ALAM niya na sobrang laki ng kasalanan niya at tanggap naman niya ng sumbatan siya ni Eon na sana ay agad niyang sinabi ang problema niya, na sana ay agad niyang sinabi dito ang tungkol kay Quentin sana ay hindi na sila umabot sa ganito. Alam niyang galit ito sa kanya at hindi niya ito masisisi. Mas naguilty pa nga siya ng sabihin nitong wala itong pakialam kung totoong may nangyari man sa kanila ni Quentin noon, kung bakit ba naman kasi hindi niya maalala kung may nangyari ba talaga sa kanila o wala. Nasa bahay pa rin siya nito, bigla kasi itong pumasok sa silid nito kaya naiwan siya sa sala at kahit na gusto niyang umalis ay natatakot siya. Natatakot siyang baka kapag iniwan na niya ito ay wala na siyang balikan pa dahil tuluyan na itong iiwas sa kan

