aamin ka na eh ba't mo siya iniiwasan?" tanong pa ni Kai pero hindi ko lang siya inimik.
"Sabihin na, bakit?" tanong din naman ni Kyung-so.
"May fiancé siya," gaya ko ay gulat din sila dahil sa sinabi ko.
"Seryoso ba?" tanong naman ni Kyung-so.
"Mayaman talaga sila at kailangan niyang magpakasal dun para masalba ang kompanya nila," paliwanag ko.
"Gusto ba niyang magpakasal dun?" tanong naman ni Kai.
"Tutol siya dun," sagot ko.
"Yun naman pala eh, eh 'di may pag-asa ka pa," sabi ni Kyung-so sa 'kin.
"Pero nagsinungaling pa rin siya sa 'kin," sabi ko.
"Bro kaya nga siya tumatawag, baka may rason bakit niya hindi sinabi ang tungkol dun," sabi pa ni Kai at inakbayan ako.
Tinanggal ko naman ang akbay niya sa 'kin. "Dapat sinabi niya pa rin," sabi ko naman na nagtatampo pa rin ang tono ng boses.
"Nagtatampo ang bata," sabi naman ni Kyung-so at naghalukipkip lang ako habang nakanguso.
"Hmp," sabi ko lang.
Nang tumunog naman ang cellphone ni Kai senyales na may nagchat or nagtext sa kanya.
"Sino 'yan?" tanong ko naman pero nang nakita niya iyon ay napatayo lang siya mula sa kanyang pagkakaupo at tinignan ang cellphone niya ng mataman.
"May pupuntahan tayo," sabi niya at nagsuot ng jacket.
"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Kyung-so.
"Ah basta," sagot naman niya at kumuha ng libro na nakita niya sa kwarto saka inabot kay Kyung-so.
"Ano 'to?" tanong lang din ni Kyung-so dahil sa curiousity.
"Kakailanganin mo rin 'yan mamaya," sabi naman niya at nagsimula ng maglakad palabas ng hide out.
Nagkatinginan lang kami ni Kyung-so saka siya sinundan.
"Saan ba talaga tayo pupunta Kai ha?" nagtatakang tanong ko nang nasa hallway palang kami.
"Sa open field," matipid na sagot niya.
"Anong gagawin natin dun?" tanong naman ni Kyung-so. At nilabas na nga ni Kai ang phone niya.
"Heto, sinend sa 'kin ng teammate ko," sabi niya at pinakita sa 'min ang picture.
Minsan kasi nagprapractice lang ang mga kateam niya sa soccer kahit 'di siya kasali. Nakita namin na sila Seol-hee at Yeon-min iyon ay nakaupo lang sila sa damuhan habang kumakain.
"Hays, bakit kasi sila dun tumatambay," reklamo pa niya.
"Relax," sabi ko na patawa-tawa pa. Eh sa nakakatawa yung ekspresyon niya pag galit.
Natahimik naman na rin si Kyung-so. Ilang minuto pa nga kaming naglalakad hanggang sa narating na namin ang open field at natatanaw na namin ang dalawa. Nagtatawanan pa silang dalawa pero nang napansin na rin nila kami ay pansin kong natigilan pa sila sa pagtawa at napatingin sa 'min.
Nang tuluyan na kaming makarating ay tinanggal agad ni Kai ang suot niyang jacket at nilagay sa lap ni Seol-hee.
"Pinagtitinginan na kayo ng mga lalaki, ba't ba kasi dito niyo gustong tumambay," pagalit na sabi ni Kai pero cold pa rin.
"Pake niyo ba kasi," inis namang sagot ni Seol-hee.
Nang napatingin din naman si Yeon-min nang iabot ni Kyung-so ang libro s kanya.
"Pantakip mo," sabi pa niya saka umiwas ng tingin.
Tinanggap naman din niya ito na walang sinabi saka niya nilagay sa lap niya. Pero ilang sandali pa nga ay naisipan kong tumabi ng upo sa kanila.
"Pahingi," sabi ko at kumuha sa chips na kinakain ni Yeon-min.
"Bili ka dun sa 'yo," sabi niya naman at nilayo na ang chips niya sa akin.
"Konti lang naman ih," sabi ko pa at kumuha na rin ulit.
"Hays," sabi niya naman sa akin pero nginitian ko lang siya.
Hanggang sa tumabi na rin sila Kai at Kyung-so sa 'min.
"Maganda pala talagang tumambay rito," sabi ko habang nakatingin sa kalikasan at habang kumukuha pa rin ng chips ni Yeon-min. "Makakalanghap ka talaga ng sariwang hangin," sabi ko pa.
"Oo naman," sagot naman ni Seol-hee sa 'kin.
"Oh," inofferan na rin ni Kai si Seol-hee ng candy. Ibang klase rin ang lalaking ito eh.
Nagfake cough naman si Yeon-min na parang nang-aasar at tinignan lang siya ni Seol-hee dahil dun.
"Kunin mo na," sabi ni Yeon-min nang hindi pa rin ito kinukuha ni Seol-hee at siya na nga ang kumuha ng candy na inooffer ni Kai sa kanya at nilagay niya sa kamay ni Seol-hee.
Ilang minuto pa kami roon, nagkwekwentuhan lang saka kumain pa. At tahimik lang si Kyung-so habang nakatingin lang siya sa malayo na para bang may iniisip siyang malalim.
"Ahh Dan-oh si Stacy nga pala ba't hindi mo kasama ngayon?" tanong naman ni Yeon-min at napansin ko na napasulyap siya kay Kyung-so. Parang may something na ah.
"Ahh busy," sagot ko naman sa kanya.
"Ang sabihin mo nagtatampo ka," sabi naman ni Kai.
"Huh bakit anong nangyari?" nagtataka niya namang tanong.
"Wala," matipid ko namang sagot.
"May fiancé na kasi siya kaya heartbroken 'to," sagot nanaman ni Kai.
"Bakit ka ba sumasagot para sa 'kin Kai ha," kompronta ko naman sa kanya saka sinamaan ng tingin.
"Eh ayaw mong sagutin," patawa namang sagot ni Kai.
"hays-" sabi ko lang nang napatingin silang lahat sa akin dahil nagring ang phone ko.
Tinignan ko lang ito saka binalik sa bulsa ko.
"Bakit 'di mo sagutin," tanong naman ni Yeon-min.
"Wala lang yun," sabi ko pa at patuloy lang na nagriring ang phone ko pero hindi ko ito pinapansin.
"Si Stacy ba 'yan? Nagkatampuhan kayo?" tanong naman ni Seol-hee sa 'kin.
"Ahh-"
"Dan-oh!" napalingon kaming lahat kung saan yung sumigaw at nakita namin si Stacy na naglalakad papunta sa direksyon namin. "We need to talk," sabi niya nang nakarating na sa pwesto namin.
"We have nothing to talk about," sagot ko naman.
"Yes we have," sagot niya.
"Dali na, uusap lang naman kayo eh," tinulak naman ako ni Yeon-min para mapatayo ako.
"Oo na," sabi ko pa na nagkamot pa sa ulo.
Naunang naglakad si Stacy at nakabuntot lang ako sa kanya hanggang sa tumigil siyang maglakad kaya napatigil nalang din ako at humarap siya sa 'kin.
"You had a wrong idea," sabi niya.
"What do you mean?" tanong ko naman.
"Look, I'm not going to marry him," sabi niya.
"Why are saying this. What if you marry him?" sabi ko at maglalakad na sana nang hinawakan pa niya ang sleeve ng damit ko at nakita ko siyang nakayuko.
"Dan-oh, I can't stay like this," naguluhan naman ako sa sinabi niya kaya hinarap ko siya ulit. "I-I-"
Hindi pa siya tapos sa pagsasalita ay tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa sleeve ko at tinalikuran ko siya pero napatigil din ako sa paglalakad nang magsalita ulit siya.
"I'm going to leave soon," sabi niya dahilan para matigilan ako. Lumingon ako sa kanya. "And I don't want to hide this to you any longer," patuloy pa rin niyang sabi. "And I don't want to leave like this.."
"When will you leave?" tanong ko pa.
"Next month," sagot naman niya.
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Bukod sa hindi niya sinabi sa 'kin ang fiancé niya, ngayon ang pag-alis niya naman ang ililihim niya? Ano pa ba ang nililihim niya sa 'kin?
"'Yan lang ba ang nililihim mo sa 'kin?" naluluha ko ng tanong.
"H-hindi ko sinasadya," gulat ako dahil nakakapagsalita naman pala siya ng tagalog.
Napalingon ako sa malayo saka lumingon muli sa kanya. "Ano pa ba ang nililihim mo sa 'kin ha, lahat nalang ba kailangan mong ilihim sa 'kin?"
"Dan-oh let me explain-"
"Ano pa ba ang ieexplain mo sa 'kin, lahat ng mga kasinungalingan mo? Baka nga hindi ka rin exchange student eh," kita ko sa mata niya na nagalit siya dahil sa sinabi ko.
"I didn't lie about that," sabi naman niya.
"Tsk," sabi ko lang at maglalakad na muli sana paalis nang magsalita pa muli siya.
"Dan-oh sasabihin ko naman sa 'yo eh-"
"Kailan? Kapag aalis ka na?" sabi ko saka ako humarap sa kanya.
"D-Dan-oh-" may sasabihin pa ulit sana siya pero nagpatuloy nalang muli ako sa paglalakad papuntang hide out.
Ayoko na munang pumasok sa kahit anong klase ko ngayong araw. At ngayon ay naglalaro lang ako sa cellphone ko nang may kumatok sa pinto, tinignan ko lang din naman iyon at hindi inabalang pinagbuksan dahil kung yung dalawa man iyon ay pwede lang din naman nilang buksan agad ang pinto at may pakatok-katok pang nalalaman.
"Tsk," sabi ko lang naman at nagpatuloy nalang sa paglalaro sa cellphone ko, wala rin naman na akong ibang gagawin.
Hanggang sa ilang oras na nga ay bumukas na ang pinto at iniluwa ang dalawa.
"Bakit ano yung bulaklak sa may pinto?" tanong ni Kyung-so.
Nagtaka lang naman akong tinignan iyon at tama nga sila, may bulaklak nga sa pinto. Pinulot ko naman iyon at nakita kong may note pa na kasama ito na sabing 'I'm sorry' hays si Stacy kaya naglagay nito? Lihim naman akong napangiti dahil dun.
"Kanino galing?" tanong naman ni Kai.
"Ahh ewan wala namang sinabi kung kanino galing," pagsisinungaling ko.
"Patingin," sabi naman ni Kai at inagaw ang bulaklak na hawak ko.
Pagkaagaw niya ay may mga naalis na petals ng bulaklak kaya napahinga nalang ako ng malalim para magtimpi. Yung ihahandle mo with care sana pero yung mga kasama ko hinahawakan nila na parang wala lang.
"I'm sorry?" pagbabasa ni Kai sa sulat. "Para sa 'yo ba 'to Dan-oh?" tanong pa niya at inihagis na sa 'kin ang bulaklak.
"Huwag nga, masisira!" sabi ko naman at inayos na ang bulaklak.
"Psh, bulaklak lang 'yan," natatawa namang sabi ni Kyung-so.
"Kaya nga, hindi ba galing kay Stacy?" tanong naman ni Kai.
"Ahh oo siguro galing kay Stacy kaya niya iniingatan," sabi lang din naman ni Kyung-so pero hindi ko na sila inalala at tinabi nalang muli ang bulaklak, yung hindi magagalaw para hindi masira.
Inaasar pa nila ako hanggang sa meron na ang order namin pang lunch. Kumakain nalang ako ng tahimik habang tinitignan-tignan ang bulaklak, baka kasi masira eh.
Nang may klase na muli ang dalawa ay iniwan na nila ako rito habang ako ay busy naman na rin sa mobile games.
"Hindi ka papasok?" tanong ni Kyung-so.
"Hindi," tipid ko lang na sagot.
"Sige maiwan ka na rin muna rito," sabi lang nila saka umalis na.
Napatingin nalang din muna ako sa bulaklak na tinabi ko sa table.
"Okay rin palang magtampo paminsan-minsan para makakatanggap ng mga gift," sabi ko na lang sa sarili ko at napangiti nalang sa kawalan.
At ilang oras pa nga ang lumipas at uwian na rin muli. Sumakay na ako kay Kyung-so, dinala naman din ni Kai ang kotse niya. Nang nasa kalagitnaan kami ng byahe ay may sinabi pa siya.
"Kailangan mo ba talagang iwasan kung mahal mo talaga?" seryoso niyang tanong.
"Hindi ko naman siya iiwasan hanggang sa aalis siya, iiwasan ko lang muna siya ngayon- wait hindi naman ito tungkol sa 'min ni Stacy 'no?" tanong ko pero nagbuntong hininga lang siya na parang may malalim na pinagdadaanan.
"Well I don't know," sagot lang niya at nang nakarating na nga kami sa bahay ay may umagaw ng pansin namin.
Isang bulaklak ulit na nakalagay sa may pinto ng bahay namin.
"Wait, kay Stacy ulit galing 'yan?" nagtatakang tanong ni Kyung-so at ilang sandali na nga ay nakauwi na rin si Kai. Nacurious din naman siya gaya namin nang makita niya ang bulaklak na hawak ko.
"Kay Stacy galing 'yan? Pano niya nalaman san tayo nakatira? Sinabi mo ba Dan-oh?" tanong naman niya.
"Hindi," maikli ko lang na sagot.
Nang binuklat ko na muli ang kasama nitong sulat at isang nakakakilabot na mensahe ang natanggap namin.
"I've been watching you," pagbabasa ko ng malakas rito.
"Ahh baka sinundan ka lang ni Stacy isang araw," sabi naman nila at inignore na iyon. Pero ako naman ang nababagabag dito.
"Hindi, wala ba kayong nararamdamang iba dito sa sulat?" tanong ko pero feeling relax lang ang dalawa.
"Wala naman, bakit?" tanong ni Kyung-so.
"Tignan niyo kasi nakasulat siya sa red ink," nang tinignan ko sila ay hindi pa rin nila ako magets.
"Baka 'yan ang nagpapahiwatig kay Stacy kung gaano ka niya kamahal," sagot nila.
"Hindi galing kay Stacy 'to," sabi ko at dun lang din naman sila sumeryoso habang nakatingin sa 'kin.