Seol-hee's POV
"Talaga bang ganyan ang kaibigan mo?"
"Hindi ko sure, lately medyo lutang na nga siya," sagot ko naman nang pareho kami ni Kai na nakatingin kay Amaya dahil nakatingin siya malayo habang nagpapalit-palit ng page sa libro ng hiniram niya sa library. Nandito kasi kami ngayon sa library, nag-yaya lang si Kai dahil isang linggo na ng ay prelims na namin kaya niyaya ko na rin naman si Amaya para may kasama siyang magreview. Wala pa naman siya sa sarili niya nung mga nakaraang araw.
"Sa tingin mo ba may nangyari nanaman sa kanila ni Kyung-so?" tanong ko.
"Hmm hindi naman na sila nagpapansinan pero lagi ko siyang nahuhuli na iniistalk ang profile ni Yeon-min sa f*******:," sagot lang niya.
"Ano naman kaya ang dahilan," tanong ko naman.
"Hindi mo ba siya tinatanong kung may problema siya?" tanong pa ni Kai sa 'kin.
"Lagi naman niyang sinasabi na okay lang siya," sagot ko naman.
"Baka nga may problema siya pero 'di lang niya sinasabi," sabi pa ni Kai sa 'kin.
"Ewan ko lang," sagot ko nalang at nagpatuloy na nga kami sa pagrereview kahit na hindi kami pareho ng mga subjects. "Tsk tsk," umiling-iling nalang ako habang nakatingin kay Amaya. Pano na siya makakafocus para sa prelims niyan.
"Amaya, punta ako maya sa bahay niyo para magreview tayo sa prelims," sabi ko nang palabas na kami sa huling subject namin ngayong umaga.
At as expected nga ay naglalakad nanaman siya ng wala sa sarili.
"Amaya!" sigaw ko sa kanya at dahil nga dun ay natauhan na siya.
"Ba't ka ba sumisigaw?" tanong naman niya.
"Alam mo Amaya kailangan mo na talagang magsabi ng problema mo, madalas ka ng wala sa sarili," sabi ko habang naglalakad na kami papunta sa cafeteria.
"Sinabi ko na sa 'yo wala akong problema-"
"Amaya!" pagbabanta ko.
"Ano ba yung sinabi mo kanina?" tanong pa niya.
"Punta ako sa bahay niyo mamaya, sabi ko," pag-uulit ko sa sinabi ko kanina.
"Ah sige lang," sabi niya naman hanggang sa tuluyan na nga kaming nakarating sa cafeteria.
At kita namin sina Kai, Dan-oh, at ate Stacy sa isang table na kumakaway sa 'min. Syempre hindi sumama si Kyung-so sa kanila dahil na rin siguro sa alam niyang kasama namin si Amaya. Nagtungo naman din kami kung nasan sila.
"Pinag-order na namin kayo," sagot ni Dan-oh.
At kita naman din namin ang pagkain sa harap namin.
"Thanks," sagot ko.
"Ayaw ba talagang sumama ni Kyung-so sa inyo?" tanong ko pa habang nasa kalagitnaan na kami ng pagkain.
"Kilala mo naman siya, medyo mapride din," sagot ni Dan-oh.
"Ahh," sagot ko nalang at pinagpatuloy ang pagkain.
Muli lang kami natahimik hanggang sa nagsalita si ate Stacy. "Ah you want to meet up this weekends para naman makapag group study tayo para sa prelims?" tanong niya.
Nakwento na rin ni Dan-oh sa 'min na nagpapanggap lang si ate Stacy dati na hindi siya nakakaintindi ng tagalog. Pero dito siya pala pinanganak pero lumipat lang sila sa Los Angeles.
"Pero 3rd year na kayo eh tas first year palang kami," sagot ko naman.
"It's okay, para na rin may kasama kayong magreview," sabi pa ni ate. Napangiti naman ako dun at hinarap si Amaya at hayun nga, wala nanaman siya sa sarili niya.
"Amaya," ngayon ay niyugyog ko na ang balikat niya.
"Ha? Bakit?" nagtataka naman niyang tanong.
"Sama tayo sa weekend group study nila?" tanong ko.
"Ahh hindi ako pwede sa Saturday," sagot niya dahilan ng pagkunot ng noo ko.
"Huh bakit naman? Hindi ka naman tumatanggi sa group study ah," sabi ko.
"Pinangako ko kasi si Yoo-bin na magkikita kami sa Saturday," sagot lang niya at nagpatuloy na sa pagsubo.
"May jowa ka na?!" pagulat na sigaw naman ni Dan-oh.
"Friend palang, 'di ba Amaya?" tanong ko at tinanguan lang ako.
Naglalakad na kami papunta sa open field nang tapos na kaming kumain at lahat naman din kami ay wala pang klase kaya nagdesisyon kami na tumambay muna rito. Umupo lang kami sa may damuhan, kasi base sa nabasa ko ay mabuti rin yung may connection ka mismo sa lupa without yung shoes mo. Nakatingin nalang kami sa mga nagsosoccer mula sa malayo.
"Ba't 'di ka na nagprapractice ng soccer?" tanong ko kay Kai dahil nung una nakita ko pa siya na nagprapractice ng soccer kasama ng mga teammate niya.
"Expert na si Kai diyan, 'di ba?" sabi naman ni Dan-oh.
"Talaga ba," sarkastiko kong tanong.
"Hindi ka naniniwala?" tanong ni Dan-oh sa 'kin. At bakit ba pinagtatanggol niya si Kai.
"Hindi," sagot ko naman na tumawa lang konti.
Nang nabigla ako dahil tumayo si Kai mula sa pagkakaupo niya at tumakbo papunta sa mga nagprapractice. Pansin ko pa ang pagkagulat sa mga mukha ng kateammate niya dahil siguro sa bihira lang talaga siya magpractice.
"Pumunta talaga siya," sabi naman ni Dan-oh at natatawa pa.
At pinapanood nalang namin siya habang nagprapractice sila at pansin ko nga na siya ang pinakamagaling sa kanila, actually ang advance na ng mga moves niya. At hanggang sa bumalik na siya muli kung nasan kami.
"Sabi sa 'yo eh," sabi niya habang pawisan na.
"Oo na," sabi ko lang naman.
Nanatili pa kami dun ng ilang minuto habang nagkwekwentuhan ng mga bagay-bagay hanggang sa hinila ko na ang kamay ni Amaya patayo nang time na para sa susunod naming klase.
"Ah time na para sa susunod naming klase, punta na kami," sabi ko.
"Sige," sagot naman nila kaya hinila ko nalang din ang kamay ni Amaya papunta sa klase namin.
"Seol-hee! May isip ako okay, hindi mo ako kailangang hilain," sabi niya at tinaboy ang kamay ko na nakahawak sa kanya.
"Alam ko naman din na wala ka nanaman sa sarili. Halika na malelate na tayo," sabi ko at kukunin na sana muli ang kamay niya nang nauna na siyang maglakad.
Naglakad naman na rin ako pasunod sa kanya. Hanggang sa pumasok na kami sa klase namin nang nakarating na kami rito and good thing wala pa ang prof namin.
Hindi ako kinausap ni Amaya buong klase namin, hindi dahil sa wala nanaman siya sa sarili niya kundi talagang iniiwasan niya ako. Pero bakit naman kaya? Nauna na siyang lumabas sa pinaghuling klase namin ngayong araw. Nakasunod lang naman ako hanggang sa tinawag ko siya dahilan para mapatigil siya sa paglalakad.
"Amaya," tawag ko. Tumigil siya sa paglalakad niya at unti-unti akong hinarap na ilang hakbang mula sa kinatatayuan niya. Nagtataka naman siyang humarap sa 'kin. Unti-unti lang din naman akong lumapit sa kanya.
"Huwag na rin muna akong punta sa inyo mamaya," sabi ko pero nakatingin lang siya sa 'kin hindi niya ako sinagot. "Alam kong may problema ka at kailangan mo munang mapag-isa," sabi ko pa. "Pero Amaya huwag mo sanang kalimutan na may kaibigan ka pa rin para suportahan at icocomfort ka, at makikinig sa 'yo kapag may problema ka man," sabi ko saka naglakad na palagpas sa kanya.
Nauna na akong maglakad at ramdam ko naman na nafreeze pa si Amaya sa kinatatayuan niya dahil sa sinabi ko. Nagdesisyon ako na mula sa school ay lakarin ko nalang papunta sa park. Ayoko na rin munang umuwi. Ilang sandali pa nga ay nakarating na ako, malapit lang din naman kasi ang school sa park at pagkarating ko dun ay kapansin-pasin na walang masyadong tao. Tahimik ang park ngayon, eh usually kasi madaming tao pero iba yata ihip ng hangin ngayon.
Naupo lang ako sa isa sa swing dun habang nag-iisip ng kung ano-ano.
"Huwag kang maooverthink sa mga bagay-bagay," napalingon ako sa likod ko at kita ko si Kai doon na nakasmirk.
Pero napaatras din ako nang mapansing sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa.
"Pano mo ako nahanap dito?" tanong ko at humarap na rin ako sa harap ko nang maupo na siya sa tabi kong swing at gaya ko ay nagswing-swing na rin siya.
"May powers ako," sabi niya na ikinabigla kong napatingin sa kanya.
At ilang sandali pa ay ikinatawa ko rin ng malakas.
"Alam mo nakakatawa yung joke na yun," sabi ko naman at sinabayan nalang din niya ako sa pagtawa.
"Pero seryoso nga huwag kang mag-overthink sa mga bagay-bagay. Si Yeon-min may problema lang siya kaya siya ganun but it doesn't mean na hindi na niya pinapahalahan ang friendship niyo," napalaki ng literal ang mata ko dahil ang sinabi niya ay yun mismo ang iniisip ko kanina lang.
"Pano mo nababasa ang isip ko?" tanong ko naman rito.
Nang lumapit siya sa 'kin ng sobrang lapit at nagsmirk pa siya sabay sabing, "secret," saka siya tumawa.
"Sabihin na!" sabi ko naman at pinalo-palo ang braso niya at siya naman ay tumatawa lang na parang nag-eenjoy siyang asarin ako.
"Hmp bahala ka riyan," sabi ko at tumayo na mula sa inupuan kong swing saka aalis na sana pero hinabol pa niya na hawakan ang kamay ko.
"Sorry na," sabi naman niya na tumatawa pa.
"Bakit ka tumatawa na nagsosorry, halatang hindi sincere," sagot ko pa at naghalukipkip sa harapan niya.
"Okay sorry na," sabi naman niya at sumeryoso ang facial expression.
Napangiti naman ako dahil dun. At bumalik na nga rin sa swing na inupuan ko kanina.
"So pano mo nga nabasa isip ko?" tanong ko muli.
"Halata naman din sa mukha mo kung anong iniisip mo," pagrason niya pero hindi eh, parehong-pareho kung anong iniisip ko kanina.
"Weh," nagdududa ko namang tanong.
"Oo nga," sagot niya kaya hindi nalang din ako nakipagtalo pa sa kanya.
"Hindi ko na nakikita si Kyung-so nitong nakaraang araw ah, pumapasok pa ba siya?" tanong ko pa.
"Ah oo pero gaya rin ni Yeon-min umiiwas siya sa lahat."
"May problema nga silang dalawa," sabi ko pa.
"Hayaan nalang din muna natin sila, hindi naman natin sila mapipilit kung mismong tadhana na ang umaayaw sa kanilang dalawa," sabi niya na pinagtaka ko.
"Huh? Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Ah wala," sagot niya.
"Hindi, meron eh dali sabihin na," pagpumilit ko sa kanya.
"Wala nga, siguro madami na rin akong nababasang libro at kung ano-ano nang pinagsasabi ko," sabi niya pero hindi ko naman iyon pinaniwalaan. Alam kong may iba siyang ibig sabihin sa sinabi niyang iyon.
Nang medyo maggagabi na nga ay hinatid na ako ni Kai sa bahay namin. At nagsabi lang siya ng good night bago siya tuluyang umuwi na rin sa kanila.
"Saan ka nanggaling? Alam mo bang nag-aalala kami rito hindi ka man lang nagtext at hindi mo pa sinasagot mga tawag namin," nag-aalala at galit na sabi ni mama.
"Ah kila Amaya lang ma, alam mo naman hindi ako nagpapaalam kapag nagpunta ako sa kanila-"
"Nagpunta ako dun pero wala ka raw," sagot naman ni mama. Lagot na ako ngayon, wala na akong idadahilan.
Nang hindi ko maintindihan dahil dahan-dahang lumapit si mama at niyakap ako.
"Ma-" napatigil ako nang marinig ko siyang pasinghot-singhot. Wait, umiiyak si mama?
"Huwag mo na ulit pag-alalahanin si mama ha," sabi niya at kumalas sa yakap.
"Ma ilang oras lang naman ako hindi umuwi eh," sabi ko.
"Kahit na, pano kung yung konting oras na yun. Kidnapin ka ulit niya?" Napalaki ang mata ko dahil sa pagtataka at pagkabigla.
"Kidnapin ulit ako? Sino?" tanong ko naman at pansin ko kay mama na nabigla rin siya sa nasabi niya.
"Ah wala, akyat ka na sa kwarto mo," sabi niya na waring iniiwasan ang topic na iyon.
"Ma sabihin mo sa 'kin ang totoo, may nangyayari ba sa 'kin nung bata ako?" tanong ko dahil sa koryosidad.
"Seol-hee akyat ka na sa kwarto mo-"
"Ma kailangan kong malaman ano yun," pagpumilit ko naman at kinapa-kapa lang niya ang pisngi ko.
"Anak, sasabihin ko sa 'yo sa tamang panahon hindi pa ngayon ha," sabi niya.
Napaisip naman ako, ano naman kaya ang ibig sabihin ni mama sa sinabi niyang iyon. Hindi ko siya sinagot at umakyat nalang din ako sa kwarto ko gaya nga ng sabi niya. Nakahiga na ako ngayon sa kama ko, iniisip kung ano nga ba ang sinabi ni mama kanina. Kinikidnap na ako dati pa? Pero bakit hindi ko naaalala. Kaya pala may pagkaover protective si mama minsan. Pero hindi pa rin mawala ang kaisipang iyon sa isip ko.