Kyung-so's POV Walang araw na hindi ko inisip si Yeon-min at wala ring araw na hindi ko siya sinubukang hanapin. Gusto ko pa rin talagang mahanap si Yeon-min kahit na anong mangyari. "Stacy?" gulat ako ng pagbukas ko palang ng pinto ay kita ko na si Stacy. Hindi ko alam na bumalik na pala siya rito. "Nandito ka?" tanong ko pa. "Kanina lang ang byahe niya," sagot naman ni Dan-oh na ikinatango ko nalang. Pansin ko rin naman na magkatabi sa iisang couch sila Kai at Seol-hee. "At alam mo bang engaged na sila," sabi naman ni Seol-hee. "Oh talaga?" tanong ko naman at pinakita lang ni Stacy ang kamay niya na nakalagay ang singsing. "Kakaiba rin 'to," sabi ko naman kay Dan-oh saka naupo na sa couch katabi ni Stacy dahil nga sa wakas ay ikakasal na siya at hindi lang puro pambwibwisit sa am

