bc

THE WIFE HE BURIED ALIVE

book_age18+
73
FOLLOW
1K
READ
dark
forbidden
love-triangle
family
HE
forced
stepfather
drama
bold
loser
office/work place
small town
cheating
dystopian
like
intro-logo
Blurb

Akala ni Alejandra Gallarzo ay nahanap na niya ang lalaking magmamahal at magtatanggol sa kanya si Hugo Gallarzo, anak ng isang makapangyarihang politiko. Ngunit ang inaakala niyang paraiso ay naging impiyerno.

Sa loob ng marangyang mansyon, siya ay naging bihag. Sinaktan, inapi, at binantayan na parang kriminal. Yet she endured it all, hoping that one day, Hugo would change.

Pero isang gabi, matapos siyang bugbugin hanggang mawalan ng malay, narinig niya ang malamig na utos ng asawa sa ina nito.

“Make sure no one finds her. She’s a disgrace to this family.”

At nang magising siya, siya ay nasa loob ng kabaong, buhay pa, ngunit inilibing sa gitna ng dilim.

Ngunit hindi siya namatay. A gravedigger heard her faint cries and pulled her back from death. She vanished, took a new name Denise Aranda, and began a new life as a psychologist helping abused women rebuild themselves.

Pagkalipas ng apat na taon, binalik siya ng tadhana sa lugar kung saan siya namatay at sa kliyenteng may parehong sugat na minsang naging kanya, ang bagong asawa ni Hugo Gallarzo.

At ngayong oras na ito, hindi na siya ang biktima.

Siya na ang magiging bangungot ng lalaking minsang nagbaon sa kanya nang buhay.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
TAHIMIK ang gabi, ngunit ang katahimikan ay parang halakhak ng demonyo. Sa loob ng malawak na mansion ng mga Gallarzo, tanging tunog ng ulan at hampas ng sinturon ni Hugo ang umaalingawngaw sa apat na pader ng silid. “Wala kang silbi, Alejandra!” sigaw nito, habang tinatapon ang vase na muntik tumama sa kanya. Wala siyang ginawa kundi ang umilag sa labis na takot. Nanginig ang babae, duguan ang labi, ngunit pinilit pa rin niyang magsalita. “Please… Hugo, tama na…” Ngunit lalo lamang tumindi ang galit ng lalaki. Lumapit ito, hawak ang kanyang buhok, at sa malamig na boses ay bulong na may halong poot. “Ang pangalan ng pamilya ko, pinapahiya mo. Malandi ka! You think you can just leave me? You are mine, Alejandra. Mine!” Nang gabing iyon, ang mga sigaw niya ay nalunod sa buhos ng ulan. At sa unang pagkakataon, naramdaman ni Alejandra na kahit ang Diyos ay tila lumayo. Akala niya si Hugo na ang magmamahal sa kanya habang buhay, gwapo, mayaman, makapangyarihan. Sinagot niya at pinakasalan ang lalaki sa pag-aakala na ito na magmamahal sa kanya ng totoo sa kabila ng kanyang nakaraan pero nagkamali siya dahil ginagawa nitong impyerno ang kanyang buhay. Konting pagkakamali masasakit na salita ang natatanggap niya at kung mamalasin pa at pananakit. Wala siyang puwang sa mundo ng mga Gallarzo. Ginamit lamang siya nito para sa sariling interes. Kunwari ay mapagmahal na tao pero ang totoo ay demonyo si Congressman Hugo Gallarzo. Halimaw ang pamilya nito. Noong una, si Hugo ay tila larawan ng perpektong lalaki — matalino, magalang, at may mga salitang kayang magpakaba sa puso ni Alejandra. Nakilala niya ito sa isang charity gala kung saan siya ay staff lamang na nag-aasikaso ng mga bisita. Pagod na pagod siya nang mapansin ni Hugo, ang anak ng kilalang politiko na si Governor Gallarzo. Lumapit ito sa kanya, bitbit ang ngiting tila nakapagpapalimot sa lahat ng sakit ng nakaraan. “Hindi mo dapat ginagawa lahat mag-isa,” sabi nito habang inaabot ang isang basong tubig. “You deserve to be taken care of.” Hindi niya mapigilan ang hindi mapangiti. Sino ba naman kasi siya para hindi mapangiti? Isang Gallarzo ang lumapit sa kanya. Para kay Alejandra, sanay na siya sa kawalang pansin ng mundo, kaya’t ang mga salitang iyon ay tila apoy na muling nagpasigla sa kanyang puso. Simula noon, araw-araw ay pinapadalhan siya ng bulaklak sa kanilang bahay, ng mga mensaheng puno ng pangako.. Minsan pa nga, dumadaan si Hugo sa opisina niya, magdadala ng kape, o kaya’y mag-aalok ng sakay pauwi na hindi niya naman tinanggihan dahil talagang napabait nito. Ang swerte niya raw dahil siya ang gusto ni Hugo sa dami ng babae sa kanilang probinsiya sa Ilocos. Nang una siyang yayain nitong mag-date, nagdalawang-isip siya. “We’re from two different worlds, Hugo,” mahina niyang sabi. Ngunit ngumiti lang ito at marahang hinaplos ang kanyang pisngi. “Hindi ako ang lalaki na nababagay sayo. Isa pa, alam mo naman siguro ang nakaraan ako? Iniwan ako ng lalaking dapat ay pakakasalan ko. Iskandalo lamang ang ibibigay ko sayo,” ani pa ni Alejandra. Iniwan siya ng nobyo na sa simbahan. Sa araw mismo ng kanyang kasal. Si Levi Villega, ang lalaking nagdala sa kanya ng kahihiyan. “Then let me be the bridge between them. I don’t care about the world, Alejandra. I only care about you. Anuman ang nakaraan mo ay tatanggapin ko. Hayaan mo na ako ang maging dahilan para mawala ang lahat ng kahihiyan ng nakaraan na yun. Ibibigay ko sayo ang lahat, ang pangalan ko. Ang mundo ko.” At doon siya bumigay. Doon niya piniling paniwalaan na kahit siya, na isang babae lamang na may mga pilat ng kahapon, ay maaaring mahalin nang buo. Mabilis ang naging takbo ng lahat, ilang buwan lang, inalok na siya ni Hugo ng kasal. Sa harap ng simbahan, sa harap ng mga bisita, sa harap ng Diyos, narinig ni Alejandra ang mga salitang magbabago ng kanyang buhay. “I promise to love you, protect you, and cherish you, for the rest of my life,” sabi ni Hugo habang nakatingin sa kanya. At sa kanyang puso, naniniwala siyang iyon na ang simula ng kaligayahan. Wala siyang kamalay-malay na ang halik na ibinigay ni Hugo sa altar ay hindi tanda ng pag-ibig, kundi ang unang selyo ng kanyang pagkakakulong sa isang buhay na puno ng takot. Sa mga unang linggo ng kanilang pagsasama, mabait si Hugo. Laging may bulaklak sa almusal, may mga yakap sa gabi, at may mga bulong ng, “I’m the luckiest man alive.” Ngunit unti-unti, napalitan iyon ng mga malamig na tingin, ng mga salita na tila punyal, at ng mga kamay na dati ay humahaplos ngunit ngayon ay nananakit. At sa tuwing lalapit si Alejandra para humingi ng paliwanag, ang maririnig lang niya ay, “Don’t make me angry, Alejandra. You know what happens when you do.” Sa loob ng marangyang silid ng mga Gallarzo Mansion, nakaupo si Alejandra sa gilid ng kama habang marahang inaayos ang kanyang maliit na handbag. Tahimik niyang binitiwan ang isang malalim na buntong-hininga bago lumapit sa asawa. Si Hugo ay nasa harap ng salamin, nagsusuot ng cufflinks habang nakasuot ng mamahaling barong. “Hugo,” mahinahon niyang sambit. Bahagyang lumingon ang lalaki, malamig ang tingin. “What is it this time, Alejandra?” sagot ng asawa na walang emosyon. “May inimbita sa aking charity event si Elvira sa Manila. It’s for the women’s shelter, and they’re short of volunteers. Gusto kong tumulong kahit isang gabi lang.” Tumigil sa pagsusuot ng relo si Hugo. Mabagal siyang lumingon, ang kanyang mga mata ay tila nagliliyab. Alam niyang galit na naman ito. “Charity?” aniya, puno ng sarkasmo. “And since when did you start asking for permission to leave this house?” “Nagpapaalam naman ako ngayon, Hugo,” mahinang sagot ni Alejandra, pilit pinananatiling mahinahon ang tono ng boses. “It’s just for a few hours. I just want to—” “—to what? To parade yourself in front of those men in suits?” singit ni Hugo, sabay lapit sa kanya. Napatras si Alejandra, nanginginig. “Hindi naman ‘yon ang ibig kong sabihin.” Hinawakan ni Hugo ang braso niya, madiin. “You don’t need to go anywhere. Everything you need is right here. Asawa kita Alejandra. Kapag sinabi ko kung dito ka lang sa bahay ay dito ka lang.” “Pero, Hugo,” nagmamakaawa na siya ngayon, “matagal na akong hindi lumalabas. Gusto ko lang makatulong, kahit sandali lang. Elvira said—” “I don’t care what Elvira said!” sigaw ni Hugo, at sa lakas ng boses nito ay tila gumuhit ang takot sa dibdib ni Alejandra. “You are my wife. People will talk if they see you without me. You understand that?” Namilog ang mga mata ni Alejandra, pinipigilan ang pagpatak ng luha. “I’m not your property, Hugo… I’m your wife. Minsan lang naman ito. Isa pa, hindi lang naman kung sino ang kasama ko.” Tumawa si Hugo, isang malamig na tawa na walang bahid ng saya. “Don’t fool yourself, Alejandra. Being my wife means you represent my name. And I won’t let you ruin it. Hindi kita pinakasalan para sirain nag pangalan ko. Naiintindihan mo ba?” Tinalikuran siya nito at kinuha ang kanyang coat. Sa pinto, huminto pa ito at tumingin pabalik. “Cancel your plans. If you step outside this house, don’t bother coming back.” Naiwan si Alejandra sa gitna ng silid, nakatitig sa pinto habang unti-unting sumasara ito. Ang katahimikan ay bumalot sa paligid, tanging patak ng ulan sa labas ang naririnig niya. Tahimik niyang binitiwan ang handbag at napaupo sa sahig. “What happened to the man who once said he’d protect me?” bulong niya sa sarili, habang pinupunasan ang luha sa kanyang pisngi. Ang mga salitang “You are my wife” ay unti-unting nagiging panganib sa pandinig niya at sa gabing iyon, naramdaman ni Alejandra na hindi na siya asawang minamahal, kundi bilanggong pinananatiling buhay lamang para magsilbing tropeo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.5K
bc

His Obsession

read
105.0K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Under The Rose: THE MAFIA'S FORBIDDEN DESIRE ( SPG )

read
8.0K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.3K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.5K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook