Yeon-min's POV Nandito lang muli ako sa gilid ng lawa. Sa isang taon kasi ay dito na ang tambayan ko. Oo, isang taon na nga akong nakatira rito at inaaamin kong namimiss ko na rin sila mama, papa, lolo at si Seol-hee pero ano nga bang magagawa ko. Dito ako belong. Well may side din sa 'kin na namimiss si Kyung-so pero hindi pwede. Baka nga may iba't-iba nanaman siyang jowa per week. Hindi natin alam. Hinarap ko lang ang palad ko sa tubig ng lawa at nagform naman ito ng memories namin together ng pamilya ko at pati na rin ni Seol-hee pero nasira lang iyon nang may nagsalita sa likod ko. "Alam kong miss mo na ang pamilya mo," sabi ni Zoa na hindi ko naman nilingon. Alam niya kung gaano ko sila kamiss. Hindi ko siya inimik at nagbuntong hininga lang ako habang nakatingin sa lawa. "Alam

