Biglang sumiklab ang isang plano sa isip ni Alejandra. Naghintay lang siya ng tamang pagkakataon, tamang-tama naman nagpaalam si Hugo na may meeting sa labas at iniwan siya sa opisina…Huminga siya ng malalim, pinalapit ang upuan sa malaking mesa, at ginamit ang pribilehiyong mayroon siya bilang asawa para makapasok sa font of files na iiwan ni Hugo sa kanyang computer. Dahan‑dahan niyang binuksan ang mga folder na puno ng project proposals at mga accounting sheets na tinawag nilang “ghost projects.” Pinili niya ang pinaka‑malalaking files, mga contracts, fake invoices, at internal memos at inihanda para i‑export. Kinopya ang mga dokumento at ipinadala sa sarili niyang email bilang backup… I need proof, bulong niya sa sarili. Matapos makapagpadala, hindi siya nagmadali. Maingat niyang bin

