Papasok na naman ako sa trabaho dala ang sobrang bigat na mga papel.Kailangan ko kasing maipasa 'to ngayon kaya minadali kong tapusin.
'Uy.beshy alam mo na bang darating na ang bago nating boss.Sabi nila gwapo daw kaso medyo masungit nga lang.Sabay busangot ng mukha.Pabulong ni Allyson na matalik kong kaibigan at katrabaho.
'Pssst.Ano ka ba mamaya may makarinig sayo isumbong pa tayo.Marami pa namang sipsip dito.'
Naka ugalian na namin na mag chikahan habang naglalakad patungo sa loob ng office.
'Sam,baka gusto mo munang magkape.Alok ni Greg na may dalang kape.Isa rin sya sa matalik naming kaibigan ni Allysson.Madalas nga lang mag bangayan ang dalawa pag naku-kwentuhan.Ewan!Ganito na talaga ang dalawang 'to.
'Grabe ka Greg.Si Samantha lang.Eh.Paano naman ako?Naka simangot na mukha at kunwari pang nag tatampo si Allyson.
'Heto.Sayong sayo na to.Napilitan pang iabot ang kapeng hawak hawak ni Greg..
Maingay kami.Ay este yun dalawa lang pala.Nadadamay lang ako sa kaingayan ng mga best friends ko pero okey lang masaya silang kasama at hindi boring.
Natahimik ang lahat at nag tayuan sa kani-kanilang upuan ng papasok na ang bago naming boss.Pagbungad sa pinto laking gulat ko ng makita ko si Lorenzo.Noong una syempre nagtaka ako kung bakit sya nandoon?Nang ipakilala na sya ng Director namin.Hindi na ako nag taka pa na si Lorenzo De Silva ang boss ko.Hay!Hirap paniwalaan pero totoo,eh.Araw-araw ko syang makikita sa trabaho pati sa Mansyon.Okey na sanang amo ko na lang sya sa Mansyon pero pati ba naman rito.Napa isip tuloy ako na baka mamaya dalhin nya pa rin ang pang aasar nya sa akin dito.Kapag nangyari 'yon baka magresign na ako.Bahala na.Hindi ako papa apekto sa kanya di ako papayag na mapaalis nya lang ako sa kumpanya dahil sa pang iinis nya sa akin.
'beshy.sya ba yung Lorenzo'ng kinukwento mo sa amin.?tanong ni Allysson.
Tumango na lang ako.sabay umupo at padabog dabog pang inaayos ang mga papel.Na iinis ako,sobra.
Nakatitig lang ang dalawa sa akin pinagmamasdan ang itsura ng mukha ko.
'Tigilan nyo akong dalawa baka matunaw ako sa pinag gagawa nyo eh...