“HI.” Kiming bati ni Eon ng mabungaran niya ito kinabukasan. May bitbit itong isang basket na puno ng prutas habang sa likod nito ay ang driver nito na nagdala ng mga pinamili nito para sa kanila noong nakaraang gabi. “Nasaan ang mga bata?” “Natutulog pa sila.” Linakihan niya ang pagbukas ng pinto upang makapasok ito, kanina pa siya gising dahil hindi rin naman siya nakatulog ng maayos dahil na rin sa pag-iisip niya tungkol dito at sa mga bata. Pumasok naman ito kasunod ang driver, ibinaba ng driver ang mga pinamili nito sa sahig habang siya ay pumasok sa kusina upang kumuha ng kape. “Okay na ba sila?” nakasunod na pala ito sa kanya. “You don’t have to follow me Eon hintayin mo ako sa sala.” Malamig niyang turan dito habang nagtitimpla ng

