Hindi ko lubos maunawaan kung bakit hindi man lang ako kinumusta ni Lorenzo.Ako hindi nakalimot samantalang sya ganoon na lang kadali na makalimot.Magtataka pa ba ako siguro nga may nakilala na sya kaya nag mamaangan na lang sya na hindi nya ako kilala baka masaktan lang ako.
Bakit gising ka pa?tanong ni Sir David na nakakatandang kapatid ni Lorenzo.
'Hindi po kasi ako makatulog.Mag papahangin lang po ako saglit sa labas.Tumungo ako sa pinto.Nakatayo at nakatingin sa mga bituin.Pag naalala ko si itay parati kong ginagawa ito.Medyo napapaluha na ang mga mata ko sa sobrang dala ng lungkot at pag kasabik na mayakap at makita si itay.Hindi ko namalayan na nakatayo at nakatingin si Nanay sa akin.
'Samantha.Anak iniisip mo na naman ang tatay mo nuh!?Tumabi sa tagiliran ko si nanay.'Alam mo ba Paeng na mis miss ka namin ng anak mo.Sana nga kasama ka pa namin hanggang ngayon para edi sana buo pa tayo.Ikaw naman kasi hindi ka lumaban sa sakit mo bumitaw ka agad.Mga sambit ni Nanay na may luha sa mata.Hindi ko na rin napigilang mapaiyak.Mahigpit kong niyakap si Nanay.Hinawakan nya ang mukha ko pinunasan ang luha sa aking mukha.
'Oh sya.Pumasok ka na sa loob at matulog.May trabaho ka pa bukas,hindi ba?aniya
'Oho.papasok na.kayo din po matulog na.Pumasok na ako sa loob ng Mansyon ng masalubong ko si Lorenzo.Nakayuko ang ulo ko nahihiya kasi akong tumingin sa kanya at makita akong namumula ang mga mata.
'Ooopps.Wait.Pinaiyak ka ng boyfriend mo nuh?tanong nitong nakaturo sa akin.Napahinto ako.
Hindi ako makapagsalita nakatingin lamang ako sa kanya.
'Sabi na nga ba,eh.Tama ako.dagdag pa nyang wika na akala mo'y may alam sya.' Ewan ko sayo.Sabay lakad palayo sa kanya.
Talagang inaasar at ginagalit ako ni Lorenzo.Halos hindi nya nga alam na isa sa mga nanligaw sa akin hindi ko sinagot kasi umaasa pa rin ako sa kanya.Mali na naman pala ako.Naghintay lang ako wala.Inisip ko na baka pagdating nya sabik di syang makita ako pero hindi pala.Sinubukan nya talaga ang pasensya ko,eh..