MEDYO masakit ang ulo ni Aleeyah nang magising, she can’t really say she woke up when she can’t even remember what time she fell asleep or did she even sleep? Paano siya makakatulog ng matino kung kung sa isip niya baka maidlip siya ay kinuha na ni Eon ang mga anak niya. Paranoid na kung paranoid pero ganoon naman talaga ang mga ina sa mundo. “Mama,” ungot ni Paris sa kanya habang si London naman ay nakadagan na sa kanya. “Weewee.” “Punta tayo sa CR ‘nak.” Nang bumangon siya ay agad din na bumangon din si London at sumunod sa kanila. Pagkatapos umihi ni Paris ay si London naman ang sumunod, naghugas sila ng mga kamay ng may kumatok sa pintuan at bumukas iyon. Wala siyang pakialam sa hitsura niya nang tingnan niya ang pumasok at tila natauhan siya at bigl

