Kyung-so's POV
1 week na mula nung natanggap namin ang sulat. Pero wala namang nangyayaring masama sa 'min.
"Sa tingin niyo ba ano ang ibig sabihin ng sulat?" nagtataka kong tanong habang nasa hide out muli kami.
"Sa tingin ko may malalim yung kahulugan," banggit naman ni Dan-oh.
"Sigurado ka? Tingin ko normal lang naman 'tong sulat," sabi pa ni Kai at inexamine pa ang sulat na nasa kamay niya.
"Tignan niyo, nakasulat sa pula," sabi naman ni Dan-oh at kinuha pa ang sulat mula kay Kai saka pinakita sa 'min. Parang naman din hindi pa namin nakita.
"Wala pa ba kayong klase? Punta na ako," paalam ni Kai saka tumayo na nga siya para umalis.
"Punta na rin ako," paalam naman ni Dan-oh.
For I know hindi naman sila punta sa mga klase nila eh, pupuntahan lang nila mga girlfriend nila, well hindi pa naman nila literal na girlfriend but its more of a crush palang naman nila. Bahala na nga sila dun. At dahil wala naman din akong gagawin ngayon ay triny ko lang siyang iistalk sa sss, alam ko naman ding hindi ko na dapat ginagawa iyon pero ngayon lang naman 'di ba? Nang mapunta ako sa profile niya ay bumungad agad sa 'kin ang profile picture niya na nakatingin sa ibang direksyon habang nakangiti. Napangiti nalang din ako habang tinitignan iyon, inaamin kong nagagandahan ako sa kanya sa picture niyang iyon. Lagi naman din siyang maganda para sa 'kin kahit pa man hindi siya mag-ayos.
Kita ko rin naman ang nasa baba ng profile niya na 'add friend' at 'message' pero hindi ko siya pwedeng iadd dahil sigurado akong bubully-hin nanaman siya ng mga babaeng naghahabol sa 'kin dahil inadd ko siya sa sss. Nagtingin pa ako sa mga pic niya, at napadako ako sa isang album niya na may pangalang 'boss kong masungit'. Binuksan ko naman iyon at nakita ko ang mga picture namin sa mall nun tapos may mga iba pa na inistolen lang ako habang siya ay nakangiti sa camera. Mapapansin ko na sobrang saya niya sa mga picture na ito. At dun lang bumalik sa 'kin kung pano niya ako tignan ngayon kompara sa kung pano niya ako tignan dati, nung slave ko pa siya kahit na ilang araw lang yun. At nung binalik ko na sa timeline niya ay may nakita ako kung saan kumulo agad ang dugo ko at ikinakunot ng noo ko.
"You're just like a sun, shining bright in my shady days?!" pagbabasa ko ng malakas sa caption at may mga kinuhanan pa siyang stolen pic ni Yeon-min habang nakaupo siya sa open field.
Napatayo ako dahil dun. Pero napaisip din ako, bakit nga ba ako nagagalit. Nakita kong pinost lang niya 1 hour ago ito, tumingin ako sa wrist watch ko at ilang minuto na nga ay may klase na rin ako kaya nagdesisyon ako na lumabas na rin mula sa hide out namin at magpunta na sa klase. Pinilit ko na rin na kalimutan ang nakita ko sa profile niya, nakita ko pa naman na pinusuan iyon ni Yeon-min.
Naglalakad na nga muli ako sa hallway habang pinagtitinginan pa rin ako ng mga kababaihan, nagtataka na siguro sila dahil ilang linggo na ring wala akong naging girlfriend mula nung nagbreak kami kay Seol-hee. May mga nagchachat pa rin sa 'kin na sila nalang daw kahit na pang 1 week lang muli sila para lang maranasan nilang maging girlfriend ko pero inignore ko lang ang mga yun pero nagform agad na kamao ang kamay ko dahil sa nakikita ko.
Lumapit pa ako kung saang bench nakaupo si Yeon-min at ang lalaking nagpost nung picture niya sa timeline ni Yeon-min. Masaya silang nagkwekwentuhan at nagtatawanan at nang nakita ako ni Yeon-min na papalapit sa kanila ay napatayo siya at kita ko sa mukha niya ang pagkagulat.
"K-Kyung-so?"
Hindi ko siya pinansin. Napadako lang ako sa lalaki at hinawakan siya sa kwelyo.
"Kyung-so, bitawan mo siya," sabi sa 'kin ni Yeon-min pero ang inaalala ko lang ngayon ay ang galit ko.
"Chill bro-" sabi niya pero sinalubong lang ng mukha niya ang kamao ko.
"Chill mong mukha mo," saka sabi ko pa habang nasa sahig na siya at pinupunasan ang dumudugo niyang labi dahil sa suntok ko.
Tinulungan naman siyang tumayo ni Yeon-min saka hinarap ako.
"Ano bang problema mo!" galit na niyang tanong sa 'kin, dahil sino ba naman ang bigla-bigla nalang susugod ng ganun.
"Eh siya ano bang problema niya?" palusot ko pa.
"Wala siyang ginagawang masama Kyung-so," sabi pa niya at inalalayan ang lalaki na tumayo saka sila naglakad palayo sa 'kin.
Napasapo nalang ako sa sentido ko. Marami na ring nagvivideo ng nangyari at madami ring naging saksi sa ginawa ko. Hays bakit ba kasi hindi mo mapigilan sarili mo Kyung-so, ano bang problema mo?!
"Ano ba kasing iniisip mo bro?" tanong ni Kai nang nasa bahay na kami at pinapanood ang video ko na naging viral sa page ng school.
"Hays ewan," naguguluhan ko pang sabi.
"Sabihin mo nga, nagseselos ka kapag may lumalapit na ibang tao kay Yeon-min?"
"H-hindi ko alam, naguguluhan ako sa mga oras na yun," sabi ko pa.
"Ang sabihin mo hindi ka makapagpigil dahil mahal mo," sabi naman ni Kai.
"Sino nagsabi?" tanong ko naman.
"Malamang ako, halata naman kasi. May paiwas-iwas ka pang nalalaman diyan," sabi naman ni Kai.
Hindi ko nalang siya sinagot at nagdesisyon ako na buksan ang TV.
"Isang kolehiyong estudyante dinala sa prisinto dahil may binugbog siyang pinagseselosan niya na kasama lang ng girlfriend niya dahil may gagawin silang group project-" agad ko naman itong pinatay dahil sa pinagsasabi ng nasa TV.
Napatingin lang din naman ako sa dalawa nang nagpipigil lang sila ng tawa dahil doon.
"Psh," sabi ko nalang at nagtungo na sa kwarto ko saka sinara ang pinto para hindi makapasok ang dalawang kulugong na yun.
"Hindi ako nagseselos!" sigaw ko pa mula sa loob ng kwarto.
"Naseselos ka!" sigaw lang naman ng dalawa sa labas ng kwarto ko.
Hindi ko nalang sila inintindi at nagdesisyon na magscroll nalang sa social media ko nang napatayo ako mula sa pagkakahiga ko dahil nakita ko ang pangalan ni Yeon-min sa notification ko. Inadd niya ako, nagdadalawang isip pa ako kung iaccept ko ba siya o hindi. Pero nagdesisyon nalang muna ako na iistalk siya. Kita kong may new post nanaman yung lalaki na nakatag kay Yeon-min at ito ay yung kanina lang. Pero ang nandito ay nakatingin na si Yeon-min sa camera habang dalawa silang nakapeace sign. Psh!
Binato ko kung saan ang cellphone ko saka tumayo para magpalit ng damit sa closet ko. At nang makapalit na nga ako ay kinuha ko rin agad ang phone ko saka ko binulsa sa jacket ko at lumabas na mula sa kwarto ko.
"Saan punta natin?" tanong naman ni Dan-oh.
"Dun lang," sagot ko at nagpatuloy na nga sa paglalakad palabas ng bahay papunta sa kotse ko.
Sumakay na nga ako roon at pinatakbo na ang sasakyan. Hanggang sa tumigil ako sa bar na lagi naming tinatambayan ni Kai at Dan-oh. Maggagabi na rin naman kaya bukas na sila. Ngayon ay hindi na ako kumuha ng kwarto dahil mag-isa na rin naman ako, gusto ko rin munang mapag-isa kaya hindi ko inaya ang dalawa.
Nag-order na ako ng beer sa counter at tinungga ito agad. Napalingon lang din naman ako sa entertainer na sumasayaw sa pole. Saka tumungga nanaman sa beer ko. Nang pansin ko na malagkit ang tingin sa 'kin ng isa hanggang sa tumigil siya sa pagsasayaw at naglakad patungo sa 'kin. Ako naman ay patuloy lang sa pag-inom habang tinitignan siyang papalapit ng papalapit sa 'kin.
"Hey hottie," sabi niya at pinulupot ang kamay niya sa leeg ko saka siya nagsmirk.
Napasmirk na rin siya sa 'kin saka hinawakan naman siya sa bewang, siguro nga hindi ko na alam ang ginagawa ko dahil medyo tinatamaan na rin ng alak.
"You're cute," sabi niya at dinaan ang daliri niya sa jawline ko na para bang nang-aakit.
"You're more beautiful... Yeon-min," pansin kong nainis siya sa binanggit kong pangalan.
"So may girlfriend ka na?" disappointed niyang sabi at unti-unting tinanggal ang kamay niya sa leeg ko saka tatalikod na sana pero hinabol ko pang hawakan ang kamay niya
"Wait huwag mo akong iwan Yeon-min," sabi ko pa na halatang lasing na.
"Tsk, sino ba si Yeon-min ha," naiinis na niyang tanong.
"Ako," may narinig akong nagsalita sa likod ko, nilingon ko siya at si Yeon-min pala. Tumayo na ako sa upuan ko at kumaway sa kanya.
"Oh, Yeon-min," nginitian ko pa siya.
"So ikaw pala ang girlfriend niya?" rinig kong tanong nanaman ng babae.
"Oo," sagot nito at kinuha niya ang mukha ko at hindi ko na namalayan ang mga nangyari, naramdaman ko nalang ang malambot niyang labi sa labi ko.
"Hays," padabog na sabi ng babae at bumalik na sa harapan, kung saan siya sumasayaw kanina.
"Ahm sorry kanina." Hinarap ko siya at pansin ko pa ang hiya sa mukha niya dahil sa ginawa niya kanina lang nang natumba na ako kay Yeon-min dahil na rin sa kalasingan.
Napamulat agad ako ng mata at napabangon nang maalala ko iyon. Napatingin ako sa paligid ko at napagtanto ko na nasa kwarto ako, hays ano bang klaseng panaginip yun. Napasapo ako sa ulo ko nang naramdaman ko na sumasakit ito na para bang binibiyak.
"Arghh!" sabi ko nalang sa sakit.
Nang pansin kong mataas na ang sikat ng araw. Kaya tumayo na ako pero bago pa man ako tuluyang makababa sa kusina ay pansin kong may sulat silang iniwan sa side table ko. So iniwan nanaman nila ako? Ano nga bang inaasahan mo Kyung-so, late ka nanaman kasi nagising.
Kinuha ko na ang letter para basahin. 'Nauna na kami, tulog mantika ka kasi lagi kapag nalalasing ka, may niluto akong soup pang hang-over dun, Kai pogi,' pagbabasa ko sa letter na iniwan niya. May nalalaman pang ganito. Pwede naman niyang ichat o itext.
Tuluyan na nga akong bumaba mula sa kwarto ko para makapag-almusal na. Binuksan ko na rin kung nasan siya nagluto ng soup at kumuha ng bowl para dun ako kakain. Umupo na rin ako sa hapag para makakain na. Nang natapos na rin naman akong kumain ay naghanda na ako para sa school at hinugasan ko na rin ang pinagkainan ko saka ako nagdrive ng kotse ko.
Ilang minuto lang naman bago ako makarating sa eskuwelahan at pinark na rin agad ang kotse ko sa parking lot nitong school. Nagderetso na rin muna ako sa hide out dahil namiss ko na rin naman ang ilang klase ko, at nang makarating ako dun ay nadatnan ko roon ang dalawa, himala dahil hindi nila kasama mga jowa nila.
"Buti hindi niyo kasama ang dalawa-"
"Ano nanaman 'to?" tumingin sila sa 'kin ng mataman.
"Ano yun?" tanong ko na natawa pa konti para naman hindi sila maging seryoso ng ganito.
Binigay lang sa 'kin ni Dan-oh ang cellphone at plinay ko naman ang video.
"Dalawang g**o in one day ha," sabi naman ni Kai at napatingin nalang ako sa video nang nakita ko ang eksena sa panaginip ko, so hindi yun panaginip?
Pero nang matumba ako ay kita ko sa video na pinaupo ako ni Yeon-min sa gilid at hinabol ang babae ng sabunot at hayun nga nagsabunutan na sila sa bar.
"Hindi ko naman kasalanan eh," sabi ko pa at binalik na ang cellphone.
"Kasalanan mo rin dahil nagpunta ka pa sa bar alam mo namang may klase tayo," sabi ni Kai.
"Hindi ko naman din alam na magkakaganun," sabi ko pero hindi na nila ako sinagot at nagdesisyong lumabas na muna ng hide out habang naiwan ang dalawa roon.
Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta eh basta gusto ko na lang din muna magpahangin. Ngunit sa gitna ng paglalakad ko ay nakasalubong ko si Yeon-min, pareho kaming napatigil sa paglalakad at napatingin sa isa't-isa. Kung totoo man ang nangyari sa panaginip ko handa na akong magtake ng risk. Kaya walang ano-anong kinuha ko ang kamay niya at tinangay siya paakyat sa rooftop.
"K-Kyung-so..." pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ko pero pinakawalan ko lang siya nang tuluyan na kaming nakarating sa rooftop.
"Nakita ko ang video," panimula ko. Nag-iwas lang din naman siya ng tingin. "Yeon-min-"
"Napadaan lang ako," sabi niya na hindi ako tinignan sa mata. "Huwag mong imisinterpret yung ginawa ko," sagot niya dahilan para maguluhan ako.
"Yeon-min..." sinubukan kong kawakan ang kamay niya pero nilalayo lang niya ito.
"Mas mabuti nga ito, ako na lalayo," huling sabi pa niya at tumingin na sa mga mata ko bago niya nilisan ang rooftop at naiwan ako roon na napatulala dahil sa sinabi niya.
Kung kailan handa na akong ipaglaban ang pagmamahalan namin dun pa siya sumuko...