“HI.” Bati ni Zach sa kanya ng makasabay niya ito sa grocery store na nasa loob ng subdivision. Agad siyang napangiti ng makita ito, well, he is really refreshing kasi palagi itong nakangiti. “Hello, shopping?” sinulyapan niya ang laman ng cart nito at napangiwi siya ng makitang puro de lata ang laman niyon at mga cup noodles. “Single men and their habit of fast and processed foods.” Tumawa ito sa sinabi niya. “Guilty as charged, I don’t know how to cook.” “Magluluto ako ng sinigang tonight kasi paborito ng mga bata, gusto mong suMamang magdinner sa amin?” “It’s that an invitation?” “You got it.” Nakangiting ani niya, she can’t really blame it. Palagi kasing nakangiti si Zach kaya hindi niya maiwasan na ngumiti din

