Chapter 26: Group study

2004 Words
Yeon-min's POV Dumaan na ang Sabado at gaya nga ng sabi nila ay may group study sila ngayon habang ako ay naghihintay kay Yoo-bin dahil pingakuan ko siya na magkikita kami. Nang napatayo na ako mula sa kinauupuan ko nang natatanaw ko na siya habang kumakaway sa 'kin at nakangiti pa. Kumaway lang din naman ko pabalik. "Kanina ka pa ba naghihintay?" tanong niya. "Ahh hindi naman," sagot ko kahit na almost 30 minutes na yata akong naghihintay sa kanya. "Ah," sabi lang niya at nagsimula na siyang maglakad, syempre sumabay lang din naman ako sa kanya. "Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko, dahil sinabi lang niya kung saan kami magkikita pero hindi talaga niya sinabi kung saan kami pupunta. "Makikita mo rin," sagot niya habang nakangiti pa rin kaya tahimik nalang din ako habang sumasabay sa kanyang maglakad. Patuloy lang kami sa paglalakad, at paminsan-minsan din ay nililingon niya ako at nginingitian kahit wala naman siyang sasabihin. At para na rin hindi masabihan ng masungit, nginingitian ko na rin siya pabalik. Ilang sandali pa nga ay tumigil na kami sa paglalakad, napalingon ako sa paligid namin at may nakita akong ice cream parlor sa gilid namin. Pumasok naman na rin si Yoo-bin roon at sumunod din ako. "Upo ka na dun at ako nalang mag-oorder," nakangiti pa ring sabi niya at tinuro niya ang upuan na vacant kaya dumeretso nalang din ako doon. Hindi ba siya napapagod kakangiti? Don't get me wrong mas okay nga yung laging nakangiti pero sa lahat ng gagawin niya lagi lang siya kasing nakangiti eh. Nang nawala rin ang iniisip ko dahil nakabalik na rin siya sa table namin. "Heto oh," sabi niya at inabot sa 'kin ang binili niyang ice cream. "Thanks," sagot ko naman at tinanggap ang inabot niya sa 'king ice cream. "Bakit nga pala dito ang gusto mong pumunta?" tanong ko pa sa kanya. "Kasi lately kapag nakikita kita sa campus wala na yung ngiti na lagi kong nakikita sa 'yo nung una. Para na rin icheer up kita kung may problema ka man ngayon," sagot niya na nagpalabas ng ngiti ko konti. Kaya nagsubo na lang din ako sa ice cream na binili niya para sa 'kin. Napaisip tuloy ako kung ganito ba talaga siya kasweet. "Masarap ice cream nila dito 'di ba," tanong niya na tinanguan ko naman. Nagkwento lang siya ng mga iba't-ibang bagay hanggang sa naubos na namin ang kinakain naming ice cream. Hindi ko naman masasabing hindi ako interesado sa mga kwento ni Yoo-bin sa buhay niya pero siguro wala lang ako sa mood ngayon. "Saan na tayo?" tanong ko naman ng palabas na kami sa ice cream parlor. "Basta," sagot lang niya at nginitian ako saka ako kinindatan. Saan nanaman kaya kami pupunta? Naglakad pa rin kami ng mga ilang minuto hanggang sa nagsimula ng sumakit ang paa ko, kaya hinawakan ko ang braso ni Yoo-bin para pangsuporta sa 'kin. Lumingon naman siya sa 'kin na nag-aalala. Hayan magheels ka pa kasi Amaya. Pero maliit lang din naman ang takong ng gamit ko ngayong sandals eh. "Bakit?" tanong nito at dun lang ako naupo. "Ang sakit na ng paa ko," sagot ko lang naman. Nang pinaupo niya ako sa pinakamalapit na upuan mula sa kinaroroonan namin. "Dito ka lang muna ha," sabi nito at tumakbo kung saan. Hindi nga niya sinabi kung saan ba siya pupunta. Ilang minuto lang akong naghintay dun hanggang sa bumalik na rin muli siya nang may bitbit na plastic. "Heto, isuot mo," sabi naman niya at nilabas na ang laman ng plastic na bitbit niya habang papunta rito. Umupo siya sa tapat ko at siya mismo ang nagtanggal ng sandal ko saka niya naman sinuot sa paa ko ang comfortable na tsinelas na binili niya yata. "Oh 'di ba mas komportable," tanong naman niya. "Ah oo," sagot ko naman at tumayo na rin mula sa inuupuan ko kanina at sabing, "Thank you." Ngumiti lang siya muli sa 'kin. "Wala yun," saka sabi niya. Dahil dun ay nagpatuloy nalang din kami sa paglalakad ng mga ilang minuto lang muli hanggang sa tumigil kami sa isang maliit lang na library. "Bakit tayo nandito?" nagtataka ko namang tanong sa kanya. "Mag-aaral tayo para sa prelims," sagot naman niya. "Ayoko namang lalabas lang tayo nang hindi inaalala ang prelims natin," sagot pa niya na tinanguan ko nalang muli. Pumasok na nga kami sa loob at kita ko pa sina Seol-hee sa loob habang nagrereview na rin para sa prelims. Ahh so dito nila naisipang mag group study? "Oh Amaya," sabi ni Seol-hee nang makita akong papasok sa library. "So dito kayo mag group study?" tanong ko naman. "Ah oo, mas makakafocus kasi kami rito eh," sagot nila. "Oh hi Yoo-bin," tawag ni Seol-hee naman kay Yoo-bin. "Hi," sagot naman niya. "Yoo-bin?" nagtaka lang ako nang tawagin din siya ni Kai. "Team captain," bati naman sa kanya ni Yoo-bin. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kinakalat ko ang paningin ko sa kanila na para bang may hinahanap ako, hmm weird. "Dito kayo," sabi ni Dan-oh. "Baka kailangan nila ng moment 'di ba," sabi naman ni Seol-hee kaya umiba nalang din kami ng table at ngayon ko lang narealize na may bitbit pala si Yoo-bin na bag para sa books niya. "Dapat sinabi mo na mag-aaral tayo para madala ko rin mga notes ko," sabi ko naman sa kanya. "Hindi na kailangan," sabi niya nang pinagtaka ko at nilabas lang niya ang mga libro na part ng mga subjects ko. "Panong..." "Hindi mo man napapansin pero part ako sa bawat klase mo," sabi niya na ikinabigla ko. Seryoso?! "Hala sorry hindi kita napapansin," sabi ko naman. "Okay lang yun, baka dahil na rin madami tayong nakakahalubilong tao araw-araw," sabi niya. "Ah oo, baka nga," sagot ko lang muli. Nginitian lang niya ako at nagbuklat na nga ng libro para basahin ito. Pero actually may itsura naman si Yoo-bin eh. Kaya siguro heartthrob din siya sa school kahit na first year din siya gaya ko. "Ah Yeon-min?" hindi ko namalayang napatitig na pala ako sa kanya. Kaya dahil dun ay nagpanggap ako na nagbabasa nalang ng libro nang tumawa siya dahilan ng paglingon ko muli sa kanya na nagtataka. "Pwede ka lang tumitig sa 'kin," sabi niya na ikinababa ko ng libro na hawak ko. "Aba hindi ako nakatitig ah," palusot ko lang naman. "Nakatitig ka kaya," sabi naman niya. "Ngayon komportable ka na sa 'kin ah," sabi ko naman kaya nag-iwas lang siya ng tingin at nagkamot sa likod ng ulo niya dahil sa hiya. Nang napatingin kami sa gilid namin nang makita yung librarian at hinampas niya ang libro na hawak niya sa lamesa namin. "Ah hi po," bati ni Yoo-bin pero mukhang hindi niya gusto na makita siya dahil hindi man lang ngumiti pabalik. "Hindi allowed sa lugar na ito ang maglandian," sabi niya na nakastraight face pa rin. "Pero wala namang rule na ganun 'di ba," tanong pa rin ni Yoo-bin. "Meron," sagot lang niya. "Pinapatupad ko na ngayong araw," sabi lang niya na dahilan para maguluhan ako. Bakit pinatupad niya lang nung nakita niya kami? "Eh bakit yung mga nandun?" tinuro naman ni Yoo-bin sina Seol-hee sa kabilang table. "Hayaan niyo sila, matatanda na mga yun," sagot naman niya. "Pero magka-age lang kami ni Seol-hee," protesta ko naman. "At sumasagot ka pa ahh, mag-aral lang kayo pero walang halong landian naintindihan niyo?" tanong ng babae at nagsimula na ngang maglakad pabalik sa counter. "Parang may something sa kanya," sabi ko naman kay Yoo-bin habang nakatingin sa likuran ng librarian. "Anong something?" tanong naman ni Yoo-bin sa 'kin. "Ahh basta hindi ko maintindihan pero parang may something sa kanya," sagot ko lang muli. "Alam mo Yeon-min mag-aral nalang tayo," sabi niya kaya binuklat ko na rin ang isang libro na dala niya. At nag-aral na nga muna kami hanggang sa tumunog na ang tiyan ko. Napatingin naman ako kay Yoo-bin na nakatingin na rin sa 'kin. "Gutom ka na?" tanong niya at tinignan ko lang ang oras sa phone ko at kita kong lunch time na pala. "Halika na kain na tayo," sabi niya at inayos na rin muna ang mga libro niya na nakakalat sa table namin saka niya kinuha ang kamay ko patayo sa upuan. "Una na kami," paalam ko naman sa kanila kasi hanggang ngayon pa nga ay nandito pa rin sila. "Sasabay na kami," sabi ni Kai. "Ah sige," sabi ko naman at napatingin pa ako kay Yoo-bin at binigyan naman niya ako ng approval look. Kaya nagsiayos na rin sila ng mga libro nila sa lamesa saka sila sumabay sa 'min sa paglalakad palabas ng library. Naglakad na nga muli kami sa pinakamalapit na restaurant sa lugar na iyon. Pero napalaki ng literal ang mata ko nang nag-order pa sila ng soju. Hello, mag-aaral kaya kami tapos iinom sila? "Anong..." "Relax Amaya, gusto mo rin?" tanong naman ni Seol-hee. Aba inalok pa nga ako eh alam naman niyang hindi ako umiinom. "Kayo nalang," sagot ko naman. "Ang kj naman Amaya," sabi naman ni ate Stacy. "Umaga pa rin kaya," sagot ko pa naman. "Ah so kapag gabi gusto mo?" tanong naman ni Dan-oh. "Sinong nagsabing gusto ko?" tanong ko. "Eh sabi mo kasi," palusot pa niya. "Sige iorder niyo ako," sabi ko naman kaya nagsigawan din sila sa sinabi kong iyon except kay Yoo-bin. "Sigurado ka ba?" nag-aalala niyang tanong. "Oo naman," sagot ko lang para naman hindi na nila ako sabihan ng kj. Though sometimes nga talagang KJ ako. "Yun oh," sabi naman ni Dan-oh. Ilang sandali na nga ay dumating na ang order namin. Kumain lang sila habang nagkwekwentuhan at nagtatawanan. Tahimik lang din naman kami ni Yoo-bin. Dahil medyo na-oout of place nga kami sa kanila. Nang medyo lasing na nga sila biglang nagtanong si Kai kay Yoo-bin dahilan ng pagkabigla namin. "So Yoo-bin nililigawan mo na ba si Yeon-min?" tanong niya na halatang lasing na. "Ahh," nahihiyang sabi lang naman ni Yoo-bin. "Kawawa pa ang kaibigan namin," sabi niya saka nagshot muli at nagsimula ng umiyak. "Kai umiiyak ka ba?" natatawang tanong ni Seol-hee. "Huh, hindi ah," sagot niya kahit na umiiyak naman siya. "Umiiyak ka kaya," sabi lang naman niya. "Yung kaibigan ko kasi eh, kilala mo si Kyung-so 'di ba," tanong niya. Napaiwas naman ako ng tingin nang banggitin niya ang pangalan niya. "Mahal na mahal niya si Yeon-min eh, ilang libong taon din niyang minahal at minamahal si Yeon-min," sabi pa niya. Napatingin naman ako kay Yoo-bin, pero pansin ko na nasaktan siya sa pinagsasabi ni Kai. Hindi rin kasi uminom eh, ako naman konti lang ang ininom. "Bakit kasi ayaw pa silang hayaan ng tadhana na magsama," sabi niya na patuloy lang sa pag-iyak. "Ako ang nasasaktan sa kanilang dalawa eh," sabi pa niya na papikit-pikit na nga rin dahil sa kalasingan. Pero naguluhan lang ako sa sinabi niya kanina na ilang libong taon? Hindi naman yun dahil sa kalasingan niya 'di ba? "Lasing na talaga si team captain," sabi pa ni Yoo-bin. "Tungkol sa sinabi niya, wala akong ediya dun," pagdahilan ko naman. "Alam ko," sagot niya na ikinabigla ko. "Pano mo alam?" nagtata kong tanong. "Obvious naman na may gusto sa 'yo si Kyung-so," sagot niya. Tumingin nalang ako sa iba habang kinocomfort pa rin ni Seol-hee si Kai dahil kanina pa 'to umiiyak. Sina ate Stacy naman at si Dan-oh ay nakatulog na. Mga mahihina sa alak. Nagdesisyon na nga kaming lahat na umuwi nalang dahil nga sa lasing na rin silang lahat. At dahil hindi naman kami masyadong uminom ni Yoo-bin ay kami na ang naghatid sa kanila pero si ate Stacy lang ang hindi namin nahatid dahil hindi pa namin alam ang bahay nila saka ayaw rin niyang sabihin. Sabi rin naman niya na hindi siya masyado nakainom kaya siya nalang uuwi mag-isa. Hinatid naman na rin ako ni Yoo-bin sa bahay. "Thank you ngayong araw," sabi ko. "Anytime," sabi niya at nginitian pa ako. Kaya tuluyan na nga akong pumasok sa loob ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD